Chapter 10: Judgment Phase 2

Chapter 10: Judgment Phase 2
Tomy

Dinadama ko lang ang katahimikan sa aking silid at mabuting pinag-iisipan kung tama ang naging aking desisyon. "Hindi na rin ako nalalayo sa isang mamamatay tao." Sabi ko at tiningnan ang aking kamay.

Gusto ko pagkatiwalaan ang mga kasamahan ko pero nangangamba pa rin ako. Trusting someone is like putting a knife behind your back, kahit anong oras puwede kang saksakin, kahit anong oras puwede kang lokohin pero hindi ka puwedeng umangal dahil ikaw mismo ang nagtiwala, ikaw mismo ang nagpakatanga.
Gusto ko ng bumalik sa normal kong buhay kahit na mahirap ang buhay. I wanted to get out in this fucking place.

Sa totoo lang ay hindi naman malaki ang role ko sa larong ito. Isa lang namang ako sa mga Innocent at kumbaga ay pampain lang kami sa mga killer. Kung ikukumpara ko ito sa pagkain, appetizer lamang kaming mga innocent samantalang ang mga Doctor, Nurse, Police, at Detective naman ang magsisilbing main dishes.

Nabaling ang aking atensyon sa orasan na tumutunog. "Mag-a-alas dos na pala." Wika ko. Ibig sabihin lamang nito ay malapit na naman magsimula ang judgment, sa oras na iyon, malalaman na namin ang kapalaran ni Bryan pero umaasa akong maliligtas siya dahil gusto kong makita na wala nga siyang ginagawang masama.

Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at saglit kong inunat ang aking katawan. Pumasok ako ng banyo at binuksan ang gripo.

Noong una ay hinayaan ko lang pakinggan ang pagtunog ng tubig, ginamit ko itong ginamit upang hilamos sa aking mukha para magising ng bahagya ang aking diwa. Saglit kong pinagmasdan ang repleksyon ng aking mukha sa salamin, ang layo na nito sa masayahing Tomy sa normal na buhay ko.

Isang malalim muna na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko binuksan ang pinto ng aking silid. Kailangan kong ipakita sa lahat na malakas at matatag ako.

Saktong pagkalabas ko ay bumukas din ang pinto sa katabing kwarto ko, hindi ko naman maiwasan na mangiti noong nakita ko ang taong lumabas magmula dito- Si Stacy.

"Tanghaling tapat pangit agad ang nakita ko? Ano ba 'yan mukhang mamalasin ako buong araw." Pagpaparinig niya sa akin. No'ng una, oo aaminin ko, ayoko kay Stacy pero hindi ko rin naman sinasabi na right now, I like her. Para bang mas nakilala ko lang siya and mas naintindihan kung bakit ganyan ang attitude niya.

"Crush mo siguro ako kaya ka laging nagpapapansin 'no?" Pagsabay ko sa pang-aasar niya at sinabayan siya sa paglalakad.

"Maghanap ka ng tanga na mauuto mo," Malakas niya akong itinulak upang magkaroon ng pagitan sa aming dalawa. "Tsaka 'wag ka ngang dumikit sa akin, hindi tayo friends."

Mas binilisan niya ang paglalakad at hindi n akong nagtangka na humabol pa. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagmamaldita niya but I really find her funny... Maybe I will tease her more next time.

Pumasok kami sa trial court muli sa basement. Agad kong napansin si Bryan na nakaupo sa upuan. Marahil ang inuupuan na 'yon ng mga hinuhusgahan sa judgment phase ang pinakahindi komportableng upuan. Agad kong napansin na walang baril ang nakatutok sa kanya bagkus ay isang tauhan ng laro na may hawak ng itak.

"Good afternoon! let's start the judgment phase and I will announce now the result,"

"Angel voted No"
"Cedric voted Yes"
"Stacy voted Yes"
"Hannah voted Yes"
"Erica voted No"
"Chelsea voted No"
"Owen voted Yes"
"Tomy voted No"
"Raven voted No"
"Nick voted Yes"
"Jessie voted Yes"
"Jenny voted Yes"
"Loren voted No"
"Kim voted Yes"
"Coby voted Yes"
"Terrence voted Yes"
"June voted No"
"Crystal voted No"
"Phil voted Yes"
"Mario voted Yes"
"Caleb voted Yes"
"Shaine voted Yes"

"Out of 22 sure safe players. 14 voted yes while 8 people voted No!" Sa pagkasabi ng mga iyon ni Amanda ay biglang tinanggal nung lalaking may hawak ng palakol ang nakabusal sa bibig ni Bryan.

"You will fucking regret this guys!" Sigaw ni Bryan pagkatapos no'n ay bigla na lamang siya nitong initak sa kanang kamay, sa sobrang lakas ng impact ay naputol ang kamay ni Bryan, "Ahhhh!" Mga malalakas na sigaw ni Bryan ang dumagundong sa loob ng basement.

Sunod nitong initak ang kaliwang kamay ni Bryan dahilan upang mas lalong lumakas ang mga hikbi at sigaw ni Bryan. Halos ipikit ko na ang aking mga mata dahil hindi ko kaya ang aking mga nasasaksihan, ang pagdaloy ng malapot na pulang dugo sa kanya ay kasabay nito ang matinding kirot para sa akin. Lahat kami ay nagulat dahil sa biglaang pag-itak nito sa leeg ni Bryan, kitang-kita namin kung paano ito nahiwa at humiwalay ang ulo ni Bryan sa katawan nito.

Karamihan sa amin ay napasigaw na sa diri ng aming nasasaksihan. "Tang ina mo Amanda! Isa kang demonyo!" Malakas na sigaw ni Raven at puno ng galit ang kanyang tinig. Pansin ko lang na parang recorded ang mga sinasabi ni Amanda sa tuwing magkakaroon kami ng trial.

Ibinaling ko ang tingin ko sa pugot na ulo ni Bryan at saktong nakaharap ito sa amin. Dilat ang mga mata nito na para bang tinititigan kaming lahat. Nakakatakot.

"Bryan Park identity is... INNOCENT!" Sa pagkasabing iyon ni Amanda ay muli akong nasaktan. Fuck! Apat na Innocent na ang nawawala sa laro. Bakit ba napaka-ilap ng mga killer?

~

Male Players:
1. Raven Alva (Police)
2. Coby Francisco (???)
3. Mario Reese (???)
4. Tomy Lawrence (Innocent)
5. Phil Hernandez (???)
6. Nick Warner (???)
7. Caleb Jacobs (???)
8. Cedric Weaver (???)
9. June Blake(???)
10. Owen Garcia (Detective)
11. Ian Curtis(Innocent)
12. Terrence Estrada(???)
13. Bryan Park(Innocent) [X]
14. Evan Wilkins(Innocent) [X]

FEMALE PLAYERS
1. Crystal Park(???)
2. Shane Rodriguez(???)
3. Jenny Ortiz(???)
4. Hannah Gutierrez(???)
5. Chelsea Summers(???)
6. April Morris(Innocent) [X]
7. Loren Martinez(???)
8. Stacy Wilkins(???)
9. Angel Dela Pena(???)
10. Kim Gomez(???)
11. Jessie Lopez(???)
12. Erica Hunter(???)

Survivors left: 22

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top