Chapter Twelve
Chapter Twelve
Ilang oras na kaming nakauwi galing kila Bella at hindi ko tinitigilang tignan ang sarili ko salamin. I look so different. Ibang-iba ako sa dati kong itsura. Mas naging mukhang bata ako dahil sa kulay at iksi ng buhok ko. Ano kayang sasabihin ni Zach kapag nakita niyang ganito na ang itsura ko?
I shook my head. Why the hell am I still thinking about him? I should forget him as soon as possible but I think that's impossible. Marami kaming memories ni Zach and for now, I still can't let it go.
Sinuklay ko ang maiksi kong buhok. I smiled when I remembered what Anglo told me earlier.
Mabilis na nagpaalam si Anglo kay Bella nang matapos niya akong tulungan sa lahat ng kailangan ko. I told her na babawi ako sa kaniya sa paraan na kaya ko at ang sabi niya ay tulungan ko raw siyang mas mapalapit pa kay Anglo.
I think I can do that.
Ibang-iba na nga ang itsura ko sa dati kaya panatag ang loob ko na walang makakakilala sa akin. Anglo immediately held my waist at napakislot pa ako nang gawin niya iyon. Hindi pa rin ako sanay. I always tell myself that I need this. Kailangan kong masanay sa presensiya ni Anglo dahil kailangan ko siya... at kailangan niya rin ako.
We stopped walking and he faced me while smiling, "Ang ganda mo. Bagay sa'yo ang buhok mo."
Iniwan niya akong tulala nong mga oras na 'yon at hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala ko.
Why am I smiling though?
It's not like I like Anglo but I barely receive a real compliment.
Bumukas ang pintuan ng kwarto ko at tumambad sa akin si Lily na nakasuot pa ng kaniyang school uniform habang may hawak-hawak na juice sa kanan niyang kamay, "Hi, ate Sasa! Nandito na si Mama tapos tawag ka po ni Kuya. Punta raw po kayo sa palengke."
"Uh, yes. Susunod nalang ako, Lily."
Sasa. Ayon ang tawag sa akin ni Lily dahil masyado raw mahaba ang pangalan kong Savitri. Ever since, walang nagtangkang tumawag sa akin ng ganoon. Iyong batang 'yon lang. I really admire Anglo's family. Tanggap nila ako rito kahit hindi nila ako kaano-ano.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Anglo na kumakain ng tinapay. Tumango lang ito sa akin at sinenyasan akong lalabas na siya para sumunod ako. Nagpaalam ako sa nanay at tatay niya bago siya sinundan sa labas.
We walked for a while because he told me that we're going to ride on a jeep. Hindi pa ako nakakasakay sa ganoon that's why I'm so excited. Tingin ko, lahat ng hindi ko pa nagagawa ay magagawa ko hanggang kila Anglo ako nakatira.
Agad kaming sumakay sa jeep na huminto sa harap namin at hinayaan niya akong mauna. Umupo kami sa dulo at naghintay pa ng ilang tao para sumakay. I looked outside, masyadong maraming tao at tindahan. Maingay sa lugar nila pero halatang masaya.
Napalingon ako kay Anglo nang maramdaman kong may malambot na pumatong sa mga hita ko. I saw him placing the towel on my thigh before looking at me. Lumapit siya nang kaunti sa akin at bumulong sa tainga ko, "Nilagay ko yung towel kasi baka masilipan ka. Ayos lang bang ipatong ko ang kamay ko? Baka kasi liparin pero ayos lang kung ikaw na-"
"N-No. I think that's fine."
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at naramdaman ko nalang na pinatong niya na ang kamay niya sa hita ko. I bit my lower lip. Why I feel so special? Ito lang naman ang ginawa ni Anglo but I feel safe.
Nang makarating na kami sa palengke ay pinauna niya na naman akong bumaba. I scanned the whole place. There are a lot of stalls outside of the market and I even saw some children playing with the balloon. Hinawakan ni Anglo ang kamay ko at giniya ako papasok. Nasa kaniya ang gamit at wallet ko dahil sinabi niya sa aking baka madukutan daw ako kapag ako ang naghawak non.
I don't know what madukutan means, I just let Anglo do what he wants. Nakasunod lang ako sa likod niya habang hawak-hawak niya ang kamay ko. He told me that I should buy clothes for me. Hindi ko alam kung anong klaseng damit ba ang dapat kong bilhin? Should I buy clothes according to my schedule when I'm in our mansion or no?
Magtatanong nalang ako mamaya kay Anglo.
Tumigil kami sa isang tindahan. Binitawan ni Anglo ang kamay ko at tinitigan ang mga damit. Hinawakan ko iyon at napakunot ang noo ko. It's so manipis. Ganito ba talaga rito?
