Chapter 15: Trial Phase 4

Chapter 15: Trial Phase 4
Raven

"Ang gara ng mata mo  Raven," Bungad sa akin ni Mario habang nasa loob kami ng restaurant, Isang hikab lamang ang naging tugon ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay inaantok pa rin ako. Pinag-aralan ko buong gabi ang iba’t-ibang klase ng mga kutsilyo at ang mga gamit nito.

“Guys! May dumating na sulat sa kwarto ko!” Sigaw ni Caleb at napalingon kami sa kanya. Iwinagayway niya ang hawak niyang papel. “May pinapapapirmahan sa atin, confirmation daw for the remaining players!”

"Confirmation? Para saan naman ang bagay na 'yan?" Mataray na tanong ni Stacy. Kahit ako man ay blanko pa rin ang utak ko sa mga nangyayari.

“Nagawa raw kasi natin na makapasok sa top 20. May additional cash prize daw tayong makukuha at ipapadala sa mga pamilya natin. At isa pa, pirma lang ito, wala naman sigurong mawawala." Paliwanag ni Caleb kung kaya’t pumayag na rin ako.

Ang tulin ng araw, pang-apat na araw pa lamang namin dito ngunit anim na tao na agad ang nawawala. It's fucking unbelievable.

“Akin na yung papel, Caleb. Ako na ang magpapapirma niyan asa iba.” Sabi ni Crystal at kinuha ang hawak na papel ni Caleb.

Isa-isa kaming nilapitan ni Crystal para pirmahan ang form. Printed ang form so mahirap i-identify kung peke o totoo ito pero sa huli ay inilagay ko ang pirma ko. Halos ilang minuto ring nag-ikot si Crystal bago niya nakuha ang pirma ng lahat.

“Saan ilalagay ‘to, Caleb?” Tanong ni Crystal.

“Doon sa mailbox malapit sa entrance ng park, doon na lang daw ilagay.” Paliwanag ni Caleb.

“Crystal samahan ka na namin ni Mario,” Sabi ni Owen.

“Okay. Salamat.” Naglakad na sila paalis.
Umupo sa tabi ko si Caleb, pagkakuha niya ng pagkain sa kusina. “Sino ang pinatahimik ng silencer this time?” Tanong ko sa kanya.

“Si Stacy.” Pakiramdam ko ay sa killer side kumakampi ang silencer dahil alam naman niyang isa si Stacy sa pinakamagagaling na player sa laro.

Saglit akong tumayo at nagtungo sa kitchen to make sure the available knives in kitchen. Dahil sa nabasa kong libro ay nalaman ko ang pagkakaiba ng Utility knife sa kitchen knife, how dagger different from swords. Walang masyadong pagkakaiba but if you do some research, doon mo lang mapapansin ang mga pagkakaiba.

Ang hindi lang malinaw sa akin sa ngayon ay kung bakit sinabi ni Owen na pag-aralan ko ang tungkol sa bagay na ito. Ang hirap naman kasing basahin ng lalaking iyon... Kahit ako hindi ko masasabi kung wala lang talaga siyang mapagawa sa akin o may nakahanda siyang isang malaking plano.

Lumabas ako ng kitchen at sakto naman na tumunog bigla ang bell.

"Players we will now start the 4th trial. Please proceed to the trial court"

Naglakad kami papuntang basement, sa mga oras na ito ay unti-unti na namang bumabalik ang aking kaba at kasabay nito ang malalakas na kabog ng aking dibdib. Sinong hindi kakabahan? Sa bawat araw yata dito sa park ay walang oras na masisigurado mo na ligtas ka. Ano mang oras ay maaaring manganib ang iyong buhay.

Habang naglalakad kami ay nakasabay ko si Owen at Terrence. Nakabalik na kasi sila Owen mula sa pagdadala ng form sa Entrance ng park.

"Kumusta ka naman Terrence?" Pagtatanong ni Owen. See? He's really great on pretending to be a saint.

“Ayos, lang. Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan ako tatagal sa larong ‘to.” Seryosong sabi ni Terrence.

“We can do this. Don’t worry.” Sabi ni Owen, namamangha talaga ako kay Owen dahil sa galling nitong magsuot ng maskara.

Tahimik lang kaming naglalakad ng may bigla kaming narinig na kumalansing. " Terrence sa'yo ba yung token na nalaglag na 'yon?" tanong ni Owen.

No'ng mapansin ni Terrence na sa kanya ang nalaglag ay dali-dali niya itong pinulot. "Salamat ah, gagamitin ko pa 'to mamaya panlaro sa isa sa mga booth."

