Because I Met You by Msyechel
Because I Met You by Msyechel, winner of Lagim sa Unang Pagsinta
"Maraming salamat po!"
Malapad akong napangiti nang makitang bakas sa mukha ng mga bata ang saya.
"Wow!" masayang sigaw ng isang batang babae kaya roon nabaling ang atensyon ko. Hawak niya ang manikang ibinigay namin. Mahina akong natawa nang bigla ay yinakap niya ang manika nang mahigpit.
Inihanda ko ang dala-dalang camera at itinutok sa batang babae na mahigpit pa ring yakap-yakap ang manika. Kinuhanan ko siya ng ilang shots bago napagdesisyunang lumapit.
Lalapit na sana ako sa batang babae nang bigla ay may yumakap sa binti ko.
"I'm so happy, Kuya! Just like them!" masayang saad ni Crixian---kapatid ko. Kinarga ko siya bago hinalikan sa noo.
"Hello there, my little princess," nakangiting bati ko sa kaniya.
"Hello there, my big prince!" masiglang bati niya kaya natawa ako.
"I love you."
"I love you too, Kuya!" saad niya bago ako hinalikan sa pisngi at mahigpit na yumakap sa leeg ko.
Nasa kalagitnaan ako nang pakikipag-usap sa mga bata nang bigla ay may sumulpot.
"Umuwi ka sa bahay," rinig kong saad ng nasa likuran ko. Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi dahil nakaharap ako sa mga bata.
"Laro lang kayo riyan, ha. May kakausapin lang si Kuya Cyrox," nakangiting ani ko sa mga bata bago hinarap ang ama ko. "Sa labas tayo mag-usap dahil baka hindi lang ang araw ko ang masira mo."
"Miss ka na namin. Umuwi ka na kasi," panimulang saad ng ama ko pagkalabas na pagkalabas namin sa venue.
"Pa, miss niyo ba talaga ako kaya pinapauwi niyo ako o pinapauwi niyo ako para diktahan ako?"
"Anak, that's for your own good, not mine and your mom's."
Napailing-iling ako. "My own good? No. It's a no because it's always for your own good." Tinitigan ko siya sa mga mata. "May sarili rin akong buhay, Pa."
Nang matapos ko ang sinabi ko ay iniwan ko siya.
Alas-sais na nang matapos ang event na in-organisa ng pamilya namin. Masaya ang lahat, pero mas masaya kaming nag-organisa dahil napasaya namin sila. Hindi sapat ang salitang 'saya' kapag may natutulungan kami---ako.
"You won't come with us?" tanong ni Crixian habang karga-karga ko siya papalabas ng venue para umuwi.
"Magpakabait ka, okay?" pag-iiba ko.
"Opo! Good girl ako kasi princess ako!"
"Very good." Ipinasok ko siya sa backseat ng kotse ng magulang ko. Pagkatapos, hinarap ko ang magulang kong nakasunod. "Drive safely."
Hindi ko na sila hinintay pang magsalita at dali-daling sumakay sa sariling kotse. Pinaandar ko 'yon papunta sa abandonadong bahay na lagi kong pinupuntahan.
"Hi."
"Cyrox!"
Malapad akong napangiti kasabay nang malakas na tibok ng puso ko.
"Kumusta ang araw mo, Aloja?" nakangiting tanong ko habang papalapit sa kinaroroonan niya.
Ngumiti siya. Ang ganda. "Maayos naman, Cyrox. Masaya kong inalagaan ang mga halaman."
"Mabuti naman kung gano'n." Tinitigan kong mabuti ang mukha niya nang makalapit ako. Mukhang nailang siya dahil nag-iwas siya ng tingin. "Teka," kumunot ang noo ko, "kumain ka na ba?"
"K-Kumain..."
"Nagsisinungaling ka," seryosong ani ko sa kaniya. "Hindi ka nanaman nananghalian, 'no?"
Napailing-iling ako nang magbaba lang siya ng tingin.
Napabuntong-hininga ako. "Magpahinga ka. Bibili lang ako ng pagkain. 'Wag matigas ang ulo."
"O-Oo..."
Hinawakan ko muna ang kamay niya at hinaplos bago ako nagpaalam para bumili ng makakain. Hindi naman na 'to bago sa'kin. Palagi niya talagang nakalilimutang kumain at ako naman palagi ring bumibili ng pagkain para dalhin sa abandonadong bahay na 'yon.
Sabi ni Aloja, nakititira lang siya sa bahay na iyon dahil wala pa siyang ibang matutuluyan.
"Salamat po," ani ko matapos makuha ang mga pinamili.
Nasa gitna ako ng paglalakad nang may matandang lalaki na tatawid sana sa kalsada, pero pinigilan ko siya.
"Sir, mag-iingat po kayo sa susunod," ani ko sa matandang lalaki na nakatitig lang sa akin.
"Ikaw 'yong palaging pumupunta riyan sa abandonadong bahay, hindi ba?"
"Opo."
"Sa iyo ba 'yan na bahay?"
Napalunok ako. "H-Hindi. Bakit mo po natanong?"