I let Anglo pick clothes for me. Akmang babayaran niya na iyon nang bumulong ako sa kaniya, "I think the shirts are all manipis."
He looks frustrated when he faced me, "Normal lang 'yan dahil mura ang gamit dito. Masarap namang isuot ang mga 'yan."
I just mimicked what he said then we continue to buy things that I need. Kumunot ang noo ko nang makita ko siyang pumipili ng mga short. Is that short short? Why is it so short even though we call it short?
"Hey, isn't that a little bit too short?"
He just looked at me then he pays for it. I don't know how many short he bought for me. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at nagpatuloy kami sa paglalakad, "Uso 'yong binili ko. Kasama mo naman ako lagi, hindi ka mababastos."
Imbis na matuwa sa sinabi niya ay tumaas ang isa kong kilay. How can he say that the short is trendy? So, tinitigan niya ang mga shorts ng mga babaeng nakikita niya sa daaan?
Nilingon niya ako at ginulo ang buhok ko, "Hey! Stop doing that!"
"I know what's in your mind. Sinasamahan ko kase si Bella bumili lagi ng ganoon tuwing pumupunta kami sa palengke."
Pinili ko nalang na hindi magsalita hanggang sa makauwi kami sa kanila. We bought a lot of stuffs for me including my undergarments, shorts, shirts, pants, tops, shoes, and even sandals. He told me that I should wear slippers but I'm not immune of wearing that kind of footwear. I prefer the sandals. It's easy to use though.
Naligo ako nang makapagpahinga ako dahil pinagpawisan talaga ako nang nasa palengke kami. That's my first time going to the market, mainit pala roon. I thought there's an air-condition but I'm stupid to think that there is one.
Hindi namin kasabay si Anglo nang maghapunan kami dahil may trabaho raw siya kay Mang Lito. I don't know that man but he told me that he's the one who talked to us before. At iyon pa ay 'yung araw na sinabi ni Anglo na ako ang pinsan niyang si Christina.
Lol.
Do I look young ba?
Is that even a compliment?
Nakatulog ako nang maaga at nagising nalang ako nang may yumugyog sa akin. I saw Anglo's face and he's smiling at me while holding a box. Ibinigay niya iyon sa akin kaya nagtataka akong tinitigan iyon.
May nagpadala ba sa akin?
Wala namang may alam na nandito ako.
"What's this?"
"Buksan mo."
I just rolled my eyes before opening the box. I saw a bouquet of flowers. It's tulips. Taka kong tinitigan si Anglo habang hawak-hawak ang bulaklak. Para saan ito?
"Binibigay mo 'to sa akin?" He nodded from what I ask.
"T-Thank you." Nilagay ko ang bulaklak sa gilid ko. Bakit niya ako binigyan ng ganito? I mean, ayos lang naman pero para saan? Nilingon ko si Anglo at nakita ko siyang unti-unting nilalapit ang mukha sa akin.
What is he doing?!
Naramdaman ko nalang na lumapat ang labi niya sa akin kaya napapikit ko. I felt his soft lips slowly kissing my lower lip when I-
"ATE SASA! BANGON KA NA PO!"
"Oh my fucking gosh!" Hawak ko ang dibdib ko nang bumangon ako sa pagkakahiga. I wandered my room. I saw the confuse look on Anglo and Lily's face.
It's a dream.
A fucking dream!
"Ayos ka lang ba?" Akmang lalapit sa akin si Anglo upang hawakan ang noo ko nang lumayo ako sa kaniya habang hawak ang kumot. Tinitigan niya ako na para bang nababaliw na ako. Totoong nababaliw na ako. Bakit ko 'yon napanaginipan?
And worst sa kaniya pa!
Wala rin naman kaming relasyon, "I-I'm fine. I just need water." Tumango siya sa sinabi ko at lumabas para ikuha ako. What the hell was that?
"Ayos lang po kayo, ate Sasa?"
I nodded, "Yes. Nightmare lang, Lily."
Seriously, Savitri? Nightmare?
"Pupunta ka po?"
"Huh? Saan?"
Nag-ayos ako ng buhok ko bago ayusan si Lily. Ita-try kong gawin sa buhok niya ang laging ginagawa sa akin ni Aling Lorna noong bata pa ako. Siguro kaya ko naman magtirintas. I started to divide her hair into two, "Maglalaro po si Kuya ngayon sa court ng basketbol. Pustahan daw po ata tapos kung sino po manalo may premyo."
Kumunot ang noo ko, "Ganoon?"
