Chapter 30
I never thought that everything will be okay. Hindi ko akalain na magiging tao ako ulit. I thought that it was the end of me. The end of us.
Sobrang saya ko na nakasama ko siya. Kasama ko na siya ulit after a long time. Hindi ko nga rin akalain na mabubuhay ako ulit eh, this time ay tao na talaga ako.
I realized so many things after Cyrah and I met. Natuto akong maging kontento at masaya kung anong meron sa buhay. My life is so good back then, I forgot to be contented. Sa libro kasi ni Cyrah, nakukuha ko ang lahat ng gusto ko kaya akala ko hindi na 'yon matatapos.
When we met, fried sardines ang ulam ko. Yun ang paborito ko sa mga luto niya, I thought it was not good at first pero okay naman ang lasa. Gustong-gusto ko nga, yung tipong kahit araw-araw eh iyon ang ulam ko ay okay lang.
Noong nawala ako, parang nawala ang kalahati ng buhay ko. Hindi ko maramdaman ang sarili ko, parang hindi ako iyon. Ibang-iba sa ginawa ni Cyrah at sa nakilala niya. Gusto ko magalit noong mga oras na iyon pero si Cyrah ang pinanghawakan ko.
Naniwala ako na hindi kami matatapos. Na babalik ako sa kanya at mabubuhay kaming normal. Better than before.
"Ang sabi ko, patayin mo. Anong nangyari at buhay pa rin ang author mo? Hindi ba sabi ko eh patayin mo para maging totoong tao ka na?" sabi ni Ines, ang fairy na nakalaan para sa akin.
"Hindi ko kaya! Ines, tulungan mo akong makabalik sa kanya. Mahal na mahal ko siya, hindi ko kayang basta na lang siyang iwan! Ines, may paraan pa ba?" pagmamakaawa ko.
"Wala ng paraan para makabalik ka. Sa ginawa mo, dapat lang ay magbayad ka!" sigaw nito at umalis.
Lumapit pa ako sa mga fairy doon pero walang sumagot sa akin. Wala na ang aking pag-asa nang biglang may nakipag-usap sa akin.
"Ano ba ang kailangan mo? Kanina pa kita napapansin. May problema ka ba? Sabihin mo para matulungan kita," sabi ng isang fairy sa akin.
"A-ah, hindi ko po kasi alam kung bakit hindi po ako pwedeng bumalik roon sa mahal ko. Matutulungan niyo po ba ako?" sabi ko doon sa isang fairy.
"Totoong tao iyang mahal mo? Tama ba ako?"
"Opo. Isa po siyang totoong tao at ako po ay isang fictional character lang," sagot ko naman, naasa ako na may sasabihin siyang maganda sa akin.
"Kapag minahal mo ang isang tao mula sa kabilang mundo, pwede ka pa ring maging tao dahil natuto kang magmahal," nakangiting sabi noong fairy.
"Talaga po?! Paano?! Alam niyo po ba?" excited na tanong ko.
"Kailangan mo lang maghintay. Hindi ko nga lang alam kung gaano katagal," sabi niya sabay bigay ng hourglass sa akin.
"Kapag bumaba na ang lahat ng nasa hourglass, pwede ka na pumunta sa mundo ng mahal mo," nakangiting sabi noong fairy sa akin.
Natuwa ako sa sinabi niya. Kahit alam kong matagal pa iyon ay handa naman akong maghintay dahil mahal ko si Cyrah.
Sa mga taong wala ako sa tabi niya, naging mabuti ako dahil gusto ko talaga siyang makasama. Ginawa ko siyang inspirasyon dahil totoong mahal ko siya.
At ito na nga, kasal na kaming dalawa pagkatapos ng dalawang taon simula noong bumalik ako sa kanya. May anak na rin kami, si Ciara Dixone Melendez Dela Velgara.
"CD, let's go na anak! she said smiling.
"Yes mommy, wait!" sigaw naman ng anak namin.
Ang sarap sa pakiramdam na makitang ganito ang nangyari sa amin ni Cyrah. Kapag totoong pag-ibig nga eh nananalo talaga.
"Are you ready? It is your book signing today mommy!" sabi ko sabay halik sa noo niya pagkatapos ay sa tuktok naman ng ulo ni CD.
"Yeah, I never imagined that this day will come. Wala na akong mahihiling pa. This book signing, you being with me and of course si CD. It was worth the wait," she smiled then kissed me on the lips.
Ako rin. Hindi ko akalain na darating ang araw na ito. It was really magic for me. I love you, Cyrah Melendez Dela Velgara.
"Sige na, baka magka-iyakan pa tayo nito eh. Natanong mo na ba si Aira kung makakapunta siya today?" sabi ko.
"Yeah, mukhang may ipapakilala na rin ang babae na iyon sa atin. Ang balita ko, may bagong manliligaw na raw, e."
Nang sumakay kami ay tuwang-tuwa si CD dahil alam niyang marami siyang makikita sa mall kung saan gaganapin ang book signing ng mommy niya.
"Play, mommy?" sabi ni CD.
"Yes, magpe-play kayo ni daddy habang may ginagawa si mommy sa loob ng mall, okay?" sagot naman ni CD.
"What mommy?" tanong ulit ni CD.
"My book, baby."
"Book?"
"The one where in she met me, baby," I smiled and gave Cyrah a wink.
I whispered I love you and she said it back. I am really happy that Cyrah and I made it to our happy ending.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top