Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Two
Mike keeps on looking at me while driving. Hindi ko siya mapipigilan dahil sobra ang hagulgol ko sa loob ng sasakyan niya. Saglit ko palang na hindi nakikita si Anglo ay hindi ko na kaya. I chose this. Dapat lang ay handa ako sa magiging consequences ng ginawa kong 'to.
"Could you please stop crying, Savitri? Ano bang nangyari? Bakit mo ako hinila paalis sa hospital and worst dala-dala mo na 'yang maleta mo?"
Hindi na ako nag-abala pang sagutin siya dahil alam kong hahaba lang ang usapan naming dalawa. I opened my phone and I saw a lot of missed call from Anglo and... Zach.
I forgot about him. He's still my fiancé kahit na hindi niya alam na alam kong mayroon siyang ibang babae.
Taka ko siyang tinitigan nang mapagtanto kong hindi kami sa condo niya pupunta. I looked at him and I saw the smirk on his face, "What are we doing here?"
Papunta kaming NAIA at hindi ko alam kung ano ang balak ni Mike. He keeps on smiling na mas lalo pang nakapagpairita sa akin. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse niya nang mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ohh, easy there. May susunduin lang tayo."
"Si Queny?"
He looked at me before answering, "Nope."
Tumigil kami sa isang lugar at umabot ng sampung minuto bago mayroong babaeng kumatok sa windshield ng kotse niya sa gawi ko. Saglit ko iyong nilingon pero hindi na nag-abala pang tignan kung sino ang taong kumatok. I'm thinking about Anglo, kung ano ang ginagawa niya ngayon kaya wala akong panahong pumansin ng ibang bagay.
Mike casually open the door at nabaling lang ang atensiyon ko nang bumukas ang pintuan ng backseat.
"Namaste, Savitri!"
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, "Mishka!"
Mabilis akong lumipat ng pwesto sa backseat at niyakap ito. I don't know why she's here but one thing is for sure, I really missed her. Sobrang tagal na nung huling kita namin and I'm not aware na pupunta siya rito ngayon.
"Hey, get off me. It's super hot in here kaya 'wag mo akong yakapin."
Sumimangot ako sa sinabi niya bago masamang tinitigan si Mike at binatukan, "Why you didn't tell me?!"
"Because you didn't ask me?"
"Stupid."
Hindi ko na lamang pinansin si Mike at muling niyakap si Mishka. She's a year older than me pero kahit na ganoon ay komportable pa rin ako sa kaniya. Hindi na ako nag-abala pang bumalik sa pwesto ko kung kaya'y nakangiwi si Mike habang nag-dadrive siya. Kung titignan kasi ay parang driver namin siya.
"So, how's India? I didn't know that you're coming, what's the catch?"
She just rolled her eyes before looking at Mike, "I'm going to surprise you nga, I emailed Mike last month to pick me up pero hindi ko alam na kasama ka pala niya."
She's half Filipino too that's why she's a little bit fluent when speaking Tagalog. Nagkakilala lang talaga kaming dalawa sa India and when we found out that we're both Filipino, we eventually became friends.
Bigla siyang humarap sa akin at kitang-kita ko ang ngisi sa kaniyang labi, "So, how's your relationship with Zachary?"
"He cheated on me, Mishka."
"What?!"
Napatingin din sa amin si Mike nang biglang sumigaw si Mishka, "Could you please lower down your voice? Masakit sa tenga."
Sinamaan lang siya ng tingin ng isa bago nagsalita, "Shut up! I'm not talking to you," lumingon muli sa akin si Mishka at bakas sa mukha niya ang pag-alala sa akin, "When? I mean— how did you find out? I thought you two were engaged, what happened?"
Tumigil kami at doon ko lang napansin na nasa parking lot na kami ng condo ni Mike. We decided to walk towards Mike's unit while she's asking me questions about Zach.
"Kaya ayaw ko sa lalaking 'yon, eh! Unang kita ko palang sa kaniya before, talagang hindi na mapagkakatiwalaan."
Nakasunod lang sa amin si Mike habang bitbit ang maleta ni Mishka. She keeps on badmouthing Zach and I can't blame her. She witnessed some of those sweet memories that I shared with Zach. I can't focus on what she's saying, I'm thinking about him.
Anglo.
