Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Eight
I can see from afar that Mishka is scolding Anglo. Nagkagulo ang lahat dahil sa sigaw kong 'yon. I didn't know na masyado palang napalakas ang sigaw ko and worst may pasa pa si Bryan sa kaliwa niyang pisngi. Some of the staffs are looking at me like it was my fault. Hindi naman ako ang sumuntok!
"Gusto mo bang magpahangin muna sa labas?"
Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Sylvaine. She's slightly smiling at me. Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya. I noticed that she already left in my peripheral vision.
Umayos ako ng tayo nang makita kong naglalakad palapit sa akin si Anglo.
"Hey—"
"Are you okay?"
Still shocked by what he said pero nagawa ko pa ring tumango sa kaniya, "Actually—"
"Good."
He just patted my shoulder before going to Bryan na inaasikaso na ngayon ng mga staffs. Napanganga lang ako sa ginawa niya. What was that? Hindi man lang niya ako pinagsalita! Sa tingin ko ay humingi siya ng patawad kay Bryan dahil sa ginawa niya.
Hindi ko rin mapigilang kiligin. Did he do it because he still cares for me?
Tama naman, 'di ba? Ganoon nga siguro 'yon kaya siya nagmadali papuntang restroom. He wouldn't do that if hindi siya nag-aalala sa akin. I looked behind me when someone called my name. I saw Mishka's massaging her forehead.
"Hey, girl, ayos ka lang ba? Si Shaun naman kasi parang tanga. Akala niya raw kung ano ang meron. Buti nalang tapos na ang shoot ngayong araw pero hindi ko alam kung paano ko ilalabas sa media si Bryan sa sabado. TKN manager invited them kasi about the movie."
Medyo naawa naman ako kay Mishka dahil mukhang stress na stress siya sa nangyari. Hindi ko rin naman kasi alam na aakto si Anglo ng ganon. He's not like that! I guess?
"I-I'm okay naman. Kinda shocked lang sa nangyari. Mayroon ba akong maitutulong... kay Bryan?"
Kumunot ang noo ni Mishka pero kalaunan ay bigla siyang tumawa, "Ano ka ba? It's fine! Ako na ang bahala kay Bry, matatakpan naman siguro ng makeup 'yung pasa niya—"
"Direk! Need ka po rito."
"Coming, Mika!" She looked at me and smiled like she's apologizing, "Wait lang, Savy. Puntahan ko lang si Bryan."
Tumango lang ako sa sinabi niya at sinundan ang papalayong pigura ni Mishka sa akin. Dahan-dahan akong umupo sa mono block chair sa likuran ko at iginala ang paningin sa buong studio. Ang ilan ay may kaniya-kaniya ng ginagawa pero ang iba ay hindi naiiwasang lingunin ako dahil siguro sa eksena kanina.
Hindi naman kasi mangyayari iyon kung hindi ako dumating dito. Naaawa rin ako kay Bryan. Wala naman siyang kasalanan. Siya na nga ang nadaganan ko, siya pa ang sinuntok.
I looked at Anglo. He's stroking his hair while arranging some stuffs with his right hand. Oof. It was kinda hot thou!
Bahagyang umangat ang isa kong kilay nang makita kong lumapit sa kaniya si Sylvaine at bahagyang hinagod ang likuran niya. Ano 'yon? Bakit may paganon?! Akmang tatayo na ako para umalis pero tila naramdaman ata ni Anglo na may nakatingin sa kaniya kaya dumako ang atensiyon niya sa akin.
No! He caught me staring at him!
For me not to loose my poise, I decided to raised my eyebrow at him. Saglit siyang may sinabi kay Sylvaine bago naglakad papunta sa akin.
"Tara na."
"Anong tara na?"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at hinigit na lang ako basta palabas ng studio. Muntik ko ng maiwan ang bag ko!
"Hey, saan mo ba ako dadalhin?"
"Ihahatid na kita."
Hindi na ako nagsalita pagkatapos niyang sabihin iyon. So, alone time with him then? Ayokong masira ang magandang mood kaya minabuti kong manahimik nalang habang hawak-hawak niya ang kamay ko. Kumunot ang noo ko nang hindi kami dumiretso sa parking lot.
"Sa harap ang parking lot, 'di ba?"
"Yeah, maraming fans doong nakaabang. We'll use Vaine's car."
Marinig pa lang ang pangalan ng babaeng iyon ay hindi na ako komportable. Ang magandang mood ko kanina ay napalitan agad ng pagkairita sa kaniya. Dinala niya ako sa likod ng building at nakita ko roon ang isang sasakyan na naka-park.
Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse nang maunahan niya ako. I looked at him but he just scratched his nose, "T-Thanks."
I heaved a sigh of relief when he closed the door. Parang aatakihin ata ako sa puso 'pag sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Sumandal nalang ako sa upuan at hinayaang mag-drive si Anglo pauwi sa amin. I roamed my eyes around the car. Malinis. Of course, babae ang may-ari nito.
