Chapter Twenty One

Chapter Twenty One

It's been two days since that incident happened. Maging ako ay tulala hanggang ngayon dahil hindi ma-proseso ng utak ko ang lahat ng nangyari. We immediately went to the hospital after I recovered from what my cousin said.

Lily's condition is critical.

According to the people who saw it, they said that Lily's body bumped into the front bumper of the car. No one saw the plate number. Ang mas nakakainis pa ay tinakbuhan ng pesteng driver na 'yon si Lily at Stella.

I refrain myself going to the hospital. As much as possible, I don't want to see Bella.That day when we arrived the hospital, she immediately attacked me.

"At ang kapal din talaga ng mukha mong pumunta rito?" taka kong tinitigan si Bella nang dinuro niya ako gamit ang daliri niya.

"Hey, it's not my fault—"

"It is your fault! Tuwing pumupunta si Lily sa bahay namin ay lagi siyang sinusundo ni Jelo! Nang dumating ka lang dito ay nawalan na ng oras si Jelo kay Lily!"

Humarang si Anglo sa harapan ko at nakipagtitigan kay Bella. I don't know what to say. Nagi-guilty ako dahil feeling ko ay ako ang may kasalanan. Kung hindi ko lang niyaya si Anglo sa lugar na 'yon ay hindi ito mangyayari.

"I-I'm sorry—"

"Walang magagawa ang sorry mo, Savitri! Tapos na, nangyari na. Dinamay mo pa talaga ang kapatid ko sa kalandian mo—"

"Hey, that's too much."

"Tumigil ka na Bella."

Nagkasabay pa si Mike at Anglo sa pagsalita. Nagulat na nga lang ako na nandito rin si Mike. According to him, nang pumunta raw siya sa bahay nila Anglo ay naabutan niyang walang tao sa loob. He knew that something is wrong when he saw Tita Miriam running towards a specific direction at doon niya na ako tinawagan upang ipaalam sa akin ang nangyari.

Is it really my fault?

Nawawalan na ba talaga ng oras si Anglo sa kapatid niya... dahil sa akin?

Ayokong pumunta sa hospital. 'Pag nakikita ko si Bella ay pumapasok sa isip ko na kasalanan ko lahat ang nangyari.

Si Tita Miriam ang nagbabantay ngayon kay Lily samantalang si Anglo naman ay kumakayod para sa operation ni Lily sa ulo. Bukod sa pagtama ng katawan niya sa front bumper ng sasakyan ay tumama rin ang ulo niya sa sahig dahil sa lakas ng impact nito.

They told me that si Stella raw talaga dapat ang masasagasaan dahil naisipan ni Stella na ihatid si Lily sa bahay nila dahil wala pa raw si Anglo at gumagabi na. Sa tingin ko ay nagkukulitan ang dalawa kaya hindi namalayan ang paparating na sasakyan kung kaya'y minabuti ni Lily na itulak si Stella upang iligtas ito.

I offered Anglo that I would pay the expenses but he refused. He told me that it wasn't my fault pero feel ko ay kasalanan ko. Si Mike nalang ang nag-abot ng kaunting tulong dahil ayaw talaga ni Anglo.

I wanna help Anglo but he's distancing himself from me just to work hard. Sa dalawang araw na 'yon ay nagtatrabaho siya sa umaga kila Mang Lito at nagbebenta ng balot sa gabi.

Kapag uuwi siya rito ay mabilis niya akong yayakapin at hahalikan bago umalis upang maglako ng balot sa labas. I'm worried about him. Palagay ko ay hindi na siya kumakain.

I decided to go to Tito Noel's room and I saw that he's peacefully staring at the ceiling of their room.

Nang maramdaman ang presensiya ko ay tumingin ito sa akin at ngumiti.

"Kumusta, Hija? Maayos na raw ba ang lagay ni Lily?"

Dahan-dahan akong tumango rito at ngumiti, "M-Malapit na po siyang makalabas."

Tumango naman ito sa akin, "Mabuti naman kung ganon. Sinabi ko nga kay Miriam na may gamot naman diyan sa taas ng cabinet namin para hindi na gumastos sa hospital pero mapilit eh," he chuckled from what he said.

Ngumiti na lamang ako rito bilang tugon. Tito Noel doesn't know Lily's true condition. Sinabi sa akin ni Tita Miriam na kahit ano raw ang mangyari ay 'wag na 'wag daw naming sasabihin ang totoo dahil ayaw nila itong mamroblema pa.

Ang alam lang ni Tito Noel ay may lagnat si Lily.

Pinunasan ko ang pisngi ko nang maramdaman kong may tumulo ron, "Oh, ba't ka umiiyak, Savitri?"

