A Tossed Coin and a Falling Heart by Watashiwarei


A Tossed Coin and a Falling Heart

Usok. Busina. Tirik na araw. Mabagal na pag-usad ng sasakyan at natitirang minuto bago magsimula ang klase.

"Manong, para!"

Bumaba ako sa kabila ng init at kumaripas ng takbo patungo sa unibersidad na pinapasukan ko. Lugi na naman ako sa pamasahe. Nag-bus ka nga kasi malayo, 'e, maasar ka naman sa bagal dahil sa trapik.

Agad kong tinungo ang unang silid sa ikalawang palapag ng psychology department. Aksidente kong nabuksan ng malakas ang pinto kaya walang mata ang hindi nakatingin sa akin ngayon.

Napahawak ako sa pawisan kong noo at payukong pumasok papunta sa likod. Minsan, maiisip mo na lang kung anong silbi ng pagligo sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko napansin na occupied na lahat ng upuan. Nakanang, standing na nga ako sa bus, pati ba naman dito?

"Noreen, dito ka na." Sambit ng isang lalaki na nasa huling row. Luigi Vincenzio.

Umiling ako. "Nako, 'wag na."

"Sige na. Nakatayo na 'ko."

"'Wag na."

"Fine. Kakalungin na lang kita."

"'Eto na nga, paupo na."

Mabilis kong nilagay ang bag ko sa upuan at naupo na. Narinig ko s'yang tumawa ng bahagya saka sumandal sa pader malapit sa akin.

Sarap hampasin ng DSM-V ang loko.

Dahil mahaba ang pila sa cr, ilang minuto na lang ang natitira para makabili ako ng kakainin. Nang makarating ako sa canteen, sa awa ng Diyos, may isa pang footlong na natitira.

Mabilis akong lumakad nang hindi inaalis ang tingin sa footlong at bago ko pa man ito mahawakan, isang kamay ang dumampot dito. Hawak naming dalawa ang magkabilang parte ng footlong.

"Akin 'to."

"Nauna ako." Sagot ko.

"I saw it first."

"Excuse me, nasa pinto pa lang ako, nakita ko na 'to." Pagmamatigas ko.

"I already saw it on the window."

Wow, Luigi.

"I don't care. Nauna akong pumasok."

Huminga s'ya ng malalim. "Sige. Then let the coin decide."

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

Naglabas s'ya ng piso. "Tao? Ibon?"

Gusto ko lang naman kumain, o! I let out a frustrated groan. "Tao."

Pinitik n'ya ang barya sa ere at nang malaglag ito sa lupa, inapakan n'ya ito at dahan-dahang ipinakita ang resulta.

Ibon.

"Mine." Sabay agaw ng footlong at diretsong binayaran sa counter.

Huminga ako ng malalim. Kalmahan mo, self. Footlong lang 'yan. Pero pagbalik ko sa classroom, may gatas at saging na ako sa bag.

Mula nang araw na iyon, nasundan pa ang mga pa-toss coin n'ya sa akin. Mula sa mga simpleng bagay katulad ng: kaninong cellphone ang gagamitin sa project, sinong magdadala ng projector sa classroom, sino ang magbubura sa board at kung ano-ano pa.

Ewan ko ba kung bakit ako laging sumasakay sa mga pakana n'yang gawin. Naiinis ako pero nasasanay na rin. Sa totoo lang, pwede ko namang ipaubaya nalang kung ano man ang desisyon n'ya. Pero patagal ng patagal, hindi na natural ang pagtatalo namin kung wala ang pagdedesisyon ng barya.

Honestly, I'm starting to enjoy it too. Nagiging kumportable na rin ako sa kanya. Madalas ko na rin s'yang kausap at kasama.

Patagal ng patagal, napapansin ko na nag-iiba ang pagtatalo namin. Kung noon ay para sa aming sariling benipisyo, ngayon, ay para sa akin na.

"Saan mo dadalhin 'yang bag ko?"

"Uuwi na tayo."

"Tayo?"

Lumingon s'ya sa akin. "Sa dilim ng daan d'yan sa kanto, sa tingin mo pauuwiin kita mag-isa?"

"Kaya ko umuwi mag-isa."

"Osige. 'Di ko na ipi-print yung thesis natin.".

I frowned. "Osige. Nang parehas tayong hindi maka-graduate."

He sighed. Nilabas n'ya ang barya sa bulsa. "Tao? Ibon?"

"Ibon."

As usual, s'ya na naman ang nanalo kaya wala na rin akong nagawa. Nagpatuloy ang paghahatid n'ya sa akin. Madalas na kaming sabay kumain. Pero unti-unting nawawala ang pagto-toss coin n'ya at hindi na rin kami nag tatalo.

Na s'ya namang kinainis ko.

Naiinis ako dahil nagbabago s'ya. Naiinis ako dahil iba na s'ya makitungo sa akin. Naiinis ako dahil may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

Hanggang dumating ang araw na bumagsak sa akin ang malaking katotohanan.

"Teka, bitawan mo nga ako! Ano ba!"

Hinarap n'ya ako. "Noreen, naiisip mo ba lahat ng ginagawa mo?"

"Ano ba'ng mali sa ginagawa ko? Ka-grupo ko s'ya!"

