Rumble Trouble by HannahRedspring

Rumble Trouble ni HannahRedspring, winner ng Beyond Borders ng WattpadRomancePH

"This person causes my emotions to rumble. It's troubling, however..."

Kung ano pa ang inaasahan mong mangyari, iyon ang hindi nangyayari.

Pinagplanuhan ni Jaime ang trip niya papuntang Sagada para sa pagdedetox mula sa maingay na trabaho niya sa siyudad. Nag-ipon siya ng sapat na vacation leaves at nag-plot ahead of time para matupad lang ang inaasam asam niyang breakaway trip.

Ngunit iilan sa plano niya ay hindi natupad na nagsilbing dahilan kung bakit nayanig ang tahimik niyang mundo ng mga kaibigang kano na nakilala niya sa tour.

Asaran sa unang araw. Rambulan sa pangalawang araw, ngunit pagdating ng pangatlong araw, hindi niya inaasahang mas mayayanig pa ang kanyang tahimik na mundo nang dahil sa isang hindi inaasahang 'pagtatapat.'

Ano ang tamang sagot para ang gumugulo sa isipan niya ay mabigyang kaliwanagan?

DETOX.

Ito ang kailangan ng isipan ko, ng katawan ko at ng kaluluwa ko.

Buti na lang din at nakaipon ako ng sapat na leaves at nakapag-plot na rin ako ahead of time para sa pinaplano plano kong pagre-recharge mula sa maingay at magulong mundo sa siyudad.

Siguro ayos na ang dalawang gabi at tatlong araw para sa pahinga, weekends din naman. Sa isang taon kasi labing-lima lang ang VL's ko at ayoko naman gamitin ang SL's ko dahil naco-convert iyon sa cash tuwing natatapos ang taon.

"Para kang maglalayas Jaime ah!" tukso ng mga kaopisina ko sa akin. Dinala ko na kasi ang mga gamit ko para hindi na ako uuwi sa amin. Saktong after shift kasi ang meetup ng mga kasama ko sa tour papuntang Sagada, ayoko naman ma-late dahil solo-traveler lang ako. Buti nga at nakakuha ako ng slot para sa schedule na sakto sa VL ko.

"Alis na ako guys, have a good weekend." nakangiting paalam ko sa kanila at dumiretso na sa may elevator pababa ng building.

Nag-commute ako papuntang McDonalds sa North Avenue at nakita ko na doon ang van na sasakyan namin. Grupo-grupo sila, may ibang locals na katulad ko at may ibang foreigners din. Nasa isang sulok lang ako nang tawagin ang pangalan ko sa attendance ng host namin para sa trip na ito kaya itinaas ko na ang kamay ko.

Inaanyayahan na rin kami agad na sumakay sa loob ng van, kaya yung mga grupo-grupong magkakasama ay nag tabi-tabi sa likuran para raw hindi na magulo ang buddy system nila. Nakakatawa, dahil para sa grupo na iyon field trip nila ito; naalala ko tuloy noong college pa ako. May mga barkada rin akong nakakasama sa ganitong gala, but then priorities change. Ang iba may kanya-kanya ng asawa at anak. Kung dati ay nayayaya ko sila sa mga ganitong outing, ngayon hindi ko na pinag-aaksayahan ng panahon magyaya dahil alam ko naman na bihira magkatugma ang mga schedules namin.

Sadyang kailangan ko lang talaga huminga ngayon kaya ko pinilit ang tour na ito, bonus na rin at may itinerary na ring nakahanda.

Sa sobrang pagod ko, kahit maingay ang paligid ay nakatulog na ako hanggang sa pagdating namin sa Banaue View Point, ang first stop namin para sa ilang gustong mag-picture picture at bumili ng souvenirs. Kumuha na rin ako ng ilang pwedeng ipang pasalubong na keychains at ref magnets.

Saktong mga alas sais ay nakarating na kami ng Sagada at nag check-in kami sa isang Inn. Maikukumpara ko ito isa itong duplex house. Nag-early lunch na rin ako dahil alam kong kailangan ko ng tulog para sa tour mamayang hapon, pero ang hindi ko inaasahan ay makakasama ko ang apat na kano sa isang kwarto kung saan ako naka-check in. Akala ko makakapag solo ako ng kwarto pero hindi pala.

"Hey," tinanguhan niya ako at tiningnan mula ulo hanggang paa, "So you're going to be our roomie." bati sa akin ng isang foreigner na akala mo hindi nauubusan ng energy. Naaalala ko siya. Siya yung nakatabi ko sa van na sobrang daldal na parang hindi nauubusan ng topic. Hindi ko alam kung paraan ba niya iyon para magpapansin sa ibang mga babae na kasama namin sa trip, pero wala ako sa mood maki-friendly friendly sa kanila.

"I'm sorry, maybe I'm in the wrong room." nahihiyang ani ko.

