Epilogue

Alala ko, namatay ako dahil sa bangungot. Nakita ko ang sarili ko sa isang lugar kung saan marami ang puti. Langit ba 'to?

"Gusto mo bang mabuhay ulit?" sabi ng isang boses ng babae mula sa aking likod.

Tumingin ako roon at nakita ang isang babae na puno ng kulay puti, halos hindi ko na makita ang kanyang mukha. Tanging boses niya lang ang naririnig ko.

"S-sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" tanong ko.

"Ako si Ines, ang tutulong sayo para maging ganap na tao ka," sabi niya.

May pinakita siya sa akin mula sa puting parang ulap. Isang babae na busy magsulat, kilala ko siya. Si Cyrah.

"Si Cyrah 'yan ah. Anong meron sa kanya? Siya ang taong gumawa sa akin hindi ba?" sabi ko.

"Oo. Papapuntahin kita sa mundo nila, kung gusto mong maging ganap na tao ay kailangan mong patayin si Cyrah."

Kill Thy Author.

"Bakit? Ayaw ko, ayaw kong pumatay para lang mabuhay ako!" pagrereklamo ko pa.

"Kapag hindi mo siya napatay, ikaw ang mahihirapan sa huli. Gusto mo ba?" mataray na sabi ni Ines.

"Ayaw ko pero ayaw ko rin namang--" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil nawala na siya.

Ngayon ay nasa tapat na ako ng kwarto ni Cyrah. Nandito na nga ako sa mundo nila. Teka, kaya ko ba siyang patayin?

Kumatok ako pero hindi niya yata ako narinig kaya kumatok ulit ako. Gulat na gulat siya noong nakita niya ako.

"Sino ka? B-bakit ka nandito?" nauutal niyang tanong sa akin.

"I know that you know me, Cyrah. Why did you kill me?"

Maliit siyang babae, bilog na bilog ang mga mata at morena. Ang cute niyang tingnan pero kailangan ko siyang patayin.

"Cyrah, answer me. Bakit mo ako..pinatay?"

"Dixon, I'm sorry. I just.."

"You just what?"

"I just want you to end that way. I really do that, hindi lang sa iyo. Marami pa akong pinapatay na characters."

"I know. I met them. Ako lang talaga ang naglakas loob na pumunta rito sa mundo mo para harapin ka."

Pumunta siya sa kanyang kama at nagtalukbong roon. What the hell, ganito ba niya i-welcome ang mga bisita niya?

Lumapit ako para kausapin siya. Ang babaeng 'to, busy na busy sa cellphone, ah. Hindi siguro niya maisip na naging totoo ako, tinapik-tapik pa niya ang mukha niya, e.

"What? Do you think na hindi ako totoo? Well, I'm sorry! The man you made and killed is now in front of you. Buhay na buhay ako, oh," sabi ko pa.

"Umalis ka na dito. Pumunta ka na kung saan ka dapat pumunta," sabi ko habang nakatalukbong pa rin siya ng kumot noong sinabi niya iyon.

"Are you kidding me? Dito nga ako pupunta sa iyo eh. Now, I have something to tell you."

Umupo siyang maayos at tumingin sa akin. Damn it, she's cute huh.

"What?" she answered back.

"Let me live here on earth or I will kill you."

I'll never kill you, it's just that I need to do this dahil narito na ako. I don't have any choice. Kung ano man ang kabayaran sa huli nito ay tatanggapin ko. It's just that, I can't kill the one who gave me life. I will not kill you, Cyrah Melendez.

WAKAS
All Rights Reserved 2020
© Athena Beatrice


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top