Chapter 18
Maaga akong umuwi mula sa trabaho dahil masakit ang ulo ko. Buti na lang at pinayagan ako ni Sir Martin na mag-half day.
Agad akong umupo sa sofa pagpasok ko sa apartment. Humiga ako roon kahit naka-uniform pa ako.
Wala si Aira dahil nasa school. Si Dixon naman ay nasa loob siguro ng kwarto at hindi narinig ang pagpasok ko dito sa loob.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas siya mula sa kwarto. Gulat na gulat na naroon ako sa sofa. Agad niya naman akong nilapitan, masakit pa rin ang ulo ko.
"Bakit hindi mo sinabi na nandyan ka? Saka, bakit ang aga mo? Wala ka bang pasok ngayon?" sunud-sunod niyang tanong sa akin.
"Masakit lang ang ulo ko. Buti nga at pinayagan na akong umuwi," sagot ko naman, nakapikit pa rin ako.
Hinawakan niya ako at nagulat siya nang maramdaman na medyo mainit ako. Agad siyang pumunta sa kitchen sink para kumuha ng malamig na tubig at bimpo.
Nilagay niya iyon sa noo ko. Kita kong alalang-alala siya sa akin. Napangiti ako dahil roon.
"Sana nagpasundo ka na lang sa akin, pwede ka namang mag-text ah?" sabi niya, pinupunasan pa rin ako hanggang ngayon.
"Kaya ko namang umuwi. Nandito na nga ako, e. Hayaan mo na," sabi ko pagkatapos ay ngumiti.
Pinakuha ko yung lagayan ko ng mga gamot sa kwarto. Buti na lang talaga at may ganito ako para in case na may magkasakit sa amin ni Aira ay ready ako.
Inalagaan ako ni Dixon magdamag. He was very attentive kapag may sinasabi akong kailangan ko. Aira helped her sa pagluto ng sopas para sa akin.
Kahit may kutson sa baba ay tinabahan niya ako sa kama ko. Hindi na ako tumanggi dahil kailangan ko talaga siya.
Naroon siya nang magsuka ako. Nakakahiya nga dahil nasukahan ko pa ang damit niya. Gulat akong nagbihis siya sa harapan ko!
"Ano ba?! Doon ka na lang sa C.R!" pagrereklamo ko.
"Bakit?! Parang hindi mo nakita 'tong katawan ko eh kapag lasing naman ako ay binibihisan mo ako, hindi ba?!" natatawang sagot niya.
Shit. So, naaalala niya ang lahat ng iyon?! Alam niyang hinahalikan niya ako tuwing lasing siya? Aba, loko 'to ah!
"Alam mo 'yon? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ko.
"Wala akong alam. Inosente po ako," natatawang sagot niya.
May gana ka pang sabihin 'yan ah? Ang lakas talaga ng trip mo.
"Alam mo ang ginagawa ko noon, kaya alam mo rin na hinalikan mo ako! Naku, panagutan mo 'yon!" inis na sabi ko sa kanya pero ang totoo ay natatawa ako.
"Oo. Alam ko. Saka, pinanagutan ko naman ah, tayo na nga eh. Girlfriend na kita, ano pa bang gusto mo?" sabi niya.
"Kasal. Pakasalan mo ko," mahinang sagot ko pero narinig niya na pala 'yon.
"Noted. Hayaan mo, nasa plano ko naman 'yon," sabi niya habang nagbibihis pa rin.
Ang landi ko. Tangina, bakit mo naman pinatulan? Nagjo-joke lang ako rito, e!
"Joke lang! Alam ko naman na mahirap ang sitwasyon natin, e. Asa pa akong makakasal tayo," kunwaring tumawa ako.
"Walang joke sa akin Miss Melendez," ngiti niya sabay kindat sa akin.
Inalagaan niya ako buong gabi. Hindi siya umalis sa tabi ko. Nakayakap lang ako sa kanya kahit na nilalagnat ako.
"Sleep well, Cyrah. Bukas, paggising mo ay nandito pa rin ako. Okay? I love you," sabi niya pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.
"Promise, ah? I love you so much, Dixon."
Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na katok mula sa labas. Masakit pa ang ulo ko pero wala na akong lagnat at pinagpapawisan na rin. Effective yata ang halik at yakap sa akin ni Dixon, e.
"Ate, may bisita ka!" sabi ni Aira at kumakatok pa rin ngayon sa pinto ko.
Tumayo ako at pumunta roon, gulo-gulo pa nga ang buhok ko. Sino ba kasi ang bibisita sa akin ng ganitong oras?
"Sino raw?" tanong ko pagkabukas konng pinto.
"Hindi ko alam eh pero babae siya. Papasukin ko na ba ate?" sagot naman sa akin ni Aira.
"Oo, sige. Sabihin mo mag-aayos lang ako. Thank you," sabi ko sabay ngiti sa kapatid ko.
Babae? Ah, baka si Amantha. Miss na siguro ako at hindi ako pumasok ngayon e.
Nang makapagbihis ay lumabas na ako. Nakangiti ako noon, pero nang makita ko na iba ang bumisita sa akin ay nawala ang ngiti ko. Why is she here?
Ngumiti sa akin si Shyna. Alam komg pilit iyon kaya pilit rin akong ngumiti sa kanya. May dala siyang mga prutas, nabalitaan niya sigurong may sakit ako.
"B-bakit ka narito?" nauutal na tanong ko.
"Wala ka kasi sa office. Nalaman ko kay Amantha na may sakit ka kaya
pinuntahan na kita rito. Ayos na ba ang pakiramdam mo?"
Pinaupo siya ni Aira at pumunta sa sink para magtimpla ng juice roon at mag-toast rin ng bread.
Shit. Huwag ka muna gigising Dixon ha?
"Ayos naman na ako. Papasok na siguro ako bukas. Salamat sa pagounta, ah?" sabi ko sabay peke na ngumiti.
"Dinalhan kita ng prutas. Baka makatulong sa paggaling mo. Baka kailangan mo rin ng gamot kaya nagdala rin ako," ngumiti siya noong sinabi niya iyon.
Ang dami niyang kwinento sa akin pero wala ako sa focus dahil iniiisip ko si Dixon. Anong magiging reaksyon ni Shyna kapag nakita niya si Dixon sa apartment ko? Fuck it.
"I hope we're okay. Hindi ka naman galit sa akin, diba?" tanong niya.
"Hindi," maikling sagot ko.
Hindi ka nagkakamali.
Nawala ako sa sarili ko nang biglang lumabas si Dixon sa kwarto ko. Nakangiti siya sa akin, hindi pa yata nakikita si Shyna.
Nagulat si Shyna nang makita si Dixon. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Naestatwa lang rin si Dixon sa kinakatayuan niya.
"Dixon? Kilala mo si Cyrah? Fuck," sabi ni Shyna.
"Shyna, why are you here?" nauutal pang tanong ni Dixon.
Wala na talagang pag-asa na maayos kami ni Shyna. Lagi na lang kaming nag-uunahan sa lalaki. Una si Brian, ngayon naman si Dixon. Anong nasa isip mo ngayon, Shyna?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top