Beautiful Mischief ni anjimnida
Beautiful Mischief ni anjimnida
Jerks. Pranksters. Bad boys.
Sila 'yong madalas na kinaiinisan sa mga romance novels at movies pero kinakikiligan din naman ng marami. I admit, isa rin ako sa maraming kinilig, and I always wonder if they could actually exist in real life too.
Ang alam ko sa fictional world lang sila nage-exist, pero mali ako.
Rogue Angelo exist.
Isa siya sa may pinakamatunog na pangalan sa school namin. Laging bukam-bibig ng karamihan, mapa-lalaki man o babae, mapa-teachers man o estudyante. Ngunit hindi dahil sa good-looking siya o anak mayaman, kundi dahil sa mga pinaggagawa niya.
Well, he's mostly known as the teacher's enemy, the rule-breaker, and the trouble-maker. Laging nangunguna ang pangalan niya sa listahan ng mga violators, laging pinapatawag sa guidance office, at pinapatawan ng detention dahil sa mga pagpapasaway niya.
Sa apat na taon naming magkaka-klase hindi na bago sa pandinig namin ang biglaang pagpapatawag sakanya sa kalagitnaan ng klase.
"Mr. Angelo, go to the guidance office now!"
Pinanuod ko siyang tumayo sa upuan niya, bitbit ang bag n'yang hindi namin alam kung may laman ba o wala. Nagpamulsa siya at taas-noong lumakad na tila walang pakialam sa mga matang nakatingin sakanya.
Nakangisi pa!
Ugh, the nerve!
Minsan na lang kung pumasok siya sa isang linggo, late na nga, nagpapasaway pa. Nakakainis talaga ang pag-uugali n'ya.
No doubt, he's definitely an epitome of a bad boy.
Kung may pinakaayaw man akong tao dito sa school, that would be him.
But why did the universe let this happen to me? Why?
Kung bakit sa dinami-rami ng pagkakataon, ngayon pa 'to nangyari? Bakit naman ang taong ito pa ang kasama ko ngayon?
He stood there, with his usual smirking face, looking at me.
"Disappointed eh?" He jeered. "Did that bastard told you to meet him here after class?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Wait, paano niya nalaman?
I ignored him. Hanggang sa tumawa siya. Yung tawang nang-aasar.
"Naniwala ka sa gagong 'yun?" nakatawang tanong niya. Kumuyom ang kamao ko at sinamaan ko siya ng tingin. "You're just wasting your time."
"Wala kang pakialam," mariing sagot ko sakanya.
Sarkastiko itong tumawa ng malakas bago tumigil at nagseryoso. "They told me the same thing."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Hmm... you're probably the third girl this week, who got trapped here with me because of him."
Umiling ako. No. Lance won't do that.
"W-why would I believe you?"
Kinabahan ako nang makita ko siyang humakbang palapit sa'kin kaya napaatras ako.
"Then don't." He shrugged. "But don't get fooled again. You're better than this, Serena."
Natigilan ako't napatitig sakanya. Kilala niya ako?
Muli siyang humakbang palapit sa'kin kaya muli akong napaatras hanggang sa tumama ang likod ko sa nakasarang pinto. Muntik nang mauntog ang ulo ko nang mabilis nitong naharangan ng kamay niya.
Nagkatinginan kami at parehas na natigilan sa ginawa niya. Agad siyang umiwas ng tingin at lumayo sa'kin.
"Are you scared of me?" he suddenly asked. His voice echoed like thunder inside the four walls of the room.
He's the school's bad boy! Who knows what he could do to me?
"Do you really think that I could hurt you?"
Parang sandali kong nakalimutang kung paano huminga sa sinabi niya. Tumaas ang balahibo ko sa katawan at tila pansamantalang tumigil sa pagpintig ang puso ko.
What I feel towards him is more than fear that I couldn't fathom. He has that effect on me that sometimes, I couldn't even understand myself whenever he's around.
Pero hindi ito ang oras para tuklasin kung ano ang nararamdaman ko para sakanya at pangunahan ng takot.
Nag-angat ako ng tingin sakanya at matapang kong sinalubong ang tingin niya.
"I'm not afraid of you."
I expect him to taunt me just like what he did earlier, but to my surprise, he didn't. Instead, he gave me a half-smile, na once in a blue moon lang yata kung mangyari.
And with a gentle voice he said, "Good to know."
Napatulala nalang ako sakanya nang naguguluhan.
What was that? Si Rogue Angelo 'the school's bad boy' ba talaga 'tong kaharap ko?
Nakakapanibagong makita na kalmado siya. 'Yung ganitong hindi nakakunot ang noo niya, hindi magkasalubong ang mga kilay niya, hindi masama ang tingin niya sa'kin at hindi siya nakangisi.
He looks more charming... calm, friendly, and---
"Stop staring," he said with a snap. I cleared my throat. Umayos ako ng tayo at umiwas ng tingin sakanya. "The guard will be here in a minute, we need to go. Malalagot tayong pareho kapag naabutan niya tayo dito."
Naalarma naman ako sa sinabi niya.
"Huh? P-paano?"
Bumalik ang ngisi sa mukha niya kasabay ng pag-click ng pinto.
It's open!
Nagtataka ko siyang tinignan. "Paano mo---"
"A piece-of-cake." Proud niyang ipinakita sa'kin ang hair clip na ginamit niya at iniabot 'yon sa akin.
Kinunutan ko siya ng noo.
"Ibinabalik ko na sayo," nakangiting sagot niya bago siya tumalikod para sumilip sa labas.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang hair clip na binigay niya.
This is mine.
Ibig sabihin... siya ang taong nagligtas sa'kin nang mahimatay ako nung first year kami habang naglalaro ng volleyball sa P.E. class?
Tinuro ko siya. "I-ikaw... you were the one who saved me."
Tipid s'yang tumango. I gasped. All this time, maling tao pala ang pinapasalamatan ko.
"B-akit hindi mo sinabi—"
Bigla niyang tinakpan ang bibig ko. "Shhh. You're welcome," he whispered, "Now be quiet."
Tumango ako saka niya lang inalis ang kamay niya sa bibig ko.
"You've never been in detention, right?" tanong niya.
Umiling ako.
"Well then," tango niya. He offered his right hand and asked, "Serena, will you trust me?"
Napatitig ako sa mukha niya at sa kamay niyang nakalahad sa'kin.
Mapagkakatiwalaan ko ba siya?
Should I trust a bad boy?
I heave a sigh. "Ayokong mapatawan ng detention, Rogue Angelo."
Tumango siya at ngumiti.
I smiled back at him and took his hand.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top