Chapter 11: Night 3
Chapter 11: Night 3
Owen
Hindi ako makapaniwala na isang inosente lamang si Bryan. Pakiramdam ko ngayon ay ako ang pinakamasama sa aming lahat. Ako ang nagsilbing promotor sa mga namatay, despite of my jolly personality, deep inside... Masakit din para sa akin.
"Owen it's your fault again! Hindi ka ba titigil sa pagtuturo mo?" Sabi ni Raven habang sinasabayan niya ako sa paglalakad patungo sa aking silid.
"Hindi." Tipid kong sagot. Kahit na nasasaktan ako, kailangan kong ipakitang matapang ako. Magaling akong umarte sa harap ng ibang tao... And I consider that as a talent.
Pagkapasok ko ng aking kwarto ay sumunod sa akin si Raven, "Hindi ko maintindihan kung Detective ka ba talaga o katulong ng mga killers sa pagpatay sa mga inosente?"
"Pa'no mo maiintindihan kung hindi mo tinitignan sa iba't-ibang anggulo lahat ng mga bagay na ginawa ko?” sabi ko sa kanya at kumuha ng damit sa drawer. "Ikaw ang hindi nakakaintindi Raven, we're on this game and we must do our role." Hiniling ko na lang sana na si Phil o kaya naman si Tomy itong naging kasamahan ko. Lahat ng dapat gawin ni Raven ay idinidikta ko pa sa kanya.
"Patuloy mo lang bantayan ang mga ikinikilos ni June," Sabi ko at isinuot ang itim na damit na aking kinuha sa drawer.
Hangga't maaari ay simpleng gawain lang ang ibinibigay ko kay Raven and the rest ako na ang gagawa. I'm pretty sure na mainit ang mga mata ng killer sa akin, Tomy, at Stacy matapos ang mga pinagsasabi namin no'ng nasa trial.
Nakakapanghinala na rin si Amanda. I'm pretty sure na hindi lang ako ang nakakapansin no'n kaso mahirap iyon malaman lalo na't palaging nagtatago si Amanda.
"Puro ka naman bantayan si June! Hindi naman siya ang doctor. Hindi mo ba pansin? Pumipili lang ng random people ang doctor ng ililigtas niya at nagkataon na si June ang nauna!" Isa pa ito sa mga ayoko kay Raven, He's a hard headed.
"Just. Do. It" Tipid kong sabi sa kanya at lumabas ng aking kwarto.
Hindi ko alam kung sumunod ba siya sa akin o hindi pero wala na akong pake. Habang naglalakad ako ay nakasalabong ko naman si Mario. "Mario!" Nakangiti kong sabi sa kanya at inakbayan.
Ikinabigla ko nang biglang tapikin ni Mario ang kamay ko at inalis sa pagkakaakbay. "Pwede ba Owen 'wag mo na akong plastikin," Sabi sa akin ni Mario. "Akala ko kaibigan ka namin nila Bryan, pero ano ang ginawa mo? Ikaw mismo! Ikaw mismo ang naglagay sa peligro kay Bryan... Ikaw mismo ang hudyong pumatay kay Bryan!"
Saglit akong tumahimik at inalis ang mga pekeng ngiti ko sa aking labi. "'Wag mo rin akong plastikin Mario," Namilog ang kanyang mga mata dahil sa aking sinabi. "Akala mo ba, hindi ko natandaan na 'Yes' ang boto mo kay Bryan? Ibig sabihin ginusto mo rin na mamatay siya... 'Wag kang umastang santo, hindi bagay"
Why people don't understand our situation? Naaawa sila kay Bryan pero sa mga sarili nila hindi sila naaawa? Mga tanga.
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad pababa ng lobby upang hintayin ang gaming hour. Bago ako makababa ay nakita ko si Phil na nakasandal sa pader. "Wrong move Owen."
Madalas ay hindi ko maintindihan itong si Phil. He's such a mysterious guy. "Alam mong nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo pero hinahayaan mong kaayawan ka ng mga kakampi mo,” Sabi niya at nauna na siya sa aking maglakad pababa.
Hindi ako mabilis matakot sa isang tao pero si Phil, He fucking do nothing but his words has a big impact on me. Pagkababa ko ay dinig ko agad ang matinis na boses ni Stacy. “Pwede ba Tomy! Naiirita ako sa’yo!”
