Chapter Twenty
Chapter Twenty
Nakatulala akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Last night was so unforgettable. It was a blast, nang umalis nga siya kaninang umaga rito ay mabilis niya muna akong hinalikan bago lumabas ng kwarto ko.
I can't help myself but to giggle when the scenario last night is popping on my head.
Hindi ko rin alam kung paano ako aakto sa harap ni Anglo. Should I be sweet or yung katulad lang din nang dati?
Tumayo na ako and I decided to check my cellphone. Napuno ng notifications ang cellphone ko nang buksan ko ang data ko. Some of my friends are asking my whereabouts and I don't want to give a damn care about them.
Tinignan ko ang messages at napangiti ako nang makita ko ang text galing kay Queny at Mike.
From: Queny
I miss you, Savitri! Where are you? Hope you're okay.
From: Mike
Take care.
Minabuti kong replyan si Queny at sinabi ritong nasa mabuting kamay ako. I didn't bother to look at my mom's message. Uuwi ako kung gusto ko. Kung nahanap na nila ang taong nagnakaw sa kompanya namin, that's good for them.
Anyways, mabilis akong nag-ayos para lumabas na ng kwarto ko. Nakarinig ako ng boses at sinundan ko kung saan iyon nanggagaling. Nakita kong masayang nag-uusap si Tita Miriam at si Henry. Henry took a glance at me bago binaling ulit ang atensiyon kay Tita Miriam.
"Sige po, mauna na ako."
"Siya sige, mag-ingat ka. Maraming salamat sa dala mong manok, Hijo."
Sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ni Henry. I looked at Tita Miriam at nagulat pa ito nang makita ako sa likod niya, "Kanina ka pa ba riyan, Savitri? Wala si Jelo dahil niyaya siya ni Lito para tumulong sa bahay nila."
Tumango lang ako sa sinabi nito, "Eh si Lily po, nasaan siya?"
"Nandoon kila Bella. Sinundo kanina ni Stella eh."
Nagpasalamat nalang ako bago lumabas ng bahay nila at naglinis sa bakuran. Payapa akong nagwawalis nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Savitri!"
Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Louise kasama ang isa niyang kaibigan. I looked at her from head to toe. She's wearing a basic croptop and a long skirt. Hilaw akong ngumiti rito, "Yes?"
"Pupunta kami sa Mall. You wanna come with us?"
Saglit akong lumingon sa loob ng bahay dahil ayoko namang iwan si Tita Miriam mag-isa rito lalo na at wala pa sa maayos na kondisyon si Tito Noel. Umiling ako kay Louise at tinuro ang walis na hawak ko, "Kailangan kong tumulong dito eh. Salamat nalang."
Akmang tatalikod na ako nang marinig kong nagsalita ang kasama niya, "So it's true pala na nakikitira ka lang kila Jelo. Buti pa kayo Louise dati, minsan ka lang pumunta sa bahay nila Jelo dahil nahihiya ka kay Tita Miriam-"
"Shhh, stop it Althea," Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko dahil narinig ko naman ang bulungan nilang dalawa. Humarap akong muli sa kanilang dalawa at nakita kong nagulat pa si Louise.
"Could you please stop meddling with our business? Ex na ang kaibigan mo, miss whoever you are—"
"My name is Althea—"
"I don't care if that's your name. You may now leave."
Galit na tinitigan ako ng kasama niya at naglakad na palayo sa bahay nila Anglo. Naiwan namang nakatayo sa harapan ko si Louise habang nakayuko ito, "May kailangan ka pa ba—"
"I like your attitude. Goodluck with Jelo. Sana lang hindi mo siya saktan." She smiled at me before walking away.
Ano ang ibig niyang sabihin?
Na sasaktan ko si Anglo?
Hell no!
Bumalik na ako sa loob ng bahay at mas piniling tulungan si Tita Miriam sa pagluluto ng adobo. Naghiwa ako ng maliliit na saging na saba dahil mas masarap daw ang adobo kapag may kasamang ganoon. Pinagmasdan ko lang na magluto ito.
