Chapter 28

Tama nga ako, nagising na lang ako na wala si Dixon sa tabi ko. Tanging kama lang ang nandoon, hinanap ko siya sa loob ng bahay pero wala na siya.

Nanatili lang ako sa kwarto at umiyak roon. Bakit ngayon pa? Ngayon kami pupunta doon sa amusement park, e. Ngayon namin sisimulan ang mga good memories namin together, kaso wala na siya.

Dapat pala mas naging mas handa ako 'no? Sana nilagay ko na sa isip ko noon pa na mawawala talaga siya one of these days, kaso hindi eh. Hindi ganoon ang nangyari dahil pinaramdam niya sa akin na mahal niya ako.

He was there from the beginning. He was a dream, ang lalaking nagparamdam sa akin na pwede akong mahalin, na hindi ako for ghosting lang.

Halos sa kanya ko naranasan ang mga first, I'm really thankful for that pero bakit ngayon pa? Hindi ba pwedeng next week na lang para extended pa yung pagmamahalan namin?

We are just starting our story. Ang totoong kwento ng pagmamahal ko. Bakit naman ganito kasakit? Sana talaga, nagpapatay na lang ako para nabuhay siya eh.

Ang lala ng kwento namin 'no? Kahit saan pala kami dalhin, wala rin kaming patutunguhan. Sadyang nagmahalan lang kami pero iiwanan rin ang isa't isa.

Alam mo Dixon, ang daya mo. Ang daya mo kasi akala ko pakakasalan mo ako pero cheese ring lang pala talaga 'yon! Akala ko ba papalitan mo in the future, ha? Nasaan na?

Dahil malakas yata ang pag-iyak ko, kumatok si Aira sa may pintuan para tingnan kung ano na ang ginagawa ko. I'm lying in my bed, crying hard for what happened.

Agad siyang tumakbo papalapit sa akin at pinatong sa sidetable ko ang baso na hawak-hawak niya.

"What happened?!" nag-aalala niyang sabi sa akin.

I couldn't say the right words to her. Ayaw ko pang sabihin kasi baka naman babalik pa si Dixon sa akin. Parang yung pag-alis niya noong pumunta siya kina Shyna. Oo nga, baka ganoon nga lang iyon.

"Wala. Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo. Okay?" mataray kong sabi dahil naiinis na ako sa sitwasyon.

Napansin niya yatang wala si Dixon kaya nagtanong siya agad sa akin. Ano naman kaya ang isasagot ko sa kanya?

"Nasaan si Dixon? Akala ko tulog pa. Wala kasi kanina sa labas eh," sabi niya.

"Wala. May binili lang. Babalik rin iyon mamaya," pagsisinungaling ko pa.

Aalis na sana siya nang marinig na lumuluha ako. Bumalik tuloy siya sa may kama at tinanong ulit ako.

"May binili lang ba talaga o tuluyan na siyang nawala? Sabihin mo  nga sa akin ang totoo," sabi niya at tumingin deretso sa mga mata ko.

"Wala na yata siya, iniwan na niya ako. Ang daya nga eh, hindi man lang nagpaalam. Sana nasabi ko pa na mahal ko siya," malungkot na sabi ko.

"Ate Cyrah, dapat alam mo na mangyayari 'to. Sinabihan ka na niya dati hindi ba?" sabi niya ssbay hagod ng likod ko.

"Oo, pero hindi ko naman akalain na ngayon na agad eh. Akala ko next week pa o next month," naiiyak lalo ako ngayon.

"Lagi ka na lang bang hihingi ng extension? Kapag ginawa mo 'yan, hindi ka lalong makaka-move on sa kanya," sagot niya pagkatapos ay niyakap na ako.

Dixon naman kasi, hindi ka nagsasabi.  Gusto na ulit kitang makita at mahawakan. Gusto na kitang mayakap, pero wala ka na.

"Hindi ko akalain na iyon na ang huli. Alam mo ba, hindi na siya nakakakita kahapon? Ni hindi ko na siya mahawakan."

Gulat na gulat si Aira sa kanyang nalaman. She never asked about us that much, ngayong wala na si Dixon sa tabi ko ay masasabi ko na sa kapatid ko ang lahat.

"Sorry Ate Cyrah ha? Sorry kung hindi ako nagtatanong sa inyo ni Dixon noon. Nakikita ko naman kasing masaya ka kaya hindi ko na kayo pinakialamanan," sagot niya sa akin, her eyes are apologizing to me.

"Ayos lang. You don't need to say sorry. Si Dixon naman kasi, bigla na lang dumating 'yan sa buhay natin kaya hindi kita masisisi," nakangiting sabi ko sa kanya pero naiyak pa rin ako.

Kahit naman hindi siya nagsasalita parati, alam kong mahal niya ako at sinusuportahan sa mga gusto ko. Sadyang hindi lang siya expressive simula pa noon.

"Alam kong mahirap ang proseso Ate Cyrah pero malinaw rin naman sa akin na kaya mong bumangon, kailangan mong bumangon para sa mga taong nandito pa para sayo at syempre para sa sarili mo na rin," sabi niya na nakangiti.

"Aira, tanong lang. Maghihintay pa ba ako sa pagbabalik niya?" I said and hoping for a yes.

"I think, no. Huwag ka na maghintay. Masasaktan ka lang, I don't want you to suffer just because of you, not moving on. It is a long process but I promise you that I'll always be here when you need me."

Matagal akong tumahimik, pilit na pino-proseso kung ano ang sinabi ng kapatid ko sa akin. Gusto ko pa sanang labanan ang sinasabi niya pero nakita ko naman ang point niya kaagad kaya hindi na ako nagsalita pa.

"Thank you, Aira. Sa mga panahong ganito ay lagi kitang ma-aasahan talaga. Salamat sa pag-unawa mo at sa pagpapa-intindi sa akin ng problema  Ikaw na lang talaga ang kakapitan ko sa mga oras na ganito e."

"Sabi ko naman kasi sayo, tatanda kang dalaga. Okay? Lagi ka na lang victim ng ghosting oh!" biro pa niya sabay tawa.

Habang kausap ko si Aira, pinang-hahawakan ko pa rin ang pangako sa akin ni Dixon na mahal niya ako. Nakakatawa lang na akala ko'y panaginip lang ang lahat pero ngayon ay gigising na ulit ako sa katotohanan na wala na siya. Wala na ang lalaking nagpakita sa akin ng tunay na pagmamahal.

I love you, Dixon. Tulungan mo naman ako na kalimutan ka, o? Parang hindi ko kasi kaya, wala sa plano ko ang bitawan ka. I was ready to be with you. But now, you're gone.

See you in my story. Doon, babasahin kita nang paulit-ulit hanggang sa makalimutan na kita.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top