Nagtatalo lang ang dalawa, hindi ko alam kung kailan sila nagging close. “Owen!” Tawag sa akin ni Caleb kasama sina Crystal at Nick. Lumapit ako sa kanilang direksyon.
Hindi nagtagal ay dumating na si Mario at Raven. Para lang akong hangin sa kanilang dalawa. Ang problema kasi sa kanila, nagmamagaling silang dalawa, pinagmumukha nilang bayani ang kanilang mga sarili pero ng totoo, they only believed on what their eyes see. They close their minds sa mga bagay na taliwas sa kanilang pinapaniwalaan. Mga tanga.
Nitong hapon ay saglit akong nag-imbistiga sa mga kasamahan ko at inalam ko kung sino ang mga left-hander. Si Hannah, Cedric, Terrence, Shane, at Kim. Napansin ko 'yon sa paraan kung paano sila humawak ng mga platito. Usually a right hander use his right hand a lot and a left-hander do the vice versa.
Wala rin namang assurance na d'yan iikot ang identity ng Assasin, may mga tao kasi na sanay gumamit ng kaliwa at kanang kamay.
"Good evening players! The doctor and nurse decided to save Owen tonight! Once again the doctor and nurse decided to save Owen tonight."
Bahagya akong natuwa dahil sa pagliligtas sa akin ng doctor at nurse ngayong gabi. They do the role perfectly... Lahat naman ginagawa ng maayos ang mga trabaho nila, ewan ko lang kay Raven. This is the perfect time to do some investigation.
"Game will start in 5 minutes please prepared yourselves"
Saglit akong napatingin sa speaker at pansin kong doon din nakatingin si Tomy. Then we have the same thoughts.
Recorded lahat ng sinasabi ni Amanda, nakakasigurado na ko doon. Wala namang masama kung recorded ito dahil baka tinatamad lang siya pero wala ng imposible sa lugar na ito, lahat ay paniguradong may sapat na paliwanag.
Parang isang malaking crime investigation lang ang nilalaro namin ngayon. Mayroong pinatay then the Doctor and nurse will take the part of saving life. Ang Detective ang kakalap ng mga clues at ang pulis ang huhuli sa mga killers. Hindi mahuhuli ng pulis ang killers kung wala ang tulong ng detective... The rest ng mga kasamahan namin, they take a part of being Suspect. Lahat sila ay pwedeng paghinalaan.
Tumakbo na palabas ng hotel ang mga kasamahan ko at pinagmasdan ko lamang sila. Ngumisi ako ng bahagya noong nawala na silang lahat. "It's time to take my job seriously," Sabi ko at naglakad ako papasok sa loob ng hotel.
Third Person
“Bakit ba ko napunta sa ganitong sitwasyon?" Pagtatanong ni Angel sa kanyang sarili habang kasama niyang nagtatago si Caleb. Hindi naman sila close pero aksidente lang na parehas sila ng pinagtataguan no'ng araw na 'yon.
"Dahil nabulag tayo sa bagay na inaalok ni Amanda sa atin," Sagot sa kanya ni Caleb. Batid naman ni Caleb na kaya sila nandito lahat ay dahil mayroon silang mga financial problem.
"Alam mo kasi ginawa ang tao para mahalin at ginawa ang bagay para gamitin," Sabi ni Caleb. "Pero baliktad ang nangyayari ngayon. Ang tao ang ginagamit samantalang ang mga bagay ang minamahal."
"O sige maiwan na kita." Sabi ni Caleb at iniwan na si Angel.
Nanatiling nakatago si Angel sa loob ng bodega, tanging mabibigat lamang na paghinga ni Angel ang kanyang naririnig sa loob ng bodega.
Ilang minuto ang lumipas matapos ang pag-alis ni caleb sa bodega, mas lalong naramdaman ni Angel ang init dahil halos pumatak na ang pawis galing sa kanyang ulo.
"Kumusta Angel?" Haharap sana si Angel ngunit mabilis siya nitong himapas ng tubo sa ulo dahilan upang mawalan siya ng malay.
"It's my turn to kill now," Sabi ni Mafia habang hinahatak ang walang malay na si Angel.
"Kung hindi nailigtas si Owen, e’di sana ligtas ka pa ngayon." Itinali nito si Angel sa isang upuan.