I miss Aling Lorna.
Dati-rati ay pinagluluto niya ako ng mga gusto kong ulam.
Lumingon sa akin si Tita Miriam at ngumiti, "Paborito rin ito ni Anglo, Hija. Matutuwa iyon kapag pinagluto mo siya."
Ngumiti ako rito at nanonood kung paano magluto ng adobo. I want to make Anglo happy. He made me so happy last night. I want to return the favor by cooking for him. Siguro next week para kasama ko siya sa grocery.
Nang matapos magluto si Tita Miriam ay kumain na kaming dalawa. It's already 2 pm at hindi pa rin umuuwi si Anglo. I miss him already... kahit na kasama ko naman siya kagabi.
I decided to go out for a while para tumingin-tingin kung ano ang magandang pwedeng iregalo kay Anglo. Buti nalang at tinandaan ko ang daan papuntang palengke kundi ay baka naligaw na ako. I'm so happy because this is the first time that I will be independent. Tuwing umaalis kase ako dati ay may kasama pa akong guards para magbantay sa akin.
Huminto ako sa isang tindahan na nakita ko. Puro sapatos ang tinda. Last time that I heard from Anglo, he said that the shoes he's wearing is from Henry. Ayoko ng ganoon. Ayokong manghiram na ulit siya sa susunod.
"Ineng, bili ka na. Mura nalang ang mga 'yan."
Napalingon ako sa matandang babae nang kausapin niya ako. Ngumiti ako rito at tinuro ang nike na kulay puti, "How much is this?"
"650 lang, ganda."
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko. It's so mura naman pala rito?
"650 lang?"
"Oo, class a lang kasi ang mga 'yan kaya ganoon."
Tumango lang ako sa narinig ko. Kaya naman pala. Akmang bibilhin ko na iyon nang matigilan ako.
Omg!
Hindi ko alam ang size ni Anglo!
Bakit nga ba ako bibili ng sapatos para sa kaniya eh hindi ko naman alam ang size ng paa niya. Argh, kainis.
Para hindi masayang ang pinunta ko ay napagpasyahan kong bumili ng size 8, 9, at 10. Kung wala pa riyan ang size niya ay bahala na siya! Ibenta niya nalang 'tong mga pinamili ko!
Nang mabayaran ko na ay pumili naman ako ng damit para sa kaniya. Dinamihan ko na rin dahil nakikita kong palagi nalang niyang suot ang sando niyang itim at puti. Nakakainis nga dahil ganon lagi ang suot niya. He just want to show off his biceps! Kaasar.
I decided to go home when I noticed that the sky is getting darker. Baka nakauwi na rin si Anglo.
Malapit na ako sa pintuan ng bahay nila nang makita ko siya sa labas at halatang-halatang balisa siya, "Anglo!"
Nabaling ang tingin niya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya at pinakita ang mga dala-dala kong plastic, "Look, I bought you something—" I was caught off guard when he immediately hugged me. Hawak-hawak ko pa rin sa ere ang mga binili ko dahil hindi ako makagalaw sa pagyakap niya.
May problema ba?
"Hey, what's wrong?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin at kitang-kita ko ang mapupungay niyang mata, "Saan ka galing?"
"I bought you shoes and shirts."
Mas humigpit ang yakap niya sa akin at nagsumiksik siya sa dibdib ko. I smiled, I think he thought that I already left him. I won't do that! Hinding-hindi ko siya sasaktan at ipapamukha ko sa Louise na 'yon na ako ang karapat-dapat na maging girlfriend ni Anglo.
"Tara, date tayo."
"Huh? Now? Susunduin ko si Lily."
Oo nga pala at nandoon kila Bella si Lily. Pumasok ako sa loob ng bahay nila at iniwan ang mga plastic sa silya. Hinarap ko si Anglo at ngumiti rito, "Let's go!"
