Chapter 14

Masaya na kami ni Dixon pagkatapos noon. Hindi pa naman kami pero extra sweet na siya sa akin.

Iwas na rin ako kay Shyna dahil sa ginawa niya kay Dixon. Nagtataka nga siya kung bakit pero hindi ko iyon pinapansin. Hindi ko pa siya kayang patawarin ngayon, e.

Hindi ako masundo ni Dixon sa office dahil ayaw kong malaman ni Shyna na magkakilala kami. Noong una ay okay lang raw but I refused. Hindi na niya ako kinulit.

From: Dixon

I miss you po. Uwi ka na, please? ♥️

To: Dixon

Hindi pa pwede eh, mamaya na lang ah. Konting tiis pa po.  Mwa. ♥️

From: Dixon

Gutom na ako, gusto na kitang mayakap at mahalikan. 😂

To: Dixon

Anong connect? Loko ka talaga. Haha! 😂

From: Dixon

Wala, nabubusog lang kasi ako sa pagmamahal mo. ♥️😍

'Yan, dahil sa pagmamahalan natin ay napapaisip ako. Don't get me wrong, I love Dixon but iniisip ko rin na baka temporary lang ang lahat ng ito sa amin ngayon. Natatakot ako, to be honest.

To: Dixon

Anong nakain mo ha? Ikaw talaga, nambola pa. Sige na, hinahanap na ako ni Sir Martin. See you later! Love you.♥️

Sa totoo lang, hindi naman ako tinatawag ni Sir Martin eh. Sadyang iniwasan ko lang siya dahil naiinis ako sa naisip ko. Naisip ko na baka hindi rin mag-work ang lahat ng ito kaya parang gusto kong itigil.

"Huy, ano 'yang iniisip mo ha? Huwag kang mag-alala, mahal ka 'non. Okay? Halika na, trabaho na tayo," sabi ni Amantha sa akin sabay ngiti.

"Ay, ito na nga. Sabi ko nga, mahal naman ako noon!" panloloko ko kay Amantha at napatawa.

"Ay, meron na? Sino? Yung lalaki na kasama mo rito noon? Hoy gaga, hindi ka na nagsasabi sa akin ah!" sagot naman niya, buti na lang at wala yung si Shyna.

"Hindi, wala naman akong boyfriend. Niloloko lang kita, mag-trabaho na nga lang tayo at baka makita pa tayo ni Sir Martin na nagchi-chismisan," sagot ko.

Agad namang iyon ang ginawa namin ni Amantha. Dumaan si Shyna sa harap namin pero inirapan niya lang ako. Umakto ako na para bang walang paki-alam sa kanya. Actually, wala pala talaga. Ngayong maayos na kami ni Dixon eh wala na makakahadlang sa amin.

Habang ako ay may tina-type na paper work sa desktop ay bigla na lang tumunog ang phone ko sa desk. Nakita kong si Dixon ang nag-text kaya naman tinago ko agad ang aking cellphone, baka mamaya ay nasa paligid lang si Shyna kaya dapat lang ay mag-ingat.

From: Dixon

I have some good news for you. Uwi ka na, please?😂

To: Dixon

Baliw ka talaga, pwede mo namang i-text sa akin, e. Ano ba 'yon?

From: Dixon

Ayaw ko nga sabihin! Gusto ko sana na personal. Hihintayin na lang kita makauwi. Love you, madam. Miss na kita. :)

Buong maghapon akong nag-trabaho kaya laking tuwa ko na makitang may Shakey's pizza sa lamesa pag-uwi ko. Si Aira ay nasa sofa at si Dixon naman ay kumukuha ng plato sa kitchen. Tiningnan ko agad ang flavors ng pizza. Ayos! Cheesy bacon and hawaiian pizza ang inorder nila, tinanong siguro ni Dixon si Aira kung anong favorite flavors ko.

