Chapter 29
Halos two years na pala ang nakakaraan simula noong nakilala ko ang character ko na si Dixon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nakilala ko siya at nahawakan. That was magical for me, hindi ko pa nakakalimutan. Hindi ko siya kakalimutan.
Halos two years na rin pala simula noong maging okay na kami ni Shyna. Kinaibigan ko na ulit kasi wala naman na si Dixon. Si Brian naman, may bagong girlfriend na rin. Hindi na siya nagpapakita sa office, nakikita ko na lang ang post niya sa Facebook.
Nakakatuwa rin na may trabaho na si Aira, isa na siyang call-center agent. Malapit lang sa kumpanya kung saan ako nagta-trabaho. Lagi nga lang niya kailangan ang kape pampagising.
"Bakit ka nakatunganga dyan ha? Anong iniisip mo?" sabi ni Aira sa akin, nagising tuloy ang diwa ko.
"Wala, may iniisip lang. Ipapasa ko kasi itong Dixon's Tragedy sa isang publishing company. Sa tingin mo ba kaya ko?" sabi ko.
"Oo naman, bakit hindi? Matagal mo na rin naman iyang nasulat at marami na rin ang naghihintay na readers mo hindi ba?" nakangiting sagot niya.
"Oo pero this is his story. Kapag naging libro ito ay hindi ko na talaga siya makakalimutan. Hindi ko yata kaya 'yon."
"Una sa lahat, nakalimutan mo na ba talaga siya? Eh sa tono mo pa lang ngayon eh hindi na eh. Alam ko, malaki ang nagawa ni Dixon sa buhay mo at kahit kailan, hindi mo iyon bibitawan," nakangiti namang sagot niya sa akin.
Ewan ko ba, para kasing may laging nagsasabi sa akin na bumalik ako sa panahon na iyon kung saan minahal namin ang isa't isa. Kahit anong pilit kong limot, wala eh. Siya pa rin ang mahal ko.
"Sa tingin mo, babalik pa kaya siya?" tanong ko, pero I'm hoping for a yes.
"Tinatanong mo lang ako pero alam ko na yes ang dapat kong isagot dyan. Haynaku, kaya pala ayaw sa mga lalaking pinapakilala ko dahil iyon pa rin ang gusto. Sinabi mo pa sa aking busy ka tapos--" hindi ko na siya pinatapos.
"Ang dami mong sinasabi ha? Oo na, aaminin ko na! Mahal ko pa rin naman at umaasa pa rin akong magiging tao siya someday."
"Naku, dalawang taon na ang nakalipas ah? Bakit wala pa rin? Kung mahal ka talaga noon, bumalik iyon agad, kaso hindi eh!" pang-aasar pa niya.
"Naku, matulog ka na nga para maaga ka bukas sa pagpasok mo. Kung anu-ano pang sinasabi eh. Hindi ka talaga boto sa kanya ever since eh 'no?" pang-aasar ko pabalik.
Natawa siya habang nabalik sa kanyang kwarto. Ako naman ay busy sa pag-edit nitong Dixon's Tragedy. Kailangan kong mag-focus rito kasi may two weeks na deadline na binigay yung publishing company sa akin.
Bahala na nga, opportunity rin kasi 'to para sa akin. Malay natin, ito na pala ang hudyat na babalik ako sa pagsusulat.
Paano ba naman kasi, simula noong nawala sa akin si Dixon ay hindi na ako nagsulat. Nawalan ako ng gana kasi baka mangyari ulit iyon sa akin. Ayaw ko na, tama na ang isang beses. Ayaw ko nang masaktang muli.
Nang patulog na ako ay naisip ko ang usapan namin ni Aira kanina, what if bumalik nga siya? Ang lakas kasi ng pakiramdam ko na hindi pa kami tapos sa isa't isa eh. Haynaku, itutulog ko na nga lang ito. Bakit ba ko umaasa sa wala? For sure ay sinasaktan ko na naman ang sarili ko nito.
Nagising ako dahil sa init ng araw mula sa bintana ko. Halos masunog na ang balat ko sa sobrang init ngayon. Bakit alam ni Haring Araw na sobrang hot ko?
"Ate Cyrah! Alis na ako, baka ma-late pa ako eh! sigaw ni Aira mula sa labas.
"Sige! Pumasok ka na. Ingat ah!" sigaw ko naman, nasa loob pa rin ako ng kwarto.
Pagkatapos kumain at magmuni-muning konti ay naligo na ako at nagbihis. Hindi ako pwedeng ma-late ngayon dahil may meeting kami with Sir Martin. Lagi niya sinasabi na hindi ako pwedeng ma-late dahil kailangan niya ako. Ang weird nga e.
Ang dami kong dala kaya hirap akong maglakad. Ang dami ko na ngang nabangga. Ang iba ay matataray at ang iba ay ayos naman.
"Miss, ingat ka naman. Ang dami mong dala oh!" kinuha ko ang gamit at magpapasalamat na sana sa lalaki pero gulat na gulat ako sa aking nakita.
"N-nandito ka? Paano? I mean, patay ka na hindi ba?"nauutal na sabi ko.
"Magic, I guess. Kamusta ka naman, Miss Melendez?" sabi niya sabay ngiti sa akin.
That smile is one of the reasons why I loved him before. Is he really back? Is my Dixon back?
"O-okay lang, ikaw kamusta ka na? Totoong tao ka na ba?" natatakot akong itanong pero tinanong ko pa rin sa kanya.
"Yes. I'm back. Ngayon, hindi na kita iiwan. Hindi na ako bibitaw," sabi niya pagkatapos ay ngumiti.
I can't talk much right now, hindi pa rin napo-proseso ang lahat ng nangyari ngayon. Kabado akong ngumiti sa kanya pero I'm still hoping na hindi na nga siya aalis sa tabi ko.
"Gusto mo bang ihatid na kita sa office? Pwede naman ako ngayon. Wala naman akong gagawin kundi mahalin ka, e."
He is really back. Ganyan pa rin pala siya bumanat hanggang ngayon, no? Hindi pa rin nagbabago, nakaka-inlove pa rin siya.
Inakbayan niya ako saglit at humalik sa tuktok ng ulo ko. Pagkatapos ay kinuha na niya ang iba kong mga gamit at siya nagbitbit noon.
"Tara na, Mrs. Dela Velgara," natatawa niyang sabi.
Hindi pa rin pala niya nakakalimutan 'yon, matutuloy na kaya iyon ngayon? Haynaku, nandito na naman ako sa umaasa stage tapos mamaya iiwan na naman niya ako e.
Natahimik na tuloy ako dahil sa kilig. Hindi pa rin ako makapaniwala na bumalik na siya. Sana ngayon, magse-stay na siya.
Ang saya ko sa araw na 'to, kaya pala pilit akong pinapabalik ng isip ko sa pangyayaring iyon ay dahil mangyayari na ngayon ang dalawang taon ko na hinihiling.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top