"Savitri, kailangan kong sunduin si Lily!"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinila siya palabas ng bahay nila. I know that he's worried about Lily pero siguro naman ay walang mangyayaring masama sa kaniya ngayong nandoon siya kila Bella. At kung hindi pa siya nakakauwi pag umuwi kami, kaming dalawa nalang ang susundo sa kaniya.
Hila-hila ko pa rin si Anglo nang makarating kami sa lugar na gusto kong puntahan. Taka niya akong tinignan nang bitawan ko na ang kamay niya, "Anong ginagawa natin dito?"
I brought him here. Kung saan sila nagkakilala ni Louise. I want to change his memories from here. Ayokong isipin niya na 'pag pupunta siya rito ay si Louise ang maiisip niya.
"We'll take pictures here. Halika rito." Hinila ko siya palapit sa akin at nilabas ang cellphone ko. Ipinatong ko iyon sa isang pader at bahagyang lumayo para makapag-picture kaming dalawa.
"Ano ba, Jelo? You should smile!"
Ngumiti ako sa camera at naramdaman kong pumulupot ang kamay niya sa bewang ko. Humigpit ang yakap niya sa akin at ipinatong niya ang baba niya sa ulo ko, "J-Jelo—"
"Shh. Let's feel this moment. Sobrang saya kong dumating ka sa buhay ko, Avi. Noong unang kita natin, mga bata pa tayo. Hindi ko alam na aabot tayo sa puntong ganito dahil sobrang layo mo sa akin. Isang beses lang akong nakapunta sa inyo at 'yon pa ang unang beses na tinarayan mo ako—"
"Hey, when was that?!" Humarap ako sa kaniya at hinampas ang dibdib niya. Humagalpak siya ng tawa at ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin at mahinang sinuntok ang braso niya.
"Biro lang. Hindi mo nga ako pinansin. Sungit."
Mabilis ko siyang hinalikan sa kaniyang labi at niyakap. Naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik at mas lalong diniin ang sarili niya sa akin. Sobrang dilim na ng langit at 'yon ang nagpapadagdag ng magandang nararamdaman ko ngayon.
I feel so safe when Anglo is near.
Bukas na bukas ay aalis ako para kausapin si Zach. I should deal with him this time dahil alam kong lumalalim na ang nararamdaman ko para kay Anglo. Ayoko na siyang bitawan. After I talk to Zach, I'll wait a few days bago ko siya ipakilala kila Mom and Dad.
Inangat ni Anglo ang ulo ko at masuyo akong hinalikan na ginantihan ko naman, "Mahal kita, Avi."
"I love you more, Jelo."
He kissed me again for the second time bago lumayo ng kaunti sa akin. I decided to check my cellphone na nakapatong kanina sa pader. Nanlaki ang mata ko dahil wala kaming nakuhang picture kahit isa dahil video pala ang napindot ko.
"Look, omg, wala tayong picture!"
"May video naman eh, kuhang-kuha riyan ang paghalik mo sa akin."
Sumimangot lang ako sa kaniya at tinalikuran siya. Itinago ko ang cellphone ko sa suot kong short at umupo sa damuhan katabi ni Anglo. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya at naramdaman kong hinawakan niya ang ulo ko pang suporta. I smiled.
"I'll treasure this memory of us."
I looked at him and I was about to kiss him when I felt that my phone keeps on vibrating. Irita ko iyong kinuha at naramdaman kong tumatawa si Anglo sa tabi ko. I saw the caller and it's Mike. Ano na namang problema nitong lalaking 'to?
Akmang hindi ko 'yon sasagutin nang magsalita si Anglo, "Sagutin mo na, baka importante."
Tumango lang ako rito at sinagot na ang tawag, "Hello—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa narinig ko. I looked at Anglo and I noticed that his forehead is creased, "Bakit hindi ka gumagalaw? Anong meron?"
Niyugyog ako ni Anglo at nabitawan ko ang cellphone ko sa tainga ko. I don't know if it's just me but I can see that he's worried sa kung ano man ang sasabihin ko, "Avi, anong nangyari—"
"Nasagasaan daw si Lily..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top