3 | Second Chance
Tatlong buwan na kaming hiwalay ni Josh pero nang makita ko siya kanina dito sa hotel kasama ang babaeng ipinalit niya sakin ay muli nanamang bumalik lahat ng sakit. We've been together for four years and I still can't accept the fact that he cheated on me for the girl that he barely knows.
"Ms. Fritz."
Napaigtad ako sa gulat sa pagtawag sakin ni Ava, ang bagong assistant manager nitong hotel.
"Pinapatawag na po tayo ni Sir Chase." Aniya.
Tumango naman ako at sinabi kong susunod ako dahil meron lang akong kukunin na folder, paniguradong hahanapin sakin yun ni Sir Chase.
Mag-isa ako sa elevator kayo lalong hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pag-iisip kay Josh. He's happy now, paano naman kaya ako? Kelan kaya ako magiging masaya ulit? Bumalik lang ako sa katinuan nang huminto ang elevator, sa pagbukas nito ay tumambad sakin si Loyd, ang babaerong kaibigan ni Sir Chase.
He's smiling and I hate to admit that he makes my heart skipped a beat.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko ay sobrang init ngayon sa loob ng elevator, noon pa man ay parati na akong nginingitian ni Loyd sa tuwing makikita niya ako. Narealize ko kung bakit niya yun ginagawa, cause he's a womanizer. Pakiramdam niya ay lahat ng babae ay makukuha ng charm niya.
Bakit Fritz, ikaw ba hindi madadala ng charm niya?
Namura ko pa ang sarili ko sa naisip ko.
Ang hawak hawak kong folder ay halos malukot sa tindi ng pagkakahawak ko nang pindutin ni Loyd ang emergency button dahilam kung bakit huminto ito.
"Fritz."
Nakagat ko pa ang ibabang labi ko bago lumingon sa kanya.
Nakakakilabot ang ngiting ibinigay ni Loyd sakin.
"So, single ka na pala. May chance ba ako sa'yo? Can I be the man to make you happy?"
Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko na animo'y may nagtatambol sa loob.
I took a deep breath. "Sorry but no, kagagaling ko lang sa isang failed relationship because my ex-boyfriend was cheated on me, kaya bakit ko naman ipapahamak ulit ang puso ko? I know that you are a womanizer, Loyd."
"Ouch!" Humawak pa siya sa dibdib niya. Ngumisi naman siya. "Don't worry Fritz, I can prove to you that my intentions are true. I'll pursue you."
Hindi na ko nagsalita pa. Nang bumukas ang elevator sa tamang floor ay agad na akong lumabas. Napahawak pa ko sa dibdib ko. Damn! Bakit ganito magwala ang puso ko?
Mas madalas na si Loyd kung magpunta dito sa hotel at pinandigan niya ang sinabi niya na liligawan niya ko. Lagi siyang may dala-dalang bulaklak at mga tsokolate, kapag naman hindi siya nagpupunta ay nagpapadala pa rin siya ng mga bulaklak at tsokolate.
"Sinabi ko na sayo Loyd na wala kang mapapala sakin. Ilang beses pa ba dapat kitang bastedin para tumigil ka?" Natatakot akong muling sumugal sa pag-ibig lalo na kung sa babaerong katulad ni Loyd.
"And I told you that I'm persistent enough to win your heart, Fritz."
I rolled my eyes. "Ilang babae na ba ang sinabihan mo niyan?"
"Believe it or not, ikaw palang ang babaeng niligawan ko. Hindi ba pwede magbago ang isang tao? Kapag nagbago ang tulad kong babaero para sa isang babae ay paniguradong malakas ang tama nito sa kanya. Gustong gusto kita Fritz and it's so frustrating that I can get what I want easily but not you. Damn!"
"Bahala ka!" Iniwan ko na siya. Sinaway ko pa ang sarili ko dahil nangingiti ako. Fuck! Bakit nangingiti ako?
Nagpatuloy pa rin sa panliligaw si Loyd pero hindi ko talaga kayang bigyan siya ng chance.
"Nakikita ko na malinis at totoo naman ang intesyon sayo nung tao, Fritz." Si Antoinette. Matapos ang duty namin ay dumerecho kami sa isang bar.
Nilagok ko ang vodka na nasa shot glass. "I'm afraid. Natatakot ako na muling sumugal sa pag-ibig. Natatakot akong masaktan ulit."
She gave me a smile. "There is always a second chance in everything, Fritz. Why don't you give your heart a second chance? Halata namang gusto mo rin si Loyd."
Ngumuso naman ako sa sinabi niya. Tumunog ang phone ko at tumatawag si Nadia, iyong secretary ni Sir Chase. Halos mabitawan ko naman ang phone ko nang sabihin niya na naaksidente si Loyd. Agad akong pumunta sa ospital kung saan dinala si Loyd.
Nadatnan ko ang walang malay na si Loyd. He's in coma right now at malaki ang chance na hindi na siya magising sabi ng doctor. Walang humpay ang paghagulhol ko.
"Loyd naman!"
Ang nandito lang ay ako, si Nadia at si Sir Chase.
"Akala ko ba ay gagawin mo ang lahat para makuha ang puso ko? Hindi pa nga kita sinasagot ay mukhang iiwan mo na ako!" Iyak ako ng iyak.
Alam kong naririnig ako ni Loyd and I think it's about time para aminin ko na ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Loyd please lumaban ka, lumaban ka para sakin. I like you too."
Biglang gumalaw ang kamay ni Loyd at kasunod ay ang pagdilat ng mga mata niya.
"Got you!" Ngumisi pa siya.
Namilog ang mga mata ko nang bumangon siya at tinanggal ang mga nakakabit na tubo sa kanya.
"Kailangan ko pa palang maging best actor para mapaamin ka."
Nag-init ang mukha ko at hiyang hiya ako. Sinugod ko siya at pinagsasapak.
Tumatawa lang siya. Narinig ko rin na tumatawa sina Nadia at Sir Chase. Nakakahiya talaga!
"Ano bang trip mo? Nag-alala ako sayo ng sobra!" Muling nangilid ang mga luha ko. Tumigil siya sa pagtawa at hinuli ang dalawang kamay ko.
"I'm so sorry Fritz, I think it's the best way for you to admit that you have feelings for me too."
"Mahal kita Fritz and I mean it. I can prove it to you everyday." Isinipit niya ang mga takas kong buhok sa likod ng tenga ko.
"Even if you are the farthest star still, I will do everything to reach you, Fritz."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top