Chapter 4

Nagising ako dahil sa amoy ng niluluto sa labas. Ang sarap, nakakagutom tuloy. Agad akong bumangon sa aking kama at tiningnan ang niluluto ni Aira.

"Aira, ang sarap naman--" napatigil ako dahil sa nakita ko. Si Dixon pala ang nagluluto.

I smell bacon and eggs. Naaamoy ko rin ang toasted bread. Agad ko siyang pinuntahan roon.

"Good morning, my lady! See? I can cook for you. Nagtingin ako sa cooking books mo roon sa living room," pagkatapos noon ay ngumiti siya.

Tss. Stop calling me "my lady" dahil hindi naman ako si Fatima. I remember, he calls her that.

"Himala. Ang bilis mo namang matuto. Did you use magic?" sabi ko pagkatapos ay tumawa ng mahina.

"Nope. I'm proud that I didn't. Well, I don't have magic. Ang magic lang eh napunta ako rito sa mundo niyo para maging tao," sagot naman niya sa akin.

Umupo na kami sa dining area dahil luto na ang bacon and eggs. Kinuha na rin niya pagkatapos ang toasted bread sa oven toaster.

"Let's eat! Yum yum!" masayang sabi niya at tinikman na rin ang niluto niya.

Kumain na rin ako, mukha namang maayos at masarap eh. Aminado naman ako na hindi ako into breakfast food. I prefer brunch, pero kung may maghahanda naman para sayo eh why not?

Tumingin ako sa paligid at nang hindi ko makita si Aira eh tinanong ko si Dixon kung nakita ba niyang umalis ang kapatid ko.

"Where is Aira? Kapag ganitong oras, gising na iyon ah. May klase pa siya mamayang 10am."

Ngumiti naman bigla sa akin si Dixon. Kumakain na siya ngayon ng bacon. Proud na proud sa pagluto niya noon.

"She's sleeping again. I told her that I'll be the one who'll cook for you. Noong una, ayaw niya. I insisted."

"Ah, I see. Mamaya ay gigisingin ko na siya. Baka ma-late sa school eh," sabi ko pagkatapos ay ngumiti.

"You smiled. Hmm. Okay na ba tayo, Cyrah? Hindi ka na galit sa akin?" he asked me.

Napatigil ako dahil sa tanong niyang iyon. Okay na nga ba kami? Hindi na ba ako galit sa pagbasag niya sa isang plato namin kahapon?

"Hmm. I'll think about it," mataray na tono kong sabi kay Dixon.

"Sige. I'll wait for you. I'm willing."

Pagkaligo at pagkabihis ko ng uniform kong pampasok sa office ay agad akong pumunta sa kwarto ni Aira para gisingin siya.

"Aira, wake up! 10am ang klase mo, hindi ba?" sabi ko pagkatapos ay niyuyugyog ko siya sa kama.

Si Dixon ay busy sa paliligo. Ewan ko ba roon kung bakit gustong-gusto na sumama sa akin sa trabaho. Ano naman ang mapapala niya roon?

Naawa lang ako kaya pumayag na ako. Paano ba naman kasi, mag-isa siya dito sa bahay kapag pumasok na sa school si Aira. Siguro eh bored na bored na siya kaya gusto na niyang lumabas rito sa apartment.

"Ate, ayaw ko pong pumasok. I don't wanna see him now," matamlay na sagot sa akin ni Aira.

Anong I don't wanna see him now? Ang arte mo naman, hindi ka naman papasok para sa ex-boyfriend mong bobo. Hindi naman kasali ang academics sa pagmo-move on! Diyos ko, ang mga teenagers talaga ngayon!

Hinila ko si Aira at pinilit na itinayo. Wala akong pakialam kung ako pa ang magpapaligo sa kanya ngayon. Ang importante ay kumilos siya dahil break up lang iyon. Malayo naman sa bituka ang sakit!

"Get up, bitch! Huwag kang mag-inarte. Kahit ma-late ako sa trabaho ko eh okay lang basta makita lang kitang ayos dyan. Bilisan mo na, matatapos nang maligo si Dixon!" sigaw ko sa kanya.

Aba si gaga, hindi pa rin tumayo. Humiga pa sa kama na parang prinsesa. Huy, iniwan ka na noon at kahit kailan ay hindi ka na babalikan. Mangarap ka na lang nang gising!

Narinig kong tapos na si Dixon sa paliligo kaya sinabihan ko na agad si Aira na pumunta na sa C.R. Kahit nakapikit siya ay inalalayan ko siya palabas. Kulang na lang eh buhusan ko siya ng malamig na tubig para gumising ang diwa niya.

"Ate, ayaw ko na. Ginawa ko naman ang lahat, hindi pa ba sapat sa kanya ang limang taon?! Nakakainis!" sabi niya habang nasa C.R. kami. 

"Saka mo na isipin iyan kapag ligo ka na. Okay? Ang baho mo na oh, sa tingin mo eh mamahalin ka pa ni Basty niyan kapag iyan ang naamoy niya sa iyo?! Aira naman," sabi ko.

Dahil alam ko na baka tamarin pa siya sa pagligo ay binuhusan ko na talaga siya ng malamig na tubig bago kami umalis ni Dixon sa bahay. Wala naman na akong pakialam roon dahil lalabhan rin naman ni Aira ang lahat mamaya.

Nang lumabas na kami para mag-commute ay nanlaki ang mga mata ni Dixon sa akin. Hindi nga pala siya sanay sa commute lang. He has his own car sa loob ng kwento ko. Natatawa tuloy ako sa itsura niya dahil hindi man lang siya marunong tumawid.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na wala ka palang kotse? Are we going to ride.. the bus or something?" sabi niya na nagtataka pa.

"Naku, jeep lang ang tricycle. Bus ka dyan, hindi ano. Malapit lang naman rito ang office ko. Chill ka lang dyan, okay?" sagot ko naman.

"Jeep? Tricycle?! Bakit?! I mean, hindi ba madalas ang nakawan rito sa inyo? Baka mamaya, may manakaw habang nakasakay tayo or something," sabi pa niya. 

Haynaku, ito talagang si Dixon. Hindi talaga pwede sa buhay ng ordinaryong mamamayan eh. Bakit ko kasi ginawang mayaman 'to sa kwento ko at tila walang problema? Ako tuloy ang nag-susuffer ngayon. 

"Walang magnanakaw rito. Kilala na kaya ako sa lugar namin. Halika na at baka ma-late pa ako," sagot ko naman.

Sumakay na kami sa jeep, buti na lang eh konti pa lang ang tao kaya hindi pa siksikan roon. Si Dixon ay sa harapan ko umupo. Ano ba 'to? Hindi man lang umupo sa tabi ko. Naligo naman na ako ah!

"Saan nga pala ako mag-stay kapag nasa office ka na? Cyrah, wala naman akong alam rito." tanong niya sa akin

"Pwede ka sa lounge area or sa labas. Maraming kainan sa may office kaya hindi ka mabo-bored. Kumain ka na lang habang hinihintay mo ako. Okay?" sabi ko sabay kuha sa pitaka ko ng pera.

"Thank you, Cyrah."

"Welcome, Dixon."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top