Chapter 25

I really felt sad of what's happening to Dixon. He became quite a lot more now. Nag-iba rin ang nararamdaman niya sa katawan niya. He's getting weak but he told me to stay smiling, okay lang raw siya.

Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung paano. Wala na yata talaga akong magagawa sa pagkawala niya.

"Tara, tulog na tayo. Pahinga ka na. Sa weekend, may pupuntahan tayo. Okay? You should be prepared sa araw na iyon," sabi ko.

"Saan naman?" tanong niya sa akin.

"Secret, saka mo na lang tingnan kung saan kita dadalhin. You want memories, right? We will make a lot, okay?" sagot ko habang nakangiti.

Balak ko siyang dalhin sa isang amusement park. Alam ko kasing hindi pa siya nakakapunta roon kaya gusto ko siyang dalhin roon.

Nang humiga kami ay tumalikod ako sa kanya. Malungkot ako kaya ayaw kong ipakita iyon. Si Dixon naman ay makulit kaya kahit ayaw ko ay humarap pa rin ako sa kanya.

"Ano ba? Ayaw ko nga sabing humarap sayo e," inis kong sabi.

"Bakit naman? May ginawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin para--" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Nalulungkot kasi ako, hindi ko naman pwedeng ipakita sayo, e."

"Sabi ko naman sayo, diba? Ayaw ko noon, saka ka na malungkot kapag nandito ako. Ang weird naman kasi kung nandito ako pero iiyakan mo," natatawa pa niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin, hinayaan ko lang na magsalita siya roon at pinikit na ang mga mata ko. Naririnig kong tinatawag pa niya ako pero inaantok na kaya wala na ring pag-uusap na nangyari.

Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa malawak akong lugar. Ako lang ang tao rito, puro puti ang nasa paligid.

Nasaan ako? Nasa langit?

Naglakad pa ako ulit, tinitingnan ang paligid. Nagulat ako nang may marinig akong tao na umubo sa likod ko. Agad akong humarap sa kanya para makita ko siya.

"S-sino ka? Nauutal ko pang tanong sa kanya.

"Hindi mo ako tanda?" he asked while smiling at me.

Pamilyar siya pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita noon.

"Hindi eh, sino ka ba?" tanong ko ulit, naguguluhan ako kung bakit ako narito at kung sino itong nasa harapan ko.

"Sic Santos, pumapatay rin ako ng characters katulad mo," nakangiti niyang sabi at nilahad ang kanyang kamay sa akin.

Oh yeah, siya ang idol ko kapag namamatay ang bida. Kahit ilang ulit na niyang ginawa sa kwento niya iyon, nakakaiyak pa rin eh.

"Why are you here? Why are we here?" tanong ko sa kanya, naguguluhan pa rin.

"Hindi mo pa ba alam?" he asked.

"Alin?"

"We're dead, Cyrah Melendez. Our characters brought us here. Tulad ko, patay ka na rin. I suffered with them," he faked a smile.

Suffered? Anong ibig niyang sabihin? Ako nga, minahal ako ni Dixon eh. Pwede pa lang mangyari 'yon?

"What do you mean, Sic?"

"Lahat ng pinatay ko sa story ko, naging ganap na tao. Walang naawa sa akin o na-inlove," sabi niya pagkatapos ay ngumiti.

"Ano namang kaibahan noon? Eh mamamatay pa rin naman isa sa amin kahit na ma-inlove kami sa isa't isa," I said, but it hurt me.

"Hindi mo pala alam, 'no?"

"Ano iyon?" nagtataka pa rin ako ngayon.

"Someone will suffer for awhile, pero babalik sila sayo kung nainlove sila while being on earth," nakangiti niyang sabi sa akin.

So may pag-asa pa kaming maging maayos ni Dixon?

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Nagkaroon ako ng pag-asa na baka pwede nga kami ni Dixon in the future.

"Gaano katagal silang mahihiwalay if ever?"

"Iyon ang hindi ko alam. Ako kasi, wala namang naramdaman sa akin yung mga pinapatay kong character eh. Sayo ba?" sagot niya sa akin.

"Ah, sabi niya ay mahal niya ako. Sadly, hindi ko na-check kung totoo nung nabubuhay pa ako," sagot ko naman.

Teka, patay na ba talaga ako?

Bigla akong nagising dahil sa sikat ng araw mula sa bintana ko. Tiningnan ko si Dixon, tulog na tulog sa tabi ko at nakayakap pa sa akin.

Dahil alala ko pa na napanaginipan ko si Sic Santos, agad kong kinuha ang cellphone ko para tingnan kung ano ang kalagayan niya.

Nakapag-post pa naman siya kahapon. Para sure ako, I messaged him. Ewan ko nga lang kung sasagot 'to kasi sikat na siyang writer eh.

@cymelendezz: hoy sicario

@cymelendezz: bakit nasa panaginip kita? iniisip mo ba ako?

@cymelendezz: jok, buhay ka pa ba???

@owwsic: sino ka

@owwsic: bwisit, pumapatay lang ako ha pero hindi pa ako patay, nagrereply pa nga ko sayo e, bakit ba?

@cymelendezz: just checking, patay ka na kasi sa panaginip ko. you know, baka totoo.

@owwsic: gago. si cyrah melendez to? yung pumatay kay dixon??

@cymelendezz: alam mo yun??? tangina. bakit mo alam?

@owwsic: trending story mo online. check mo kaya.

owwsic followed you.

Agad akong nag-bukas ng laptop. Hindi ko kasi binubuksan iyon simula noong nagkaskit si Dixon. Mas focused ako sa kanya kaya hindi agad ako nakapagsulat.

I saw it, my story got a lot of reads. Dixon's Tragedy got million reads. I'm shocked but definitely happy. Ngayon, tumingin naman ako kay Dixon habang nakangiti.

I never imagined that you will be by my side today. You are just in the story, you are fictional but you happened. We happened. I love you, my Dixon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top