Chapter 13: Judgment Phase 3

Chapter 13: Judgment Phase 3
Owen

Matapos ang naganap na trial kanina ay tumungo ako sa malawak na damuhan ng parke. Ang sarap kasing damahin ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Para na rin itong nagsisilbing takas ko sa mga nangyayari.

Hinayaan kong tumama ang hangin sa akin habang nakahiga ako sa damuhan. Katamtaman lamang ang init ng araw kahit ala-una ba ng tanghali.

Iniwan namin sa trial court si Terrence ngunit nakakasigurado naman ako na magagawa nitong makaligtas ngayong araw. I will admit it, sobrang humanga ako sa paraan ng pag-iisip ni Stacy... Nakita niya ang mga bagay naming nakita sa ibang anggulo, she analyze it in a different way.

"Pwedeng tumabi?" Biglang may narinig akong tinig. Iminulat ko ang aking mata at si Mario ang tumabi sa akin.

"Sure." Tipid kong sagot at muling ipinikit ang aking mata. Humiga na lamang siya sa tabi ko at nagkaroon ng panandaliang katahimikan.

"Owen,”

"Bakit?" Tanong ko.

“Gusto ko lang humingi nang tawad dahil sa ating alitan. Siguro ay nadala lang ako ng damdamin ko dahil sa kagustuhan kong makaalis dito. Malinaw na sa akin na tinutulungan mo lang kami na mahanap ang killer.” Sabi niya.

“Wala ‘yon, nakalimutan ko na ‘yon.” Pag-arte ko.

"Salamat, ayoko naman kasing masira ang pagkakaibigan na'tin nila Raven dahil lamang sa alitan na'ting dalawa." Sabi niya. Inalok ko siya ng 'fist bump' at agad naman siyang tumugon. Kahit naman h'wag ng humingi ng tawad si Mario sa akin ay ayos lang... Hindi ako yung tipo ng tao na mabilis magtampo ngunit matalim talaga ang tabas ng dila ko.

Players, please proceed in the trial court!”

“Let’s go?” Tanong ko kay Mario at tinulungan siyang tumayo at naglakad kaming dalawa papunta sa trial court.

“Bakit ba hindi pwedeng iligtas na lang nating ang napagbibintangan kapag judgment phase?

"Bakit ba kasi hindi pwedeng tuwing judgment phase ay iligtas na lang natin ang mga napagbibintangan," Pagsasalita ni Mario habang naglalakad kami tungo sa basement kung nasaan ang trial court.

"Kasi nga iyon lang yung chance na'tin na mapatay ang mga killer.” Pabiro ko pa ring sabi.

Pagkapasok namin sa trial court ay agad naming nakita si Terrence na nakaupo.

Noong makumpleto kaming lahat ay in-announce na ni Amanda ang resulta. Gaya nga nang inaasahan ay unanimous  ang naging resulta ng botohan at nailigtas si Terrence. Wala namang kasalanan si Terrence, sadyang nahirapan  lang kaming magkaroon ng lead kanina sa trial kaya siya na lamang ang pinili namin.

"Congratulation Terrence Estrada, you can continue your days here in the park!"

"Ang tagal niyo nagugutom na ako," Sabi ni Terrence pagkatanggal ng busal sa kanyang bibig at tali sa kamay.

Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito. I will play this fucking game in the dirtiest way that I know. Ipapakita ko sa larong ito kung paano maglaro ang isang Owen.

~

Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (???)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (???)
8. Cedric Weaver (???)
9. June Blake(???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis(Innocent) [X]
12. Terrence Estrada(???)
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]

FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park(???)
2. Shane Rodriguez(???)
3. Jenny Ortiz(???)
4. Hannah Gutierrez(???)
5. Chelsea Summers(???)
6. April Morris(Innocent) [X]
7. Loren Martinez(???)
8. Stacy Wilkins(???)
9. Angel Dela Pena(Nurse) [X]
10. Kim Gomez(???)
11. Jessie Lopez(???)
12. Erica Hunter(???)

Survivors left: 21

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top