Journey to You by HannahRedspring

Rumble Trouble ni HannahRedspring, winner ng Beyond Borders ng WattpadRomancePH

MULA SA bangka ay sinalubong ako ng maliit na agos ng tubig mula sa dalampasigan ng isla ng Camiguin. Ilang hakbang pa ang ginawa ko para mas makita ang kabuuan ng aakyatin kong bundok kasama ng ilang hikers at mountaineers. Ang bundok ng Hibok-Hibok.

"Hello nature!" ani ng isang blonde na babaeng turista na naka-windbreaker jacket, pamilyar ang boses niya. Marami siyang kasama na katulad niya at panandaliang nakasalubong ang mga mata namin, nginitian ko lang siya at binalik ang mga mata ko sa maaliwalas na kalangitan.

Pati ang araw ay maligayang sinalubong ang pagtungtong namin sa mala paraisong lugar na ito. Ang bawat puno at halaman sa paligid ay nakikita mong sumasayaw kasabay ng ritmo ng hangin na ninakawan kami ng halik sa aming mga pisngi. Napangiti ako, ilang beses na akong umakyat sa bundok pero hindi pa rin ako binibigo ni Inang Kalikasan sa natural nitong ganda.

Panandalian kaming binigyan ng panahon ng mga locals para kunan ng litrato ang kapaligiran. Nakisama na rin ako para pagbalik namin sa siyudad makarami ako ng litrato na pwede kong ibenta o ilagay sa travel blog ko.

Ayon sa mga locals na nakatira dito, ang pag-akyat at pagbaba raw sa bundok ay umaabot ng anim hanggang siyam na oras; depende pa raw iyon sa bilis o bagal ng mga taong umaakyat ng bundok. Mas pinapayo nila sa mga turista na mag-overnight trip, para na rin may oras din silang makapag pahinga mula sa isang libo tatlong daan at tatlumpu't dalawang metrong haba ng lalakarin at idagdag na rin doon na mas ma-enjoy pa ng mga tao ang alaalang babaunin nila pagkatapos ng pag-akyat sa bundok ng Hibok-Hibok.

Panigurado na marami kaming makikitang mga bituin sa langit pagdating ng gabi, nakaka-excite magcamping dito lalo na at malayo ito sa kabihasnan kaya wala ring polusyon na nakakasagabal sa paghinga mo ng sariwang hangin.

Pagkatapos kaming i-orient at paalalahanan sa safety protocols na dapat naming sundin ay nagsimula na ang paglalakad namin paakyat ng bundok.

Kinunan ko ng litrato ang ilang puno at bulaklak na nakasalubong namin. May ilang mga aso rin kaming nakasama at ilang ibon na lumilipad lipad sa himpapawid.

May ilang parte sa trail na tuyo at may ibang mamasamasa rin. Kaya ang iba ay hindi na maiwasang madumihan ang kanilang mga damit.

Patirik na ang araw kung saan tumutulo na mula sa ulo namin ang pawis dahil sa init ng panahon. Pinauna ko muna ang ilan sa hikers at uminom ng tubig.

"Dang! It's so freakin' hot here." ani ng turistang blonde na nakita ko kanina, nakalagay na ang jacket niya sa kanyang baywang at naka sleeveless shirt na siya ngayon.

"Here, take this." inabot ko sa kanya ang isang bote ng tubig dahil konting konti na lang ay matutunaw na siya sa itsura niya. Namumula ang pisngi niya at halata na ang iilang freckles sa mukha at sa braso niya.

She's cute.

"Thank you for this buddy." pasasalamat niya sa akin, "My name is Christina. Chrissy for short." pakilala niya sa akin na parang binabasa niya ang susunod kong gagawin na tumutugma sa natural ko namang ginagawa kapag may bago akong kinikilalang tao.

"Edward." pakilala ko at inabot ang kamay niya, "Just Eddie."

Napangiti siya at pinakawalan ang isang pamilyar na ngiti sa kanyang labi, "I was about to say that," she let out a small giggle, "Nice to meet you Eddie."

"The pleasure is mine."

*****

MAGKASABAY kami ni Chrissy na umakyat hanggang sa maabutan na namin ang unang grupo. Hinintay namin saglit ang pangalawang grupo kung nasaan ang mga kasama niyang kaibigan dahil sa nag sightseeing pa ang iba sa kanila. Pinakilala rin ako ni Chrissy sa mga kaibigan niyang sila Mason, Charlie, Natalia kasama rin ang madaldal niyang pinsan na si Maya at ang boyfriend nitong si Joe.

Mabilis ko silang naging kaibigan dahil hindi naman sila mahirap pakisamahan, ngunit may isa sa kanila na pakiramdam ko ay iwas sa akin, si Mason. Hindi ko alam kung bakit o baka dahil hindi nila ako katulad.