"Jaime. It's Jamie, right?" tanong sa akin ng host at ipinaliwanag sa akin ang sitwasyon ng kabilang kwarto ko na ngayon lang inaayos dahil akala nila may kasama ako. Dalawang magkaibang kwarto lang daw kasi ang inayos nila para sa magkaibang grupo-- Ang mga kanong kasama ko at ang grupo ng mga babaeng kasabay namin sa tour na nagsettle na sa second floor. May iba pang locals na nasa kabilang bahay at wala ng bakanteng kwarto, kaya dito ako nilagay ng host, "This is just temporary. You can take a short nap on the extra bed here." tinuro niya ang extrang kama na katabi ng pintuan, "I'm truly sorry for the inconvenience Jaime."

"No, it's fine. Don't worry." sagot ko sa host. Temporary lang naman. Nakita ko ang extrang kama kung saan ako pwedeng pansamantalang magpahinga. Basta may kama at makakapag pahinga ako kahit saglit lang, tatanggapin ko. Nginitian ko ang host at agad na rin siyang umalis para kamustahin ang kabilang grupo.

"Filipinos are hospitable, huh?" sambit ni 'daldal'. Hindi ko pa sila nililingon ulit dahil halata namang hindi maalis doon sa babaeng host yung tingin ng mga kasama ko.

"Maybe we can ask the girls from the other group and let them hang out with us later, we're living under one roof anyway." mukhang babaero 'tong mga ito. Trobol tong mga ito, tsk.

"But first things first," alam kong nakatingin sa akin si 'daldal' kaya nilingon ko siya at ang mga kasama niya, "What's your name, roomie," he tilted his head beside with a mischievous grin, "You're one hard sleeper dude, to think that you didn't knew that you fell asleep on my shoulder."

Tsk! Bakit ko kasi nakalimutan yung neck pillow ko eh, "I sincerely apologize for that." kaswal kong ani para na lang matapos na itong interrogation na ito. Kung akala niyang masisindak ako sa pag-aastig astigan niya sa harapan ko, pwes wala ako sa mood.

"Hey Jas, come on. Don't be mean towards the kid." awat sa kanya ng kaibigan niyang naka white shirt na ikinapanting ng tenga ko. Ako bata? Mukha akong bata?

I see him shrugged, "I'm not being mean to this kid, I'm actually getting to know this young fella." isa pang beses na sabihin niyang 'kid' ako, baka masapak ko siya.

Mga hilaw na higante.

Pilit ko lang silang nginitian dahil wala akong choice kundi pakisamahan ang mga ungas na ito. Pansamantala.

"I'm Jasper by the way." panimula niya at ipinakilala isa-isa ang mga kaibigan niya, "This is Hugh," siya yung naka-puting shirt, "Beside him is Red and Aiden." pakilala niya sa dalawang tropa niyang naka-kulay pula at asul. Ano ba 'tong mga ito, kulang na lang maging ka-kulay na nila ang watawat ng Pilipinas kapag nagdikit dikit sila. Itong si Jasper naka checkered flannel shirt naman.

"Jaime." pakilala ko sa kanila at nakipag kamay kay Jasper dahil siya ang parang spokesperson ng mga kaibigan niya.

"Nice to meet you, Jaime." aniya na parang ikinakuntento ng kuryosidad niyang katanungan ang sagot ko at palaro akong nginitian.

*****

HINDI lahat ng pinlano ko para sa tahimik at payapa kong bakasyon ay nangyari noong makagaanan ko ng loob ang tropa nila Jasper. Mas nakilala ko sila nang pumunta kami kahapon sa Cave Adventure. Kumuha kami ng kanya-kanya naming pictures at para kaming mga minero dahil sa nakasuot kami ng headlight.

Napagtripan pa ni Red na tawagin kaming minions dahil mukha raw headlight daw ang mga mata ng minions doon sa movie na kinagigiliwan nilang panoorin noong nakasama ko sila sa kwarto. Sa sobrang pangungulit ni Jasper sa akin, imbes na matulog ako kahapon; hindi na ako dinalaw ng antok.

Kinagabihan ay nakuha ko na rin ang solong kwarto ko. Akala ko ay doon na masusunod ang plano kong tahimik at payapang solo-time ko, pero dahil sa namiss daw ako agad ng tropa nila Jasper, nagkaroon pa kami ng pillow fight na akala mong may sleepover ang mga batang nakawala sa hawla.

Nakakainis at ang ligalig nila. Pero nakakatuwa dahil para akong bumalik sa pagkabata habang nakikipag rambulan sa kanila. Naging dahilan pa iyon para suwayin kami ng host ng tour dahil inireklamo kami ng kabilang grupo na masyadong maingay. Inawat na rin ni Jasper ang mga tropa niya bilang respeto sa pagsaway sa amin ng host ng tour. Baka nagpapa-good boy rin siya dahil nga sa crush niya si Ms. Host.

