Chapter 2

I knew it! I know that it was all a dream. Gumising ako na hindi ko na nakikita si Dixon sa kutsyon sa ilalim ng kama. Maayos iyong nakalagay sa sahig, minsan kasi ay dito natutulog si Aira kaya hinahayaan ko na iyon doon.

Ilang minuto pa akong nag-cellphone dahil bagong gising lang. Mamaya pa naman ang pasok ko sa trabaho kaya pwede pang magpapetiks-petiks.

Halos maihaigis ko ang aking cellphone nang biglang mabasa ang text ni Aira para sa akin. Shit, so he wasn't a dream?

From: Aira
Tangina, bakit ka nagdala ng lalaki sa bahay, ate?! Lagot ka kay Mama kapag nalaman niya ito!

Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto. Tumambad sa akin ang isang nakatalikod na lalaki, nagluluto siya ng breakfast sa may kitchen.

Agad akong pumunta sa dining area kung nasaan si Aira. Dahan-dahan pa ako nang paglalakad para hindi ako makita ni Dixon na gising na.

"The hell, sino iyan ate?! Nagising ako dahil sa ingay niyang magluto. Parang bata na hindi mo maintindihan eh," inis na sabi sa akin ni Aira.

"S-saka ko na ipapaliwanag. Ihanda mo na ang placemat, plato, kutsara at tinidor para makakain na tayo. Okay?" sabi ko, pilit pa ring pinapakalma ang aking sarili.

"Iyon ay kung makakain pa tayo," bulong niya pero rinig ko pa rin naman.

"Bakit?" agad kong tanong.

"Tingnan mo muna ang niluluto ng boyfriend mo. Mukhang papatayin ka niyan sa gutom eh. Tingnan ko lang kung makakain ka pa dyan," pagsusungit niya pa.

Agad akong pumunta sa kitchen para tingnan ang niluluto ni Dixon. Nagulat pa nga siya nang nakita niya ako na tumabi sa kanya.

"Oh, gising ka na pala. Tingnan mo itong--"

Noong nakita ko ang niluluto niya eh nanlaki ang mata ko dahil sunog ang ibang iyon at iyong iba ay hindi pa gaanong luto. Napailing na lang ako dahil sa nakita ko.

"B-bakit ganyan ang mukha mo? May problema ba, Cyrah?" dahan-dahan pa niyang tanong sa akin.

"Fuck. Sunog ang niluto mo. Ang iba naman ay hilaw pa. What are you doing, Dixon?! Hindi ka ba marunong magluto?!" inis na tanong ko.

Oh shit. Oo nga pala, sa condo siya nakatira and Fatima is doing it all for him. What the hell, Cyrah.

"I'm sorry, I just want to surprise you with.. this," mahinang sabi niya.

Agad ko siyang pinaupo sa dining area at ako na ang nagpatuloy sa niluluto niya. Nakakainis! Ang daming nasayang.

Pagkaluto ko ng hotdog at tocino ay agad kong nilapag iyon sa lamesa. Kinuha na rin siya ni Aira ng plato, kutsara at tinidor.

"Sorry ulit, Cyrah. You know that I don't know anything about this before," malungkot niyang sabi, iniisip pa rin yata niya ang nasunog niya kanina.

"Yeah. Forget about it, kapag may gagalawin ka na lang dito sa bahay eh magsabi ka sa akin o kay Aira. Okay?" sagot ko agad.

"Sure, pero paano kapag umalis na kayo dito at pumunta kayo sa work? Sino ang kasama ko?" tanong niya sa akin.

Oh, yeah. Wala nga pala siyang alam sa mga ganito. Fuck, kailangan ko talaga siyang isama sa trabaho ko?

"Ah,gusto mo bang sumama sa akin papunta sa work? Kaso, mahihirapan kang magbyahe kasama ako," agad kong sabi.

"Byahe? Bakit byahe? I mean.. Don't you have your own car, Miss Cyrah Melendez?" he asked me.

"I don't have a car. Hindi ako katulad mo Dixon Dela Velgara," sagot ko sa kanya.

"So.. I need to go with you, my cre--girlfriend I mean," sabi niya.

Halos mabuga ko ang iniinom kong tubig dahil doon. Wala naman sa pinag-usapan namin kagabi na sasabihin niyang girlfriend niya ako, no!"

"G-girlfriend? What are you saying?" nauutal na sagot ko.

"Hindi ba, girlfriend kita? C'mon, don't deny me honey."

Napaubo si Aira sa kanyang nalaman. Gusto ko na lang na kainin ako ng lupa dahil sa kahihiyan na nangyayari ngayon.

"Girlfriend huh? Hindi ka na nagsasabi sa akin, ate. Kailan pa? Akala ko ba eh gusto mong tumandang dalaga?" sabi ni Aira sa akin.

"It's not what you think it is, Aira. Ipapaliwanag ko sa iyo mamaya. I promise!"

"Honey, eat your food. Huwag mong hayaan na subuan pa kita dyan. Dali na, you'll be late sa work," sabi ni Dixon.

Napailing na lang ako. Akala ko eh panaginip lang ang lahat kagabi. Paano na 'to ngayon?

Nasusuka ako sa tawag niya sa aking "honey" pero hindi ko na lang siya pinansin dahil late na ako sa trabaho ko. Mamaya, patay siya sa akin!

Nagbihis na ako, hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako dahil walang ibang damit si Dixon. Nakaputi lang siyang t-shirt at pants.

"Hon- I mean, Cyrah..Wala ba akong damit? Wala ka bang kasamang lalaki rito?"

"Wala," pagtataray ko.

"So.. Paano ako? Hindi naman ako pwedeng hindi mag-ayos. I'm Dixon Dela Velgara, right?"

Aba. Malay ko sa iyo. Nananahimik ako dito tapos bigla ka na lang dumating sa buhay ko eh. Hindi ko naman sinabing kailangan kita rito! Pinatay na nga kita hindi ba? So, that means I don't need you.

"I d-don't know. Okay? You figure it out yourself," mataray na sabi ko pa.

"Give me my money, Cyrah."

What?! Wala naman siyang patago sa akin ah! Ginagawa pa niya akong magnanakaw nito.

"You don't have money. Hindi ka dito nakatira, remember?"

"What?! No way! Give me money!" inis pa niyang sabi sa akin.

Ang kulit naman nito, ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na wala siyang pera dito?! Diyos ko po, bakit kasi nabuhay pa 'to eh pinatay ko na nga sa kwento.

"S-Sige,papasok muna ako tapos pag-uwi eh may damit ka na. Ibibili na lang kita sa ukay-ukay para mura. Okay?"

"Ukay-ukay? What is that?" takang-taka siya sa pinagsasabi ko.

Mayaman ka nga pala sa loob ng kwento na ginawa ko. Punyeta, paano ko ba sasabihin sa kanya na iba ang buhay dito at sa loob ng ginawa kong storya?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top