Natigil ang mata ko sa nakasabit sa harapan. It's a polaroid picture inside of a keychain. Niliitan ko pa ang mata ko para makita ko kung sino ang nandoon.
It's Anglo and her.
Tumikhim ako at bumaling ng tingin sa kaniya, "Are you two dating?"
Saglit siyang lumingon sa akin bago tumango ng bahagya, "Yeah."
Nag-iwas ako ng tingin dahil medyo nasaktan ako sa sinabi niya. I knew it. Alam ko namang may relasyon silang dalawa pero hindi mapakali ang puso ko na maaari pa silang maghiwalay. Mali 'tong naiisip ko pero hindi ko mapigilan. Ang selfish mang pakinggan pero gusto ko ay sa akin lang ang atensiyon ni Anglo.
"Ilang days na kayo?"
What the fuck? Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Hindi ko mapigilang hindi magsalita! I heard him chuckled that's why I looked at him. Halatang natawa talaga siya sa tanong ko. Pwede namang wala pa silang isang buwan, 'di ba? Kami nga ay two months lang...
"Almost five months, Avi."
Avi.
Ibang-iba talaga ang dating sa akin kapag tinatawag niya akong ganoon. Hindi dahil siya lang ang tumatawag sa akin non pero dahil gusto ko ang paraan ng pagtawag niya sakin ng pangalang Avi. Maganda. Masarap pakinggan. I only want him to call me that.
"Oh, okay. I thought—"
Nag-ring ang cellphone ko at nagpasalamat na rin ako dahil baka may iba na naman akong masabi. I saw the caller and it's Zach. Kahit hindi siya ang kailangan ko ngayon, I am still thankful that he called me.
"Yes, Zach? Ano meron?"
I can see on my peripheral vision that Anglo looked at me for a second. I slightly bit my lower lip 'cause I can't help myself but to giggle.
He's eavesdropping.
"Tumawag sa akin si Mike. He saw your car outside of Mishka's studio. Magpapasundo ka ba?"
"Uh—" Saglit kong nilingon si Anglo at nakita kong nakahawak ang isa niyang kamay sa kaniyang labi habang ang kanan niyang kamay ay nakahawak sa steering wheel, "I'm with someone. Ipapakuha ko nalang ang kotse ko mamaya."
"No, ako na. Ihahatid ko nalang sainyo mamaya."
"Really? Thank you, Zach. I'll cook for you 'pag nandito ka na."
Pinatay ko na ang tawag at hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon kay Zach. Oh God! I'm so stupid. Ayokong makita ang mukha ni Zach pero gusto kong makita ang magiging reaksiyon ni Anglo kapag nalaman niyang may contact pa rin ako kay Zach.
This is so frustrating!
Nakarating kami sa Mansyon ng hindi nag-uusap. Hindi na ako naghintay pang bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto. I was about to say thank you pero bigla niyang pinaandar ang sasakyan at iniwan akong nakanganga sa gate.
What was that?
He's so rude! Hindi man lang nagpaalam sa aking babalik na siya sa studio!
Padabog akong naglakad papasok sa dining area. Nakita ko ang ilang maids na masayang nag-uusap at nang makita nila ako ay bahagya silang yumuko. I greeted them before drinking water. Kumukulo ang dugo ko kay Anglo. Pagkatapos niya akong pakiligin ay ganoon ang gagawin niya sa akin?
He just left me dumbfounded a while ago. Alam ko namang babalik siya para ihatid ang girlfriend niya pero hindi man lang nagpaalam ang gago.
"Tumawag ang ina mo, Savitri. Two weeks lang ang ibibigay niya sayo para asikasuhin ang mga bagay na dapat mong gawin dito. Hindi raw magawa ni Naya nang maayos ang trabaho mo."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Aling Lorna. Two weeks? Kakayanin ba ng two weeks na 'yon para ma-inlove sa akin ulit si Anglo? That's not enough! Ano ba naman 'to? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapag umuwi naman ako sa India na hindi kami maayos ni Anglo ay iiyak lang ako nang iiyak. Nothing is still the same when I left him.
Sobrang hirap nang iniwan ko siya. It's like my other half died that day. Ayokong wala si Anglo sa tabi ko. Inisip ko nalang na hindi siya matutuwa kapag pinabayaan ko ang sarili kaya tumagal ako sa India ng dalawang taon.
"Kumain ka na, hija? Ipagluluto kita—"
Umiling ako kaagad, "Ako na po. Dadating po kasi si Zach kaya ipagluluto ko na rin siya. Magpahinga nalang po kayo."
Aling Lorna just smiled at me. Tinawag niya ang lahat ng maids para gawin ang huli nilang gagawin ngayong araw na 'to para makapagpahinga na sila bukas. Naiwan akong mag-isa sa kitchen kaya minabuti ko ng isuot ang apron.
