Chapter 22

Ilang araw na akong walang pakialam kay Dixon. I was really sad of what he said to me. Ilang araw na akong nag-iisip. I must die for him to live.

Lagi niya akong kinakausap pero nilalagpasan ko lang siya. Umaarte ako na para bang walang naririnig o nakikita. Believe me, it hurts me seeing us like that.

Akala ko ayos na ang lahat, e. Akala ko wala na kaming problema, kaso ito pala yung pinaka mabigat para sa aming dalawa. Ang tanga ko lang na maniwala na pwede kaming dalawa.

Dapat naisip ko na 'yon eh, dapat hindi na ako nahulog sa kanya. Feeling ko, sa oras na mawala na siya nang tuluyan sa akin eh lalong masakit.

Noong gabing sinabi sa akin ni Dixon na kailangan niya akong patayin, gusto ko siyang iwan. Gusto ko siyang bitawan at kalimutan na lang.

Pero ayaw raw niya, ilang beses ko nang sinabi na pwede na siyang umalis pero hindi raw niya gagawin. Tangina, lalong sumakit e.

Ang malala pa, lumuhod siya sa harapan ko noong nasa kwarto na kami. Badtrip nga, narinig pala ni Aira lahat. Dagdag pa iyon sa iisipin ko, hindi ko nga rin alam kung pwede bang nalaman niya 'yon.

Ngayon, pauwi na ako mula sa trabaho. Naglalakad na ako nang biglang may tumawag sa akin na pamilyar na boses.

"Cyrah, halika na. Sakay ka na, ihahatid na kita sa inyo," sabi ni Brian habang ako ay naglalakad.

"Huwag na, kaya ko na ito. Malapit naman na ang apartment ko," sabi ko na hindi siya tinitingnan.

"Paulan na oh, sumakay ka na. Baka magkasakit ka pa. Don't worry, hindi kita kukulitin ng second chance," nakangiti pa ring sabi niya.

Tiningnan ko muna ang langit. Paulan na nga. I let out of a heavy sigh saka siya tiningnan.

"Sige na nga. Ngayon lang 'to ah?" sabi kong malinaw sa kanya.

Ayaw ko kasing makita ni Dixon si Brian. For sure, magseselos na naman 'yon lalo na ngayon na may problema kami.

Tahimik lang ako sa sasakyan nang biglang magsalita si Brian. Nabibingi siguro sa sobrang tahimik ko. Wala naman kasi siyang mapapala sa akin, wala na akong paki sa kanya.

"Okay ka lang? Ang layo ng iniisip mo, ah. Ramdam na ramdam kong wala ka sa sarili mo," sabi niya, nagda-drive pa rin siya ngayon.

"Hmm. May family problem lang. Hayaan mo na," sabi ko habang nakatingin sa bintana.

"Anong problema mo? Sabihin mo sa akin, baka makatulong ako," sabi niya sabay ngiti sa akin.

Ikaw. Ikaw ang isa sa mga problema ko.

"Wala. Hayaan mo na. Mag-drive ka na lang."

Buti naman at sinunod niya ako. After a few minutes, nakarating na ako sa apartment. Agad kong kinuha ang gamit ko sa kotse ni Brian at bumaba na.

"Salamat," sabi ko na may ngiting pilit.

"Welcome. Anytime, Cyrah. Nandito lang ako lagi," sabi niya sabay ngiti.

Ulol. Anong sinasabi mong nandyan ka lagi? Noong nahulog nga ako sayo, iniwan mo ako sa ere. Ngayon, sasabihin mo 'yan? Neknek mo.

Nagulat ako nang makita si Dixon sa may bintana ng apartment. Nakatingin siya sa akin na parang galit.

"Siya na ba?" he asked, galit ang tono.

"What are you saying? Nagseselos ka na naman?!" inis na sagot ko.

"Oo. Baka kasi kunin ka na niya sa akin. Baka siya na ang piliin mo dahil tinataboy mo na ako. Ayaw ko noon, please? Ayaw ko," naluluhang sagot niya.

Ikaw pa rin pipiliin ko kahit ganito na ang sitwasyon natin. Tangina, ikaw talaga sinisigaw ng puso ko eh. Pwede bang maging tao ka na lang?

"Wala akong ibang pipiliin Dixon. Kahit mawala ka na, kahit hindi na kita makita ay ikaw pa rin ang ititibok ng puso ko," mahina kong sabi pero sinigurado kong maririnig niya 'yon.

"Hindi ko na kayang hindi mo ko pinapansin. Pwede bang sa mga oras na 'to at sa mga susunod na araw ay mahalin na lang natin ang isa't isa? Please?" lumuhod siya sa harapan ko at niyakap ang beywang ko.

"Please? Huwag mo akong luhuran. Hindi ko gustong nakikitang ganyan ang itsura mo. Tumayo ka na, dali," sagot ko sabay hinila siya pataas.

Ngayon, magkalapit na ang mga mukha namin at nakatingin sa isa't isa. Lumuluha kami pareho.

"Tigilan mo nang umiyak, hindi bagay sayo eh. Sige ka, papangit ka niyan," sabi niya sabay punas ng luha ko.

"Sorry ah, sorry kung nagalit ako noon. Hindi ko sinasadya, marami lang pumasok sa isip kong masasamang bagay. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin," sagot ko, nakatingin ako sa mga mata niya.

"Sorry rin kung naging negative ako noong araw na 'yon. Hindi ko dapat isipin na may magsasakripisyo. Dapat isipin ko na lalaban tayo hanggang dulo," sabi naman niya, ngayon ay nakangiti na.

"Ipangako mo na lalaban tayong dalawa. Okay? Kung ano man ang mangyari, ang importante ay nakilala natin ang isa't isa at masaya tayo kung saan man tayo dalhin ng tadhana," sagot ko.

"Ipangako mo rin sa akin na simula ngayon ay wala nang away. Gusto ko, masaya na lang. Para incase na mawala ako, masayang alaala ang mga babaunin ko at hindi yung malulungkot."

"Mahal na mahal kita, Dixon. Mula ngayon hanggang sa dulo, kakapit ako sayo," sabi ko pagkatapos ay humalik sa kanyang labi.

We hugged after that. Pagpasok namin sa aking kwarto ay may tinanong si Dixon sa akin habang nakahiga kaming dalawa.

"Aira knows all of it, paano iyon? Ipapaliwanag mo ba?" he said while playing my hair.

"Pwede ba?" nag-aalinlangan na tanong ko.

"Oo naman. Wala naman na akong pakialam kung malaman pa ng lahat. Ang importante na lang sa akin ay mahal kita," sabi niya sabay kindat pagkatapos ay humalik naman sa labi ko.

"You sure?" tanong ko ulit, nagdadalawang isip pa kasi ako.

"Oo nga. Narinig na niya lahat, e. Alangan namang i-deny mo pa? Magtatanong iyon ulit kung di mo pa sasagutin," nakangiting sagot niya.

"Sige. Ipapaliwanag ko one of these days sa kanya."

We hugged again and slept together. I love you Dixon. I can't wait to create more memories with you.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top