Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Four
I'm currently looking at my reflection in the mirror while combing my hair using my fingers. I decided to wear a pink coordinates and paired it with a wedge sandals. I know to myself that I'm beautiful but right now, I think that's not enough knowing we're going to visit Lily. There's a possibility that I might see Anglo... I mean Shaun!
Naglagay lang ako ng tig-dalawang clip sa magkabila kong buhok bago lumabas ng kwarto ko. Bruno is following me until we reached my parent's room. After that heart to heart talk with my parents, ang una nilang napuna ay ang buhok ko.
"What happened to your hair, Savitri?"
I was caught off guard when my mother asked me that. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nagpanggap akong girlfriend ni Anglo at para hindi ako makilala ng mga kapitbahay nila ay nagpagupit ako.
No, I can't say that!
"Uh, 'cause it's a trend?"
Mukhang hindi kumbinsido ang magulang ko nang sabihin ko 'yon but they chose to ignore what I said. Their plan is to bring foods for Lily and say that they're truly sorry for what happened to Tito Noel. Hindi ko alam kung magkakapatawaran sila but I hope so.
Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pagbuksan ng pintuan ni Dad, "You ready?" Tumango nalang ako bilang sagot.
My father escorted my mother to the stairway. Ang ilang maids namin ay nakahilera at nang madaanan namin sila ay tumungo sila ng bahagya. I don't know why they're still doing that even though my mother told them that they shouldn't do it.
When I saw Aling Lorna, I immediately smiled at her. Hindi ko pa pala siya nakakausap simula nang umuwi ako rito.
Mike decided to go too kahit na sinabi kong hindi naman kailangan. I'm planning to bring Mishka as well pero hindi ko siya ma-contact. Mike told me that she run some errands. I just shrugged it off. Malaman ko lang na siya ang babae ni Zach, hinding-hindi ako mag-dadalawang isip na putulin ang koneksiyon naming dalawa.
Inirapan ko si Mike nang makita siyang naghihintay sa labas ng gate namin. Hindi ko na rin pinansin ang pagtawa niya, "Bihis na bihis ka ata?"
"Wala kang pake!"
I decided to go with Mike while my parents are in another car of ours.
May nakasunod saming ilang bodyguards ng mga magulang ko kaya hindi ako kinakabahan na may mangyayaring masama sa amin. I don't know why but I'm a little bit nervous. Just thinking about the possibility of seeing Anglo makes my heart skip a beat.
I'm busy biting my nails when Mike suddenly speak, "Anong flavor ng kuko mo?"
"Could you please shut up?" Sinamaan ko lang siya ng tingin na tinawanan niya lang. He's not helping! Mas lalo lang akong kinakabahan sa sinasabi niyang wala namang kwenta!
"Payong pinsan lang, I don't know why you're nervous. As far as I know— ay mali, I think you made a mess kaya mo siya iniwan," tinignan ko siya nang sabihin niya 'yon, "Kung titignan mo, wala ka ng karapatan para bumalik o bumisita roon eh."
I know.
And I'm so stupid because I let Bella manipulate me.
"I love him, Mike. Do you think it's too late?"
Hinawakan niya ang kaniyang ibabang labi habang diretso ang tingin sa daan, "You won't know if you'll not try to ask him."
I sighed heavily. Kapag nakita ko si Anglo, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Of course, I need to apologize. I left him without giving him a valid reason. Hindi ko pwedeng sabihin na nag-usap kami ni Bella at sinisisi niya ako sa nangyari sa dalawang bata.
It's partly my fault. Masyado ko sigurong kinuha ang atensiyon niya... ang oras niya. Naging focus sa akin si Anglo nang mga panahong nandoon ako sa kanila. Halos nasa akin na lagi ang oras niya nang malaman niyang gusto ko siya.
Hindi mahirap mahalin si Anglo. Kaya siguro ganoon nalang ang nasabi sa akin ni Bella.
"We're here."
Tinignan ko kung nasaan na kami at tumigil kami sa isang hospital. Labis na lamang ang kaba ko noong pinagbuksan ako ni Mike ng pintuan. I looked at him and he just raised his eyebrow, "Chickening out?"
I gulped before I accepted his hands. Iginiya niya ako nang papasok na kami sa hospital. All eyes are on us at nang malaman kung sino ang dumating ay humawi ang ilan sa dinaraanan namin. I looked at them while my forehead is creased. We're just like them. We're normal people, why are they giving us a special treatment?
"Mike, where is Noel's room?"
"Forgot about it, Tita. I'll ask them na lang po."
Iniwan ako pansamantala ni Mike kaya gumilid ako ng bahagya. Lumapit sa akin si Mom at binigay niya sa akin ang isang basket ng prutas. Taka ko siyang tinitigan, "Ano pong gagawin ko rito?"
"Give that to Shaun."
Nanlaki ang mata ko at bago pa ako makapag-protesta ay tinalikuran na ako ng aking Ina. I gulped. Oh my god, what am I suppose to do? I'm not ready to face him!
"Third floor, right wing po, Tita."
I saw my mom nodded at nagpatuloy na sa paglalakad. Sumabay sa akin sa paglalakad si Mike hanggang makarating kami sa third floor. Lumingon ako sa likuran ko at ang dalawang body guards lang namin ang nakita ko. Kumatok si Mom ng tatlong beses bago bumukas ang pintuan, "Anglo, ba't ang bilis— Emma?"
