Chapter 13
Apat na araw na nang umalis si Dixon sa apartment. Ayos na rin siguro iyon, bumalik naman ako sa dati kong buhay, e. Trabaho at pagsusulat na lang ang ginagawa ko. Walang stress.
Badtrip nga lang dahil nakikita ko pa rin siya dahil hinahatid at sinusundo niya si Shyna sa trabaho. Hindi ko siya pinapansin pero tumitingin siyang matagal sa akin.
Selos na selos ako sa kanila ni Shyna pero hindi ko pwedeng ipakita iyon. Tangina, parang higad si gaga eh. Higad na ahas pa, ibang klase.
Umuwi na ako from work at nakapag-pahingang konti kaya nilabas ko ang laptop ko para makapagsulat sa bago kong kwento na ginagawa.
Lumabas naman si Aira mula sa kwarto niya, umupo siya sa tabi ko habang nagta-type sa kanyang cellphone. Hindi ko siya pinansin, ayos lang naman sa akin na may nakakakita sa akin habang nagsusulat.
Nagsusulat ako nang biglang nagsalita ang kapatid ko. Nagulat naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ano na nangyari sa inyo ni Dixon? Bakit bigla na lang siyang umalis?" tanong niya.
Hindi nga pala niya alam ang dahilan kung bakit umalis si Dixon sa amin. Kahit gusto kong mag-kwento sa kanya, alam ko namang hindi siya maniniwala kaya huwag na lang.
"Wala. May aasikasuhin lang raw sa probinsya. Hinayaan ko na, buti nga 'yon kasi wala akong stress rito sa apartment," pagsinunungaling ko.
"Talaga? Eh bakit malungkot ka nitong mga nakaraang araw? Naku, kilala kita ate. May iba na, 'no?" sabi pa niya, ang mukha ay sure na sure sa sinasabi niya.
Kilala talaga ako ng kapatid ko eh. Alam na alam kapag may problema ako. Kaso, yung problema ko naman ay hindi normal kaya hindi ako pwedeng mag-kwento sa kanya. Sayang.
"Wala. Ikaw talaga, hindi pa naman kami hiwalay. Katext ko pa rin siya minsan," pagsisinungaling ko ulit.
"Sige, ate ha? Kapag 'yan si Dixon niloko ka, patay talags sa akin 'yan! Ngayon ka na nga lang ulit nagmahal after ni Bobby, e."
"Bakit naman napunta sa usapan si Bobby? Nilibing ko na mga alala 'non ah? Ikaw talaga! Balita ko, may asawa't anak na 'yon," natatawa kong sabi.
"Minulto ka 'non eh. Bigla na lang nawala, hindi man lang sinabi kung bakit. Inis na inis kaya ako sa kupal na 'yon!" natatawa ako dahil gigil na gigil siya kay Bobby.
"Ang importante, masaya na kami parehas. Although, hindi ko tinanggap yung invite niya sa akin na maging ninang ng anak niya," natatawa ulit ako.
"Bitter?" sagot niya sabay tawa rin.
Nagtatawanan pa kami nang biglang may kumaluskos sa may pintuan ng apartment. Agad namang kumatok ang tao kaya nagtaka ako.
"May bisita ka bang darating? Gabi na ah," sabi ko kay Aira.
"Wala ah. Single na ako kaya hindi na pupunta si Basty rito. Baka ikaw ang may bisita ate, wala ka bang naaalala?" sagot niya.
"Wala naman, teka nga pupuntahan ko. Saglit, dyan ka lang."
Agad akong pumunta sa may pintuan. Binuksan ko iyon at nanlaki ang mata ko na nandito siya. Nakatayo si Dixon roon, puro sugat ang mukha.
"B-bakit ka nandito? At saka, anong nangyari sayo?" nauutal na tanong ko.
"Nahuli kasi kami ni Brian na naghahalikan ni Shyna. Iyon, sinuntok ako nang sinuntok."
Pinapasok ko siya sa loob. Laking gulat naman ni Aira na nakita niya muli si Dixon dito sa amin.
"What?! Akala ko ba ay nasa probinsya ka? Teka lang, kukuhanin ko lang ang first aid kit!" dali-daling pumasok sa loob ng kwarto ko si Aira. Nang makuha niya iyon ay agad naman niyang binigay sa akin.
"Aira, go to your room first. Ako na ang bahala kay Dixon, salamat sa pagkuha ng first aid kit," sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Tumango naman siya at ngumiti sa akin. Ilang minuto pa ay naiwan kaming dalawa ni Dixon sa living room.
"What's happening to you? Hindi ko na alam, hindi ka naman ganyan rati ah. Sinabihan na kita tungkol kay Shyna," sabi ko habang nililinis ang sugat niya.
"Sorry, Cyrah. Hindi ko run alam kung ano na ang ginagawa ko. Nagkamali talaga ako," sagot naman niya.
"Bakit nandoon si Brian? Akala ko ba eh wala na sila ni Shyna?" tanong ko.
"Iyon rin ang alam ko, nagulat na lang ako na pumunta si Brian doon. Niloko kami ni Shyna parehas," malungkot na sabi ni Dixon, hawak-hawak pa rin ang mukha niya.
"Ano na ang plano mo niyan? Buti at alam mo ang papunta rito."
"I won't forget something when it comes to you. Siguro, dahil ikaw ang gumawa sa akin ay uuwi at uuwi pa rin ako," sabi niya pagkatapos ay kinuha ang kamay ko.
"Oh, may mga sugat ka pa. Unahin muna natin 'to ha? Wait lang po," sabi ko. Kinikilig ako sa sinabi niya kaya pilit kong iniba ang topic naming dalawa.
"Cyrah, look at me. Please?"
Tumingin naman kaagad ako, natunaw ako sa mga titig niya dahil kahit titig lang ang mga iyon. Alam mong may pinaparating siyang mensahe.
"Bakit? Anong meron?" tanong ko, kabado ang boses.
"I love you, Cyrah. I really do. Hindi ko man alam kung pwede itong nararamdaman ko, pero susugal ako."
Natulala ako sa sinabi niyang iyon, hindi ako nakasagot agad pero noong maka-recover ay ngumitin agad ako sa kanya.
"Ah, oo. Mahal mo ako kasi ako gumawa sayo. Ano ka ba, alam ko na 'yon! Lagi mo kayang sinasabi iyon--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita agad siya.
"No, I love you for being you Cyrah. I love you not because you are the one who made me but because you make me feel..loved."
Nakita ko na lang ang sarili ko na hinahalikan ni Dixon. Fuck, sinabi niya iyon na hindi siya lasing. So, mahal na kaya talaga niya ako?
Nang matapos ang halik na 'yon ay binalik ko na agad ang focus sa mga sugat niya.
"Yan! Okay na. Ingat ka na next time ha? Wala ako sa tabi mo para protektahan ka," nakangiti kong sabi.
"Yeah. Can I ask something?"
"Ano iyon?" tanong ko habang nililigpit ang mga laman sa first aid kit.
"Can I live here with you, again?"
"Yes," maikli kong sabi pagkatapos ay ngumiti.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top