Chapter 21

"Sigurado ka ba dyan?! Niloloko mo yata ako eh," sagot ko, patapos na sa steak na kinakain ko.

"Ah, hindi pa pala ako sure. May dapat ka pang malaman eh," humina ang boses niya bigla.

"Ano 'yon?" tanong ko, kinakabahan dahil parang seryosong usapan ito.

"Ipangako mo munang hindi ka magagalit. Ipangako mo munang hindi mo ako bibitawan. Ipangako mo munang sa akin ka pa rin pagkatapos nitong sasabihin ko," sabi niya pa habang nauutal.

"Oo, sige. Ano ba 'yon? Sabihin mo na, kinakabahan ako sa'yo, eh.."

"Cyrah, I'm sorry.. May hindi pa ako sinasabi sa'yo."

Kumalabog ang dibdib ko. Ano iyong hindi pa sinasabi sa akin ni Dixon? Lagi naman kaming magkasama, ah? May hindi pa rin ako alam sa kanya? Imposible, siguro chika niya lang 'to.

"Bakit ka nagso-sorry? Ano bang ginawa mo? Ano bang hindi mo pa sinasabi sa akin?" sunud-sunod na tanong ko.

"Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag sinabi ko sayo 'to pero mahal na mahal kita kaya kailangan kong sabihin sayo," sabi rin niya.

Lalo akong kinabahan sa mga sinasabi niya. Halos hindi na ako makagalaw, pang bigat rin ng puso ko.

"Ano nga kasi 'yan? Sabihin mo na kasi. Kinakabahan naman ako eh," sagot ko.

"Tanda mo noong sinabi ko na hindi ko alam kung anong purpose ng pagpunta ko rito sa mundo niyo? Nagsinungaling ako, Cyrah. Alam ko 'yon," sabi ni Dixon ngayon, malungkot na ang kanyang mukha.

Ha? Alam niya pero hindi man lang sinabi sakin. Ano pa kayang hindi ko alam sayo, Dixon?

"Anong purpose mo?" tanong ko ulit.

Tumingin lang siya sa akin nang matagal, medyo naluluha na kami.

"I need to..kill you for me to live," mahinang sagot niya.

What?!

"Ha? Ano? Paano?" mga tanong ko.

"Papatayin kita para mabuhay ako. Iyon ang kailangan ko para maging ganap na tao na ako," sagot niya.

"Gagawin mo ba?" I asked him, nauutal ako sa tanong ko.

"Hindi. Ayaw kong gawin. Hinding-hindi. Okay?" malinaw na sagot niya sa akin.

"Bakit ayaw mo? Paano na ang purpose mo kung hindi mo naman gagawin?" matapang na tanong ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Gusto ko siyang tulungan eh, pero paano naman ako? One of us should sacrifice. Hindi ko yata kaya 'yon, ayaw kong may mawala sa aming dalawa.

"Ano bang tinatanong mo? Naririnig mo ba mga sinasabi mo, ha?" inis na sabi niya sa akin.

"Gawin mo na. I want you to live, Dixon. I want you to do it," mahinang sagot ko.

"Fuck. No! Walang mawawala. Walang mamamatay! We will live both and together!" sigaw niya.

Pumunta siya sa may pinto para buksan ang ilaw. Pinatay niya na rin ang mga kandila. Umupo kami sa sofa at doon na nag-usap.

"Ano bang mangyayari kapag hindi mo ako napatay? Ikaw ba ang mawawala?" tanong ko, lumuluha pang lalo ngayon.

"H-hindi ko alam, Cyrah."

Tangina, 'yan na naman siya sa linya niyang hindi niya alam. For sure, sinabi niya lang 'to para hindi ko na siya kulitin.

"Dixon, huwag mo na ako lokohin, ah? Alam kong alam mo 'yan pero hindi mo na naman sinasabi sa akin!" sigaw ko, humagulgol pa akong lalo.

"Hindi ko nga alam..Hindi ko rin alam kung anong kabayaran nito kapag nalaman mo ang tunay na misyon ko," sabi niya at naiyak na rin.

"Tangina! Sabi ko na eh, dapat hindi na kita minahal! Puta, ang rupok ko kasi pagdating sayo. Talo tuloy ako! Paano na ako makakabangon ngayon?!" sigaw ko.

"Huwag mo namang sabihin na dapat hindi mo na ako minahal. Ako, kahit ano pang kabayaran nito ay hindi ko pinagsisisihan na minahal kita."

I bit my lower lip. I know, that in my heart hindi ko siya pinagsisisihan. Pero ang sakit eh, hindi ko kaya yung sakit ngayon.

"Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang gawin ang patayin ka kaya ako na lang ang mawawala sa atin," mahinang sabi niya ulit.

"Walang mawawala sa atin. Lalaban tayo hanggang huli. Okay? I won't leave you here. Mahal kita, diba?" sagot ko.

"Cyrah, alam naman natin sa sarili natin na hindi ako totoong tao! We have to be open with the fact that this love is not for us. Love is so unfair," naiiyak na sagot niya, galit na sa sitwasyon namin.

"Walang mali sa pagmamahal, kahit ano pa 'yan. Gagawa na lang tayo ng paraan, Dixon. Hindi ko kaya na wala ka sa buhay ko."

Dixon, ilaban mo naman ako. Sabihin no naman na hindi tayo maghihiwalay. Sabihin mo naman na hindi natin iiwan ang isa't isa.

"Kaya mong wala ako. Parang kabute lang naman ako na dumating sa buhay mo, eh. Saka, isipin mo na lang na panaginip lang lahat 'to," sabi niya pa.

Why is he so negative?! Bakit sarado ang isip niya na magsasama kaming dalawa?! Mahal ba talaga niya ako?!

"Kung ganyan lang naman ang pag-iisip mo, patayin mo na lang ako para mabuhay ka. Para maging totoong tao ka na!" sigaw ko rin.

"I want to save you, Cyrah. I need to save you because I love you," he whispered but it was clear to me.

He kissed me on my lips but I didn't kissed him back. Ang gulo ng utak ko para gawin 'yon. Nagagalit ako, naiinis at naiiyak all at once. I really can't think straight right now.

Ano na ang mangyayari sa atin, Dixon? Katapusan na ba natin?

Isang katok ang narinig namin ni Dixon. Agad kong binuksan iyon, tumambad sa akin ang gulat na gulat na mukha ni Aira.

"Aira, kanina ka pa ba dyan?" nauutal na tanong ko.

"Oo. Ate, sorry.. Narinig ko lahat at hindi ko sinasadya," mahina niyang sagot sa akin.

Alam na niya, alam na niyang hindi totoong tao si Dixon. Pwede ba 'yon? Ano na ang mangyayari sa amin ngayon?






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top