Chapter 2: Mysterious Invitation
Chapter 2: Mysterious Invitation
Raven
Naging maayos naman ang mga sumunod na araw ko, wala namang pagbabago at hindi ko na masyadong iniintindi ang mga sinabi sa akin ng matanda, Inisip ko na lang na baka medyo baliw lang yung matanda.
Papasok na ako sa school, kinakailangan ko mang huminto para sa susunod na semester, gusto ko pa rin naman matuto. Gusto kong tapusin ang semester na ito para sa mga kaibigan ko.
Isang tipikal na araw lang naman ito, nag-discuss ang mga professor namin. May biglaang quiz din na hindi ko alam dahil ibinenta ko yung cellphone ko no’ng nakaraang araw upang may pambayad kami sa kuryente.
Tapos na ang klase at iniligpit ko na ang mga gamit kong nakapatong sa lamesa. "Raven sama ka? Magbi-videoke kami!" Pagtatawag sa akin ng kaibigan kong si Jacob.
"Pass muna ako ngayon, maaga akong pinapauwi ng mama ko,” Sabi ko sa kanya at mabilis niya naman itong naintindihan dahil alam niyang gipit ang pamilya ko ngayon.
"Uuwi ka na?" Pagtatanong sa akin ni Crystal at simpleng tango na lamang ang aking nagawang sagot sa kanya. "Ingat ka."
Kaibigan ko rin si Crystal kahit magkaiba kami ng barkada, maganda itong babae at may bilugang mata. Nasa 5’2 ang height nito at parang inosente tingnan ang dalaga.
"Ikaw ba, hindi ka pa uuwi?" Pagtatanong ko sa kanya habang inililigpit ko ang aking mga gamit.
"Hindi pa, gagala pa kami sa SM kasama sina Noreen." Sabi niya sa'kin at nag-wave pa siya bago tuluyang umalis.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Pag-uwi ko na naman ay sasalubong na naman sa akin ang maraming problema.
Ganito naman lagi, kapag kasama ko ang mga kaibigan ko sa school ay nakakalimutan ko panandalian ang mga problema ko. Pero pag-uwi ko... Problema agad ng sasalubong sa akin.
Minsan nga ay hiniling ko na sana ay ibang tao na lang ako, yung tipong malayong-malayo sa sitwasyon ko ngayon. Gusto ko yung nakakatikim ng masasarap na pagkain kahit walang okasyon o kaya naman kahit yung walang iniintindi gaya ng mga utang.
Habang naglalakad ako ay bigla akong natalisod kaya naman muling bumuka ang sira ng sapatos ko. "Malas." Mahina kong bulong sa aking sarili.
Feeling ko ay ayaw sa akin ng diyos, bakit ba nangyayari sa akin ang mga kamalasang ito. May nagawa ba akong mali kaya hindi ako tanggap ng diyos bilang anak niya?
Mas pinili kong hubarin ang aking sapatos upang hindi ito mas lalong masira at naglakad ako ng nakayapak hanggang sa sakayan ng jeep. Nakakatawa but I really did it.
Nakauwi ako sa amin na latang-lata. Habang naglalakad ako tungo sa direksyon ng aming bahay ay may isang kahon ang pumukaw ng aking atensyon. "Sino naman ang mag-iiwan ng regalo sa tapat ng bahay namin?"
Dahil nga bandang alas-tres ako nakauwi ay wala pang tao sa bahay. Si mama ay naglalako ng kakanin samantalang ang kapatid kong si Rhian ay mamaya pang alas-kwatro ang uwi.
Naisip kong baka sa kapit-bahay namin 'to at hindi para sa amin. Dinampot ko ito at tinignan sa iba't ibang sulok upang makita kung para kanino ito.
To: Mr. Raven Alva
From: The Game
Binasa ko ang maliit na card sa gilid. Para sa akin? Sino namang tanga ang biglang magreregalo sa akin?
Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka naman may nagpa-prank sa akin na kapit bahay pero wala.
Hinubad ko ang sapatos ko at pumasok sa loob ng bahay namin habang bitbit ko ang regalo. Inalog-alog ko pa ito upang malaman kung ano ang laman.
Ipinatong ko muna ito sa lamesa at saglit na nagtungo sa aking kwarto upang magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay muli kong pinagtuunan ng pansin ang regalo.
Tinanggal ko ang wrapper nito at isang kahon ang bumungad sa akin.
Binuksan ko ang kahon na nagpabigla sa akin.
Once you opened the box, you're an official player of the Killer game.
Iyan ang sulat na nakalagay. "Killer game? What a lame kind of show." Hindi ko maiwasan na matawa o mapangisi sa aking nabasa. Kinatikot ko pa ang box.
Name: Raven Alva
Game role: Police
You’re not allowed to tell anyone about your role in the game because starting from this day, the game already started.
"Ang galing ng nakaisip ng prank na 'to. Halatang walang utak," Inilagay ko muli lahat ng gamit sa kahon at itinapon ito sa basurahan. "Walang kwenta."
Dahil sa badtrip ko sa buong araw buhat nung nasira ang aking sapatos ay idinaan ko na lang ito sa pagtulog. Sleeping is my only escape in reality.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top