Ends of the String by GoofyXycho
Ends of thr String by GoofyXycho, winner of WattpadRomancePH's Lovingly Yours, Cupid prompt-writing contest.
Part 1: When the String Leads to Heartbreak
"You died."
Ito ang mga salitang bumungad kay Eros matapos niyang madulas sa banyo at mabagok ang ulo.
Masyadong mabilis ang pangyayari, one second he slipped on the floor and when he opened his eyes, isang lalaking may pakpak na naka-business suit ang bumungad sa kanya.
Nakita niya ang walang buhay niyang katawan na nakahandusay sa sahig ng banyo na walang saplot.
Sa una ay hindi pa siya makapaniwala sa nangyari.
"Sino ka? This is a fucking joke right?! I died like this? This is embarrassing! Buhayin mo ako! Anong kailangan mo? Money? Women? Fame? I can give you anything!"
Ang dami pa niyang kailangang gawin. He's supposed to meet this hot Italian model today. Tomorrow, he has a date with his side chick. Hindi pa niya nauubos ang naiwang mana ng mga magulang sa kanya. And fuck! Iyong search history niya sa browser hindi pa niya nade-delete!
Napabuntong hininga nalang iyong lalaki. "Why don't they just automatically throw people like this in the underworld," bulong nito.
"What?"
"Nothing. If you want a second chance, you need to complete a mission-- "
"Mission?" he interrupted.
"Psyche Devilla, she's your mission. Guide her towards her fated person. If you succeed, you'll live, if you fail, you die. Due to the weight of your sins, you are only given three days to complete your mission."
"Are you kidding me?! How am I supposed to know where to find the son of a bitch?"
"Just follow the red string. Goodluck," matabang na tugon sa kanya nito.
Magsasalita pa sana siya nang may namuong lagusan sa harap niya. Bago pa man siya makahuma ay agad siyang itinulak ng lalaki papasok dito.
Napapikit nalang siya ng maramdamang bumagsak.
He opened his eyes and came face to face with a woman lying on a bed. Sa sobrang lapit ng mukha nila ay naririnig niya ang paghinga nito.
Nagkatitigan sila at agad siyang naakit sa mga mata nito. Kahit nakasuot ito ng salamin ay tila nalulunod siya sa tsokolate nitong mga mata at mahabang pilik mata. He dated hundreds of woman before, but never had he felt more attracted to those pair of brown orbs.
Suddenly he noticed her eyes widened followed by an ear piercing scream. "Aaaaaaaaaaahhhhhh!"
"Shit!" He quickly got off of her.
"Maaaaaa! May manyak dito! Tulong!" pagsisigaw ng babae.
"Teka! Hindi ako manyak. Sa gwapo kong to? Ako pa ba mangmamanyak?!"
Pinagbabato siya nito ng unan. That's when he noticed that he was in a pink bedroom. Fortunately, when he was transported, may suot na siyang saplot, kung hindi ay hindi niya na talaga maipagtatanggol ang sarili na hindi siya manyak.
Bumukas ang pinto at pumasok ang nanay niya. "Saan ang manyak!?" May dala pa itong palayok.
"Miss! I'm not a pervert," pagtatanggi niya.
"Ayan yung manyak ma! Bigla nalang sumulpot sa kwarto ko!" turo nito sa kanya.
Lumingon naman ang mama niya sa direksyon ni Eros. Akala niya ay susugurin siya nito pero sa halip ay binatukan lang nito iyong babae.
"Tigil-tigilan mo ako sa mga trip mo Psyche ha! Wala namang tao eh!"
Nagulat si Psyche. He's standing right there pero paano nito nasabing walang tao. Pati si Eros ay nagtaka rin.
" Hindi mo ba nakikita? Ayan ma oh, nakatayo!" turo nito muli sakanya.
"Haynaku! Kakaselpon mo yan eh, kung ano-anong pumapasok sa utak mo," sabi nito at lumabas na.
Pilit iniintindi ni Eros ang sitwasyon. Nandito siya para sa isang misyon. Kailangan niyang tanggapin na ito lang ang tanging paraan para muli siyang mabuhay.
