Chapter 17: Night 5
Chapter 17: Night 5
Tomy
Malapit na naman palang magdilim at hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga kasamahan namin ang hindi pa nakaka-get over sa mga pangyayari kanina. Who would thought that isa si Terrence sa mga pumapatay?
Habang naglalakad ako ay nakita ko si June na nakaupo sa hindi gumagalaw na anchors away. Bakas sa mukha nito ang pagkalungkot at pagkadismaya.
Kung mayroon man ang tao ang pinaka-apektado ngayon, iyon na marahil si June. Sa buong araw ngayon ay wala siyang ibang ginawa kun'di ang ipagtanggol ang kaibigang si Terrence. Ipinagtanggol niya ang tao na akala niya ay nasa tama.
“June!” Umupo ako sa kanyang tabi, tiningnan niya ako ngunit bumalik ulit siya sa pagkakadukdok.
“Bakit mo ako kinakausap? Dapat ay galit ka sa akin. Isa ako sa mga nagtanggol sa kanya,” Malungkot niyang sabi.
“Kung kaibigan ko rin naman ang malalagay sa gano’ng sitwasyon ay gagawin ko rin ang inyong ginawa. This is a game, lahat tayo ay pwedeng magkamali.” Nakangiti kong sabi sa kanya, gusto kong pagaanin ang loob niya kahit papaano.
“Sorry,”
“No, June, ‘wag kang mag-sorry. May oras ka pa para itama yung pagkakamali mo.” Sabi ko bago ako naglakad paalis.
Pumunta ako saglit sa kwarto ko upang maghanda sa nalalapit na laro.
"Tomy tara na, malapit ng magsimula ang laro," Sabi ni Cedric sa akin, sa tagal ko sa larong ito ay tanging si Cedric at Coby lang ang itinuturing kong kaibigan.
Parati ko lang naman inaasar si Stacy pero hanggang ngayon ay hindi pa siya karapat-dapat sa tiwala ko. I remembered how she pulled me down during the first day and based on her attitude, hindi malayong magawa niya ulit ang bagay na iyon.
“Naghintay kayo? Sorry,” Nabigla ako nung biglang may bumatok sa ulo ko. Si Jessie. “Aray! Tomboy ka talaga!”
"Suntukin kaya kita." Sagot niya sa akin. Hindi naman halata sa katawan ni Jessie ang pagiging tomboy dahil na rin babae pa rin ito manamit.
Natuloy ang aming masayang asaran hanggang pababa ng lobby.
No'ng makumpleto kaming lahat ay ilang minuto rin tumagal ang aming pag-uusap hanggang sa tuluyan ng tumunog ang bell. Hudyat ito na magsisimula na naman ang isang demonyong laro.
Saglit akong napatitig kay Owen... Ano bang mayroon sa lalaking ito? Kung pagmamasdan ko naman siya parang ang imposible niyang umangat sa ibang manlalaro lalo na't parati niyang pinagmumukhang tanga ang kanyang sarili. But when it comes on investigation, there's like a beast waking up inside his body.
"Players the game will start after 5 minutes, please prepare yourselves!"
Sa pagkarinig namin sa misteryosong tinig ni Amanda ay agad kaming tumayo sa komportable naming mga puwesto.
“The doctor decided to save Owen Garcia tonight!”
A little smirked formed on my lips. The doctor knows to play this game, he or she saved the most important person in this game. Hindi naman ako gano'ng katanga para hindi malaman ang mga taong may role sa laro. May hinala na ako sa bawat katauhan pero mananahimik muna ako.
Isa-isa na kaming tumayo, and this is the first time na walang naging violent reaction sa taong iniligtas ngayon ng doctor. Alam ng doctor na pag-iinitan ng killers si Owen kaya nita ito niligtas.
"Be careful babe," Sabi ko sa tabi ni Stacy at inirapan niya na naman muli ako.
“Kadiri ka!” Maarteng sabi niya at lumabas.
Bago ako lumabas ay saglit akong napatingin kay Shane, ngumiti ito sa akin. "Owen, break your leg!"
Napailing na lang ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ni Shane, "Break a leg 'yon Shane. Next time 'wag ka ng gagamit ng idioms."
***
N
ICK
Sa totoo lang ay mas gusto ko pang magnakaw na lang ulit sa bangketa ke’sa laruin ang demonyong laro na ‘to. Cursed that Amanda Matsui! Siya ang nagdala sa akin dito.
