Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Six
"You've only been here for two years, Savitri. When you were in the Philippines, you kept on saying that you wanted to handle Savi. Why are you going home so soon?"
Matamlay kong tinignan si Mommy bago inayos ang mga damit ko na ilalagay ko sa maleta ko. Honestly, hindi ko rin alam bakit ako nagdesisyon agad. I know that I have no rights to be jealous but I can't help it!
I still love him. I still do. Pero hindi ko alam kung mababalik pa ba sa dati ang relasyon namin gayong ako naman ang may kasalanan?
I want him back. Selfish mang pakinggan pero gusto kong sa akin lang ang atensiyon ni Anglo. Magaan ang loob ko kay Sylvaine nang ipakilala siya sa akin ni Mishka noon but now after knowing na may something sa kanila ni Anglo ay parang naghuhurumentado sa galit ang puso ko.
"I... just need to handle some things, Mom. Uuwi rin po agad ako 'pag naayos ko na. I'll let Naya handle Savi po muna." Narinig ko ang buntong hininga ng nanay ko pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon.
Patuloy lang ako sa pag-aayos ng gamit ko nang may bigla akong naalala, "Uh, mom, about Tito Noel... can I ask something?"
Saglit akong nilingon ni Mom at tumango lang sa akin, "What about Noel?"
"He's been dead for a long time, why didn't you tell me?"
Kumunot ang kaniyang nok pagkatapos ko iyong sabihin, "Didn't Mike tell you? He told me na siya nalang ang magsasabi sayo last year when me and your dad were busy handling our shop in Singapore."
Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa sinabi ni Mom. Bakit hindi sinabi sa akin ni Mike?
"Uh, f-forgot about that thing. He told me pala." Tumango lang si Mom sa sinabi ko at tinulungan akong mag-ayos ng damit ko.
I can't stop myself from stalking Anglo's account after reading his reply. Iyon lang naman ang post niya tungkol kay Sylvaine pero hindi mapakali ang isip ko. I think there's more but I don't know kung ano ang hinahanap ko. Wala akong karapatang maging ganito pero nagseselos ako.
Stupid me.
Dapat ay hindi na ako nakikialam pa!
Kaso sino naman ang susundo sa akin sa airport? I don't know Mike's social media accounts! I don't have his number either. Kung kay Mishka naman ako magpapasundo ay mas lalong hindi pwede dahil busy 'yon sa pelikulang inaalagaan niya. Ayoko rin maging pabigat sa kaniya.
"Mom... pwede ba akong magpasundo sa isa sa mga guard natin sa Mansion?"
"Yeah," I smiled because of that, "Unfortunately, wala silang pasok dahil wala namang tumatao sa Mansion natin. Hindi naman doon natutulog si Mike." My smile immediately fades away.
Okay, so, I guess I'll just take a cab. Great.
Or
Magpasundo kaya ako kay Zach? Nope, nope, not a good idea.
"It was nice to see you again, Sav. How's India?"
Pilit akong ngumiti kay Zach nang salubungin niya ako sa airport. I don't have a choice. I immediately send him a message pagkababa ko ng eroplano at naghintay pa ako ng dalawang oras para makapaghanda siya. Kinuha niya ang maleta ko sa kamay ko at hinayaan ko lang siya na gawin 'yon.
"Uh, if you don't mind, bakit ka nga pala umuwi?"
I removed my shades and I faced him, "I miss Bruno." Lie. Oh, it's true that I miss Bruno, but its not the reason why I'm here.
I miss Anglo.
Some eyes are on us and I can't blame them. Zach is handsome, kahit na mayroong hindi magandang nangyari sa amin ay hindi ko 'yon ikakaila. Hindi ko rin alam kung anong alam ng balita tungkol sa aming dalawa. Wedding was canceled, of course.
Hindi na ako naghintay pang pagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse dahil hindi naman na 'yon kailangan. Hindi na kami. Wala ng kami so I think it's not necessary anymore. I removed my coat and I relaxed myself when he got in. Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ang sariling damahin ang lamig ng aircon ng sasakyan niya.
"Sav, alam kong mali ang nagawa ko. I didn't tell you about Queny because I'm scared. Ayokong saktan ka niya. Ayokong ikaw ang pagbintangan ng magulang mo kapag nagnakaw siya nang malaking halaga sa kompanya niyo. Believe me, walang nangyari sa amin. I still love you—"
"Zach, I want to take a nap. Please, we already discussed about this, 'di ba? I told you, I like someone else na."
"That fast?"
I looked at him and smiled, "Yeah, that fast."
Sobrang saya ko nang hindi niya na muli akong kinausap tungkol doon at hinayaan akong tulog hanggang sa makarating kami ng Mansion. Siya na ang nagbitbit ng maleta ko at nauna akong lumabas ng sasakyan niya upang salubungin si Bruno.