"You're Psyche Devilla, right?" kalma niyang tanong dito.
Natakot naman ito. "Wag kang lalapit! Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"I'm your....uhmm... love guardian angel!" imbento niya. Yun lang kasi ang tanging pumasok sa isip niya na dahilan.
"My what?"
"Love guardian angel," ulit niya. "I'm your designated love matchmaker angel. I can help you find your true lov---"
Hindi pa natatapos ni Eros ang sinasabi nang batuhin siya nito ng unan sa mukha.
..
Nakabusangot si Eros habang papasok sa city library kasama si Psyche.
Sinundan lang nila kung saan nakaturo iyong pulang sinulid na nakikita niya sa palasingsingan ni Psyche at dito sila dinala nito.
Dalawang araw ang nasayang niya bago makumbinsi ang dalaga na hanapin ang kapares niya. Isang araw nalang ang natitira upang kumpletuhin ang misyon niya.
"This is a bad idea, let's go back. I suck at talking to men." kinakabahang wika ni Psyche.
Napabuntong-hininga siya. Kailangan niyang taasan ang pasensya sa babaeng ito dahil hawak nito ang buhay niya.
"You're talking perfectly to me. Bakla ba ako sa paningin mo? Sa gwapo kong to?" Inilapit niya ang mukha dito.
Tinitigan niya ang mga mata nito at ilang segundo palang ay nakalimutan niya na ang pinag-uusapan nila.
'PAK!'
Agad naman siyang natauhan nang may dumamping palad sa pisngi niya. "D...did you just slap me?" gulat na untag ni Eros.
"Sorry! Nabigla lang ako. Don't do that next time." Pansin niyang namumula ang pisngi ni Psyche. "Masakit ba?"
Hinawakan nito ang pisngi niya at sinuri. Nagsimulang namang magwala ang puso ni Eros. What's happening? Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari sa kanya.
"Shit!" Sa gulat ay lumayo siya kay Psyche at tumikhim.
"Why don't we just practice first." Tinuro ni Eros ang isang lalaking nasa dulo ng hagdan. "Approach that guy, and start a conversation," pagbabaling niya ng atensyon sa kabila ng kumakabog niyang puso.
"But I'm terrible at conversations!" reklamo nito.
"It'll be fine. Subukan mo lang," kumbinsi niya.
"Fine." Nag-umpisa silang maglakad paakyat sa hagdan pero sa kalagitnaan ng hagdan ay biglang natisod si Psyche.
Hindi siya agad nakareact. He tried to hold Psyche's hand pero hindi niya naabutan. Halos lumabas ang puso ni Eros sa takot.
Sa kabutihang-palad, may lalaking nakasalo sa kanya mula sa likod.
Eros suddenly saw the red thread on Psyche's ring finger, kumonekta iyon sa kamay nung lalaking nakasalo sa kanya.
"S..salamat," sambit ni Psyche dito.
Hindi matukoy ni Eros ang emosyong namumuo sa loob niya habang tinitignan ang dalawa. Parang gusto niyang suntukin ang lalaki sa mukha.
" You're welcome. I'm Isaac, by the way," lahad nito ng kamay kay Psyche na agad naman nitong tinanggap.
Umayos ng tayo si Psyche. "Uhmm...I..I'm Isaac...I mean... I'm Psyche, you're Isaac--crap! Why am I telling you your name, you already know that! Oh god this is embarrassing." Psyche murmured as she covered her face in embarrassment.
Hindi mapigilang mapangiti at mapatawa ni Eros dahil sa ka-cute-an nito. The other guy chuckled too. Agad nagdilim ang mukha niya. He doesn't want it when others see her laugh—
'Damn it! Snap out of it, Eros,' isip niya.
"I'm creeping you out aren't I? If I were guy, I would totally think I was a weirdo--"
"No! You're not creepy, I swear. You're cute-- I mean it's cute. You're beautiful! Shit, now I'm creeping you out." nahihiyang sambit ng lalaki.
Parehong namula ang mukha nila at nang muling magkatinginan ay nagtawanan nalang.
