Chapter 20

Nang makauwi ako sa bahay ay nagtaka ako kung bakit sarado ang ilaw sa may apartment ko. Sa pagkakaalala ko, nagbayad naman kami ng kuryente, ah?

"Dixon, anong meron--" napatigil ako sa nakita ko.

"Surprise!" sabi ni Dixon sa akin habang may hawak na red roses.

Madilim ang paligid pero may candle at konting pailaw roon kaya naging romantic ang buong bahay. May rose petals rin sa paligid.

"Ano 'to? Bakit?" I asked him, sobrang saya ko pero naguguluhan ako kung bakit niya ginagawa ito sa akin ngayon.

Birthday ko ba? Birthday ba niya?

"Upo ka, dali!" sabi niya sa akin na excited na excited kaya umupo na ako. "Si Aira ang nag-ayos niyan para sa atin. Wala siya ngayon dahil nasa birthday ng kaibigan niya. Pumayag na ako kasi tumulong naman siya at para masolo rin kita."

Pumunta siya sa kitchen at kinuha ang dalawang plato roon na may kanin at steak. May corn at carrots 'yon sa gilid.

Hala, paano naman siya natuto magluto niyan? Eh noong una lang na pagkikita namin, may nasunog siyang pini-prito, e. Pina-deliver niya lang siguro. Maniwala naman akong niluto niya 'yan.

"Wow, ang galing mong magpa-deliver, ah! Masarap ba 'to?" sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman, niluto ko 'yan para sa gabing 'to ah! Hindi ko 'yan pina-deliver," inis na sabi niya sa akin, natawa naman ako sa sinagot niya.

"Marunong ka na magluto? Tinuruan ka ba ng babae mo?" I teased him kahit alam ko naman sa sarili kong ako lang ang babae niya.

"Babae? Tss. Gwapo lang ako pero ikaw lang ang tinatanggap ng mata ko. Wala nang iba pa, okay?  Natuto ako sa YouTube dahil nga lagi kang wala. Kaysa wala akong gawin, sumubok na lang ako," depensa niya.

"Wow, defensive ka na ngayon ah?" sabi ko sabay tawa para lalo siyang maasar.

"Sabihin mo kung ayaw mo nito, liligpitin ko na lang kaysa makarinig pa ako ng mga sinasabi mo dyan," seryoso na siya ngayon pero natatawa pa rin ako, cute niya eh.

Sobrang cute mo, Dixon. Kung pwede lang na lagi tayong ganito ay gagawin ko na eh.  Sobrang ma-mimiss kita kapag wala ka na sa tabi ko. Hindi ko alam kung kailan but I know that I should be ready about it.

Pwede ngayon mangyari iyon habang kausap kita, bukas pagkagising ko o next week kapag wala ako rito sa apartment at  nasa trabaho. iyon yata ang pinaka masakit doon. Yung hindi ka na makapagpaalam sa taong gumawa sayo kasi bigla ka na lang kinuha ng kung ano.

Iniisip ko tuloy minsankung tama ba ang naging desisyon ko? Tama ba na minahal kita kahit alam ko sa una pa lang na temporary ka sa buhay ko dahil darating ang araw na aalis ka kasi hindi ka naman talaga totoo. Tangina, I'll be alone again after that. Mag-madre na lang kaya ako? Feeling ko naman ay pwede ako roon dahil lagi akong kolelat pagdating sa love.

Baka si Lord talaga ang makakapareha ko sa buhay.

"Ito naman, niloloko lang, e. Alam ko naman na masarap iyan, kung hindi ay okay lang. At least ay gawa mo 'yan kaya ma-aappreciate ko pa rin. Okay? Ito na, titikman ko na nga," sabi ko sabay ginayat ang sreak at kinain ito.

"Hmm. Ang galing, ah. Ang sarap," sabi ko, ninanamnam ko pa iyon.

"Talaga ba? Baka niloloko mo lang ako ah," sabi niya pagkatapos ay ginayat niya rin ang steak at kumain noon.

Tinikman niya pa ulit iyon at tiningnan ako pagkatapos. Hindi siya sure kung tama ba ang lasa pero ngumiti rin nang ma-realize na ayos naman ang timpla niya. Ang inosente talaga eh, sobrang cute ni Dixon.

"This one is good, mas okay pa nga sa mga natitikman ko sa loob ng kwento mo. Haynaku, kaya ko na palang maging asawa mo eh, pakasalan na kita?" pagmamayabang pa niya sa akin, nagulat naman ako sa sinabi niyang pakakasalan niya ako.

"Loko ka talaga, kung anu-ano pa ang kalokohan mo eh. Kumain na nga tayo," sabi ko pa, naiilang na ako sa sinasabi niya.

"No, totoo nga sinasabi ko Cyrah. Let's get married before I disappear. Please?" seryoso nga ang tono niya.

"Nasaan ang singsing, aber? Pakitaan mo muna ako noon bago ka magsabi ng kasal," sagot ko sabay tumawa pagkatapos ay kumain ng steak ulit.

"Hindi ba pwedeng to follow yung singsing? Wala pa akong pera para bilhin 'yon eh," sagot niya sabay ngiti.

Papakasalan naman kita kahit walang singsing eh, kahit nga wala na magkasal sa atin ay ayos na sa akin.

"Okay. Kailan?" tanong ko.

Nagulat naman si Dixon sa sagot ko. Ang akala niya siguro ay hihindi ako kaya ganoon ang itsura niya. Napangiti ako nang makita na bahagya siyang kinilig sa sinabi ko. 

"Talaga? Payag ka?" tanong ulit niya.

"Oo. Ayaw mo ba? Sige, babawin ko na lang," panloloko ko sa kanya.

"Ito naman eh, sinisigurado ko lang kung sure ka na. Baka nabigla ka lang kasi sa sinabi ko," sabi niya naman.

Hindi ako nabigla. Baliw ka lang talaga siguro ako at gusto kong magpakasal sa character na ginawa ko. Kung mangyari man 'yon, ako palang ang may asawa na nabuhay dahil sa kwento. Hindi ko alam kung paano ko iha-handle 'yon.

"Sure nga ako, so ano, kailan?" paghahamon ko pa.

"Next week," malinaw na sabi niya. 

Napanganga ako dahil sa sagot niyang 'yon. Ganoon kabilis? Hindi ko man lang ba pwedeng sabihin sa mga magulang ko?! Ang daya naman, si Aira lang ang dadalo roon kung sakali. Wala bang pangalawa 'yon? Baka naman trial lang itong una o di kaya ay practce.

"Sigurado ka ba dyan?! Niloloko mo yata ako eh," sagot ko, patapos na sa steak na kinakain ko.

"Ah, hindi pa pala ako sure. May dapat ka pang malaman eh," humina ang boses niya bigla.

"Ano 'yon?" tanong ko, kinakabahan dahil parang seryosong usapan ito.

"Ipangako mo munang  hindi ka magagalit. Ipangako mo munang hindi mo ako bibitawan. Ipangako mo munang sa akin ka pa rin pagkatapos nitong sasabihin ko," sabi niya pa habang nauutal.

"Oo, sige. Ano ba 'yon? Sabihin mo na, kinakabahan ako sa'yo, eh.."

"Cyrah, I'm sorry.. May hindi pa ako sinasabi sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top