I shook my head, "W-Wala po. Napuwing lang. Sige po, maghahain po muna ako ng tanghalian niyo." I slightly bowed my head to show some respect.

Natigil ako sa pagbukas ng pinto nang magsalita si Tito Noel, "Masaya ako na masaya sa'yo si, Jelo. Alam kong langit ka at lupa ang sitwasyon namin pero sana ay 'wag mong saktan ang anak ko, Hija. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa may manakit sa mga anak ko."




NAKATITIG lang ako kay Mike sa loob ng tatlumpung minuto. He decided to stay here together with me para raw may makasama ako kahit papaano. Kinausap daw siya ni Anglo noong isang araw at sinabi ritong nag-aalala raw siya sa akin.

I don't get Anglo. Ako dapat ang mag-alala sa kaniya dahil ramdam kong pinapabayaan niya na ang sarili niya kakatrabaho pero siya pa ang may ganang mangamusta sa kalagayan ko.

"Ano na? 'Di ka bibista ron?"

Umiling ako, "Wala pa akong balak—"

"Stupid. That little girl needs your presence, too. Dapat lang ay nandoon ka at tignan ang kalagayan niya."

Tumango lang ako sa sinabi ni Mike at napag-isipan na kailangan kong bisitahin si Lily. I should face Bella, too. Hindi ko 'to kasalanan.

Tama, hindi ko kasalanan ang nangyari kaya hindi dapat ako matakot sa kaniya.

"What's the catch between you two? Queny messaged me last time—"

"Nag-message siya sa'yo?"

Taka kong tinitigan si Mike dahil sa naging tanong niya "Y-Yeah?"

Tumayo siya sa pagkakaupo niya at pabalik-pabalik na naglakad sa harapan ko. My forehead creased dahil nahihilo ako sa ginagawa niya.

"Ano ba, Mike?! Could you please stop moving from one place to another? Nahihilo ako sa ginagawa mo!"

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako, "Queny's not replying to my messages. I don't know why. Hindi ko rin ma-contact ang mommy niya. Tinawagan ko na rin siya sa number ni Mommy pero cannot be reached."

My mouth formed into an 'O' shape after he tell those.

Bakit sa akin nag-send ng message si Queny at hindi kay Mike? Nakuha pa ako nitong kamustahin noong isang araw.

"Maybe, she has a surprise sa'yo. Knowing Queny, she loves surprises." tumango-tango lang si Mike sa sinabi ko at nagpasalamat dahil nabawasan daw ang gumugulo sa isip niya.

Nagpaalam kami kay Tito Noel pagkaraan ay dumiretso sa sasakyan niya para makapunta sa hospital. Nasa labas pa lang ako ng pintuan ay parang hindi ko na kayang ihakbang ang paa ko papasok pero hinila ako ni Mike.

We decided to bring fruits and snacks para kay Tita Miriam. Nang makarating kami sa kwarto ni Lily ay nandoon si Tita Miriam, Bella, Stella, at Henry. Ngumiti sa akin si Henry habang si Tita Miriam naman ay niyakap ako at nagpasalamat dahil nakapunta raw ako.

"I need to be here, Tita. Sa palagay ko ay kailangan din ako ni Lily." I looked at Lily and I smiled when I saw her peacefully sleeping. Halata sa mukha niya ang maliliit na sugat dahil siguro sa pagtama ng ulo niya sa sahig.

Tinignan ko si Stella at nakita ko ang kamay nitong naka-bandage. Ang sabi ni Henry ay napilayan daw ito nang itulak ito ni Lily palayo sa sasakyan at naitukod nito ang kanang kamay kaya nagkapilay.

I handed Bella a paper bag na para kay Stella. Tinaasan ako nito ng kilay, "Anong gagawin ko rito?"

"I'm sorry, that's for Stella. I'm so sorry for causing trouble."

Tita Miriam told me that it wasn't my fault and even Henry. I saw Bella rolled her eyes at tinitigan lang namin siya nang lumabas siya ng kwarto ni Lily.

"Pasensiya ka na sa kapatid ko, ha? Mahal niya kase talaga si Stella at Lily kaya ganoon nalang ang pagtrato niya sa'yo."

I smiled at Henry, "I understand. May kasalanan din ako sa nangyari."

They decided to go home after we talked about some things. Tita Miriam chose to go home too para makapagpalit ng damit at para kamustahin ang lagay ni Tito Noel.

Natira kaming dalawa ni Mike sa loob at nang tinignan ko siya ay nakangisi siya sa akin, "Why are you smiling? You look stupid."