Yung tungkol kay Terrence, fuck that guy! Halos sa buong pananatili niya sa laro ay kami-kami ang magkakasama nina June. Yung ngiti niya? Buong akala ko ay totoo iyon pero kagaya ng nangyari kay Eba’t Adan, naloko lang kami ng isang demonyo.
Ang mga demonyo ngayon ay wala ng sungay at buntot, bagkus ay nasa tabi mo na lang pala at dinadala ka sa impyerno paunti-unti.
tatlumpung minuto na ang lumilipas ng magsimula ang laro. It's quite scary to stay alone in this place kaya naman lagi kong kasama si Kim sa pagtatago. "Talasan mo lang ang pandinig mo, once na may narinig kang ingay tatakbo na tayo," Paalala ko kay Kim.
“Ilang beses mo nang sinabi ‘yan, Nick.” Natatawang sabi ni Kim.
“Pinapaalala ko lang.” Sabi ko sa kanya. Masarap kasama si Kim dahil marami kaming bagay na napag-uusapan. Oo, nung una I will admit it, pabigat ang tingin ko sa kanya pero hindi naman pala.
Nakatago lamang kami sa lumang bodega ng parkeng ito. Karamihan sa mga nakatambak dito ay mga costumes at mga pinaglumaang rides.
Habang nakaupo kami ay bigla kaming nakarinig ng isang ingay. Mukhang isinara ang pinto ng bodega. "Sino 'yon?" Mahinang bulong bi Kim sa akin pero bagkus na sagutin ko siya ay mabilis ko siyang hinablot.
"May ibang tao," Sabi ko at dahan-dahang kumuha ng isang monoblocks para gamitin pandaan sa isang butas sa bandang itaas ng pader. "Kailangan na'ting makaalis dito."
Mabuti na lamang ay may kalakihan at medyo may pasikot-sikot ang lugar na ito kaya naman mayroon kaming sapat ng minuto para makatakas. Pinatayo ko si Kim sa upuan at tinulungan siyang makalabas sa maliit na butas. "Bilisan mo Kim susunod ako sa'yo."
Napatigil siya sa pag-akyat at napatitig sa akin. "Mag-iingat ka,"
May narinig na naman kaming ingay pero sa pagkakataong ito ay mas malakas na iyon kaya naman napilitan akong itulak si Kim palabas.
Naiwan akong mag-isa sa bodega at tanging mabibigat ko lang na paghinga ang maririnig. Mas pinili kong manatili muna sa lugar na ito upang magkaroon ng sapat na oras si Kim para makatakbo papalayo.
Naglakad ako paunti-unti, gusto kong masilip ang mukha ng taong pumasok sa bodega. Kailangan kong maging matapang sa pagkakataong ito. Hinubad ko ang aking sapatos at medyas na lang ang suot ko, mas wala kasing ingay kapag ganito ang ginawa.
Sinundan ko ang mahinang ingay na unti-unting lumalakas habang papalapit ako. Nasilayan ko ang taong gumawa ng ingay—Si Tomy.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya kahit na nanginginig ang aking boses. Syempre kailangan ko pa ring maging handa, pwede rin kasing si Tomy ay isa sa mga killer.
"Nagtatago, bakit ikaw?"
"Ba't mo pa sinara yung pinto ng bodega?"
“Alangan naming pabayaan kong bukas ‘yan e’di nalaman ng killer kung nasaan ako.” Sabi niya at may punto naman siya. Agad na pumasok sa utak ko kung kumusta na si Kim, tumakbo ako palabas upang hanapin siya.
***
KIM
Ang sakit ng likod ko sa ginawang pagtulak sa akin ni Nick.
"Wrong move para sa inyo ni Nick," Bigla na lamang may isang makapal na kahoy ang humampas sa aking ulo. Umikot ang aking paningin at nanlabo, nasilayan ko pa ang mukha ng taong gumawa sa akin no'n. Bakit niya 'to ginagawa?
Nagising na lamang ako na nasa loob kami ng horror house. "Tulong!” Malakas kong sigaw pero imposible yatang may makarinig sa akin dahil kulob ang lugar na ito.
"Boo!" Nagulat ako ng bigla siyang lumabas sa aking harapan. Ibig ko siyang sampalin ngunit hindi ko magawa dahil nakatali ang kamay at paa ko sa Isang manipis na poste.
"Hayop ka," Sabi ko sabay dura ng laway sa kanyang mukha.
"Hindi ako hayop... Demonyo ako." Wika niya sa akin at isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. "I will make sure na magdudusa kayong lahat sa aking kamay."
Bigla siyang may inilabas na isang matalim na itak na mukhang kanina pa nakatago sa isang gilid. No'ng makita ko ang itak ay doon lang ako nakaramdam ng kaba.
