Chapter 19

Sa araw-araw na pagsasama namin ni Cyrah, sobrang minahal ko na siya. Halos wala na nga akong pakialam sa agenda ko rito sa mundo nila.  I don't want her to die because of me.

Kahit ano pang kabayaran nito ay ayos lang. Ang gusto ko lang ay makasama ko siya hanggang pwede. Para sa oras na umalis ako rito, babaunin ko iyon sa loob ng kwento niya.

For sure, babalik ako sa loob ng Dixon's Tragedy sooner or later. Hindi ko naman kasi kayang patayin siya, ang babaeng mahal ko.

Masaya kong sinalubong si Cyrah sa labas ng apartment niya. Nakatingin siya sa akin at ngumiti, ngumiti naman ako pabalik.

"Hmm. Ang ganda mo talaga," nakangiting sabi ko.

"Eh inlove sayo, e. Ganoon talaga!" nakangiti rin siya.

Napangiti naman ako dahil doon. Binuo na ni Cyrah ang lahat sa akin. Oo, siya ang gumawa sa akin pero mas lalo akong nabuo dahil sa pagmamahal niya.

Nilutuan niya ako ng tinola para sa hapunan namin. Dahil hindi naman ako marunong sa mga ganoong luto, tumulong na lang ako sa pagkuha ng mga kailangan.

"Sarap ko talagang magluto!" sabi ni Cyrah habang nakangiting tinikman yung tinola na niluto niya.

"Mas masarap ka," bulong ko pagkatapos ay natatawa.

"Ano?!" sigaw niya.

"Wala," mahinang sabi ko pagkatapos ay tinuloy ko na ang pagkain ng tinola.

Natatawa ako dahil parati siyang naiinis sa akin kapag inaasar ko siya. Ang laking pikon ni Cyrah, parang bata nga 'yan kung minsan eh.

Dahil lagi nga kaming magkasama, nakilala ko na siya. Ang daya niya nga, ako yung mga ugali ko eh alam niya dahil siya ang gumawa noon. Kilala niya talaga ako at wala akong takas sa kanya.

Naghugas si Cyrah ng pinggan, tutulungan ko sana siya pero sabi niya ay ayusin ko na lang daw ang kama namin sa kwarto. Dahil masunurin akong boyfriend, iyon ang ginawa ko.

Nang malinis ko na ang kwarto namin  ay tinawag ko na siya sa labas. Buti na lang ay tapos na rin siyang maghugas ng plato.

"Tara na, magkainan na tayo. Este, matulog na," tumawa ako nang nakakaasar.

"Tss. Kung anu-anong naiisip mo 'no? Dati naman, hindi ka ganyan, e. Anong nangyari sa iyo?" may inis sa boses niya.

"Tss, sino ba ang gumawa sa akin? Ikaw diba? Edi sisihin mo ang sarili mo!" sabi ko sabay tawa.

Pumasok na kaming dalawa sa kwarto. Nang humiga ay yumakap agad ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin noong ginawa ko 'yon.

"Ikaw na yata nagdevelop niyan, e. Hindi na ako may kasalanan niyan," sabi niya.

Hindi pa  pala tapos ang issue niya? Akala ko hindi na lang siya sumagot kanina eh.

"Sige na, buti na lang mahal kita. Ako na ang may kasalanan," ngumiti ako nang nakakaloko sa kanya pagkatapos ay humalik sa labi niya.

"Dixon, may tanong nga pala ako sayo. Okay lang ba?" sabi niya sa akin.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Naging seryoso kasi ang mukha niya na para bang may problema siyang kinakaharap.

"Ano 'yon, kamahalan? May problema ba tayo?" I asked her.

"Wala naman, it's just that.."

"What? Sabihin mo na," I told her.

"Tinatanong ko kasi ang sarili ko kung hanggang kailan tayo magiging ganito, e. May alam ka ba?"

"Wala. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito sa mundo niyo," I told her again.

"Ano bang purpose, bakit ka pumunta rito sa mundo namin?" tanong niya ulit sa akin.

I bit my lower lip, hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang 'yon.

Para patayin ka, este mahalin pala.

"Para makilala ka pa at makasama," pagsisinungaling ko.

I hate this. Ayaw kong nagsisinungaling sa mahal ko pero kailangan. Tangina naman.

"Eh diba, sabi mo ay papatayin mo ako kung hindi kita patirahin dito sa apartment? So, loko lang ba 'yon?" tanong niya.

"Oo, loko lang 'yon. Wala naman kasi akong alam dito noon kaya kailangan kong magsinungaling sa iyo. It worked naman, right? Girlfriend na kita ngayon," I smiled at her pero may halong lungkot.

"Girlfriend mo ako ngayon, pero hanggang kailan? For sure, mahihirapan ako kung sakaling may katapusan ang lahat ng ito, eh," malungkot niyang tugon.

Hindi ko alam. Gusto ko ngang baguhin ang lahat para magkasama na tayo hanggang dulo kaso hindi ko naman alam kung paano.

Ngumiti ako sa kanya. Naluha na siya sa harapan ko ngayon kaya pinusan ko iyon gamit ang kamay ko.

"Huwag ka ngang umiyak. Mawala man ako, atleast may may memories tayo. At kung mangyari man 'yon, di natin kakalimutan ang isa't isa," nakangiti kong sabi sa kanya, pero nasasaktan rin ako.

"Hinding-hindi kita makakalimutan, Dixon. Promise 'yan. Kung may mamahalin man ako sa characters ko, laging ikaw 'yon," nakakakilig na sabi naman niya sa akin.

"Nambobola ka pa, e. Alam ko naman na mas mahal mo si Lacson! Hmp," pagloloko ko.

"Naniniwala kang mas mahal ko si Lacson kaysa sa iyo?" she asked then laugh.

"Oo. Bakit? You told me that noong lasing ako. Remember?!" pagrereklamo ko.

"Alam mo pala talaga lahat ng nangyayari. Niloko mo ako, ah."

Oo, alam ko. Alam kong kailangan kitang patayin para maging ganap na tao na ako pero hindi ko kaya kasi mahal kita, eh.

"Niloko mo rin naman ako, sabi mo si Lacson ang mahal mo tapos ako ang boyfriend mo ngayon. Hmp!" pagloloko ko pa.

"Bakit? Ayaw mo ba? she asked in a serious tone.

"Gusto. Gustong-gusto ko. Sino bang may sabing ayaw? Susunugin ko," sabi ko sabay tingin deretso sa mga mata niya.

"Wala! Sige na, matutulog na ako," sabi niya sabay talikod sa akin.

Tinawag ko ulit ang pangalan niya. Gusto ko siyang sagutin ng seryoso this time.

"Cyrah?"

"Yes?" sagot niya na nakatalikod pa rin sa akin.

"Dumating man ang araw na mawala ako at maiwan kita rito, basahin mo lang ang story na ginawa mo. Lagi lang akong nandoon," sabi ko, naluha na ang mga mata ko.

"Oo. Hindi lang doon. Alam mo kung saan pa?" ngayon nakaharap na siya sa akin.

"Dito, sa puso ko," sabay ngiti at hinalikan niya ang aking labi.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top