Chapter 27
Nagulat ako noong nag-propose si Dixon sa akin nung isang araw gamit ang cheese ring. Natawa ako at kinilig rin dahil sa gesture niyang 'yon.
Hindi ko alam kung engaged na kami or what dahil hindi naman 'yon totoong singsing. Masaya lang ako kasi his promise of loving me until the end is true. I feel it.
Masaya akong nagluto ng lunch namin ngayon. Pinakbet ang isa sa mga paborito ko kaya gusto kong ipatikim sa kanya iyon.
Nang pumasok ako sa loob para ayain siyang kumain ay nakatalikod siya sakin habang nakahiga. Agad kong tinawag ang atensyon niya.
"Dixon, tara na. Kain na tayo ng lunch. Pinakbet ang niluto ko kasi--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil humarap na siya sa akin.
Nagulat ako sa nakita ko. Is this true? Bakit ganoon na ang itsura niya? Agad akong lumapit para tingnan siya, he was really hurting. Kita kong nahihirapan siyang gumalaw.
"Cyrah, is that you? Hindi ka na malinaw sa paningin ko," he said, looking at my direction.
Tinulungan ko siya na mahawakan ako. He's getting blurry this time. Hindi na rin siya malinaw sa paningin ko pero nahahawakan ko pa siya.
"Gusto mo bang dito na kumain? I'll get the food for you. Stay here, okay?" sabi ko.
Nang makalabas ako ng kwarto ay biglang nanginig ang tuhod ko sa sobrang iyak. Pinipigil ko ang sariling marinig ni Dixon iyon, alam kong mag-aalala siya sa akin kung sakali.
Nang makakuha na ng pinakbet ay pumasok na ako ulit sa kwarto. Pinunasan ko agad ang mga luha ko para hindi niya makita iyon.
"Halika, kain ka na," sabi ko at pumunta sa tabi niya.
He can't see me, alam ko iyon dahil kinakapa niya pa kung nasaan ako. Bakit ba ganito? Noong una ay nanghina siya tapos ngayon hindi na niya ako makita.
"Are you okay? Kita mo pa ba ako?" tanong ko.
"Hindi na, medyo madilim na ngayon. Kanina medyo blurry ka lang sa paningin ko eh. Ngayon, wala na."
Ang sakit sa puso na marinig iyon mula sa kanya. Doon na ako nawalan ng pag-asa na magiging maayos pa ang lahat para sa amin.
Tangina, he's blurry to me tapos ako, hindi na niya makita? What the fuck is that? Ang lupit ng mundo para sa amin.
"You can touch me," I said, nag-iiba na boses ko dahil naiiyak na ako.
He tried to touch me pero hindi na niya magawa. Dahil hindi niya magawa, ako na ang gumawa noon pero wala, hindi ko rin siya nahawakan.
Nilapag ko ang pagkain sa sidetable at pumunta sa kanya. Naiyak na lang ako nang ma-realize kung nasaan kaming sitwasyon ngayon.
Doon ko na nilabas ang lahat ng iyak ko, narinig niya iyon kaya nagsalita siya kahit sa ibang direksyon na siya nakatingin a hindi sa akin.
"Are you crying? Please don't. Ayaw kong umiyak ka. Pawala na ko oh, ngayon ka pa ba iiyak? Akala ko ba ay masaya tayong maghihiwalay?" sabi niya.
"Never namang magiging masaya ang paghihiwalay. The pain will always be there. Hindi na yata mawawala yung sakit lalo na at alam kong ako ang gumawa sayo," sabi ko naman.
"Exactly, ikaw ang gumawa sa akin kaya dapat ay maging masaya ka dahil parte mo ako parati. Nandito man ako o wala, nasa puso mo ko."
I cried more. Mas okay pa nga yata yung hindi siya naging tao para hindi ako umiyak nang ganito. Ang hirap pala, sana hindi ko na lang siya pinatay at all.
"Sana pala hindi kita pinatay no?" I told him.
"Bakit? Kung ako ang tatanungin ay masaya akong pinatay mo ko sa story mong iyon."
"Bakit? Ang sakit kaya noon."
"Alam mo, kung hindi mo ako pinatay doon, hindi kita makikilala ngayon. Hindi tayo magtatagpo," he said and hear him chuckle.
Tama siya, pero masakit pa rin eh. Masakit kasi may ending pala ang lahat ng ito. Ano na ang mangyayari bukas? Wala na. Baka paggising ko bukas, wala na siya.
Please Lord, please let him live for a few days bago Mo kunin ulit sa akin si Dixon. He died in my story then he will die again?
"Kung mawala ako bukas, lagi mong iisipin na mahal kita. Minahal, mahal at mamahalin kita. Nasa puso mo ako," sabi ni Dixon.
"Hindi kita kakalimutan, salamat sa pagpapakita ng pagmamahal sa akin."
I tried to hug him again, but I really can't. I only see blur. My heart really cried after that.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top