"I think you're scared that's why you're not coming here. Takot ka sa sasabihin ng nanay ni Anglo sa'yo no?" Inirapan ko lang si Mike at hindi sinagot ang tanong niya.

Saglit siyang lumabas ng kwarto dahil susubukan niya raw ulit tawagan si Queny. Umupo ako sa tabi ni Lily at hinawakan ang kamay nito.

"Hi, Lily! Sorry if ngayon lang nakadalaw si ate. Natatakot ako sa sasabihin ng mama mo, I thought she'll blame me sa nangyari sainyo ni Stella. I'm so thankful that ito lang ang nangyari sa'yo at hindi masyadong malala but I think malala na 'to dahil bata ka pa para maranasan 'to. I promise you that I'll be here pagkagising mo. Hindi kita iiwan... hindi ko kayo iiwan."

I gently squeezed Lily's hand. Inalis ko rin ang mga hibla ng buhok niyang nasa mukha niya, "I'm so inlove with your brother. I promise you, I'll be a better sister na kapag nagising ka. Isasama kita sa lakad namin ni—"

"Tapos ka na ba?"

Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si Bella na nakahalukipkip.Tumayo ako sa pagkakaupo ko at ngumiti rito, "I thought nakauwi na kayo—"

"At bakit ko hahayaan ang babaeng may dahilan kung bakit nandito si Lily para bantayan siya? Can't you see? Tita Miriam isn't happy nang dumating ka! She just told you that it wasn't your fault pero alam naman nating lahat na ikaw ang may kasalanan dahil lagi mong kinukuha ang atensiyon ni Anglo!"

Pagak akong tumawa dahil sa sinabi niya. Sinisisi niya ba talaga ako sa lahat ng nangyari? Yes, I'll admit na may kasalanan ako at 'yon ay ang part na niyaya ko si Anglo papunta sa lugar na 'yon pero the rest ay wala na!

It's not like I manifest this!

"We both know that Tita Miriam likes me. At ikaw, ano pa bang ginagawa mo rito? Hindi pa ba malinaw sa'yo na hindi ka gusto ni Anglo?"

She smirked from what I said, "Anong ginagawa ko rito? Anglo told me to look after Lily dahil alam niyang nasa bahay ka nila at nagmumukmok. Wala kang kwenta!"

I was taken a back from what she said. I decided to leave the room dahil ramdam kong nagsisimula ng tumulo ang mga luha ko.

Did Anglo think that I wouldn't visit Lily?

Hinila ko si Mike palabas ng lobby upang makauwi agad kami. He decided not to talk to me at hinayaan akong umiyak sa sasakyan niya. I told him to wait for me outside because I decided to go home.

I will go home.

I don't deserve them. Sobrang buti ng pamilya sa akin ni Anglo at hindi ko hahayaang masira ang pamilya nila ng dahil lang sa akin.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay naabutan kong nagpupunas si Anglo ng buhok. Natigil ako sa paglalakad nang lingunin niya ako.

"Hey, binisita mo pala si Lily. Buti naman at naisipan mo siyang dalawin." He slowly walk towards me pero kumunot ang noo niya nang medyo nakalapit na siya sa akin.

"Teka, umiiyak ka ba?" He was about to touch my face nang hinawi ko ang kamay niya at dumiresto sa kwarto ko. I locked it and I can hear his continuous voice from outside.

"Savitri! Buksan mo ang pinto! Savitri!"

Minabuti kong hindi siya pansinin at nag-umpisa ng ilagay ang mga damit ko sa maleta. I wiped my tears dahil hindi pa rin ito tumitigil at sa tingin ko ay gulo-gulo na ang buhok ko.

Nang matapos ko iyong ilagay lahat sa maleta ay lumabas na ako ng pinto. I saw him sitting in front of my door at nang bumukas iyon ay mabilis siyang tumayo at takang tinignan ang dala ko, "Ano 'to? Anong ibig sabihin nito? Aalis ka?"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinila ang maleta ko upang makalabas na.

"Savitri, ano ba? Tang ina naman, aalis ka? Iiwan mo ako?"

Kinalma ko ang sarili ko at hinarap siya, "Hindi mo ako deserve, Anglo. I'm not good for you. Look, kung hindi dahil sa akin ay wala si Lily ngayon sa hospital—"

"Hindi mo 'yon kasalanan—"

"It is my fault, Anglo! Ano ba?!" I couldn't control myself that's why I raised my voice. Halata sa mukha niya ang gulat nang gawin ko 'yon. I took the chance para makalabas na ako ng bahay nila nang magsalita siyang muli.

"Avi, m-mahal kita."

I closed my eyes and I decided to walk towards Mike, "I'm so sorry, Anglo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top