Hindi mapigilang abangan ni Eros and bawat ekspresyon ni Psyche. Bawat ngiti, tawa at pamumula ng pisngi ay tila kumikiliti sa puso niya.
'100% Love Matched'
Congratulations!
Mission Completed.
Biglang may sumulpot na mga letra sa pagitan ng dalawa at nang mabasa niya ito ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Muli siyang napatitig kay Psyche. His feelings suddenly becomes clear to him. Nang mapagtanto niya ang nararamdaman ay wala siyang ibang nagawa kundi mapamura nalang.
"Damn it."
Never in his life has he felt this pathetic before. How did the great Eros Montefalcon end up falling for a girl in just three days?
Eros felt lost in the background as the two enjoyed each other's company.
Unti-unting bumibigat ang puso niya.
He completed his mission. He's gonna live...
But why does he feel like dying?
-END-
PART 2: When the String Leads to Her
[Separate Story]
EROS looked at Psyche as she walked inside the coffee shop. In his eyes, everything was in slow motion. Nang makitang bumaling ang tingin nito sa direksyon niya ay muli na namang lumakas ng tibok ng puso niya.
Psyche's mouth formed a smile and waved. "Hi!"
'Hel---'
"Psyche!" the guy sitting next to him yelled cheerfully.
Agad siyang natauhan. Iyong katawan niyang parang lumilipad sa alapaap ay bumagsak. People can't see, touch and hear him, including Psyche. He was cursed by the God of Love and to undo it, he must complete a mission given to him.
His mission was to match the guy right next to him and Psyche.
'Y... you're breathtaking,' kumento ni Eros.
"You're breathtaking, Psyche," pag-uulit naman ng lalaki.
Bawat usapan ng dalawa ay si Eros ang sumasagot at inuulit lang nung lalaki dahil hindi ito marunong makipag-usap. Ang lalaki lang ang tanging nakakakita at nakakarinig sa kanya at tinutulungan niya itong mapaibig si Psyche.
Sa kasalukuyan ay 94% matched na sila at pag- umabot ito ng 100% ay tagumpay na ang misyon niya.
He didn't notice it at first but every minute he was third wheeling with them, he enjoyed every second of it. Whether it was listening to her silly and sometimes nosebleeding stories or just basically staring at her.
Sa kalagitnaan ng pag-uusapan nila ay pansin niyang panay ang buntong-hininga ni Psyche. "You know, I'm not sure about all of this. M..maybe I should just leave." She took her bag and started leaving.
"What do I do now?" nagpapanic na bulong sa kanya ng lalaki. "Screw it.
Hindi ko kaya to. Take my body. You do it."
"You're killing me." Napagulo ng buhok si Eros pero pumayag parin siya sa huli. He possessed his body.
Hinabol niya si Psyche.
As soon as he held her hands, he felt a tingling sensation that went directly to his heart. "Psyche."
Liningon naman siya nito.
"Before you leave, I just want to tell you...The first time I saw you, I felt like drowning in your eyes and until now, I still am..." napahilamos siya ng mukha, hindi niya napagplanuhan ang lumabas sa bibig niya, kusa lang itong lumabas.
May parte sa kanyang nagsasabi na wag magpatuloy dahil alam niyang sa huli ay siya lamang ang maiiwang nasasaktan.
Psyche deserves to be happy. Alam niyang ang nakatadhana lang niya ang makakapagpasaya dito at hindi siya iyon.
"Everytime you walk towards me, I see you in slow motion, pag ngumingiti ka sa gawi ko pakiramdam ko nanalo ako sa lotto. I love the way your eyes light up explaining quantum physics even though I have no idea what that means. I like the way you chew your straw when sipping a drink, when you puff your cheeks when you're irritated, every little thing about you crept inside my heart that I didn't realize I was falling for you, until I fell...hard...I...like you, Psyche."
Hindi niya napigilan ang sarili at inilapit ang labi dito. Napansin niya namang napapikit si Psyche. Bago pa man magdampi ang labi nila ay natauhan si Eros. Hindi sa kanya ang katawang kaharap ni Psyche at kahit siya pa ang hahalik ay labi parin ng lalaki ang dadampi sa malambot nitong labi. A pang of jealousy hit him.
