1 | New Chance at Love

Pink has always been the representation of love. Nevertheless of its negative connotation which is sometimes a symbol for lack of self-worth, it is still my favorite color.

I looked up and saw the humongous signage of the hotel named Peninsula. Ang ngiti ko'y abot langit na dahil sa mangha at kagalakang nadarama.

Noon, pangarap ko lang ang makapasok bilang receptionist sa magarang hotel na ito na pinagmamay-ari ng mga Saavedra— isa sa maimpluwensyang pamilya rito sa Manila. Ngayon, makakaapak na talaga ako!

"Magandang araw po sa inyo!"

"Ang ganda niyo talaga, ma'am Antoinette," puri sa akin ni Lily. Humalakhak ako at tinampal ang balikat niya.

"Uy thank you ah! Mahuhumaling na ba ang crush ko nito?"

"Huhulaan ko, si sir Philip iyan ano?"

Kaagad akong pinagmulahan. "Atin-atin lang ito ha," bulong ko sabay hagikhikan naming dalawa.

Isa rin sa mga rason kung bakit ako narito ay dahil sa crush kong artista na si Philip Saavedra. Madalas ko siyang nakikita sa telebisyon at dahil nagtatrabaho na ako sa hotel nila ay baka may tsansang makikita ko na siya sa personal!

"Excuse me," someone called me using his deep baritone voice.

The man is wearing a black hoodie, a ball cap, and shades. Bahagya siyang nakayuko kaya kaagad akong ngumiti.

"Good morning, sir. May I help you?"

"Are you new here?"

"U-Uh, I guess I am sir."

He sighed in disbelief and came closer. "A newbie like you is really a pain in the neck."

Excuse me?! Hindi ako mukhang leeg!

Kahit nainsulto ay plastik pa rin akong nakangiti. "Pardon, sir?"

He gave me an irritating wicked smile before he removed his shades. Napaawang ang bibig ko nang napagtanto kung sino iyon.

"I really hate people who waste my time. Itatak mo sa kokote mo na kapag dadating ako ay isang suite ang kukunin ko."

Napalunok ako at tumango-tango na lang dahil na-star-struck talaga ako sa kaguwapuhan niya! Am I dreaming? Philip Saavedra is here in front of me!

"Be mine ay este—noted sir!" I immediately gave him a key card.

"143 po sir!"

"Sorry miss but I don't feel the same way," he said before leaving.

Luh? May topak ba iyon sa utak?

Doon ko lang napagtanto na nasabi niya iyon dahil sa room number na nabanggit ko. Nakakahiya!

Ganiyan ba talaga ang mga artista? Mabait sa harap ng camera? Na-turn off ako bigla dahil sa kasungitan niya. Sayang, pogi pa naman sana.

"Ma'am, may nagpapabigay po."

"Huh? Sa akin po, Manong?"

"Opo, nakasulat po diyan ang pangalan niyo."

Sino naman ang nilalang na nagbigay nito? As far as I can remember, no one is courting me. Kaya sino ito?

Binuklat ko ang nakatuping papel at nalamang isa pala iyong sulat.


Ang kagandahan mo ay walang kupas at walang nakakahigit. Kamukha mo na nga si Paraluman, Antoinette.

124


Walang nakalagay kung kanino nanggaling ang love letter. Ang nakapagpabagabag sa akin ay ang tatlong numerong nakasulat sa katapusan ng sulat. Anong ibig sabihin nito?

Bakit nasabi niyang kamukha ko na nga si Paraluman? Isang tao lang ang sinabihan ko na gusto kong maging kamukha si Paraluman sa paglaki. Iyon ay ang kababata ko noon ngunit hindi iyon maaari. Matagal na siyang nangibang bansa.

Kinabukasan ay may natanggap muli ako.


Sa bawat araw na nagdaan, mas lalo kitang nagugustuhan. Masayahin ka pa rin talaga.

111


"Ano iyan?"

"Ay anak ng tipaklong!"

Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harapan ko ang crush ko. Narito ulit siya? Mabuti na lang at naka-under cover siya kaya hindi siya dinudumog ng mga fans niya!

"Oh someone is still doing that old cringy love letters?" Ngumiwi siya bigla.

"Apparently, yes sir."

"Ang baduy," humalakhak siya bago naglakad paalis. Baka nag-selos iyon o siya talaga ang nagbibigay nito?

I laughed at that far-fetched thought. Isang artista? Magkagusto sa isang hamak na receptionist? Ang labo.

The cycle went on and on. The mysterious guy kept giving me the same stuffs and I was already dying to know his true identity. Why can't he just straight up tell me about his feelings?

Dahil sa mga natatanggap ko ay hindi ko alam kung bakit naiisip ko ang matabang lalakeng kababata ko noon. Naalala kong Tisoy ang pangalan niya. Napakatalino pa naman ng batang iyon. Napapangiti na nga lang ako dahil sa napaglumaang mga memorya naming dalawa.

I strongly believe that the numbers will help me unravel the mystery behind the cryptic sender. What did Tisoy teach me again? Octals?

Believe me or not, he was good at codes.

"Five love letters in total."

Break-time namin ngayon at para akong timang sa cafeteria dahil panay ang pagsusuri ko sa mga sulat. I suddenly remembered about Octals. It is using a system of numerical notation that has 8 rather than 10 as a base.

I wrote all the numbers in a scratch paper.

124, 111, 123, 117, 131

So if 124 is equivalent to letter T, 111 is I, 123 is S, 117 is O, and 131 is Y.

My heart galloped when I read the deciphered name. My mind suddenly fixed its engine and the fragment of my past became a complete jigsaw puzzle. Si Tisoy nga ito!

Akala ko pa naman si Philip. Ang ilusyonada ko na nga talaga. Masyado na akong napapaniwala sa piksyon.

"Ma'am, may nagpapabigay."

Tinanggap ko kay Manong ang isang pirasong papel at binasa ang nakasulat.

Meet me here at Room 143

Even if my mind was baffled, I managed to go to that room. Kinakabahan ako. Hindi naman siguro siya murderer dahil may CCTV cameras naman ang hotel.

Is this my chance to love and be felt loved?

Huminga ako ng malalim bago ko pinihit ang door knob.

Philip?

Don't tell me...

"Hi," he greeted huskily.

"Tisoy?!"

"Yours truly. Do you still remember me?"

"Oo naman pero imposible dahil ang sungit mo sa akin noong nakaraan. Mabait si Tisoy..."

He smiled. "Baka nakalimutan mong artista ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top