Chapter 9
Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Laking gulat ko nang makita na si Sir Martin ang natawag sa akin.
Agad kong tiningnan ang oras at nanlaki ang mata ko dahil alasdos na pala ng hapon! Late na ako sa trabaho. Shit!
[Where the hell are you?! Kanina pa ako tawag nang tawag, Miss Melendez! Anong balak mo sa trabaho mo?!]
Naku, patay. Galit na galit na siya sa akin dahil wala rin ako sa focus nitong mga nakaraang araw. Tangina, si Dixon may kasalanan nito, e.
"Magbibihis na po ako Sir Martin! Ayos lang po kahit mag-overtime na po ako," nanginginig na sabi ko.
[Huwag na huwag ka na male-late bukas. Kundi tatanggalin na kita rito sa kompanya ko. Pasalamat ka alam ni Amantha ang trabaho mo kaya ginawan niya na ng paraan.]
Namatay na agad ang tawag. Napatingin ulit ako sa cellphone ko, hindi ako makapaniwala na hindi ako nagising para pumasok sa trabaho.
Napasapo ako sa noo ko dahil sa stress na dala ni Dixon sa akin. Ayos lang naman ako noong wala siya, e. Ngayon lang nasira ang lahat.
Tumingin ako kay Dixon. Tulog pa rin siya ngayon dahil sa labis na kalasingan. Nagulat pa nga ako nang makita na nakahawak siya sa kamay ko.
Agad kong tinanggal iyon at unti-unting umalis sa kama. Kahit na inis ako sa kanya ay hindi ko naman gugustuhin na may mabulabog ako.
Pumunta ako sa dining area at roon ay nag-isip. Wala naman si Aira at nasa school pa. Iniisip ko nga kung bakit hindi niya ako ginising eh alam niyang may pasok ako sa trabaho.
Ilang minuto pa ay kinuha ko na ang cellphone ko. Tulog pa naman si Dixon kaya ito muna ang aatupagin ko. Ewan ko rin kung bakit hindi pa rin ako gutom ngayon.
Nagulat ako nang makita na may text pala para sa akin si Shyna kaninang madaling araw. Hindi ko na nabasa dahil tulog na ako.
From: Shyna
Hey. May kasama ako ngayon sa The 1985. He's name is Dixon. Naalala ko lang yung fictional character mo sa Dixon's Tragedy. Nakakatuwa nga, e. Kilala ka niya, nagbabasa rin siya ng stories mo. ♥️
Noong mabasa ko iyon ay agad kong nabitawan ang phone ko. Kaya pala lasing na lasing si Dixon eh uminom sila ni Shyna kaninang madaling araw. Ang tanong, paano sila nagkasamang dalawa sa The 1985?
Pumunta agad ako sa kwarto ko para i-confront si Dixon. Nakita ko siyang masarap ang tulog sa kama ko.
Naku po, ang lalaking ito. Ang sarap ng buhay niya eh samantalang ako eh gulong-gulo na ako rito.
Kumuha ako ng unan at tinapon iyon sa kanya para magising. Gumalaw lang siyang konti pero natulog lang ulit. Wala na akong choice kundi yugyugin siya para magising.
"Oh, what do you want?" inaantok pa at medyo inis dahil sa ginawa kong pagyugyog sa kanya.
English pa ang ginamit mo. Hindi gagana sa akin ngayon iyan Dixon Dela Velgara. Don't try me. Kung bitch na si Shyna ay mas bitch ako kapag nagalit!
"Don't english me. I'm not a teacher."
"Huh?" naguguluhan na sagot niya pagkatapos ay umupo na sa kama ko. Agad naman akong tumabi sa kanya para kausapin siya tungkol kay Shyna.
"Wala ka bang naaalala kagabi?" I asked.
"Wala. Ang sakit nga ng ulo ko ngayon. All I want is to sleep all day. Ano bang oras na?" he asked
. Wala pala siyang naaalala, so hindi niya na alam na hinalikan niya ako. Okay na rin iyon, ayaw ko na rin namang balikan ang nangyari kagabi. Nakakahiya, actually nandidiri ako sa sarili ko ngayon dahil sa halik na iyon.
"2:30pm na, Dixon. Na-late ako sa work kasi kagigising ko lang kaninang 2:00pm."
Gulat na gulat siya at ang mga mata ay parang nahingi na agad ng tawad sa akin. Medyo naaalala na siguro niya kagabi na uminom siya at nagpakalasing ng sobra. Sana lang, hindi niya maalala na hinalikan niya ako.
"Fuck. Am I so drunk last night?! I'm sorry, Cyrah. Hindi ko alam ang ginawa ko kagabi. Sorry, kung ano man ang nasabi ko o nagawa sa iyo, sorry talaga! Paano ang work mo? Galit ba ang boss mo sa'yo? Sorry talaga sa ginawa ko! Hindi na mauulit. Promise 'yan!" nagpa-panic na siya.
"Wala na tayong magagawa. It already happened, kailangan ko na lang agad pumasok bukas para makabawi sa boss ko. Hindi na maganda ang performance ko this week, e."
"Sorry talaga. Hindi na ako iinom. I'll be more careful with my actions," sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
Ano ba, Dixon?! Bakit laging may paghawak sa kamay ko ha? Kagabi, hinalikan mo ako. Sinabihan mo pa ako ng I love you! Baka mamaya niyan eh maniwala na talaga ako sa mga gestures mo! Naku po!
Agad kong inalis ang hawak niya sa kamay ko. Umubo ako kunwari at saka siya tiningnan sa mata. Kailangan ko na itanong kung kasama ba niya si Shyna kagabi at kung paano niya pinuntahan iyon sa The 1985.
"Dixon, can we talk? Importante lang. I hope you will be honest with me," mahinahon kong sabi.
"Of course, ano iyon? You're my creator, I'll be honest with you all the time," sabi niya sabay ngiti sa akin.
Iyan tayo, e. Ngi-ngiti ka sa akin nang ganyan para mawala ako sa focus. Dixon, huwag ganyan. Baka makalimutan kong ako ang gumawa sayo at isa ka lang fictional character. Hindi pwede, hindi ka totoo. Okay?
"Hmm. Nagkita ba kayo ni Shyna kagabi? I received a text from her kasi," sabi ko sabay pakita ng text ni Shyna sa phone ko.
"Cyrah, let me explain.."
Doon na gumuho ang mundo ko. He told me everything. Mula sa pagkuha niya nang palihim sa cellphone ko at pag-text niya kay Shyna. Pumunta pa talaga siya sa The 1985 para kitain ang babaeng iyon.
She really loves Fatima that much, huh? Buti na lang pala talaga at hindi niya naalala ang mga paghalik at pagsabi niya ng I love you sa akin kagabi. Wala lang pala iyon. He said that because lasing siya. Iyon lang, nothing else more. Now I know, I just created him but he'll never love me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top