"Kung hindi sa iyo, bakit ka pumupunta riyan?" kunot-noong tanong niya.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Sasabihin ko ba sa kaniya? Iba pa naman mag-isip ang ibang matatanda.
"Ahm, kasi po," nangapa ako ng isasagot ko, "may tao po---"
"Tao?" putol niya sa iba ko pang sasabihin. "Walang nakatira riyan, hijo."
"P-Po?" naguguluhan kong tanong. "Pero, may babae po---"
"Hijo, wala talagang nakatira riyan. Ni wala nga kaming nakikitang lumalabas at pumapasok diyan bukod sa'yo. At saka, kapag gabi, madilim diyan," paliwanag niya.
"S-Sige po. Una na po ako," paalam ko bago dali-daling bumalik sa abandonadong bahay.
Maliwanag ang buong kabahayan dahil kagagaling ko lang do'n!
Lakad-takbo na ang ginawa ko pabalik sa bahay. Alam kong imposible ang sinasabi ng matandang 'yon, pero bakit kinakabahan ako?
"Aloja!" tawag ko kay Aloja nang makapasok ako sa bahay.
"Anong nangyari sa'yo, Cyrox?"
Napapikit ako. Goodness! See? Imposible talaga. Hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo papalapit kay Aloja at yinakap siya nang mahigpit.
"You're real," bulong ko. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman ko siya sa bisig ko.
"Hindi kita maintindihan, Cyrox," saad nito.
"Hayaan mo na." Kumawala ako sa yakap at hinarap siya. Itinaas ko ang mga pinamili ko. "Kain nalang tayo?"
"Sige."
Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang bigla ay narinig ko ang mala-anghel niyang boses.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na may iba akong tahanan, sasama ka ba?"
Uminom muna ako ng tubig. "Depende."
"Paanong depende?"
"Depende kung papapasukin mo ako sa tahanan mo."
"Paano kung oo?"
Ngumiti ako sa kaniya. "Sasama ako."
"Paano ang mga magulang mo?" tanong niya kaya umasim ang mukha ko.
"Wala silang pakialam sa gusto ko. Parating sila dapat ang nasusunod. Kaya sasama nalang ako sa'yo para magkaroon ako ng kalayaan," ani ko.
"Sige."
Nangunot ang noo ko nang bigla ay nag-iba ang paligid namin. Nananaginip yata ako?
Para akong nasa mundo ng pantasya. May mga umiilaw na lumilipad. Maraming halaman at higit sa lahat puro mga magagandang kababaihan ang nandito.
"Nagustuhan mo ba?" rinig kong saad sa likuran ko. Nang lingunin ko ito ay nagulat ako.
"A-Aloja..."
"Nagustuhan mo ba ang tahanan ko?" tanong niya. Pero, akmang tutugon ako ay nagbagong muli ang paligid. Nasa playground naman ako ngayon. Tatanungin ko sana siya nang may matanaw ako.
Princess...
"My little princess!" tawag ko rito habang kumakaway-kaway pa, pero tila wala itong naririnig o nakikita. "Crixian!"
Nang hindi makapagtiis ay tinakbo ko ang pagitan namin ng kapatid ko. Nang makalapit ako ay yinakap ko siya nang mahigpit, pero ang ikinagulat ko ay hindi ko siya naramdaman.
"H-Hindi niya ako n-nakikita?" mahinang tanong ko sa sarili ko. Sinubukan ko pang yakapin ang kapatid ko, pero lumampas lang ako. "B-Bakit?"
"Ito ang pinili mo, Cyrox."
"Hindi..."
"Bumalik na tayo sa tahanang pinili mo."
"NO!"
"Kuya?" rinig kong saad sa gilid ko kaya napabaling ako rito. Napaluha ako at dali-daling niyakap si Crixian---my little princess.
"Princess..."
"Kuya, why are you crying?" tanong niya, pero wala akong lakas para magsalita.
That was it just a dream?
"Cyrox," tawag naman sa pangalan ko ni Mama na lumapit sa amin kaya dali-dali ko rin siyang niyakap.
"Mama, I'm sorry po. Patawarin niyo po ako. Sorry, Mama. Sorry sa inyo ni Papa," naluluhang ani ko.
"Ano ba'ng sinasabi mo, anak? Tatawagin lang naman sana kita kasi may ipakikilala ako sa'yo. Pero, kung ano man 'yan na ipinanghihingi mo ng tawad, forgiven," saad ni Mama kaya naiyak na ako.
Goodness!
"Anong drama ang mayro'n?" tanong naman ni Papa na lumapit nadin sa amin kaya siya naman ang yinakap ko. "O-Okay, son."
"I don't know," rinig kong saad ni Mama na hinala ko ay tinanong ni Papa.
"Sorry, Pa," hingi ko ng tawad sa kaniya at naramdaman kong tinap niya lang ang balikat ko.
"Okay! So, as I've said, may ipakikilala ako sa'yo. Siya ang bagong miyembro ng grupo natin." May sinenyasan si Mama na lumapit at napaawang ang bibig ko kung sino 'yon.
"Aloja..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top