The shock on Tita Miriam's face was visible when she saw my mother, "Miriam..."
They hugged each other at hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila dahil biglang pumasok si Mom sa kwarto ni Lily kasunod si Dad. Mike looked at me, iniisip niya siguro kung papasok ba ako o hindi. I don't want to see Bella too.
Nakakainis.
Bakit ba ako nagpapa-apekto sa kaniya?
Saglit akong nag-ayos bago napagpasyahang pumasok sa kwarto ni Lily. There, I saw Tita Miriam while Lily is currently lying on her bed. Lumapit ako kay Lily at hinawakan ang mukha nito. Halata pa rin ang sugat sa katawan niya. I scanned the whole place. Wala si Anglo.
I placed the basket on the table. I looked at Tita Miriam, I don't know why but I just found myself asking about him, "Where's Anglo po, Tita?"
"Ah— lumabas kanina para bumili ng pagkain. Parating na siguro 'yon."
Tumango lang ako kay Tita Miriam at hahakbang na sana ako palabas ng kwarto ni Lily nang hawakan ni Mike ang kamay ko. Tinaasan ko siya ng kilay, "Problema mo?"
"You'll go after him? As far as I know, wala na kayo. Hahaha."
Pinangliitan ko ito ng mata at bahagyang kinurot ang tagiliran niya, "Shut up! Marinig ka ni Mom!"
I was about to walk again when he speak, "Not proud of him, eh? Ano ngayon kung marinig ni Tita? You're just showing me that you don't deserve that guy's love."
Pabulong lang niya iyong sinabi sa akin at nang makita ko siya ay nasa tabi na siya ng kama ni Lily. I sighed. Hindi sa hindi ako proud kay Anglo, hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa parents ko ang tungkol sa amin. Hindi ko nga alam kung meron pa bang kami because I left him already.
Nagpaalam ako kay Mom na lalabas muna ako. Sasamahan sana ako ng isang bodyguard namin pero sinabi kong manatili nalang sa kwarto ni Lily dahil saglit lang ako.
Mike's right. Hindi ko deserve ang pagmamahal ni Anglo. When we're together, lahat binigay niya sa akin. Ang pagbibigay niya lang sakin ng oras ay sobra sobra na dahil alam kong hindi dapat ako ang prayoridad niya.
I decided to go to the garden to freshen up my mind. Nakatayo ako sa labas ng elevator at hinihintay itong bumukas.
"I told you already, hindi niya ako papansinin."
"Hindi—"
Natigil sa pagsasalita si Anglo nang makita niya ako. I looked at Louise and I saw her clung her hand to Anglo's arm. Bahagyang naningkit ang mata ko sa nakita ko, "A-Avi..."
Hindi ko alam pero ayaw gumalaw ng katawan ko nang mga oras na 'yon. Tinignan kong muli si Louise at nakita kong nakataas ang sulok ng kaniyang labi. Akala ko si Henry ang gusto niya? Bakit sila magkasamang dalawa?
"Jelo, let's go. Naghihintay na si Tita."
I saw Anglo removed her hand from his arm. Lumapit sa akin si Anglo and I let him hold my hand. Iniwan naming nakatayo sa labas ng elevator si Louise at nang muli ko siyang sulyapan ay salubong ang dalawa niyang kilay. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Anglo, hawak-hawak niya lang ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa.
I don't want us to talk. Gusto ko ay ganito lang. I want him to hold my hands always. Ayokong bitawan niya ang kamay ko.
Tumigil kami sa isang pintuan at nang tignan ko ay nasa fire exit kami. I looked at him and I saw the longing in his eyes, "Anong ginagawa mo rito, Avi?"
It's like I couldn't find any words, "Uh..."
I was caught off guard when he suddenly hugged me. He's caressing my back while mumbling some words in my ear, "I'm so glad that you're here."
His voice is so soothing. Nakakaadik. Parang kaya kong mabuhay na boses niya lang ang naririnig ko.
Tumikhim ako at lumayo sa kaniya. He's looking intently at me, "M-My parents are here. Binibisita nila si Lily dahil nasabi ko kung ano ang nangyari sa kaniya."
Anglo thanked me when I said it. Yumuko ako at pinaglaruan na lamang ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung paano pa ipagpapatuloy ang usapan naming 'to. As much as possible, ayokong umalis. Kapag umalis ako, alam kong hindi na kami magkakaayos pa.
"Savitri, look at me."
Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kaniya. He licked his lower lip while looking into my eyes, "Mahal mo ba ako?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa naging tanong niya. I slightly pushed him for me to breathe. Nang sabihin niya iyon ay parang hindi ako makahinga! Nanginginig ako kapag malapit siya sa akin. Nakatitig lang siya at hinihintay ang magiging sagot ko.
I knew I love him but when I remember how Louise clanged her hand to him; when I saw the tiredness and sadness in his eyes, I said something else which I regretted immediately, "I think it's better if you'll stay away from me from now on, Shaun. Langit ako at lupa ka. Hindi tayo bagay. Let's forget what happened to us. I realized that I still love Zach. I'm sorry but I don't love you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top