Una't Huling Liham Para Sa Aking Minahal by katrynleonor

Una't Huling Liham Para Sa Aking Minahal ni katrynleonor winner ng Dear You writing contest ng WattpadRomancePH


12 Pebrero 2023

Para sa aking itinatangi,

Kumusta ka na?

O 'di ba, bungad na bungad, parang liriko lang ng isang kanta? Hehe. Pero eto na nga, magseseryoso na ako.

Sa totoo lang, wala talaga akong kaide-ideya kung paano sisimulan ang liham na ito. Kilala mo naman ako, hindi ba? Tamad sumulat. Kung bakit nga ba ako gumawa nito, malalaman mo sa huling bahagi.

Pero bago iyon, hayaan mo muna akong magkuwento.

Naaalala mo pa ba noong una tayong magkakilala? January 19, 2013 iyon, sa PNR station sa FTI. Nag-aabang ako noon ng tren papuntang PUP nang may biglang humablot ng bag ko. Ilang segundo ang lumipas bago rumehistro sa isip ko na na-snatch-an ako. Saka pa lamang ako napasigaw ng "Ang bag ko!" nang makalayo na ang salarin.

Napaluhod ako sa panghihina. Nandoon ang project ko sa Humanities na ilang linggo kong pinagpuyatan. Nataon na nang araw na iyon ay pasahan na. Magkakaroon ako ng incomplete na grado sakaling wala akong maipakita sa aming propesor pagpasok.

Nawalan ako ng lakas na humabol. Humagulgol lang ako nang humagulgol habang nakasalampak sa sementadong sahig sa may waiting shed.

Ilang minuto na akong nakalugmok doon nang bigla kang dumating. Ate pa nga ang itinawag mo sa akin kaya napatingala agad ako. Nagtagpo ang ating mga mata at sa pagkakataong iyon ay para bang may mainit na bagay na humaplos sa puso ko. Naguwapuhan agad ako sa iyo.

In-offer mo ang kamay mo para makatayo ako. Hindi naman kita tinanggihan. Nagpapagpag na ako ng palda nang may iabot ka sa akin. Ang bag ko! Sabi mo, nasaksihan mo ang lahat ng pangyayari kaya wala kang pag-aalinlangang hinabol ang snatcher.

I can clearly remember how wide my smile was that time. Hindi ka lang pala guwapo. Matulungin ka pa.

Simula ng araw na iyon, naging malapit tayo sa isa't isa to the point na halos araw-araw magkasama tayo. We're like best of friends. Hindi lamang natin nilalagyan ng pangalan o label ang ating pagkakaibigan.

Eksaktong anibersaryo ng unang pagkikita natin, magkatabi tayong nakaupo sa waiting shed ng PNR Sta. Mesa. Bigla mong kinuha ang kanang kamay ko at ikinulong mo sa sarili mong mga palad.

Gusto kong matunaw sa kinauupuan ko sa pagkakataong iyon. Kung nakabibingi man ang malakas na pagtibok ng puso ko, baka siguro parehas na tayong nawalan ng pandinig. Sa mga sumunod na sandali ay nangyari ang isa sa mga hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko. . . You confessed your love to me. Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sumagot sa oras na iyon na parehas lang tayo ng nararamdaman, sana ay ginawa ko na kaso pinangunahan ako ng hiya.

Sinimulan mo akong ligawan. Nothing much has changed. Para pa rin tayong mag-best of friends. Dangan lang na mas kapansin-pansin ang kislap sa mga mata mo sa tuwing tinititigan mo ako. Hindi ko nga alam kung napapansin mong ganoon din ako sa iyo sa mga panahong iyon.

Nang sa tingin ko ay sapat na ang panahon ay ibinigay ko na sa iyo ang matamis kong oo. Kita ko ang kasiyahan sa mukha mo. Gusto mo nga sanang sumigaw kaso pinigilan kita kasi nasa loob tayo ng tren noon. Siksikan at maraming tao dahil rush hour. Wala kang ibang magawa kundi hintayin na makalabas tayo sa tren. When we did, binigyan mo ako ng sobrang napakahigpit na yakap.