*****

PARA KAMING lumilipad nang marating na namin ang tuktok ng bundok.

"The horizon is so–" ani Chrissy sa tabi ko.

"Heavenly." dugtong ko sa sasabihin niya, tila kumislap ang mga mata niya nang tapusin ko ang pangungusap niya. This conversation is oddly familiar, o baka ito lang ang sinasabi nilang deja vu.

Bago pa man kami salubungin ng takipsilim, hinanda na namin ang kanya-kanya naming tent. May ilan din sa amin na nagsimula ng gumawa ng apoy at ang iba naman ay may butane stove para makapag luto na ng pagkain panghapunan.

Mula sa insulation na lalagyan ko ng ulam, muli kong ininit ang adobo at hinalo ang sabaw nito sa kanin ko. Naghiwa na rin ako ng isang buong kamatis at itlog para kumpleto ang hapunan na kakainin ko.

Nakita kong kakalabas lang ni Chrissy sa tent niya at hinihintay siya ni Mason. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila pero pakiramdam ko ay ayaw ni Mason na mapalapit sa akin si Chrissy.

Nakangiting nilapitan naman ako ni Maya at nakipag trade sa akin ng tatlong pirasong patatas kapalit ng tatlong pirasong karne mula sa niluto kong adobo dahil daw sarap na sarap daw siya sa luto ko. Nagtataka ko naman siyang tinanong dahil hindi ko naman maalala na nagkita na kami noon para malutuan ko siya ng adobo. Baka may ibang tao na kamukha ko na pinagluto siya ng adobo noon.

Natatawa niyang sinang-ayunan ang kumento ko at niyaya sila Natalia, Charlie at Joe para saluhan ako. Nakakatuwa lang na para kaming matagal ng magkakaibigan na nakapalibot sa campfire.

"Hey guys, can I join?" sa hindi inaasahan, narinig ko ang boses ni Chrissy na hindi ko inaasahang nakatayo pala sa may gilid ko.

"Hey, you better try this Chris!" pangungulit ni Maya sa pinsan niya, "But first, give Eddie something you can trade." natulala si Chrissy na parang hindi niya alam kung ano ang dapat niyang ibigay sa akin dahil ilang pirasong spam lang din ang nakalagay sa baunan niya. Inabutan ko na lang din siya ng ulam at kasabay no'n ang paglagay niya sa baunan ko ng ilang pirasong Spam.

"Did you cook this?" tanong sa akin ni Chrissy, "This is delicious."

"It's still better when you put in some quail eggs." ani Maya na dahilan kung bakit natigilan ang lahat at napatingin sa kanya. Siguro ay matagal ng bumisita si Maya dito sa bansa, natutuwa akong tiningnan siya dahil na-aappreciate niya ang pagkaing hindi pangkaraniwan para sa mga foreigners tulad nila.

"I also love putting quail eggs in it." basag ko sa katahimikan na namumuo sa grupo nila, "Sadly, I only have hard boiled eggs."

"Well, it's still eggs." ani Joe at palarong siniko si Maya sa tabi niya. Nginitian naman ako nila Natalia at Charlie at inabutan din ako ng mga niluto nilang ulam.

"Nonetheless, it's still delicious." imagination ko lang ata na marinig na muntik nang mabasag ang boses ni Chrissy dahil pagtingin ko sa kanya ay nakangiti lang ito sa akin.

Nang matapos ang hapunan ay inimis na namin ang mga gamit namin para sandaling magstargazing. Nakatingin lang ako sa kalangitan ng masulyapan ko ang pagnakaw sa akin ni Chrissy ng litrato. "I'm sorry, I'm just admiring the view and sadly you're in the way." biro niya sa akin na dahilan kung bakit humingi ako ng paumanhin.

Panandalian kaming nag tawanan at nang masulyapan ko ang suot niyang shirt, "Nice shirt." pagpuna ko sa pamilyar na flannel shirt na suot niya.

"Well, it's a gift from a friend." sagot niya sa akin.

"That looks big on you though." maliit lang kasi ang katawan niya na halos gawin na niyang dress yung shirt na suot niya.

"Well, he likes me to wear it to keep me warm." aniya na parang may binabalikan siyang alaala, "I kinda miss him."

"Why? Where is he?" makikita sa mga mata niya na ang pangungulila na hindi ko maipaliwanag.

"He had a fight with Mason back then." so tama nga ata ako na– "Just to clear misunderstandings, Mason is not my boyfriend." aniya na parang nabasa niya ang isipan ko. "Mason is just a friend of Joe who has been possessive of me since I rejected him. I thought he'd accept my friendship after that, but after I liked that 'friend' I'm telling you about, he just became destructive to the point that he'd rather kill himself than lose me completely." she faced me with a sad smile, "But that 'friend' saved Mason from his misery. Unfortunately the ground crumbled and he fell from a cliff and lost his memory."