*****

SA IKALAWANG ARAW namin sa tour, binisita namin ang St. Mary's Church, Echo Valley at ang pang huli naming dinaanan ay ang Hanging Coffins.

Bumili na rin kami ng ilang souvenirs at nagkaroon ng peace offering gift para sa grupo ng mga kababaihan na nabadtrip sa amin kagabi. Dahil doon, naging maganda ang naging impression nito sa grupo ng mga kababaihan na siyang dahilan kung bakit nakagaanan na rin namin sila ng loob.

Niyaya nila Aiden at Red ang mga babae para saluhan kami sa hapunan. Halata rin naman sa grupo ng mga kababaihan na may kanya-kanya silang napupusuan sa mga kasama kong kano.

Sila Red at Cherry, si Aiden at Maine, at sila Sally at Hugh.

Hindi ko lang mawari kung bakit hindi mapansin ni Jasper si Kylie na halata namang may pagtingin sa kanya. Sa totoo lang mas aliw na aliw 'tong si Jasper na asarin ako kaysa sa pansinin yung nagpapapansin sa kanya. Abnoy.

Kung hindi ako ang pinagtitripan niya, yung lagi niyang kinakausap eh yung host ng tour namin na si Jenny. Buti nga at matino siyang kausap kapag si Jenny na ang kaharap niya.

Hindi ko lang alam kung bakit kapag ako na ang kausap niya, madalas gago siya at hihiritan ako ng kung anu-ano. Hilaw na kano.

Parang siyang bata kung umasta sa harapan ko, pero nang malaman ko na halos magkasing edad kami pinipilit niya pa rin na tawag tawagin akong 'bata' dahil mas matangkad siya sa akin. Iyon lang ata ang tagalog na salitang natutunan niya simula nang marinig niya akong magreklamo sa kanya na 'hindi ako bata.'

Abnoy na hilaw na kano.

Bago kami bumalik sa kanya-kanya naming kwarto, pinakiusapan ako ni Kylie para mas mapalapit pa siya kay Jasper. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano gagawin iyon dahil nga mainit ang dugo ko sa lalaking iyon. Nang silipin ko si Jasper sa kwarto nila, yung tatlong kaibigan niya lang ang nakita ko at hindi ko alam kung saan nagpunta ang hilaw na kano na iyon.

Mamimiss ko 'tong mga hilaw na ito.

Nawala sa isipan ko na pangalawang gabi na pala namin dito sa tour. Bukas, pagkatapos ng trip namin ay panigurado na babalik na kami sa kanya-kanya naming mga buhay. Kahit pa paano ay na-attach din ako sa kanila sa paraang hindi ko maipaliwanag. Ayoko na lang siguro mag-expect.

Lilipas din ito.

"Have you told Jaime your feelings already?" boses iyon ni Jenny. Sigurado ako na narinig ko ang boses niya iyon mula sa likod bahay, kung saan dinala ako ng mga paa ko. Nakita kong magkausap silang dalawa ni Jasper.

"I'm don't know how to express it, Jen." his voice is insecure as he let out a chuckle.

"Yeah, because you had that habit of pissing the person off for your own fun Geez." umiling siya at tinawanan siya ni Jenny, "No regrets." she advised, "Who knows, after tomorrow you might never see Jaime again." payo ni Jenny sa kaibigan.

*****

ITO NA ANG huling araw namin sa Sagada. Kinukulit ako ni Jasper, pero dahil sa pinaglalaruan ako ng sarili kong isipan tungkol sa narinig kong napag-usapan nila ni Jenny kagabi, hindi ko maisantabi yung pagka-ilang ko sa kanya. Tuwing hihirit siya, hindi ko alam kung paano siya bigyan ng matinong reaksyon.

Mula umaga hanggang sa mga last stop namin ay umiiwas ako sa kanya.

Naging human shield ko na rin si Kylie para magkaroon sila ng moment. Ikinatuwa naman ni Kylie iyon dahil nga alam kong may crush siya kay Jasper.

Lilipas din ito.

Ngunit ang akala kong imahinasyon ko lang ay naging realidad nang magkaroon ng pagkakataon na mahiwalay ako sa grupo at hinarang ako ni Jasper.

"We wouldn't want to be late." kaswal kong ani pero tiningnan niya lang ako sa mata at hinarap ako ng buong katapatan hanggang sa bitawan niya ang mga salitang:

"Jaime, I like you. I really hope that my feelings come through. I wouldn't want to wait how this day will end without me telling you. I'm sorry for pissing you off, but every time you let out an amusing reaction, it's just so adorable that I can't help it."

Nabibingi ako sa pagdagungdung ng tambol sa dibdib ko.

Sabi na nga ba at trouble 'tong hilaw na kano na ito eh.

This person causes my emotions to rumble. It's troubling, however...

By the time we parted ways, I smiled upon opening a message from him.

Hilaw : Take care, 'bata'.

Susuntukin ko na talaga ito kapag nagkita kami ulit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top