Hindi ko pa binubuksan ang cellphone ko simula nang umalis ako ng bahay nila. Ano na kayang nangyari? I hope Lily's fine. Sana lang ay hindi lumala ang kalagayan niya.
I decided to open my phone because I'm expecting messages from him... hindi naman ako nabigo dahil may tatlong message galing sa kaniya.
From: Anglo
Alam kong mahal mo ako. Tell me that you're just kidding a while ago.
From: Anglo
Avi, mahal kita.
From: Anglo
I can forget what happened today, 'wag mo lang akong iwan. I need you. I need you now, baby. You're the person that I need the most right now. Mahal kita. Mahal na mahal kita.
"Hello? Earth to Savitri?"
Mishka caught my attention when she snapped her two fingers in front of my face, "Y-Yes? Ano ulit 'yon?"
Kumunot ang noo niya at mabilis na inagaw sa akin cellphone ko, "Hey— wait!"
Mas lalong kumunot ang noo niya nang mapatingin siya sa cellphone ko. She slowly extended her hand and handed me my cellphone.
"Who's... that?"
I chose to ignore her. Umupo ako sa sofa ng unit ni Mike and I noticed that he went to the kitchen; giving us some privacy. Yumuko ako at bahagyang ginulo ang buhok ko.
I don't know what to say.
"Savitri, who's that? Who's Anglo?"
Hindi pa rin ako umimik at namalayan ko nalang na inangat niya ang ulo ko. She looked at me intently and it was obvious in her eyes that whatever comes in my mouth, she would be mad with my answer.
She's like a sister to me. She was there when I had a relationship with Adhar. She was there through my ups and downs. I don't want to disappoint her.
"Don't tell me you're cheating on Zach too while he's cheating on you too?"
Bahagya akong tumango dahil sa sinabi niya, "God, Savitri! What are you thinking? Are you plotting a revenge towards Zach? Ano na lang ang iisipin ng lalaking 'yan kapag nalaman niyang ginagamit mo lang siya para makaganti ka kay—"
"I love Anglo, Mishka. I love him and it makes me so sad that I can't do anything about his situation right now. I left him... when he needed me the most."
Napanganga siya sa sinabi ko pero kalaunan ay tumaas ang sulok ng kaniyang labi, "I know that you love Zach and I don't know what you're saying right now. Kung sinasabi mo lang 'yan para hindi ko isiping naghihiganti ka lang sa kaniya, please stop."
"She's telling the truth."
Nabaling ang atensiyon naming dalawa kay Mike na may hawak na ngayong tray ng pagkain. Lumapit siya sa amin at inilapag iyon sa lamesa bago tinitigan si Mishka, "She loves that guy, trust me."
Nanlaki ang mata ko nang biglang binatukan ni Mishka si Mike, "Hey, what was that for?!"
"At kinukunsinti mo pa 'tong gagang 'to!"
Binatukan din ni Mike si Mishka kaya naghabulan silang dalawa sa loob ng sala. I smiled.
At least, nawala saglit sa utak ko si Anglo.
Kinaumagahan ay agad kong inayos ang damit ko sa isang cabinet ng condo ni Mike. Mishka is peacefully sleeping while wearing a panda eye mask. Napangisi nalang ako sa nakita ko bago kinuha ang cellphone sa gilid ko.
I opened the gallery and the video of two of us showed up to me that I accidentally record when we're together. I looked so happy when I'm with him. Kuhang-kuha rin sa video ang pagnakaw ko ng halik sa kaniya.
I didn't know that I'm smiling already when I heard Mishka's voice, "Ngiting-ngiti, ah?"
Minadali kong patayin ang cellphone ko nang makita ko siyang nakataas ang kilay sa akin, "It's nothing."
"I would assume that Zach messaged you kung hindi ko lang alam na may nag-eexist palang Anglo sa mundo mo."
Sumimangot ako dahil sa sinabi niya. I'm trying to forget Anglo pero bakit niya ba binabanggit pa ang pangalan ng lalaking 'yon?
Really, Savitri? Kakanood mo nga lang nong video niyong dalawa.
Mishka stood up and walked towards me. Tahimik niya akong tinulungang magtupi ng mga damit ko. I was about to placed my short in the cabinet when she suddenly spoke, "Tell me what happened, Savitri. Who's Anglo? Kahit na may ginawa si Zach, I know na hindi mo siya kayang kalimutan agad. So please tell me, who's he?"