***

Pumunta na ako sa puwesto ko, specifically pinag-gigitnaan ako nina Stacy at Phil.  Pinagmasdan ko muna ang anim na litrato rito sa Trial na may nakalagay nh isang malaking X—Si Evan, Ian,  April, Angel, Bryan, at Erica. Limang inosente at isang nurse, ang sakit lamang isipin dahil hanggang ngayon ay wala pa kaming clue kung sino ang mga killer.

"Welcome players, The fourth trial will now begin!" 

"Okay sa library naganap ang krimen guys, let's all start it with the small detail" Sabi ni Nick.

"Sino ang mga nanggaling o nakita niyong lumabas sa bookstore that time?" Tanong din ni June.

After he said that, I immediately raised my right hand. "Ako." I honestly speak. Totoo naman na galing ako sa bookstore that night, hindi ko ikakaila 'yon. Sa oras kasi ng trial ay kailangan maging tapat ang bawat isa sa kanilang sinasabi at ipakitang kaya naming panindigan ang mga binitawan naming salita.

"So Raven wala ka bang napansin na kahina-hinala kagabi?" tanong sa akin ni Tomy. Kahit maloko si Tomy, he always become serious in a situation like this. Maganda na ang ugali ni Tomy, samahan pa ng isang napakatalinong utak.

“May narinig akong ingay kagabi kaya naman mabilis akong lumabas sa fire exit. Hindi rin naman ako nagtagal sa lugar na ‘yon dahil inakala ko rin na nandoon ang killer.” Pagpapaliwanag ko sa kanila, Napansin ko na mayroon pa lang nagdududa sa ginawa kong eksplenasyon. "Totoo ang mga sinabi ko.”

“Raven, nakita ang bangkay malapit sa fire exit.” Sabi ni Coby. So now, they’re pointing their fingers on me?

"Guys hindi talaga ako ang gumawa ng pagpatay. Sa tingin niyo, kung nagsisinungaling ako bakit ko naman itataas ang kanang kamay ko?" Pagtatanggol ko sa aking sarili. If they will kill me, sila lang din ang manghihinayang.

"Baka nagsabi ka lang ng totoo na nandoon ka para lituhin kami sa aming mga pagbibintangan." Pagja-jump in conclusion ni Nick.

“Ang dali para sa’yo Nick na mambintang dahil hindi mo nakita ang mga pangyayari, hindi mo naramdaman ang takot na nararamdaman ko nung mga oras na iyon.” Gusto kong sabihin sa kanila na hindi ako ang killer ngunit parang sarado na ang kanilang mga tenga upang pakinggan ako.

“Okay, let’s end your nonsense conversation.” Sabi ni Tomy. “Hindi sapat ang basis ninyo para pagbintangan si Raven, kahit ako rin naman ay nadaan sa bookstore kagabi. Gamitin ninyo ang utak ninyo bago bumuka ang inyong bibig.”

“Aba’t—“ Magrereklamo dapat si Nick.

"Wala kayong karapatang magreklamo tama naman si Tomy," Biglang nagsalita si Phil. Mabuti na lamang ay may mga taong masyado pa ring matalino para tignan sa ibang anggulo ang sitwasyon.

"Why don't we start sa kung ano ang ginamit na pansaksak kay Erica?" Sabi ni Caleb. Mukhang ligtas na ako sa mga matatalim nilang bintang dahil kay Tomy at Phil. Nakakahiya naman kay Owen na hindi ako tinulungan kahit kami ang magka-partner dito.

"Base na rin sa saksak kay Erica, mukhang Stiletto knife ang ginamit na pansaksak sa kanya," Sabi ni Terrence. Wait, stilleto knife?

"Okay this trial is done." Biglang nagsalita si Tomy na ikinagulo naming lahat.

"Wait Terrence. Paano mo nalaman na Stilleto knife ang ginamit? Wow, alam mo ang types." Natatawang nagsalita si Owen. He looked at me na para bang binibigyan ako ng signal na magsalita.

"Oo nga Terrence, kung yung wounds lang na natamo ni Erica ang pagbabasehan. Ang unang papasok agad sa isip mo ay Pocket knife, hindi mo agad maiisip na stiletto knife ang ginamit dito." Paliwanag ko.

“Hindi ba pwedeng nakakita na ako ng stiletto knife dati?”

"Pero walang nakitang kutsilyo sa crime scene Terrence," Nakangising sabi sa kanya ni Owen.

"Teka ba't niyo ba pinagbibintangan ang kaibigan namin? Walang kasalanan si Terrence dito!" Sabi ni June.

"Shut up!" Sabi sa kanya ni Tomy. "By the way Shane may ipapakita ako sa'yo,”

"Ano 'yon Tomy?" Tanong ni Shane at ipinakita ang isang kutsilyo. "Ah 'yan ba! Kutsilyo 'yan."

"Anong unang naisip mong uri ng kutsilyo 'to?"

