1 | New Chances at Love
"Ano na naman iyang ginagawa mo? Tapos na ang lunch break ah!"
Muntik nang mahulog sa kaniyang inuupuan si Antoinette dahil sa biglaang pagpuna sa kaniya ng kaibigang si Leera. Napatingin siya sa malaki at mamahaling orasan na nakasabit sa lobby ng hotel na pinagtatrabahuhan niya. Pagmamayari ito ng mga Gregory. Bukod sa pagiging kilala sa larangan ng negosyo, kilala rin ang pamilya dahil sa sikat na artistang si Philip Gregory.
Agad na itinago ni Antoinette ang librong kaniyang binabasa. Matapos itago ni Leera ang kaniyang toothbrush ay naupo na rin siya sa area niya sa likod ng reception.
"What's that book about?" usisa ni Leera.
Nagkibit-balikat si Antoinette. "Just another detective story."
"You really like that kind of stuff, aren't you? Marunong ka man lang bang kiligin?"
Kinuha ni Leera ang cellphone niya at patagong iniabot ito sa kaibigan. Kunot-noong tinignan niya ang litrato ni Leera na nakayakap kay Philip Gregory. Nang makita nito ang blangkong reaksyon ni Antoinette ay inagaw niya ang cellphone at ihinulog nalang basta sa loob ng kaniyang bag.
"See? Hindi ka kinilig! My baby babe Philip is so perfect! He's a good actor tapos ang ganda ganda pa ng boses niya. Sobrang nakakainlove! Kung sumama ka sana sa akin kagabi sa fanmeeting niya baka lumabas ka ng arena na diehard fan niya na rin!"
"It's not that I don't appreciate his talents. I admit he's really good looking, it's just that...hindi pa ako handang buksan muli ang puso ko kahit pa sabihing artista lang naman siya." Nakangusong paliwanag ni Antoinette.
"Really? Because I bet mapapangiti ka na naman niyan—" ani ni Leera saka inginuso ang papalapit na security ng hotel. May bitbit itong pink paperbag at maliit na bouquet ng bulaklak.
Wala sa sariling napangiti si Antoinette. Simula kasi noong nakaraang buwan ay araw-araw siyang nakakatanggap ng chocolates at love letters. Minsan ay may kasama pa itong bulaklak o kaya regalo. Wala siyang ideya sa pagkakakilanlan ng secret admirer niya maliban sa tatlong numerong nasa ilalim ng bawat letter.
"Yiiee may kinikilig. Kunyari 'di ko alam," panunukso ni Leera na bahagya siyang sinundot sa tagiliran.
"For Ms. Antoinette." Nakatungong iniabot nung security iyong paperbag. Nginitian siya ni Antoinette at nagpasalamat. Agad din naman itong umalis.
"Hm, weird. Ngayon ko lang nakita ang security na iyon. At naka-shades siya hanggang dito sa loob? At iyong bigote niya, bakit parang—peke?"
"Seriously, Leera? You're even checking out the security personnel now?" hindi makapaniwalang tanong niya. Nagkibit-balikat na lang ang kaibigan nang may pumasok na customer sa lobby.
Nang matapos ang shift, dumiretso si Antoinette sa locker. Kinuha niya ang maliit na box na pinagtaguan niya ng mga love letter na natanggap niya at isinama sa nakuha niya ngayon na may kasama pa palang isang libro.
Ilang minuto niyang tinitigan ang tatlong numero na nakasulat sa ilalim ng sulat. 143.
"I refuse to believe that this only means I love you. This should mean something more, like a clue to his identity." Bulong niya sa sarili.
She clicked her tongue nang may mapansin siyang kakaiba sa lahat ng letters na nakalatag ngayon sa bench at nakaarrange based sa date na natanggap niya ito. Ang ilan kasi ay mayroong P.S na puro love quotes pero ang iba ay wala at sa bawat P.S ay mayroong ilang letra na nakabold.
P.S Every time I see you, I fall in love all over again.
~143
P.S If a hug represented how much I loved you, I would hold you in my arms forever.
~143
P.S I don't need the whole world to love me. Just you.
~143
P.S Ever since I saw you, nobody else is worth thinking about.
~143
Muling napatingin si Antoinette sa librong hawak niya at sa mga letters.
"That's it!"
Ang title ng librong natanggap niya ay Mi Amor at ang bawat letrang nakabold sa lahat ng P.S ay ini-spell ang salitang iyon. Hindi siya nagaksaya ng oras at agad na binuklat ang libro sa page 143. Bumungad sa kaniya ang isang salitang nakahighlight ng yellow marker.
Fountain.
Kumilos ang mga paa niya at kusa itong tumakbo papunta sa grand fountain ng hotel. Napatigil siya nang makitang walang katao tao doon. Tanging nagkalat na rose petals sa sahig, isang mahabang buffet table, at isang lalaking tumutugtog ng Saxophone sa maliit na stage ang naabutan niya.
"P-philip..."
Saglit na tumigil ito sa pagtugtog at nginitian ng matamis si Antoinette. Natulala siya sa itsura nito na napakagwapo sa suot na tuxedo. "Hi, Antoinette. Mi amor."
Naestatwa siya sa kaniyang kinatatayuan nang maglakad ito palapit. Tila naging magical ang paligid nang bumukas ang mga ilaw na nakapaikot sa mga puno sa paligid pati ang pagsayaw ng fountain sa saliw ng tugtog na Feelings ni Lauv.
"I-it was you...the letters...the chocolates," hindi malaman ni Antoinette kung paano sisimulan.
"And the security from earlier." He chuckled. Even his laugh sounded sweet and serene.
"How are you so sure na dadating ako?" she asked.
"Because I know you love reading detective novels." Napangiti siya. Hindi maipaliwanag ang kakaibang kiliti sa tiyan niya.
"So, uhm, Antoinette? Can I, like maybe, court you? God, Philip. You're doomed."
Mahinang natawa si Antoinette dahil namumula na ang pisngi nito. Malayong malayo sa cool na aura na pinapakita nito sa television.
"Maybe we can try?" natatawang sagot niya na siyang ikinangiti ni Philip. Pumunta ito sa kaniyang likuran at naramdaman ang isang necklace na isinuot nito sa kaniya.
Bumalik ito sa kaniyang harapan at hinawakan nito ang kaniyang pisngi. "Thank you for giving me a chance."
Unti-unti itong lumapit at hinalikan siya sa noo.
Everything is so perfect. From the romantic setup, the fountain, and the man standing in front of her. She didn't know that this day would come. The day that she will fall in love, again.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top