Prologue
"Savitri! Come back here!"
Ipinagsawalang bahala lamang ng dalaga ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang ama. She knows that she's getting on his nerves. Yeah, right, 'yon naman talaga ang gusto niya una palang dahil hindi siya nito mabigyan ng tamang oras para makasama.
She knows that this attitude of her is so selfish, alam naman niyang para sa magandang kinabukasan niya ang ginagawa ng kaniyang ama't ina.
"I don't want to sleep on the bed of full money."
Iyan lagi ang tinatatak niya sa kaniyang utak. Wala siyang pake sa pera ng mga magulang niya, gusto niya ang kalinga nito. She's been embracing her parents money since then, gusto niya nang bago. Bagong aura. Bagong ambiance. Bagong lugar. Bagong makakasalamuha.
Sawang-sawa na siya sa kataga ng kaniyang ina na lagi nitong binibitawan tuwing may ginagawa siyang mali, "Savitri! You're a Khan! You should learn proper discipline!"
Napapangiwi na lamang siya tuwing maririnig ito. Yeah, she's a Khan. Ginusto niya bang maging Khan? She wants a normal life where she can spend her extra time with her parents. Shopping, eating outside, and such! Hindi iyong kinukulong siya ng mga ito sa loob ng kaniyang kwarto!
Tuwing uuwi ang kaniyang mga magulang galing trabaho or business trips, lagi nalang napapansin nito ang mga mali niyang ginagawa. Ni hindi man lang siya nagagawang kumustahin kung maayos lang ba ang naging takbo ng araw niya?
Lumabas siya ng kanilang Mansiyon at akmang pipigilan siya ng kanilang mga guwardiya nang itutok niya ang hawak niyang baril sa sentido nito, "Move or I'll kill you."
"K-Kase ma'am... baka-"
"I said move!"
Tumabi naman ito at binigyang laya siya para makalabas ng kanilang malaking gate. She sighed heavily. Parang nakamit niya ang kaniyang kalayaan nang sandaling makawala siya sa loob ng kanilang Mansiyon.
Alas-diyes na ng gabi pero patuloy pa rin siya sa paglalakad. Alam naman niyang walang magtatangka sa kaniya dahil panigurado niya ay pinasundan siya ng kaniyang ama.
"Aish!"
She threw away the gun that she was holding. Actually nope, it's not a gun. It's a pellet gun but still gun? Wait, what?
May paparating na van na sasalubong sa kaniya. Hindi niya masyadong maaninag dahil nasisilaw siya sa liwanag na nakikita niya. Iignorahin niya na sana ito pero nanlaki ang mata niya nang tumigil ito sa mismong kinatatayuan niya at lumabas ang isang lalaking nakamaskara.
"Hey! Hmpppp!"
Pilit siyang kumakawala sa mga bisig nito pero masyado siyang nahumaling sa mabango nitong pabango kaya hindi niya namalayang nawalan siya ng malay.
The guy easily placed her at the backseat. Sandaling sumulyap ang lalaki sa kaniya bago binuhay ang makina ng van na gamit niya. He smirked, "Impyerno ipaparanas ko sa'yo. Katulad ng ipinaranas ng mga magulang mo sa Tatay ko."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top