3 | Second Chance
Mariing pagkagat ng labi ang ginawa ni Fritz upang mapigilan ang pagdaloy ng luha sa kaniyang mga mata. Wari'y sinilihan ang kaniyang dibdib sa nag-aalab na pait at sakit. Ipikit niya man ang mga mata'y dumudungaw pa rin sa kaniyang balintataw ang mapagpaumanhing mukha ng dating nobyo. Hinahalikan pa rin ng mapapait nitong salita ang kaniyang kaawa-awang tainga.
"...tapusin na natin 'to, Fritz."
Sa hinaba-haba ng paliwanag nito, iyon lang ang paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang isipan. Maikling salita na nagpaguho sa kaniyang mundo sa nakalipas na tatlong buwan nilang paghihiwalay.
At ang mas tumutusok sa kaniyang dibdib ay ang realidad na siya mismo ang dahilan kung bakit ito nakipaghiwalay. Inamin ng dating nobyong nasasakal na ito sa kaniyang pag-uugali.
"You're clingy, Fritz. Kahit saan ako magpunta, gusto mong nalalaman ang lahat! You always think that I'll cheat on you, right? That I'm incapable of your trust? I don't need a woman like that..."
Gusto niya lang naman noong malaman kung ligtas ba ang dating nobyo sa byahe nito papuntang Ilocos Norte. Inaalala lamang ni Fritz ang kaligtasan ni Robin dahil alam niyang masyado itong nalalango sa adventure. Sinusubukan nito ang mga delikadong abentura dahil sa doon sumikat ang kaniyang youtube channel.
"Masama na bang mag-alala? Na kahit nobya mo ako, mas pipiliin mo pa ang magsugal ng buhay para lang sa perang nakukuha mo sa pagba-vlog? Ni hindi mo nga ako matawagan eh!"
Iyon ang gusto niyang isumbat noon kay Robin, pero naduwag siyang magpakatotoo. Inako niya sa kaniyang sarili na siguro nga ay siya naman talaga ang may mali. Ipinagduldulan niya ang sarili sa dating nobyo, kaya't ito na mismo ang tumibag sa relasyon nila. Pagod na ito sa kaniya. Wala na ang dati nitong pagmamahal.
"Excuse me, Miss Taer, pinapatawag po kayo ni Sir Chase."
Boses ng sekretarya ng kaniyang amo ang nagpamulat kay Fritz sa realidad. Nagkulay rosas ang kaniyang pisngi sa saglit na pagkatulala.
Mabilis siyang nagtungo sa opisina ng CEO. Hindi niya lubos maisip na kanina pa pala itong naghihintay sa kaniyang pagdating. Gusto na niyang lamunin ng lupa dahil sa kapalpakan. Naturingan pa man din siyang most efficient Hotel Manager ng Hotel Del Franco noong nakaraang taon.
"I need you to fully re-check the statistical data last February 2020. There are some mis-leading numbers on that month that didn't match the result I expected. After you'll finish that, wait for further instruction," utos ng amo, na mabilis namang tinugon ni Fritz.
Agad niyang tinungo ang Statistical at Finance Department hinggil sa utos ng CEO. Buong araw silang tumalunton sa mga numerong hindi umayon sa kalkula ng amo. Kasalanan niyang hindi natutukan ang bahaging iyon dahil sa pagdibdib niya sa paghihiwalay nila ng dating nobyo.
Masasabi niyang nakakapagod ang magtrabaho bilang hotel manager lalo't halos lahat ng departmento ay kailangan niyang pamahalaan ng maayos, pero masaya naman siya sa trabahong iyon. Mas tumataas ang kumpyansa niya sa sarili.
Isa lamang ang kaniyang ipinagtaka sa sandaling oras na ng uwian. Uuwi siyang walang makulit na binatang umaaligid sa kaniya. Parang may kumudlit sa isang bahagi ng kaniyang puso. Isang linggo na ring walang paramdam ang best friend ng kaniyang amo sa opisina. Palagi naman itong naglalagi roo't kinukulit siya, pero tila bula itong naglaho.
Limang buwan na ring umaaligid sa kaniya si Lloyd, na kilalang matinik sa babae. Nang nalaman pa nitong may nobyo siya'y mga mapagdudang salita pa ang binitawan nito para kay Robin. Ni hindi nga nito nalamang tatlong buwan na silang hiwalay.
"...tapusin na natin 'to, Fritz."
Sumundot na naman sa kaniyang ala-ala ang tagpong iyon. Nagdulot agad iyon ng kurot sa kaniyang dibdib. Gusto na niyang maghilom ang sugat. Pagod na siyang umiyak gabi-gabi... Gusto na niyang lumaya.
Napabalik siyang muli sa realidad nang biglang huminto't bumukas ang elevator na sinasakyan niya. Parang tumalon ang kaniyang puso sa gulat nang makita si Lloyd. Biglang uminit ang paligid nang nagtama ang kanilang paningin habang sumarang muli ang elevator. Napasinghap pa si Fritz sa gwapong ngiti ng binata. Tila ba tinutunaw siya nito sa pamamagitan ng pagtitig.
"L-Loyd..." Saglit siyang natanga sa paghahanap ng angkop na salita. Gusto niyang pukpukin ang sarili dahil sa inakto.
Napakapit si Fritz sa folder na hawak nang bigla na lamang pinindot ng binata ang emergency button, dahilan para huminto ang elebeytor. Nanginig ang tuhod ni Fritz noong humarap sa kaniya ang binata na may ngiting unti-unting sinisindihan ang sugatan niya pang puso.
"So, single ka na pala," panimulang salita nito na nagpatuod kay Fritz.
Nalaman na pala ng binata. Mas minabuti niyang ilihim iyon para hindi na ito mangulit pang angkinin ang puso niya. Kahit may pagkababaero, ramdam niya ang pagka-maalalahanin ng binata. Ayaw niyang makasakit ng iba para lamang unti-unti siyang sumaya.
"May chance na ba ako sa 'yo? Can I be the man to make you happy?"
Tuluyang bumigay ang tuhod ni Fritz, mabuti na lang ay maagap ang mga kamay ng binata.
"Y-You should stop this, Lloyd. You're suicidal! I'm broken... You'll never be happy with me."
Dumapo ang magaspang nitong palad sa kaniyang pisngi. Humahaplos iyon, waring siya'y babasaging kristal.
"Then I am suicidal taking the risk, Fritz. I have high hopes that there's a rainbow after the rain. You'll be free from your past sooner or later. At gusto kong ako ang lalakeng magtuturo sa 'yo sa bahaghari... Just lend me the thread of your love. Hindi ko 'yon bibitawan hangga't hindi mo sasabihing bitawan ko. Fritz, give your heart a second chance to love, and a chance for me to heal your broken heart."
Posible palang tumibok nang sobrang bilis ang hindi pa magaling na puso. Dinadala siya ng mga salita ni Lloyd sa alapaap. Sinabi lamang nito ang mga katagang magpapalaya sa kaniya sa sakit. Binibigyan siya nito ng pag-asang magmahal muli.
Mabilis niya itong dinamba ng yakap. Wala na siyang sinabing salita dahil namutawi na sa kanila ang matamis na ngiti.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top