"Pinapunta mo s'ya sa bahay mo? Nag-iisip ka ba?!" Pinasadahan n'ya ng kamay ang buhok. "Lalaki 'yon at babae ka. Paano kung may gawin s'ya sa'yo? Sinong tutulong sa'yo? Kung hindi ako dumating, baka doon pa 'yon matulog!"

Pinantayan ko ang lakas ng boses n'ya. "Alam mo napaka-judgmental mo! Ano naman kung doon s'ya matulog? Sa tingin mo ba magtatabi kami? My God, Luigi. Hindi ako ganoon na babae! Ginagawa ko 'to para sa project!"

Nagkaron ng malaking katahimikan sa pagitan namin.

"I'm sorry." My heart suddenly felt heavy at the sound of his voice. "Halos mamatay na ako sa pag-aalala. Hindi ko na alam ang gagawin ko nung malaman kong pinapasok mo s'ya sa bahay mo. Hindi ako nag-isip. Pasensya na."

Then he walked away.

Naiinis ako, Luigi.

Naiinis ako.

Dahil nahulog na ako sa'yo.

Naiinis ako.

Kasi hindi ko na napipigilan pa ang nararamdaman ko.

Gusto kita.

Gusto kita, gusto kita, gusto kita.

Luigi...

I started falling for you before our first toss coin started.

Eventually, lumipas ang araw na iyon at pinili na naming kalimutan. Pagkatapos ng dalawang araw ay nag-usap na ulit kami at bumalik sa dati.

Pero sa pagkakataong ito, mas lalo s'yang nagbago.

"You'll come."

"Luigi, I'm not into parties."

"It's not a party. It's a ball. A formal ball. Minsan lang mangyari 'to, at isa pa, graduating na tayo. Why not enjoy every last minute with our batchmates?"

I sighed. He has a point but, "I-I have no dress."

"Then let's buy."

"I don't look good on a dress."

"You're beautiful."

Natigilan at napalingon ako sa kanya. Ramdam ko ang paghuhurumentado ng dibdib ko at pamumula ng mukha ko.

He was staring at me - like memorizing every corner of my face. "You're beautiful, Noreen. And I'll be there. I'll make sure you'll enjoy this last ball."

But still, I hesitated. "P-Pero.."

"Shh." Lumapit s'ya sa akin. "Don't think of anything. Can you do this? For me?"

Wala akong ibang nagawa kundi titigan s'ya. Hindi ko na mapigilan. "Luigi.."

"Hmm?"

"G--" Gusto kita.

But it's not as easy as I thought.

I don't even know if he likes me too. So, I will just ask him. I will ask him.

I smiled. "Game ako."

Whatever the answer is, I don't care. I just want to hear what he really feels. I mean, if there's any.

Days passed like a blur and the student's ball came. I wore a red simple long dress and waited outside for him. Afterall, I'm doing this for that handsome jerk.

True to my words, he came walking towards me, looking the best. Nan'doon pa rin ang liwanag ng kanyang mata at ang mapanlokong ngiti na nakasanayan ko nang makita.

This is the night.

Sa gitna ng pagsasayaw namin, I took all my courage and finally made up my mind. No toss coins, no doubts, no second thoughts, no what-ifs.

"Luigi."

"Hmm?"

"I... I have something to ask you."

He chuckled. "But I have something to tell you."

"Then let's say it together at the same time."

I breathe deeply. "Luigi.."

"Noreen.."

"Gusto mo ba ako?"/"Gusto kita."

Sabay na nanlaki ang mga mata namin at napatigil kami sa pagsasayaw. I felt tears streaming down my face.

I stared at him. "A-Alam mo ba kung gaano kahirap itanong iyon?"

He smiled. Pinunasan n'ya ang luha ko at inilapat ang palad sa mukha ko. "Alam mo bang matagal ko nang gustong sabihin 'yon?"

I place the tip of my nose on his. "I'm sorry if I took so long."

He chuckled. "Noreen, sabi nga ni Seuss, sometimes the questions are complicated and the answers are simple. Pero sa totoo lang bago mo pa itanong 'yon, may sagot ka na agad na narinig."

I laughed through my tears. He's ridiculous.

Binigyan n'ya ako ng matamis na ngiti. "Gusto kita."

Hindi ako makapagsalita. I grabbed him and clung to him like a child. "Gusto rin kita."

Nanatili kaming magkayakap hanggang sa matapos ang kanta at napagdesisyunan na kumain sa labas. Para na rin makalanghap ng sariwang hangin.

"Anong gusto mo?"

"Ikaw."

"Noreen, alam ko na 'yan."

"Yieeee. Namumula s'ya, o!"

"Tumigil ka. Tinatanong kita kung anong pagkain ang gusto mo."

"Footlong."

"Sige."

"Ako magbabayad."

"Hindi, ako na."

"Ako na."

"Ako na."

"Ako na nga."

"Ah, gano'n?"

"O, baka mag toss coin ka na naman!"

"Ako na kasi magbabayad."

"Osige na, sige na!"

"...."

"..."

"..."

"Seriously, saan ba nanggaling 'yang habit mo sa pagto-toss coin?"

"Sa'yo."

"Huh?"

"Naalala mo nung high school tayo? Hindi ko alam kung saang university mag-aaral. Tinulungan mo akong magdesisyon gamit ang toss coin. Kung hindi dahil sa resulta no'n, hindi ako mabibigyan ng tyansa na makasama ka."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top