Hindi naman lumabas ng bodega ang mafia dahil paniguradong may makakakita sa kanya kapag hinatak niya si Angel.
"Tapusin na na'tin to aking kaibigan, inaantok na ako," Nilagyan niya ng busal sa bibig si Angel bago ito sinampal ng malakas.
"Gumising ka!"
Unti-unting nagkamalay si Angel at dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. 'Ikaw?' Bakas sa mukha niya ang pagkagulat noong nakita niya na ang taong kaharap niya.
"Hulaan ko ang gusto mong sabihin ha?" Saglit itong umubo, "Ikaw? Demonyo ka! Ikaw pala ang gumagawa ng lahat nang 'to?" Matapos no'n ay tumawa ang mafia.
Pilit na tinatanggal ni Angel ang kanyang mga kamay sa pagkakatali ngunit masyado iyong mahigpit. Nilaro-laro niya sa kanyang kamay ang tubo na kanyang hawak. "Simulan na'tin sa paa. Isipin mo na lang na nasa isang initiation ka,"
Malakas niyang hinampas ng tubo ang mga binti ni Angel. Gustong sumigaw ni Angel sa sakit ngunit hindi niya magawa. Napapakagat na lamang siya sa busal sa kanyang bibig. "Masakit ba?" Unti-unting bumilis ang mga hampas ng mafia sa binti ni Angel hanggang sa magkulay ube na ito.
Umiiyak na sa sakit si Angel dahil hindi niya na maramdaman ang kanyang mga binti at hirap na siyang igalaw ito.
“Binti, checked! Hita naman ngayon,” Itinapon niya ang hawak niyang tubo at kinuha ang dalawang pocket knife. “Sa lahat ng killers ay sa akin kayo pinakamatatakot,” Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay ibinaon niya ang dalawang kutsilyo sa hita ni Angel. “Tapusin na rin natin ‘to, Angel, medyo inaantok na ako.”
Muling hinawakan ng Mafia ang tubo habang si Angel ay mabilis na umiling-iling at kasabay nito ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Ayaw niya pang mamatay.
Isang malakas na buwelo ang ginawa ng mafia at hinamas ng tubo sa mukha si Angel. Nagsimulang umagos ang mga malalapot na dugo mula sa ulo ni Angel. Hinang-hina na si Angel na para bang kahit anong oras ay bibigay na ang kanyang mga mata.
Hinatak ng mafia ang busal sa bibig ni Angel. "Any last words?"
Gustong sumigaw ni Angel ngunit wala na talaga siyang lakas. Awang-awa na rin siya para sa kanyang sarili kaya mas nanaisin niya na lang na mamatay. Matalim niyang tinignan ang mafia. "Fuck. You."
Tumawa ng bahagya ang mafia. "How sweet! Well fuck you too! Good bye!"
Isang buwelo na naman ang ginawa ng mafia at malakas na hinambalos sa mukha si Angel. Sunod-sunod na hambalos ang kanyang ginawa hanggang sa hindi na makilala si Angel.
Owen
“It’s a game over for Angel Dela Peña. Her game identity is… Nurse!”
Inis akong napabira sa pader dahil sa aking narinig. Hindi ko alam kung bakit gano'n kagaling ang mga killers, hindi naman umaangat si Angel sa mga players pero nalaman nila na nurse ito.
“Napili ng silencer si Jessie Lopez upang manahimik sa trial!”
Kung gusto ninyong laruin ang larong ito sa maruming paraan, pagbibigyan ko kayo. Tatanggalan ko kayo ng maskara at sisimulan ko sa serial killer. Hindi ninyo alam ang kayang gawin ng isang Owen Garcia.
~
Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (???)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (???)
8. Cedric Weaver (???)
9. June Blake(???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis(Innocent)
12. Terrence Estrada(???)
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]
FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park(???)
2. Shane Rodriguez(???)
3. Jenny Ortiz(???)
4. Hannah Gutierrez(???)
5. Chelsea Summers(???)
6. April Morris(Innocent) [X]
7. Loren Martinez(???)
8. Stacy Wilkins(???)
9. Angel Dela Pena(Nurse)
10. Kim Gomez(???)
11. Jessie Lopez(???)
12. Erica Hunter(???)
Survivors left: 21
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top