1 | New Chance at Love

"Antoinette! Kung hindi ka lang nakasuot ng pang'receptionist ay iisipin ko na isa ka sa may-ari ng hotel na to o di naman kaya ay isang artista." Humagikhik pa si Fritz, kaibigan ko at siya rin ang hotel manager na dahilan kung bakit ako nagkaroon ng trabaho dito.

Maraming nagsasabi sakin na kung gugustuhin ko daw mag'audition para maging artista ay matatanggap daw agad ako dahil sa ang ganda ganda ko daw. I'am half Filipino and half Spanish, ang tatay ko ang Spanish pero ni minsan ay hindi ko pa siya nakita sa 23 years existence ko sa mundong ito.

"Ayaw mo ba talagang maging artista? Yung mga boss natin dito ay angkan ng mga artista, matutulungan ka nila panigurado."

Ngumuso naman ako. "Alam mo naman na ayaw kong mag-artista, Ms. Fritz." Kapag nasa Hotel kami ay talagang Ms. Fritz ang tawag ko sa kanya dahil ayoko naman na isipin ng mga kasamahan namin na porket kaibigan ko si Fritz ay hindi ko na siya nirerespeto bilang superior ko.

"Bahala ka nga!" Aniya.

Nang makaalis si Fritz ay inasikaso ko na ang mga trabaho ko, inumpisahan ko sa pagchecheck ng logbook.

"Antoinette!" Nag-angat ako ng tingin at tumambad sakin si Jaco, isa sa mga kasamahan ko dito sa Hotel. Jaco confessed his admiration for me but I like him only as a friend.

"Bakit?" Nakangiting tanong ko.

Ngumuso pa siya. "May delivery para sayo."

Kumunot naman ang noo ko nang makita kung ano ang dineliver sakin, it's a bouquet of red roses and chocolates.

"Ma'am pa'sign na lang po." Sabi nung delivery boy.

"Kanino galing?" Clueless na clueless ako. "Walang pangalan."

Umiling naman yung delivery boy. "Ayaw po ipasabi Ma'am."

"Malamang galing sa isa sa mga manliligaw mo. Nagtaka ka pa e ang dami dami mong manliligaw." Komento pa ni Jaco, rinig ko ang tabang sa boses niya. Umalis na siya at pati ang delivery boy.

"Kanino naman kaya to galing?"

May nalaglag na papel. Kinuha ko then I opened it.


Antoinette

You are like the sun, you are shining perfectly my dear.

- 014


Lalong nangunot ang noo ko nang makita ang mga numero sa baba, what's this? Bakit imbis na codename ni sender kung ayaw niyang magpakilala ay mga numero ang naroon? It's kinda weird.

Days had passed at mula nang makatanggap ako ng bulaklak, mga tsokolate at letter sa isang secret admirer ay naging araw-araw na ang pagtanggap ko ng mga ganoon. Madalas pa ay nadadatnan ko na ang mga ito sa front desk.

"Iba talaga ang beauty mo, Antoinette." Kinikilig pa na sabi ni Fritz. Nadatnan niya kasi akong binabasa ang letter na ito.


Antoinette,

My love for you feels like summer, it's burning.

- 014


I took a sigh. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa din kilala ang nagpapadala sakin nito."

"Sa isang tao lang ba galing?" Kuryoso ring tanong ni Fritz.

I nodded. "Yup. Tignan mo." Pinakita ko naman sa kanya ang mga sulat, sa ngayon ay meron na akong anim na sulat.

"014? Bakit kaya 014? May ideya ka ba sa mga number na yan? Baka dulo yan ng phone number niya."

Kumunot naman ang noo ko at umiling.

"Ang hirap din pala maging maganda." Natatawa pang sabi ni Fritz tsaka umalis.

Lumipas pa ang mga araw at patuloy pa rin akong nakakatanggap ng mga bulaklak, tsokolate at sulat, hindi ko na din maitago ang ngiti ko sa tuwing binabasa ko ang mga nakakakilig na sulat niya tulad na lang nito.


Antoinette,

How can you be perfect? You're like a summer night, everything is perfect.

-014


Kinagat ko pa ang ibabang labi ko para mapigilan ang sarili ko na lalo pang lumawak ang ngiti ko.

Sino ka ba?

Biglang umingay ang paligid kaya agad akong nag-angat ng tingin at nakita si Sir Philip na kakapasok lang ng Hotel, he's an actor at ang pamilya niya din ang may-ari ng hotel. Nataranta pa ko nang makitang patungo siya sa front desk kung nasaan ako. Oh, My God! Crush na crush ko ang isang yan! Pakiramdam ko ay any minute ay pwede akong mawalan ng malay.

Gosh! He's so handsome as hell!

"Good afternoon Sir!" Sinikap ko pa na hindi mautal.

Seryoso lang siyang nakatingin sakin.

"I want to talk to you in my office."

Namilog naman ang mga mata ko. "Ngayon na po?"

"Ngayon na." Madiin na sabi niya tsaka ako tinalikuran.

Halos mahimatay naman ako sa kaba. Bakit naman kaya?

Ilang hingang malalim pa ang pinakawalan ko bago kumatok sa opisina ni Sir Philip.

"Come in." Sa baritonong boses palang niya ay pangingilabutan ka na.

He's sitting in his swivel chair. Tumayo siya nang makita niya ako.

"Have a seat."

Nanginginig ang mga kamay ko, damn it! Ni hindi ako makatingin sa kanya ng derecho, hindi ko kaya!

"Bakit niyo po ako pinatawag Sir Philip?"

He cleared his throat. "014 is the number of your father's house in Spain, right?"

Namilog naman ang mga mata ko sa narinig ko. "How did you- Oh, My God! Don't tell me-" Hindi ko matapos tapos ang sinasabi ko.

Isa lang ang nakakaalam sa bahay na yan bukod sa Mama ko kundi si Philip, iyong nerd na kaklase ko noong grade 3 na laging binubully. Philip ang pangalan niya at Philip rin ang pangalan ng taong nasa harap ko ngayon.

He smiled. "Ako to, Tonette."

Lumipad ang kamay ko sa bibig ko.

"Yung batang lagi mong pinagtatanggol noon."

Hindi ako makapaniwala. Ang laki ng pinagbago niya.

"Grabe!" Yan lang ang lumabas sa bibig ko.

He smiled.

"And I'm also your secret admirer."

He chuckles.

Halos takasan pa ko ng ulirat nang yumuko siya para magpantay ang mga mukha namin at nasa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya.

"I want to court you cause just like the summer, you are fulfillment, happiness and beauty and summer is my favorite season, Antoinette."

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Am I dreaming?

"You are my summer, Antoinette. You are my fulfillment."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top