Match 100% complete. Congratulations!
You have completed your mission.
Nakita niya ang mga letrang biglang sumulpot sa pagitan ng dalawa. Mapait siyang napangiti. Nakompleto na niya ang misyon niya pero hindi niya kayang maging masaya.
He went out of the guy's body. "I'm leaving. You're already matched. I don't want to make myself more miserable than I already am," lugmok niyang sabi sa lalaki.
He took one last peek towards Psyche at nagulat siya nang nakatingin ito sa gawi niya. It's as if she can see him.
Agad siyang napa-iling. Napaka-imposible iyon, hindi siya nito nakikita.
....
Naglakad si Eros palabas ng coffee shop.
Hindi niya alam na tumutulo na pala ang luha niya nang malasahan ang mga luhang tumulo mula sa mata niya.
"Fuck."
He could feel his heart breaking into a thousand pieces.
'Wait!'
Tila naririnig niya pa ang boses ni Psyche. Napamura siya muli. Sinakop na nga nito ang puso niya ay pati ba naman ang utak niya ay pinasok na rin nito? He could hear her voice as if it was real.
"Hey!"
"Lumingon ka!"
Hindi siya lumingon kahit gaano pa katotoo ang boses. Imposibleng tinatawag siya nito. She must still be in the coffee shop with the man she was destined with.
"Pag di ka lumingon, akin ka!" muling rinig niya.
Nagpatuloy siyang naglakad pero nagulat nalang nang may sapatos na tumagos mula sa katawan niya at bumagsak ilang metro ang layo sa harap. Napalingon nalang siya.
"Psyche?"
"Bingi ka ba?" hinihingal nitong bulalas.
Inilibot niya ang tingin sa paligid pero sila lamang dalawa ang tao sa paligid.
"Nakikita mo ako?" muli niyang tanong.
"Yes!"
"H...how?" hindi parin siya makapaniwala.
"It doesn't matter 'cause you're a jerk! You can't just make a woman fall for you and then just leave!" inis nitong saad.
"P..paano nangyari yon?"
The love meter was 100% complete. She should've fallen for that guy already!
"Why do you have so many questions!? All this time, I can see and hear you. Nagpapanggap lang akong di ka nakikita dahil natatakot akong pagnalaman mo ay lalayo ka na."
He was speechless.
"I like you, Eros." Tumindig ang balahibo niya nang binanggit nito ang kanyang pangalan. "Please tell me you meant what you said back there. That I'm not some silly fool confessing to you when the feeling isn't mutual."
Nanikip iyong dibdib niya. He refused to believe it. It was too good to be true. "B...but that guy back there was your destiny," rason niya.
"Screw destiny---"
"That's just rude, lass. You're insulting my whole existence here. " A guy appeared out of nowhere. It was the God of Love who gave him the mission in the first place.
"V..valentine," banggit niya.
"Congratulations, Eros. Your punishment's over."
"Huh?"
"You've redeemed yourself. You've broken many hearts in your life and I thought it was time to get your heart broken. Your curse is lifted."
Valentine snapped his fingers.
Biglang napatingin siya sa katawan niya. He doesn't look transparent anymore. Hindi na lumulusot iyong kamay niya sa kanyang katawan. Nabalik na siya sa normal!
Natuon naman ang atensyon niya sa pulang sinulid na ngayo'y kumukonekta sa palasingsingan ni Psyche at sa kanya.
"That guy isn't Psyche's soulmate. You are. That guy is just one of my love clones. I played a trick on you to make you learn your lesson. The reason why Psyche can also see you is because I gave her the ability to," he proudly explained. "Now if you'll excuse me, I've got another bastard heartbreaker I need to teach a lesson, " he grinned mischievously and just like that, he vanished into thin air.
Nakatuon pa ang pansin ni Psyche sa pwesto kung saan naglaho si Valentine at napahiyaw nalang siya nang bigla siyang buhatin ni Eros sa bewang at inikot. Abot langit ang saya nito.
"I'm hopelessly in love with you, Psyche."
-END-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top