“Kinakabahan ka na, Kim? Ipapakita ko sa’yo kung gaano kademonyo ang mafia,” Nilaro niya ang itak sa kanyang kamay. Ipinatong niya ang talim ng itak sa aking braso at pinadaan ito hanggang sa aking kamay. Doon ako napakagat ng ilalim na labi ko dahil sa sakit. Nagsimulang umagos ang dugo mula sa aking braso.
"Nakita mo na siguro kung gaano katalim ang itak na ito?" Sabi niya sa akin.
Binitawan niya ang itak at kumuha ng isang lubid, pilit niyang sinasakal ang aking leeg. “Mamatay ka na, Kim!” Paulit-ulit niyang sigaw habang tumatawa.
Mas dumiin ang kanyang pagsakal at nahihirapan na akong makahinga. “T-tama na!”
Binitawan niya ang aking leeg at dinampot ang itak, itinapat niya ito sa aking tuhod. “Kim, gusto mo bang unahin natin ‘to?"
Mabilis akong umiling pero hindi niya ako pinakinggan. Ibinuwelo niya ang kanyang kamay sabay itak sa aking tuhod. Doon na ako tuluyang humagulgol ng iyak at nagsisigaw. Ramdam na ramdam ko kung paano humiwalay ang aking tuhod sa aking katawan.
Nagsimulang rumagasa ang pulang likido mula sa aking katawan. “Gusto mo bang isunod natin ‘to, Kim?” Tinapat niya ang itak sa aking kaliwang balikat.
“Ayoko!” Pagmamakaawa ko. Hindi niya ako pinakinggan. Napapaiyak na lang ako sa sakit dahil ramdam ko kung paano niya hinihiwa ang kaliwang balikat ko. Dugo. Puro dugo ang makikita sa buong paligid.
Dahil sa tindi ng pagkakasigaw ko ay may dugo na itong kasabay na lumalabas. "Ang makita kang nasasaktan Kim, para na rin naming naipaghiganti si Terrence."
Gusto ko siyang sabihan ng masasamang salita ngunit para akong napipe ng panandalian. "Gusto mo na bang matapos ang lahat?"
Ipinadaan niya ang talim ng itak sa aking tiyan. Inihinto niya ang tulis nito sa aking puson. Ngumiti muna ito ng mala-demonyo bago tuluyang ibinaon ang itak sa aking puson. Walang tigil sa pagragasa ang aking mga luha. Kulang ang salitang demonyo sa kasamaan niyang taglay.
Nilakihan niya ang hiwa sa aking tiyan at ginamit ang kaliwang kamay niya para paglaruan kung ano ang nasa loob ng aking tiyan. Wala siyang awa.
"Tapusin na nga na'tin 'to Kim, ayoko ng makipaglaro sa'yo kasi ang dumi-dumi mo na." Wika niya at itinapon ang hawak miyang itak. Muli niyang hinawakan ang lubid at isinakal sa aking leeg.
Habang sinasakal niya ako gamit ang kanang kamay niya ay binbuhusan niya naman ako ng alcohol gamit ang kaliwa niyang kamay. Dahilan upang mas lalong kumirot ang aking naramdaman.
Wala pang ilang minuto ay nagdilim na ang paningin ko.
***
Tomy
Natapos ang gaming hour at tanging sa bodega lamang ako nagtago. Tumunog ang bell, Sa mga sandaling ito ay sasabihin na ni Amanda kung sino ang nawala sa aming ngayong gabi.
Napatigil ako sa aking ginagawa habang hinihintay ang sunod ba sasabihin ni Amanda.
“It’s a game over for Kim Gomez! Her game identity is—Innocent.”
Panibagong inosente na naman ang nawala sa laro.
“Ang pinili ng silencer na manahimik sa trial bukas ay si June Blake!”
I will make sure this time na ako na ang makakahula sa pangalawang killer. I will show them what I've got.
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (???)
8. Cedric Weaver (???)
9. June Blake(???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis(Innocent) [X]
12. Terrence Estrada(Assasin) [X]
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park(???)
2. Shane Rodriguez(???)
3. Jenny Ortiz(???)
4. Hannah Gutierrez(???)
5. Chelsea Summers(???)
6. April Morris(Innocent) [X]
7. Loren Martinez(???)
8. Stacy Wilkins(???)
9. Angel Dela Pena(Nurse) [X]
10. Kim Gomez(Innocent) [X]
11. Jessie Lopez(???)
12. Erica Hunter(Innocent) [X]
Survivors left: 18
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top