"That's unfortunate." hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin na parang sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari na iyon sa kaibigan niya.

She looks at me and I see nothing but sincerity in her eyes, "You know, I thought he'd never wake up after the fall. But after hearing the news that he had opened his eyes makes me come back here for him. It feels like everything is like yesterday when I saw him. I want to catch up with him, I wanted him to remember, but the doctors advised us to give him some time."

"Haven't you tried talking to this friend of yours?"

"I wouldn't want to overwhelm him." depensa niya na parang nahihiya siya sa harapan ko.

"Well if he forgets about you because of the accident, wouldn't you help him remember?"

"Do you think he would still like to remember me, even if I'm the reason why he got into that accident?"

"If I were him, I would like to remember. Maybe that person just doesn't know how." paliwanag ko sa kanya na dahilan kung bakit halos magtubig ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinagot ko dahil sino ba naman ang gustong makalimot. Wala naman may gustong maaksidente yung kaibigan niya at sa mga mata ni Chrissy, kitang kita na na-mimiss niya ang kaibigan niyang iyon.

Sinalubong ako ni Chrissy ng isang mahigpit na yakap na halos yumanig sa dibdib ko, "It's getting late Eddie, good night."

*****

ALAS CUATRO na ng umaga.

Iyon ang nakita ko sa orasan ko pagmulat ng mata ko mula sa isang panaginip na nilikha ng utak ko mula sa isang alaala, mabigat sa pakiramdam na para akong dinaganan sa dibdib ng samut-saring emosyon na bago sa akin ngunit pamilyar din sa akin.

Hindi ko alam kung bakit sa panaginip na iyon, ang suot ni Chrissy na flannel shirt ay parehas ng shirt na sinuot ko noong bumisita ako dito sa bundok na ito.

Teka, pangalawang beses ko na bang bumisita sa bundok na ito?

Sa pagbisita ko sa blog ko, wala pa naman akong nasusulat tungkol sa pag-akyat ko dito sa bundok na ito. Binalikan ko ang camera na gamit ko at doon ko napagtanto na ang panaginip ko nga ay mula sa alaala hindi ko maalala.

Makikita sa ibaba ng mga kinuha kong litrato na limang taon na ang nakalipas ng bumisita ako sa bundok na ito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil miski ang mga gamit ko, ang suot ko ay halos kaparehas noong umakyat ako dito kasama nila– matagal ko na bang kaibigan sila Chrissy?

My reality seemed to relive the moments I had with them. The familiarity was there, but there's a void that I can't understand myself.

Lumabas ako ng tent para makasagap ng sariwang hangin. Sobrang bigat ng nararamdaman ko at hindi ko alam kung paano ako aahon.

"Eddie." tawag sa akin ng pamilyar na boses. Si Chrissy, "Are you okay?"

May umagos na mga luha mula sa mga mata ko. Tinakpan ko ang mga mata ko dahil ayokong makita niya na–

"Take your time, don't rush it." aniya na ngayon ay hinahagod ang likuran ko. Miski ang pabango niya ay pamilyar sa akin.

Sinalubong naming dalawa ang bukang liwayway sa bundok kung saan nagtapat ako sa kanya noon.

"This time, we will surely reach the bottom of this journey together."

"What if I'm no longer that person you met five years ago?"

"You're still that same old Eddie." aniya na sinalubong ako ng matamis na ngiti. "Of all the journeys I had..."

"The best one is the one I had with you." I finished that familiar sentence with a melancholic smile.

"Of all the journeys I had, the best one is the one I had with you."

Ang bundok ng Hibok-Hibok ang napiling akyatin ni Edward para sa taong ito. Sa lahat ng bundok na inakyat niya, itong bundok na ito ay ang may kakaibang hatak sa kanya na para siyang tinatawag ng isang pamilyar na boses mula sa bundok na hindi pa niya na aakyat.

May mga kasabay siyang ilang locals at foreigners sa pag-akyat sa bundok na ito at isang turista ang pumukaw ng atensyon niya na nagngangalang Christina. Hindi niya inaasahan na sa simpleng pagpapakita ng kagandahang loob sa kapwa, mapapalapit siya kay Christina na kakikilala niya pa lang kasama ng mga kaibigan nito na mabilis niya ring nakagaanan ng loob na para ba silang matagal nang magkakaibigan.

Ang bawat eksena ay pamilyar kay Edward na hindi niya maipaliwanag. Paano niya masasagot ang kanyang katanungan kung para siyang batang naliligaw sa sarili niyang alaala?

Deja vu ba ang kanyang nararanasan sa kasalukuyan?

O isa itong palabas na ginawa ng kanyang alaala?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top