I just tied my hair in a messy bun before looking for ingredients. Gusto kong magluto ng sinigang dahil bigla akong nag-crave roon. I opened the fridge and was stunned to see that it's empty. Muli kong isinara ang refrigerator namin at tumingin sa notes na nakalagay sa labas ng pintuan.
To do: (Tomorrow) Wena and Berto.
- 3 kilong manok
- 4 kilong baboy
- 2 tilapia
- Gulay (Pechay, Kangkong, Kalabasa, Sitaw, Repolyo)
- 5 sachet toyo at suka
Hindi na ako nag-abala pang tignan ang mga sumusunod dahil sobrang dami non. So, bukas palang sila mamamalengke? Gosh, anong sasabihin ko nito kay Zach?
I looked at the watch and I saw that it's already 6 p.m. Dinner na. Puro saging na saba, mangga, at mansanas lang ang nakikita ko sa lamesa namin.
Nanlaki ang mata ko nang muli kong makita ang saging na saba. I know that it's dinner time already pero kakainin naman siguro ni Zach ang bananaque kapag gumawa ako, 'di ba? I just shrugged my shoulders before arranging the things that I will use.
Sinimulan ko ng balatan ang mga saging at nilagay iyon sa container bago hinati sa kalahati. I was about to open the stove when someone called me. I turned around and it was Tita Miriam. Nabitawan ko ang saging na hawak ko dahil sa gulat.
"Tita Miriam!"
"Hija, kumusta ka?"
Alam kong galit sa akin si Tita Miriam dahil sa ginawa ko kay Anglo pero hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya nang makita ko siya. It's like I am alive again. Hinagod niya ang likod and I was touched because of that. Naramdaman ko nalang na tumutulo ang luha ko.
"Oh, bakit ka umiiyak? Pinaiyak ka na naman ba ni Anglo?"
I shook my head before smiling, "Na-miss ko lang po kayo, Tita. Kumusta na po kayo? Si Lily po ayos lang po ba? Sorry po dahil lately ko lang nalaman ang tungkol kay Tito Noel."
Dinampot ni Tita Miriam ang saging na nahulog ko kanina at nilagay iyon sa basurahan. She started to put the banana into the pan before putting sugar on top of it, "Nako, wala 'yon, hija. Maayos lang naman kaming tatlo pero hindi kami gaanong nag-uusap ni Anglo dahil sa nangyari. Buti ay okay ka. Kumusta naman si Emma sa India?"
Lumabi ako dahil sa narinig ko. Sobrang laki siguro ng impact ni Tito Noel sa mag-ina kung kaya ay hindi sila masyadong nag-uusap ngayon. Siguro ay nililibang ni Anglo ang kaniyang sarili para hindi na maisip masyado si Tito Noel.
"I'm fine naman po, Tita. Okay lang po si mom and dad since nagiging maayos po ang transaction nila sa isa naming shop sa Singapore."
Hanggang sa si Tita Miriam na ang nagluto ng bananaque na para kay Zach. Pinanood ko lang siyang lutuin iyon hanggang sa matapos. Parang katulad lang dati noong sa kanila pa ako nakikitira. Tumutulong kaming dalawa ni Lily kay Tita Miriam kapag oras na para ilako iyon sa bayan nila.
Inihain sa akin ni Tita Miriam ang isa niyang gawa kaya kinain ko ito, "Nasaan po si Lily?"
"Pansamantalang nandoon kila Bella dahil walang kalaro si Stella. Tuwing sabado at linggo ay pumupunta kami ron ni Anglo para bisitahin si Lily."
Tumango lang ako sa sinabi ni Tita Miriam at hinipan ang saging dahil medyo mainit pa 'yon. Inilapag ko muna sa pinggan ang bananaque dahil balak kong humingi ng tawad dahil sa ginawa ko kay Anglo. For sure ay nagalit sa akin si Tita Miriam nang sobra dahil ipinangako ko sa kaniya na hindi ko sasaktan si Anglo. What I did was wrong. So wrong to the point that I don't deserve a second chance from Anglo.
"Tita, sorry nga po pala—"
"Pasensiya ka na sa ginawa ni Anglo. Simula nang nangyari 'yon ay hindi ko na siya masyadong kinausap. Sinubukan niya naman pero naaawa ako sa'yo. Minahal mo lang naman siya pero mali ang ginawa niya sa'yo."
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Tita Miriam. Ano raw? Mali ang ginawa sa akin ni Anglo. Ano bang ginawa sa akin ni Anglo that day? 'Yon ba 'yung nakita ko siyang kasama si Louise sa elevator?
"Tita, wala naman pong ginawa sa akin si Anglo—"
"Nako Savitri, 'wag mo ng ipagtanggol ang batang 'yon. Mali ang ginawa niya kaya nagtataka ako bakit maayos ang pakikitungo mo sa akin. Iniwan ka niya, 'di ba?"
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. What was that?
Iyon ba ang sinabi ni Anglo kay Tita Miriam?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top