Chapter 24

My body is getting weaker everyday. I don't know why.  Siguro, alam ng katawan ko na malungkot ako. Malungkot ako dahil nag-away kami ni Cyrah noong nakaraan.

Sinabi ko na sa kanya ang katotohanan, na nung una ay gusto ko siyang patayin para mabuhay ako. Ang sakit, ang sakit para sa akin na isa ang kailangang mawala sa amin. Hindi ba pwedeng maging masaya na lang kami?

Halos hindi na ako makatayo. Cyrah doesn't know about this kasi pinipilit ko talagang mag-act ng normal kapag nandyan siya. Buti na lang, lagi akong nagtatagumpay.

Hindi ko nga lang alam ngayon kasi day off siya sa work. Makakasama niya ako buong araw. Kaya ko pa kaya?

Kumatok siya sa kwarto at nag-akto ako na parang kagigising ko lang. Pagkita niya sa akin ay para akong inaantok pero hindi naman talaga.

"Tutulog muna ako ha? Ayos lang ba?" pagsisinungaling ko.

"Ha? Eh luto na yung ulam natin for brunch, saka anong oras na oh. Ang baho mo na kaya," asar pa niya.

"Wow, naligo ka na ba?" I asked her.

"Ah, hindi pa," mahinang sabi niya, natatawa tuloy ako.

"Hindi pa pala eh, quits lang. Sige na, mauna ka na kumain. Okay?" sabi ko sabay ngiti.

Ngumiti siya pabalik sa akin. I think she's happy and excited too sa araw na ito. Masaya raw siya na okay na kami, wala na kaming tinatago sa tao.

I hope she stays like that, yung ngiti na walang problema. Kasi kung ako ang tatanungin, I know that her smile will fade kapag sinabi ko sa kanyang nanghihina na ako.

"Tumayo ka na dyan. Sabayan mo na ako, nakakalungkot sa labas oh!" sabi niya, pilit na pinapatayo ako.

Pilit akong tumayo, I know she saw it. Alam kong alam na niya na may problema ako.

"You can't stand alone? Kailan pa?" she asked, worried.

"Noong isang araw lang, I didn't tell you because you were busy. Hayaan mo, kaya ko pa naman. Okay?" I assured her.

"No. That's not good, Dixon. You should be alarmed of what is happening to you," may inis na sa boses niya.

"Huwag kang mag-alala, kaya ko ito. I'm not Dixon Dela Velgara for nothing. You keep up with your work and I'll do mine," trying to walk then smiled at her.

"Does it hurt bad?" she asked.

"No. Kaya ko naman lahat as long as you are with me. This is our battle, Cyrah and I'm sure we will win this," I smiled again.

Ngayon, nasa dining area na kami. Halos ilang minuto rin akong sumubok na maglakad, ah. Ang sakit ng buong katawan ko.

Nang makaupo ako ng ayos ay kinuha niya ang ulam namin. Lately, ito ang favorite kong ulam kaya lagi kong pinapaluto sa kanya. Hindi ko pa kasi natitikman 'yon.

She's holding rice sa left hand at fried sardines naman sa right. Para akong bata na sobrang excited nang nilapag niya iyon sa table.

"Kain na, you need to eat a lot. Sana lumakas ka na uli," she said, smiling at me.

"Sana. Gusto ko pang makasama ka nang mas matagal na panahon. Yung maganda pakiramdam ko, hindi katulad nito," I sad then I held her hand.

"Of course, we'll do that. Okay?" she assured me, smiling.

Sana hindi ito isa sa mga senyales na mawawala na ako sayo Cyrah. I really don't want to go. I will stay until my last day. I love you.

"Pwede bang magtanong? Tanong lang 'to, just a what if in my head," nauutal na sabi ko, takot sa magiging sagot niya roon.

"Sige, ano 'yan? Huwag lang math question ah!" panloloko pa niya sa akin, natawa tuloy ako.

"What if next week, wala na ako?" I bit my lower lip.

Nagulat siya sa tanong ko, medyo naluluha na rin siya. Registering my question in her head, hindi niya siguro akalain na tatanungin ko siya noon.

"Hmm. Mangyayari ba talaga 'yan?" she asked, tears falling into her eyes.

"Maybe. Hindi ko alam, nanghihina na kasi ako and I'm thinking if this is a sign," I said in a lonely voice.

"Okay then, we will create happy memories para kung totoo man na mawala ka, hindi ako masasaktan," she said, smiling at me.

Sa pagkakakilala ko kay Cyrah, she will act like everything is okay but she's really hurting. I hate that.

"Thank you for making good and happy memories with me," sabi ko sabay hawak sa mga kamay niya.

"Bakit ka agad nagte-thank you? Hindi pa nga tapos, eh. Magsisimula pa lang tayo, Dixon."

She's trying to smile but she can't, kumain na lang siya. Natawa ako nang ma-realize na hindi pa pala kami nakain.

Kumain na rin ako, hindi na ako sumagot sa sinabi niya. If that really happens, alam kong hindi namin kaya parehas.

Nang matapos kaming kumain, tumayo na siya at niligpit iyon.
Naghugas na siya ng plato habang ako ay nakaupo pa rin sa may dining area.

Tinawag ko siya, I can hear her cry kahit na pinipigilan niya 'yon. Gusto kong lumapit sa kanya pero ang sakit talaga ng katawan ko.

"Cyrah, why are you crying?"

"Uy, hindi ah. I just," napatigil siya at pinunasan ang kanyang mga mata. I knew it, she was really crying.

"You just what? Don't deny it. I know you. Okay lang umiyak pero huwag ngayong nandito pa ako. Saka na kung wala ako, please?" I pleaded.

"Kailangan bang talagang mawala ka?" she asked slowly.

"Ayaw ko, dito ka lang. Please?" pagmamakaawa pa niya at tumingin sa akin.

I hope I can do that, but I can't. Our love story is just temporary. I'm sorry Cyrah. I really am.

Pagkatapos niyang maghugas ay lumapit siya sa akin, hinalikan niya ako sa labi at hinalikan ko naman siya sa tuktok ng kanyang ulo.

"I love you so much that I don't want you to leave."

"I love you too but I have to."









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top