Chapter 23
Matagal ko nang nakikita si Dixon rito sa apartment namin. Kung hindi ako nagkakamali, isang buwan na rin ang nakakalipas.
Nagulat na nga lang ako kasi may boyfriend na pala si Ate Cyrah, wala man lang chini-chika sa akin si babaita.
Halos matapon ko pa nga ang kape ko noong unang kita namin. Nasa kitchen si Dixon noon, nagluluto pero nasunog.
"S-sino ka? Magnanakaw ka ba, ha?" tanong ko sa kanya.
"H-hindi ah! B-boyfriend ako ng ate mo," nauutal pa niyang sagot sa akin.
Si ate? May boyfriend? Imposibleng hindi ko agad malaman 'yon.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Ikaw, boyfriend ka ni ate?"
"Yes," mahinang sabi niya.
After noon, hindi na siya umalis sa apartment namin. Wala ba siyang sariling bahay? For sure, meron naman pero bakit dito siya sa amin nakatira?
It's not like naging live in na sila ni ate. Hindi ganoon ang ate ko, lagi naman yung ghosted kay Bobby at Brian. Nakakagulat lang na biglang may boyfriend na siya.
Buti na lang at wala si Mama at Papa rito sa Maynila. Kundi, mapapagalitan si ate. Hindi pwede sa kanila yung ganoon eh, conservative kasi sila at kapag magkasama na sa iisang bahay ang mag-jowa, ibigsabihin noon ay nag-sex na
Sa akin naman, wala akong pakialam. Huwag niya lang sasaktan ang ate ko. Si ate kasi, sobrang bait. Sinasaktan na siya ng iba pero iniisip niya kung okay lang ba yung nanakit sa kanya. Ibang klase rin eh.
Isang beses, noong dumating si Basty sa bahay. Wala na kami noon pero pilit siyang pumunta. May dalang bulaklak at chocolates. Gulat na gulat noong makita si Dixon sa sofa.
Nagulat ako nang bigla siyang nagalit kay Dixon. Akala niya, boyfriend ko 'yon. What the hell, seryoso ba siya? Mas lalo ko siyang hindi babalikan sa ginawa niya.
Binugbog ba naman si Dixon, puro sugat tuloy ang mukha niya. Patay ako nito, papagalitan ako ni Ate Cyrah. Bwisit na Basty 'yon.
I told Dixon na sasabihin ko kay ate ang nangyari, but he refused. Lumabas na lang siya sa apartment at doon ginamot ang sugat niya.
Dahil hindi kaya ng konsensya ko, tinext ko pa rin si Ate Cyrah kahit alam kong sinabi na sa akin ni Dixon na siya na lang ang mag-papaliwanag.
To: Ate Cyrah
Ate, something happened. Binugbog ni Basty si Dixon. Akala niya boyfriend ko si Dixon.
From: Ate Cyrah
Tangina. Bakit ba kasi pumunta yan dyan? Kayo na naman ba? Napuruhan ba si Dixon?!
To: Ate Cyrah
Hindi ko alam na pupunta siya okay? And, hindi kami. Sa ginawa niya kay Dixon, malabong maging kami ulit.
From: Ate Cyrah
Talaga! I I won't let the asshole enter my house again! Never.
I sighed then humiga na sa room ko. Damn, I wasted my five years with Basty. Ang sakit pa rin.
Isang araw, napansin kong wala na si Dixon sa bahay. Lagi naman kasi akong nasa school kaya hindi ko sila nakikita ni Ate Cyrah. But with what I observed, parang hindi sila. Ang gulo lang.
I asked Ate Cyrah that night, tinanong ko siya kung bakit wala na si Dixon sa apartment. My Ate Cyrah looks sad, I know that something is wrong with them.
"Ano na nangyari sa inyo ni Dixon? Bakit bigla na lang siyang umalis?" tanong ko.
"Wala. May aasikasuhin lang raw sa probinsya. Hinayaan ko na, buti nga 'yon kasi wala akong stress rito sa apartment," sagot naman ni Ate Cyrah.
"Talaga? Eh bakit malungkot ka nitong mga nakaraang araw? Naku, kilala kita ate. May iba na, 'no?"
"Wala. Ikaw talaga, hindi pa naman kami hiwalay. Katext ko pa rin siya minsan," sagot ulit niya.
"Sige, ate ha? Kapag 'yan si Dixon niloko ka, patay talags sa akin 'yan! Ngayon ka na nga lang ulit nagmahal after ni Bobby, e."
"Bakit naman napunta sa usapan si Bobby? Nilibing ko na mga alala 'non ah? Ikaw talaga! Balita ko, may asawa't anak na 'yon," natatawa niyang sabi.
"Minulto ka 'non eh. Bigla na lang nawala, hindi man lang sinabi kung bakit. Inis na inis kaya ako sa kupal na 'yon!" natatawa ako dahil gigil na gigil ako nang maalala ko 'yon.
"Ang importante, masaya na kami parehas. Although, hindi ko tinanggap yung invite niya sa akin na maging ninang ng anak niya," natatawa siya ulit.
"Bitter?" sagot niya sabay tawa rin.
May kumatok noon sa bahay kaya binuksan ni Ate Cyrah. Ang tagal niyang nasa may pinto lang, nakaupo pa rin ako sa dining area.
Nagulat na lang ako nang makitang may sugat na naman siya sa mukha. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari sa kanila ni Basty noong nakaraan. Akala ko ay nasa probinsya siya kaya gulat akong nakita si Dixon.
I volunteered to get the first aid kit, noong nabigay ko na ay pinapasok naman ako ni Ate Cyrah sa loob ng kwarto.
Pauwi na ako noon, excited dahil alam kong naghanda si Dixon para sa Ate Cyrah ko. I know she's happy right now, ang sweet nila lately eh.
Papasok na sana ako ng apartment nang bigla kong marinig na may nag-aaway sa loob. Fuck, bakit sila nag-aaway eh naghanda naman si Dixon para sa kanya, ah?
Nilapit ko pa ang tenga ko roon. Napahawak ako sa bibig ko at nagulat nang marinig ko na hindi totoong tao si Dixon, may isa raw na mawawala sa kanila at isa ay mabubuhay.
Tama ba 'tong naririnig ko? Hindi totoong tao si Dixon? Pwede ba 'yon eh nakikita ko nga siya?
Kumatok ako nang medyo malakas para marinig nilang may tao na rito at tumigil na sila sa pag-aaway.
"Aira, kanina ka pa ba dyan?" nauutal na tanong ni Ate Cyrah sa akin.
"Oo. Ate, sorry.. Narinig ko lahat at hindi ko sinasadya," mahina niyang sagot ko naman.
"I will explain this next time. Just give me time," she smiled but she was lonely.
Hindi kaya si Dixon ang bida ni Ate Cyrah sa book niya? Dixon rin ang bida roon, diba? Nagkaroon ng buhay si Dixon dahil pinatay siya ni Ate Cyrah? Fuck, that's weird.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top