Chapter 6
Ilang araw na rin ang nakalipas nang magbugbugan si Dixon at Brian. Hindi ko alam ang gagawin ko noon eh. Sinumpa ko na talaga sa lahat ng santo na hindi na sasama sa akin si Dixon roon. Muntik pa akong mawalan ng trabaho dahil sa kanilang dalawa.
Nagtaka nga ako noon na hindi man lang nasaktan si Dixon. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa kay Brian eh. Siya kasi ang napuruhan sa kanilang dalawa. Tinanong ko agad si Dixon kung bakit ganoon, hindi pa kasi raw siyaganap na tao kaya hindi pa siya nasasaktan.
Napaisip tuloy ako, may paraan pala para maging tao siya eh. Ano kaya iyon? Kung meron, edi gagawin na lang namin. Pwede naman eh, I mean.. I can help him with that. Wala namang problema sa akin iyon kasi gusto ko rin naman siyang maging tao.
Pauwi na ako, excited akong pumasok ng bahay dahil may dala akong regalo para kay Dixon. Isa na rin ito sa ways para hindi siya ma-bored rito sa bahay. Walang makasama at magawa eh kaya nakakaawa naman.
"Hello, Cyrah. Buti na lang at narito ka na. I'm bored, wala pa si Aira," sabi niya at tinulungan ako sa mga dala ko at nilagay iyon sa dining table.
"Naku, pasensya ka na ah. Alam mo naman kung bakit hindi kita pwedeng isama sa trabaho ko. Hindi ba?" sabi ko sa kanya, ang mukha ko ay parang nahingi ng pasensya pagkatapos ay ngumiti na rin ako.
"Oo naman, naiintindihan ko ang sitwasyon. Dapat nga ako ang magsabi ng pasensya sa iyo kasi dahil sa akin a muntik ka na mawalan ng trabaho. Sorry ha, don't worry dahil hindi ko na ipipilit na si Shyna si Fatima. Promise!" sabi pa niya at nag-promise gesture.
"Naku, okay naman na. Huwag mo na intindihin. Oo nga pala, may regalo ako sa iyo," nakangiti kong sabi, pagkatapos ay kinuha ko na ang paper bag na may lamang cellphone.
Nagtaka naman siya dahil roon. Isama mo pa na may nakakalokong tingin ako. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa siya o matatakot dahil sa bigay ko sa kanya eh. Aba, Dixon. Kahit mura lang ito eh pinaghirapan ko naman kung ano ang bibilin ko para hindi ka lang ma-bored. Itutoktok ko sa ulo mo ito kapag nag-inarte ka pa!
"Ano iyan? Tinapay? Akin na, gutom na ako eh," nakangiti pa niyang sabi.
Tao naman siya noong ginawa ko siya sa loob ng kwento ko ah? Bakit hindi niya alam ang cherry mobile na brand ng phone?! Inaasar lang yata ako nito eh. Ang inosente, nakakainis. Buti nga at binilhan ko na siya para hindi na siya ma-bored. Isa pa, gusto ko na rin na may communication kami habang nasa office ako para alam ko ang bawat galaw niya.
"Hoy, hindi tinapay ito 'no! Hindi mo ba nakikita? Cherry mobile ang tatak niyan!" inis na sagot ko sa kanya.
"Eh? Hindi ko agad nakita. Pasensya na, eh kasi naman nasa paper bag na kulay brown. Hindi ba kapag ganoon eh pandesal ang laman? Sorry na, baka gutom lang ako. Akin na nga iyan," kinuha niya ang paper bag sa akin at umupo sa may dining area.
Binuksan na niya iyon. Nagtataka ang mukha niya. Hindi ba niya talaga alam ang tatak na cherry mobile ha?! Parang bagong-bago sa kanya iyon eh. Haynaku! Pasalamat siya at ako ang gumawa sa kanya kaya may mahabang pasensya ako!
"What is this? I mean.. I know it is a phone, pero hindi ko alam ang brand na ito. The ones that I'm using on your story is much better. What is that? The one with the apple," sabi pa niya.
"IPhone," mahina kong sabi. Naiinis na ako, hindi man lang siya nag-thank you sa binigay ko sa kanya. Eh sa iyan lang ang nakayanan ko eh, ako pa rin ba ang may kasalanan noon? Binili ko na nga siya eh, 2,500 rin kaya iyan! Ibalik niya ang pera ko. Nakakainis!
"Wala bang ganoon rito sa inyo? Anyways, okay na rin ito para hindi ako ma-bored. Thank you, Cyrah!" tumayo siya at niyakap akong mahigpit.
Nagulat ako kaya hindi ako nakayakap pabalik. Well, hindi naman dapat eh! Ang awkward noon kung gawin ko. I created him and wala na akong ibang purpose kung hindi iyon lang. Ayaw ko naman na gawin siyang boyfriend, that can't be!
Tinanggal ko ang yakap niya at pumunta na sa aking kwarto. Ramdam ko naman na sumunod siya sa akin. Ano ba naman 'to si Dixon, akala mo'y aso o pusa dahil sunod nang sunod sa akin. Umupo ako sa kama kaya ganoon rin siya.
"Hmm, bakit ka sumunod rito? May kailangan ka ba? Huwag mong sabihin na hindi ka marunong gumamit niyan? Ituturo--" napatigil ako sa pagsasalita dahil sumagot agad siya sa akin.
"Sinong ilalagay ko rito sa contacts? I don't know anyone here except you and Aira," sabi niya sabay ngiti.
"For now, kami muna ni Aira ang ilagay mo dyan. Okay? Kapag nakaalis ka na at nakahanap ng apartment eh pwede nang--" hindi na naman ako natapos sa sasabihin ko dahil may sagot na naman siya.
"Paaalisin mo pa rin ako rito? I want to be here all the time for you. Cyrah, ikaw ang gumawa sa akin. I don't want anybody else to be in my life if hindi naman sila connected sa taong gumawa sa akin," sabi niya sa malungkot na tono.
"You don't want anybody else eh gustong-gusto mo nga si Shyna! Huwag mo nga akong pinagloloko--"
"Well, Shyna is your friend. She looks like Fatima in the story you made, so connected pa rin siya sa iyo. Okay? Pwede pa rin iyon. Ayaw ko lang eh iyong makikipagkilala ako sa hindi mo kilala," sabi pa niya pagkatapos ay ngumiti ulit sa akin.
"Sige na nga, edi si Aira lang at ako ang mailalagay mo dyan. Kawawa ka naman, ang dami mong kaibigan sa kwento ko tapos wala in real life," sabi ko sabay tawa sa kanya.
"Hey, may tanong ako. Pwede bang--" naputol siya dahil sa hiya. Ayaw pa sabihin kung ano ang dapat sabihin.
"Ano? Say it."
"Pwede bang kuhanin ko rin ang number ni Shyna? I'll make friends lang," sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ba ay hindi na niya pipilitin pa na si Shyna si Fatima? Bakit nandito na naman kami sa ganitong sitwasyon? Dixon naman, bakit ba ang kulit mo?
"No," maikli kong sabi.
"Sabi ko nga, hindi na. Thank you, Cyrah."
Lumabas na siya sa kwarto ko. Narinig ko pang huminga siya nang malalim. Kita ko rin na nalungkot siya sa desisyon ko. Naaawa ako pero kailangan kong maging matatag sa sinabi ko. Ayaw kong magkagulo sila ni Brian.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top