Athletic pala si Anglo. I never thought that he would try those things. Ang akala ko ay puro trabaho lang siya.
"Anong oras yung laro?"
"'Di ko po alam eh. Tanong niyo po si Kuya."
Umalis na si Lily sa harapan ko nang matapos ko siyang ayusan. Hmm. Pupunta kaya ako? It's so boring in here naman if wala akong kausap. I think I should socialize with someone na para may makausap naman ako tuwing wala si Anglo.
I can't deal with Bella. I think she has an attitude.
Hinatid na ni Anglo si Lily sa kaniyang eskwelahan habang pinapanood ko ang nanay niyang magluto ng bananaque. Simula bata palang daw sila ay ito na talaga ang hanapbuhay nila kaya nakapag-aral si Anglo hanggang highschool at sa tulong ng magulang ko.
"Dati sa eskwelahan ni Anglo, madalas siyang kasali roon sa mga naglalaro. Sports club ata iyon. Sumali siya sa varsity."
"Oh? I think he's a good player."
Lumingon sa akin si Tita Miriam at ngumiti, "Sinabi mo pa."
I helped Tita Miriam to arrange the basket of bananaque. Marami-rami rin siyang nailuto kaya mahihirapan siyang magbenta non. Sa uling din sila nagluluto. Tignan ko palang ang ginagawa niyang pag paypay para maluto ang mga saging ay nahihirapan na ako. They should buy a stove.
"Ayaw niyo pong bumili ng kalan?"
"Mahal masyado, hija. Gusto namin syempre pero hindi kaya ng budget."
"Ibibili ko ho kayo."
Nanlaki ang mata nito dahil sa sinabi ko, "Nako, Savitri, hindi na-"
"Ma! Alis na ako, aga pala ng laban." Sabay kaming napalingon ng nanay ni Anglo sa pinto nang magsalita siya. Nakasuot na siya ng jersey ngayon habang may towel sa balikat niya. Kanina nong umalis siya ay hindi naman ganiyan ang suot niya? Saan siya nakakuha noon?
"Saan galing ang uniporme mo, anak?"
"Ah ito, kay Henry 'ma. Pati itong sapatos sa kaniya rin," Tumango lang si Tita sa kaniya at nagpatuloy na sa pag-aayos ng bananaque sa basket, "Sige na 'ma. Alis na ako."
"Sige, anak, ingat ka!"
Anglo's about to lock the door when I ran towards him, "Hey. Sama ako."
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Ang hilig niyang tignan ako nang ganoon. Ano bang meron? Naiinsulto ako sa tuwing ginagawa niya iyon. Parang hinuhusgahan niya ang pagkatao ko!
"Suot mo jacket ko. Masyadong maiksi short mo." Nagsimula na siyang maglakad papalayo sa akin. Kinuha ko ang jacket niya sa likod ng pintuan bago iyon sinuot.
I smiled. Ayaw niya naman palang maiksi ang suot kong short pero ito ang ibinili niya sa akin. So weird.
Sumunod lang ako sa kaniya sa paglalakad hanggang sa makarating kami court. Malayo pa kami sa gate ay rinig na ang hiyawan ng mga tao sa loob. Pati sa labas ay masyadong maraming tao na rin. This is my first time watching a liga. Ganito pala rito. Akala ko ay piling mga tao lang ang makakanood.
Nahalo ako sa ibang mga tao kaya nawala sa paningin ko si Anglo. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko makita ang pigura niya, "Anglo! Where are you? Anglo!"
Tinignan na ako ng ilang mga tao dahil sa pagsigaw ko. I stopped from shouting, nahihiya ako. Halos lahat sila ay nakatingin sa akin.
May grupo ng mga lalaking tumakbo sa gilid ko kaya nabangga nila ako dahilan nang pagkatapilok ko, "Ahhh-"
Before I landed on the ground, someone caught my waist. I saw a guy looking at me, halata sa mukha niya ang pag-alala. Tinatapik ko siya sa kaniyang balikat upang itayo na ako pero titig na titig pa rin siya sa mukha ko.
"Uh, thank you. You can let go of me na."
"S-Sorry, by the way, I'm Henry." He extended his hand before smiling at me. Kinuha ko ang kamay niya at ngumiti rin tanda ng pagpapasalamat ko sa pagsalo niya sa akin. Nang hindi niya pa binibitawan ang kamay ko ay ako na ang kusang nagkuha non.
"Sorry ulit. Hehehe. Sige alis na ako." He scratched his nape while looking on the ground. Tumalikod na siya sa akin habang may hawak na bola sa kanan niyang kamay nang lumingon siya ulit sa akin, "I think you're cute, Miss!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top