"Pocket knives!" Proud na sagot ni Shane.
"See Terrence? Hindi agad madi-differentiate ang kaibahan ng stilleto sa pocket," Sabi ni Tomy kay Terrence at muling ibinaling ang tingin kay Shane. "By the way Shane, Pocket knife lang 'to. Isang kutsilyo lang ang ipinakita ko sa'yo." 

Pansin ko ang pag-irap ng aking katabi na si Stacy na parang sinasabi. 'Boba talaga!'  Mabuti na nga lang na siya ang napili ng silencer na patahimikin dahil paniguradong dadagdag 'to sa ingay.

"Teka! Ba't ako ang nadidiin ngayon? Sinusubukan ko lang naman na tulungan kayo." Natatawang sabi ni Terrence. 

"Oh really?" Biglang nagsalita si Owen at may ipinakitang papel, Iyon yung papel na pinirmahan namin kanina.

"Teka Terrence ba't nasayo 'yan?" tanong ni Caleb.

"Hindi naman talaga galing sa laro itong sulat na 'to. This is just a fake paper that made by me na nilagay ko lang sa kwarto mo," paliwanag ni Owen. "Alam ko kasi Terrence ang sabi kasi ni Amanda left hander daw ang killer. Noong nagsulat ka, ginamit mo ang kaliwa mong kamay at kaninang nalaglag ang token mo, kaliwang kamay ang pinampulot mo." 

Ganito ba talaga ka-observant si Owen? Even the smallest detail ay nakikita niya pa rin at kaya niya itong bigyan ng mas malalim na kahulugan? Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.

Tahimik lang kaming naglalakad ng may bigla kaming narinig na kumalansing. " Terrence sa'yo ba yung token na nalaglag na 'yon?" tanong ni Owen.

No'ng mapansin ni Terrence na sa kanya ang nalaglag ay dali-dali niya itong pinulot. "Salamat ah, gagamitin ko pa 'to mamaya panlaro sa isa sa mga booth.”

So simula pa lang no'ng nagpirmahan kami ng papel sa restaurant kanina ay alam niyang si Terrence ang killer. "Hindi pa ako tapos, Terrence 'wag ka munang matakot. Eto pa ang isang malaking pasabog, Yung pirma ng Assassin, kamukha ng handwriting mo rito sa pirma." Nakangiting sabi ni Owen sa kanya habang si Terrence naman ay parang nabato lamang sa kanyang kinatatayuan. "You use knives in killing right?"

"H-hindi totoo 'yan! H'wag niyo akong pagbintangan dahil wala akong kasalanan!"
"So meaning," Biglang nagsalita si Tomy na parang may iniisip. "No'ng nakita kita noong nakaraan sa kitchen, yung sinabi mong nawawala ang kutsilyo. Ibig sabihin ba nito ay humahanap ka lang ng kutsilyo na gagamitin mo sa sunod mong gagawin na pagpatay?" 

Pinagdugtong-dugtong namin lahat ng pangyayari hanggang sa nabuo namin ang isang konklusyon. Akala ko ay walang kwenta lamang ang ginagawa ni Owen na paghahanap sa akin ng about sa kutsilyo, It’s all his plan... He is a devil player.

"Clue for today, a great pretender....You have 10 minutes to cast your vote!”

Nagsimula na kaming maglagay ng pangalan sa mga placard na nasa ilalim ng aming mga lamesa.

"Mali pala ang desisyon namin kahapon na iligtas ka pa." Sabi ni Mario at masamang tinitigan si Terrence. Limang boto ang nakuha ko galing sa mga kasamahan ko samantalang labing limang boto naman si Terrence.

"Terrence Estrada, you have 30 seconds to defend yourself." 

"I will not fucking defend myself. Kayo rin ang magsisisi kapag nawala ako sa laro, konsensya niyo na lang na pumatay kayo ulit ng isang inosente. Dahil lang alam ko ang tawag sa kutsilyo ako na agad ang sinisi niyo? Pathetic!" Itinali na si Terrence sa upuan.

Sana tama ang mga naging desisyon namin this time.

~

Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (Innocent)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (???)
8. Cedric Weaver (???)
9. June Blake(???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis(Innocent) [X]
12. Terrence Estrada(???)
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]

FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park(???)
2. Shane Rodriguez(???)
3. Jenny Ortiz(???)
4. Hannah Gutierrez(???)
5. Chelsea Summers(???)
6. April Morris(Innocent) [X]
7. Loren Martinez(???)
8. Stacy Wilkins(???)
9. Angel Dela Pena(Nurse) [X]
10. Kim Gomez(???)
11. Jessie Lopez(???)
12. Erica Hunter(Innocent) [X]

Survivors left: 20

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top