Chapter 26

Ilang araw na ang nakalipas, matagal ko na ring pinag-isipan. Gusto kong pakasalan si Cyrah bago ako mawala. Hindi ko nga lang alam kung paano kasi wala naman akong pera para bumili ng singsing para sa kanya.

Wala siya ngayon dito sa bahay pero si Aira nandito. Wala raw silang pasok, ewan ko kung bakit. Gusto kong magpatulong pero hindi ko alam kung pwede.

Tumingin lang akong matagal sa kanya kaya takang-taka siya sa akin.  Nakaupo siya ngayon sa sofa habang may binabasa.

"Anong meron? Bakit ka nakatingin sa akin?" she asked me.

"Wala, gusto ko lang sanang magpatulong," nakangiting sagot ko.

"Saan?"

"I want to marry your Ate Cyrah before I go. Can you..help me?"

Medyo nagulat siya sa sinabi ko. Hindi  niya agad ako nasagot at parang hindi pa siya sure sa akin. Maybe hindi siya boto sa akin.

"How can you do that? Alam mong hindi ka tao. Sabi ni Ate Cyrah, mawawala ka rin in the near future," sabi niya sabay tingin sa librong binabasa.

"I don't know. I just want to make a promise. Hindi naman literal na pakakasalan ko siya with all the guests," sabi ko sabay upo sa dining area.

"How? Masasayang lang ang oras ni ate sayo. Okay? I mean, hindi talaga kayo para sa isa't isa kasi iiwan mo rin siya. You will leave her. Right?" mataray na sabi niya.

I know where she is coming from. Kahit naman ako ay magagalit rin kung sakali na may nang-iwan sa mahal ko sa buhay. Also, Cyrah is always being left alone by those guys.

"I won't leave her, Aira. She is the one who made me. Kahit mawala ako physically, she will always be connected to me no matter what it takes," I said calmly.

"Yeah. But it will hurt her. I hate people who does that to her. Si Ate Cyrah kasi, siya na ang sinaktan tapos siya pa ang may ganang mangamusta sa taong nakasakit sa kanya," sabi niya, galit ang tono.

"If she's hurting, just be there for her. Wala na ako sa mga panahong iyon kaya ikaw na ang gumawa noon para sa akin," sabi ko, kalmado pa rin at nakangiti.

"Yeah, you don't need to tell me. Alam ko gagawin ko kay Ate Cyrah," masungit pa rin na sagot niya.

Hindi ba pwedeng bumait ka naman? Gusto kong mainis sayo pero kapatid ka ng mahal ko kaya hindi ko magawa.

Kumuha na lang ako ng chichirya sa lagayan ng snacks at pumunta sa kwarto. Cheese ring ang kinakain ko ngayon, while holding it ay may na-realize ako.

Hindi naman maarte si Cyrah diba? She can wear this cheese ring. Sana, kasya sa kanya.

Lumabas ako sa kwarto habang hawak-hawak yung cheese ring. Nagtaka naman si Aira sa ginawa ko.

"Iniingit mo ba ako? May cheese ring din naman ako, kaya ko bumili--" hindi ko na siya pinatapos dahil nagsalita na agad ako.

"I will use this cheese ring to propose to her," natatawang sabi ko.

"What?! Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo ha?" gulat na tanong ni Aira.

"Yes. I'm serious with this. Pwede mo ba akong tulungan? What will I say to her?" hindi ako mapakali.

"I don't know.. Isipin mo muna kung gagawin mo talaga 'yan or what," sabi niya pagkatapos ay nagbasa ulit.

Dahil wala talaga akong mapapala sa kanya, pumasok na lang ako sa kwarto at doon ay nag-isip kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

I want you to marry me, Cyrah. I'll be back soon. I love you so much. ♥️

Kinagabihan, dumating na si Cyrah galing sa trabaho. Pagod siya at irritated but she managed to smile at me noong nakita niya ako.

"You fine? Do you want to sleep?" I asked her.

"No, I got a lot of things to do for work. Ikaw, kamusta araw mo?" naitanong niya pa rin iyon kahit na pagod na siya.

"Yeah, just thinking about something pero I'm good. I hope you're well," sabi ko sa kanya at ngumiti.

I waited for her to finish work before I ask that "marry me" thing. I was so nervous about it. Maaga pa ba? I mean, should I really ask her now?

"Uhm, Cyrah. I have something to tell you sana.."

"What? I'll be finish naman na kaya pwede mo na sabihin sa akin," nakatingin pa rin siya sa laptop niya.

"Mamaya na lang siguro. Hindi pa naman ako sure," I said then smiled.

"What is it? Anong hindi ka pa sure? Saan?" sunud-sunod na tanong niya sa akin.

"Kung papakasalan mo ako. Hindi pa ako sure."

I bit my lower lip when I realized what I've said. I shouldn't say that! Fuck.

"Ha? Magpapakasal na tayo? Saan? Kailan?" gulat na gulat na tanong niya sa akin.

I saw her smiling kahit na malayo siya ng konti sa akin. She didn't expect me to say that, huh?

When she finished it all, she turned to me and smiled. Cyrah was so excited about it, parang bata na pumunta siya sa kama.

"Umupo ka dyan sa may kama. I will give something to you," I told her then smiled.

"What is it?" tinanong niya pa kahit may idea na siya.

Tumayo ako kung saan may space. Hindi niya yata nahalata na may hawak akong cheese ring. Nakailang kain na ako nito kanina, buti at may natira pa.

Nag-start na akong lumuhod sa harapan niya. Nakangiti ako at hindi ko alam ang sasabihin. Nilabas ko na rin ang cheese ring at bahagya siyang natawa nang makita niya iyon.

"I know that this is silly but I want you to know that I love you so much and I want to marry me. Cyrah Melendez, are you ready to be Mrs. Dela Velgara?" my eyes are hoping that she will say yes.

"Really? A cheese ring?" she laughed.

"I don't have money to buy you an expensive one. Kung nasa loob tayo ng kwento, maybe I can buy you one but.."

"It's okay, I will still marry you. Kahit nga wala ng ring eh. Alam mo naman na hindi ako into fancy things," she said then smiled.

Sinuot ko na sa kanya yung cheese ring kaso hindi nagkasya, parehas tuloy kaming natawa sa ginawa kong kalokohan.

"I love you, Cyrah Melendez Dela Velgara."








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top