Marami tayong memories na pinagsamahan, special occasions na ipinagdiwang at marami tayong pangarap na binuo. Nariyan tayo para sa isa't isa sa lahat ng pagkakataon. We held each other's backs.

We fell in love with each other as time goes by. Sabi nga ng mga kaibigan natin, kasal na nga lang ang kulang. Tinatawanan lang natin sila. Masyado pa kasing maaga para pasukin iyon. Besides that, kaga-graduate ko palang at ikaw naman ay nasa huling taon pa sa kursong Engineering. Hindi pa tamang panahon para sa atin na lumagay sa tahimik. Magkagayonman, alam naman natin parehas na tayong dalawa ang para sa isa't isa.

Everything went well not until one day, bigla akong nawala. Hindi mo alam kung nasaan ako. Wala kang ibang komunikasyon sa akin liban sa text messages na hindi ko sinasagot.

Tama. Nabasa ko ang lahat ng mensaheng ipinadala mo sa akin. Araw-araw, wala kang palya sa pagte-text. Siguro ay sinusubukan mo rin akong tawagan pero hindi ko natatanggap kasi intensiyonal kong i-bl-in-ock ang incoming calls ko sa aking cellphone.

Hanggang sa isang araw, tumigil ka na lang sa pagte-text. Siguro ay napagod at sumuko ka na. It pained me. A lot. Pero ano ba ang magagawa ko? Ako rin naman ang may kagagawan kung bakit ka nagkaganoon in the first place.

I was diagnosed with Young onset Dementia five years ago. It all started with memory loss na sinabayan pa na minsan nahihirapan ako magsalita. Nagpakonsulta ako sa espesyalista at sa kaniya ko nalaman ang aking kondisyon. I was devastated. I cried for hours, days, or even weeks. With this condition, I may only live a maximum of eight years.

Noon ko napagpasyahang ilihim sa iyo ang lahat. You still have a whole life ahead of you. Knowing you, kapag nalaman mo ang aking kondisyon ay baka sa akin na lang mapunta ang lahat ng atensiyon mo dahil sa kalagayan ko. Ayokong mangyari iyon. Gusto ko pa ring maabot mo ang pangarap mo at ayokong maging hadlang ako roon. Ayokong ikulong mo ang iyong sarili sa pag-aalaga sa akin knowing that patients with this type of disorder are very hard to manage. Nakakakita ako ng kapwa ko pasyente na ganito ang kalagayan. They are aggressive. Nananakit. Ayokong makita mong ganoon ako. Mas nanaisin ko pang magtiis mag-isa kaysa masaksihan mo na nagkakaganoon ako.

Years passed, you finally reached your dreams. Nabalitaan ko kina nanay na nag-top ka raw sa board exam four years ago. Civil Engineer ka na! Believe me, sobrang saya ko nang nalaman ko iyon. All of your hard works are paid off. Ipinagmamalaki kita, mahal ko.

Patawarin mo ako kung inilihim ko ang lahat ng ito sa iyo. Kung puwede nga lamang na isama ko na lang ito sa hukay, sana ay ginawa ko na. Ngunit hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko ibinubunyag ang mga ito sa iyo bago man lang tuluyan akong mawalan ng kapasidad na makaalala. . . o mas malala ay ang mawalan ng buhay.

Marami nang parte ng buhay ko ang nalimutan ko dahil sa kondisyon ko. I totally lost all my childhood memories. Ang nakamamangha, malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang nangyari sa train station nang una tayong magkakilala. I think it is my love for you which saved those golden memories of mine. Hindi nito hinayaang mabura sa alaala ko ang espesyal na pangyayari sa buhay ko. . . ang araw na tayong dalawa ay pinagtagpo ng tadhana.

Mahal kita. Ikaw at ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko, at ikaw lamang ang gusto kong mahalin hanggang sa huling sandali na makaalala ako at sa huling paghinga ko.

Hanggang sa muli nating pagkikita sa istasyon ng tren . . . Paalam, mahal ko.

Mula sa iyong itinangi

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top