2 | Conquering Love Full of Adversities
"Mahal mo pa ba siya?" Sir Chase asked. He's my boss and I'm his secretary.
Tinutukoy niya ang ex ko na bagong pasok lang dito sa Hotel. Hindi ko alam na dito rin pala siya magtatrabaho. Kaya ng magkita kami ay nasampal ko siya na naging sanhi ng gulo sa Hotel.
Nagulat ako sa tanong niya kaya napailing na lang ako.
"Good. Because I fired him."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa takot. "Dahil ba ito sa kapalpakan ko?"
"Hindi mo kasalanan. Ayaw ko lang sa competition. Ngayon, pwede na ba kitang ligawan?"
"Bawal! Nasa company policy 'yon!" sambit ko pero ngumiti lang siya.
"I'm the boss. I can change the rules whenever I want."
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tama, siya ang boss namin. Kaya niyang baguhin ang rules kung kailan niya gusto. Pero hindi niya ba iniisip na pagiging selfish 'yon. Personal na dahilan para lang maka apekto sa mga desisyon niya sa Hotel?
Kahit na boss ko siya, hindi pa rin ako papayag.
"N-no, hindi pwede." may diin kong sagot.
"Nadia." he looked at me intently. "I can do anything here! I can change that fucking company policy makasama lang kita!"
"Hindi mo ba naririnig ang sinasabi mo?" I stared at him. "Para lang sa akin, babaguhin mo ang rules? Ganyan ka ba talaga Chase?! Kapag gusto mo, kailangan makukuha mo?!" nag umpisa ng tumulo ang luha sa aking mga mata.
"Nadia ple--"
"Hindi tayo pwede Chase! Naiintindihan mo ba?! Bawal 'tong gusto mong mangyari!" nag walk out ako palabas ng office niya.
Ayoko ng pahabain pa ang usapan na' to. Hindi niya ba maintindihan na hindi kami pwede? Siya ang boss ko, secretary niya ako rito. Tapos gusto niya akong ligawan? Ano na lang ang sasabihin sa amin ng mga katrabaho namin?
Wala akong delikadesa na porque sekretarya papatol ako sa boss ko? Ano na lang ang mangyayari sa trabaho ko? Hindi niya ba ako iniisip. Sarili niya lang ang inaalala niya.
Ang araw na iyon ang huling pag uusap namin ni Sir Chase.
---
Araw, linggo, at buwan ang lumipas. Nanatili akong sekretarya ni Sir Chase. Pero hindi kami nag uusap, tuwing may kailangan siya nag iiwan na lang siya ng notes sa desk ko. Gano'n din ang ginagawa ko iniiwan ko na lang sa table niya ang mga pinapagawa niya.
Kapag may meetings lang kami nakakapag usap. We need to act professionally, hindi ko hahayaan na masira ang trabaho ko dahil sa personal niyang problema.
Pero habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Sinusuyo niya ako ng palihim. Palagi siyang nag iiwan ng notes, (notes na puro kalandian), roses, chocolates, and snacks tuwing meryenda.
God! Anong nangyayari sa akin? Nami-miss ko na ba siya?
Wtf. Nadia, umayos ka. Bawal ang marupok.
"Nadia..." nabalik ang presensya ko mula sa pagkakatulala. "Are you fine?"
"Y-yes." tumango lang ako.
He just looked at me and nodded. Umalis na siya sa harap ko. Napasambunot na lang ako sa buhok ko.
"Gosh! Nadia." kausap ko sa sarili ko.
Tama nga siguro sila na...
Kapag wala na yung tao, doon mo lang siya hahanapin at makikita ang halaga niya.
Anong gagawin ko?
---
"Chase!" nagulantang kami sa sigaw ng isang babae.
"Mom! Stop. I will talk to Kuya." nakita ko si Sir Philip. Bakas ang pag aalala sa mukha niya.
Pinagmasdan ko ang babae. Kahawig nga siya ni Chase at Philip hindi maipagkakaila na mommy nila ito.
"Where's Chase?!" lumapit na ako sa kanila.
"Sorry Ma'am, pero umalis po si Sir Chase ngayon." tinignan niya lang ako ng masama.
"Who are you?"
"Hey, don't answer her." nagluluhan naman ako sa sinabi ni Sir Philip.
"I'm sorry ma'am, I'm Nadia, Sir Chase's secretary."
Nagulat ako sa isang malakas na sampal na ibinigay niya sa akin. Naramdaman ko ang paghapdi ng pisngi ko. Napailing na lang si Sir Philip.
"So? Ikaw si Nadia?" tinignan niya ako simula ulo hanggang paa. "Cheap."
Hindi ako umimik. Bakit ba siya galit sa akin? Wala naman akong ginagawang masama.
"Mom!" sinasaway siya ni Sir Philip pero wala rin itong magawa.
Nakaramdam pa ako ng isang sampal mula sa kaniya. "Alam mo ba na dahil sayo iiwan ni Chase ang kompanya?!" she shouted.
Hindi ko alam.
"Dahil sayo, masisira ang mga pangarap ko sa anak ko! Walang hiya ka!" hinablot niya ang buhok ko.
I felt the pain physically and emotionally.
"Mom! Stop!" pinigilan siya ni Sir Philip pero hindi siya maawat.
Kinaladkad niya ako palabas ng office. Doon ko nakita ang mga katrabaho namin at nakatingin sa akin.
"Dito tayo sa labas! Para malaman ng lahat kung gaano ka kalanding babae ka!" naiyak na ako dahil sa nakakaawang ekspresiyon na ibinibigay nila sa akin.
Napapikit na lang ako sa sakit. Bakit ganito? Akala ko madali na lang. Akala ko company policy lang ang kalaban namin? Pati mommy ni Chase, ayaw na magkaroon kami ng relasyon. Ano pa bang problema ang kailangan naming harapin? Wala pang kami ni Chase pero ang dami ng hadlang.
Naramdaman ko na may humila sa akin patayo. Nilagay niya ako sa likod niya at inilayo sa mommy niya.
"Please mom, leave her alone!" Chase said. "I love her, I can do anything for her!"
"Chase!"
"Mom, If you can't accept my decision. Don't recognize me as your son." nanggigigil sa galit ang mommy niya.
"Do what ever you want!" nanggigigil ang mommy ni Chase paalis kasama si Sir Philip.
Lalong umagos ang mga luha ko. Hinila naman ako ni Chase papalapit sa kaniya. At mahigpit na niyakap.
"Shhh, baby. Don't cry please." pag alo niya sa akin.
Patuloy lang ang pag iyak ko sa balikat niya.
"Don't mind her, hindi naman siya ang magmamahal sayo Nadia. Ako, mahal na mahal kita."
"I-I love you too." naramdaman ko ang paghalik ni Chase sa tuktok ng ulo ko.
Ipaglalaban ko rin siya gaya ng ginagawa niya sa akin. Parehas kaming lalaban, kahit anong delubyo pa ang humadlang sa amin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top