"He once kidnapped me—"
"Kidnapped you?!" Nanlaki ang mga mata niyang dinuro ako. Alam ko na ang susunod niyang sasabihin kaya hinawakan ko ang kamay niya at pilit siyang pinapakalma.
"Trust me, he's harmless. Of course, I'm a little bit scared when he kidnapped me pero nung nakilala ko siya? Alam mo 'yon? Parang siya lang 'yung lalaking nakikita ng mata ko. When I found out that Zach was cheating on me, I didn't felt any bitterness. Maybe, regretting the few years we spent together but I can't get too angry. Anglo was there when I needed someone to talk to. His family was there... taking care of me. You know what's funny? His father can't walk because of my parents. Isinumbong siya ng ilang tauhan ni dad na siya ang nagnakaw ng ilang materyales namin sa isa naming kumpanya. They beaten him up until he can't walk," I faced Mishka and I can feel my tears are falling, "That's why he kidnapped me. He wants me to tell my parents that his father isn't the one to blame. Na hindi ang tatay niya ang nagnakaw ng materyales namin."
I buried my face in Mishka's chest and told her why I came back to Anglo's house. She just listens to what I'm saying while caressing my back. Matapos kong sabihin ang lahat sa kaniya ay hinarap niya ako. She's smiling and I can sense that she's happy for me... too.
"It's okay to cry, Savitri. I understand now why there's Anglo in your life. You told me that you love him, bakit mo siya iniwan?"
I can't tell her about Bella. Na nagpatalo ako dahil lang sa mga sinabi sa akin ni Bella.
"He deserves better, Mish. Hindi masasagasaan ang kapatid niya kung hindi ko siya pinilit umalis. Sana nasundo niya si Lily noong panahon na 'yon. Sana wala si Lily sa hospital ngayon."
"It's not your fault, Savy. Hindi ikaw ang nakasagasa sa kapatid niya so please, don't take the blame. He's facing problems now and I hate to say it but, he's your boyfriend. Kailangan ka niya roon pero nakuha mo siyang iwan dahil lang tingin mo may better pa siyang makikilala? God, Savitri. Pagal."
I don't know what to say kaya nagbaba nalang ako ng tingin. Gusto kong bumalik kay Anglo. I want to tell him that I'm just kidding when I told him that I'm not good for him. I want to hug him. I want to kiss him.
I miss his kisses already.
"Did you two already fuck?"
Nanlaki ang mata ko sa naging tanong niya, "Mishka! Ano ba?! Bunganga mo!"
"What? I'm just asking, so ano nga?"
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at dahan-dahang tumango. Kumunot ang noo ko nang makita ko siyang pumapalakpak habang tumatawa, "What's wrong with you?"
She looked at me while still laughing kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at binatukan siya. Natigil naman siya sa pagtawa at masama akong tinitigan, "You're the worst, Savitri."
Hindi ko na lang siya pinansin at tumayo na upang maligo. Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko na tumatawa pa rin siya kaya napailing nalang ako.
Baliw na ata.
"Hoy, teka— kilala mo ba 'yung babae ni Zach?"
Saglit akong natigilan sa naging tanong niya. Ysa. I only know her name. Hindi ko pa siya nakikita.
Sino nga ba siya?
"As far as I can remember, her name is Ysa."
"Ysa?!"
Nagulat ako nang biglang siyang sumigaw at halata sa mukha niya ang gulat dahil sa sinabi ko. Tumayo siya at naglakad papunta sa akin, "Could it be that Ysa in my mind and Zach's mistress are the same?"
Kumunot ang noo ko, "What do you mean?"
"Baka si—"
"Hoy, Yska! 'Wag kang feeling bisita rito sa condo ko. Magluto ka!"
Umismid si Mishka dahil sa sinabi ni Mike at sumunod na rito. I just smiled because I would think they would be a perfect couple if Queny isn't Mike's girlfriend.
Akmang papasok na ako sa loob ng banyo nang may pumasok sa isip ko.
I forgot Mishka's nickname is Yska. Could it be Zach changed it to Ysa for me not to suspect her?
No, it can't be.
It can't be Mishka.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top