"Anong meron? Bakit may pa-pizza?" tanong ko pagkatapos ay umupo na. Ini-abot naman sa akin ni Dixon ang plato para lagyan ko ng pizza.

"We will celebrate something," nakangiti niyang sagot sa akin.

"Ano 'yon? Yun ba ang good news mo?" tanong ko.

"Ate, may trabaho na 'yan si Dixon!" nakangiting sabi ni Aira.

"Shh Aira! Dapat ako ang magsasabi 'non sa ate mo eh. Ikaw naman! Napag-usapan na natin 'to eh," naiinis na sagot ni Dixon.

"Ay, ganoon ba? Akala ko ako ang magsasabi kay ate eh. Peace!" sabi ni Aira at nag-peace sign kay Dixon.

Umupo siya sa may dining area at saka ako hinarap. Nakangiti siya sa akin. Para bang nahihiya na sabihin sa akin ang totoo. Ngumiti ako sa kanya na para bang sinasabi kong ayos lang ang lahat at sabihin na niya sa akin ang magandang balita.

"So, yun nga.. May trabaho na ako."

"Saan?" tanong ko, masaya ako para sa kanya.

"Sa The 1985. Waiter ako roon," sagot niya, hindi masaya ang itsura niya.

Siguro, alam niya kasi na dahil doon ay nag-away kaming dalawa kaya ganoon ang naging mukha niya. Sure rin ako na kapag doon siya nag-trabaho ay makikita talaga niya si Shyna. Iyon ang kinakatakot ko.

"Bakit doon? Bakit hindi sa iba?" tanong ko, nakain pa rin ako ng pizza.

Natahimik na siya dahil sa tanong ko. Alam na niya na nagseselos ako kay Shyna. Agad namang pumasok sa loob si Aira para bigyan kami ng privacy. Bago iyon, kumuha muna siya ng kakainin niyang pizza.

"Matagal na akong nag-apply kung saan-saan. Wala namang tumatanggap sa akin, yung The 1985 pa lang. Don't worry, kung hindi ka naman payag ay hindi na ako papasok roon. Sabi ko naman, pag-iisipan ko pa kaya pwede pa akong umatras," malungkot niyang sabi sa akin.

Nag-aapply pala siya ng trabaho noon pa at hindi ko alam. Ang galing niya magtago, ah? Sana sinabi niya na sa akin, para natulungan ko siyang maghanap. Hindi nga lang pwede sa kompanya kung saan ako nagta-trabaho kasi tiyak ko na makikita siya ni Shyna roon.

"Bakit ngayon ko lang nalaman na nag-aapply ka pala? Sana sinabi mo agad sa akin, natulungan sana--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumagot agad siya.

"Ayaw ko sabihin kasi ayaw kong mapahiya sayo kung sakali man na hindi ako matanggap. Surprise na rin para naman maging proud ka sa akin. Lalo na ngayong tayo na--" pinutol ko agad siya.

"Tayo na?" tanong ko.

"Oo, hindi pa ba? Mahal mo ako tapos mahal kita. Ano 'yon? Wala lang?"  malungkot niyang sabi.

"Hindi ko alam. Baka, baka tayo na nga."

Masaya siyang hinalikan ako nang sinabi ko 'yon. Nagulat na lang talaga ako sa ginawa niya. Buti na lang at nasa loob na ng kwarto si Aira kundi ay nakakahiya 'yon. Ayaw ko pa naman ipakita sa kapatid ko na marupok ako kasi baka gumaya sa akin, e.

Nag-usap pa kami about sa trabaho niya, kalaunan ay pumayag na rin ako para may pagkaabalahan siya. Agad naman siyang nangako sa akin na hindi niya papansinin si Shyna kung sakali na magkita sila. Sa restaurant part naman raw siya magta-trabaho sa The 1985 at hindi roon sa bar kaya safe raw siya.

"Be a good boy, okay? I love you."

"I love you too."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top