"Bruno! Baby! Na-miss ka ni mommy." Naglakad ako sa kinaroroonan ni Bruno at halata sa itsura nitong kinikilala niya kung sino ang tumawag sa kaniya. It's been two years since I last saw Bruno, balak ko sana siyang dalhin sa India but Mike insisted na siya nalang muna raw ang mag-aalaga rito.
Dinamba agad ako nito nang makilala niya ako. Bruno started to lick my face and before he slumped to the ground, he circled, stretched, and shook himself. I patted Bruno's head bago ako pumasok sa loob. Ang ilang maids pa ay natulala nang makita ako at ang ilan ay nakakunot ang noo. Probably, mga bago ang iba.
"Sav, where should I put this?"
"Diyan nalang sa gilid ng vase. Thank you."
Tumango lang sa akin si Zach kaya niyaya ko siyang pumunta ng kusina upang makakain. I saw one of our maids kaya mabilis ko itong pinigilan nang akmang lalagpasan ako nito, "Where's Aling Lorna?"
"A-Ah, naglilinis ho sa itaas."
I nodded, "Pakitawag, please. Thank you."
Agad itong sumunod bago yumuko. I looked at Zach at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin. Kinunutan ko siya ng noo, "What are you laughing at?"
"I can cook for you, Sav. No need to call Aling Lorna."
"No need for that. We're not together anymore. And besides, kaya ko pinapatawag si Aling Lorna ay para alam nitong nandito ako." Inirapan ko siya nang sabihin ko 'yon. Wala lang talaga akong matawagan kaya sa kaniya ako nagpasundo, but that doesn't mean na pwede niya na akong landiin ulit.
I can forgive him but I can't forget what he did. Alam kong para sa akin lang kaya niya iyon ginawa pero iyon lang ba ang choice niya? Masyado ba siyang takot kay Queny para sundin ang gusto nito?
I left Zach at the kitchen then I start wandering around our house. Ang ibang kulay ng gamit ay halos itim dahil na rin siguro kay Mike. Pinalitan niya ng itim na sofa ang nasa sala namin. Argh, it gives gothic vibe.
Napalingon ako sa bathroom ng sala namin and I felt that I need to use it. Sobrang tagal kong nakaupo sa eroplano pero ayoko namang gamitin ang comfort room doon dahil namamahay ang pwet ko.
Naglakad ako papunta roon at napangiti nang malamang hindi iyon nakasara.
"Ahhhhhh!"
"Tangina!"
The guy immediately locked the door of our bathroom that's why I stepped backwards. It was him. It was Anglo! Anong ginagawa niya rito sa bahay namin?
Bumilis ang tibok ng puso ko knowing he's few inches away from me. Ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa Pilipinas ay nakita ko agad. Just wow? Ang ganda naman ng perfect timing ni God para sa akin.
I waited outside of our kitchen even though I don't know what should I tell him. Kukumustahin ko ba siya? Should I ask about... Sylvaine?
No! Certainly not. Malalaman niyang ini-stalk ko ang facebook niya!
Lumabas siya ng banyo at tamad akong tinitigan. Ouch. That kinda hurts me. Lol.
"Nakauwi ka na pala."
Okay, that was cold?
What should I expect? Na maging mabait siya sa akin after what happened? God, Savitri. You're the worst.
I looked at him from head to toe and I can't stop myself from admiring him. Water drips from his hair as he wipes it with a towel. Ngayon ko lang napansin na medyo mahaba ang buhok niya. Hanggang leeg ito and to be honest, sobrang bagay sa kaniya. He looked so arrogant with his brown hair, his define jawline, and the way he looks at me. God, I can't take this anymore.
"A-Anong ginagawa mo rito sa Mansion?"
Lumabas siya ng sala at ako parang maamong aso na nakasunod lang sa kaniya. I feel so desperate but I want to talk to him. Sa loob ng dalawang taong hindi ko siya nakausap ay marami nang nagbago but it wouldn't change the fact that I still love him.
"Working for your family, I guess?"
His voice deepened even more. The way he talks to me, it's like he doesn't care about me and I accept that. What I did to him is unacceptable. Ang mga sinabi ko sa kaniya? Masakit. Kung ako iyon ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Working? Anong klaseng trabaho?"
"Everything? Kung ano ang kailangan dito. Tita Emma told me that we can stay here while I'm working here."
I nodded from what he said. Si Mom? Why didn't she tell me about this? Kung sa bagay, tingin ko ay hindi naman iniisip ni Mom na may nangyari sa amin ni Anglo.
"Uh, h-how are you? It's been two—"
Natigil ako sa pagsasalita nang humarap siya sa akin at bumuntong hininga, "Savitri, there's nothing to talk about, okay? I'm fine. Kung itatanong mo kung galit ako sayo, hindi. I'm just glad that you came home safe."
Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero hinayaan ko siyang iwan akong tulala. I was hurt by what he said but I couldn't stop being happy thinking that he was glad because I got home safe. He still cares about me, right?
Lumabas ako ng sala at nakita ko si Mike na nagkukusot ng mata habang pababa ng hagdan. I crossed my arms and waited for him to notice me. Mabilis ko siyang sinabunutan nang makababa siya.
"The fuck? Who are you—" Nanlaki ang mata niya nang makita ako, "Savy!"
He immediately hugs me which I find sweet. Nang maka-recover siya sa pagkagulat ay siya na mismo ang humiwalay sa yakap namin, "Kauuwi mo lang? Sino kasama mo?"
"Hey."
Bigla nalang sumulpot sa gilid ko si Zach habang may nginunguyang tinapay. Nawala ang ngiti ni Mike nang makita niya ito at biglang kumunot ang noo, "What are you doing here?"
"Michael!" Pinanlakihan ko ito ng mata at mahinang hinampas ang braso niya.
Zach felt that he doesn't belong here that's why he excuses himself. Pumunta si Mike sa kitchen kaya sinundan ko ito. I have a lot of questions to ask. First ay kung okay na ba siya sa nangyari sa kanila ni Queny. Second kung bakit hindi niya sakin sinabi ang pagkamatay ni Tito Noel. Lastly ang tungkol kay Anglo.
"Hey, I need to ask you a few questions."
He closed the refrigerator after drinking water, "Few? Totoo?" He smirked.
"Okay. I need to ask you a lot. A lot. Much better?" He just shrugged his shoulders before leaning on the table.
Tinaasan ako nito ng kilay, "Uh okay, first are you okay? I mean, sa nangyari sa inyo ni Queny? Are you willing to give your socials na sa akin?"
He crossed his arms and looked at the ceiling like he's thinking of an answer, "I'm perfectly fine, Savy, no need to worry about me. Queny is still in jail. Wala na akong balita sa kaniya. Mas mabuti na siguro 'yon, 'di ba? And no, deactivated pa rin ang socials ko." Umismid lang ako sa huli niyang sagot.
Pwede niya namang ibigay sa akin kahit phone number niya lang!
"May girlfriend ka na?"
"Malapit na."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Oh my god! Two years lang naman akong nawala! Hindi naman 'yon sobrang tagal para hindi ko malaman ang ganitong bagay.
"Who is it?"
"Mas mabuting hindi mo muna kilala."
I rolled my eyes. Two years since that happened. Matagal na 'yon. Hindi ko alam kung ako nalang ba talaga ang hindi pa nakaka-move on sa mga nangyari sa amin. Zach is still trying to win me back and I know to myself na hindi ko na siya bibigyan ng chance to prove himself because I already like someone else.
"Eh, Mike, bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Tito Noel?"
"Anglo told me not to."
Umawang ng bahagya ang labi ko dahil sa sinabi niya. Si Anglo? Bakit niya naman 'yon gagawin? Ganoon niya na ba akong kinamumuhian para hindi malaman ang bagay na 'yon. Napalapit na sa akin ang magulang niya, I think I deserve to know what happened!
"You have your own decision, Mike. You could've at least tell me—"
"It's not for me to tell, Sav. I respect Anglo's decision. Can we please stop talking about the past? You told Tita Emma na you're here because gusto mong i-handle ang negosyo niyo rito na hawak ko. I'll explain to you kung ano ang need baguhin sa designs after I finish eating breakfast, okay? Let's not talk about the past, Sav."
I slightly bowed my head after he finished talking. Totoo naman ang lahat ng sinabi niya. Wala ng sense kung magtatanong pa ako tungkol sa nakaraan dahil wala ng magbabago para maitama ang mga 'yon. I just can't stop myself from thinking about those stuffs.
"Uhm, last na, Mike... bakit hindi mo sinabi sa akin na may bago na pala si A-Anglo?"
I even stutter while saying his damn name!
I heard him laugh kaya nag-angat ako ng tingin, "What's so funny?"
"Nakalimutan mo na bang wala akong socials?"
Uh, yes. Got it.
Pero pwede niya namang ipasabi kay Mom!
Definitely not, malalaman nila ang tungkol sa amin ni Anglo dati.
"And besides Sav, I think he deserves to be happy after what you did to him. You broke him, Savitri. You made him feel like he's worthless. Stop asking about him, okay? 'Wag mong gawing awkward ang sitwasyon dahil lang nandito siya sa bahay niyo."
He tapped my shoulder before leaving me alone. When I felt that no one is watching me, I burst into tears.
Going home is not worth it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top