Chapter Thirteen

Chapter Thirteen

Nakaupo ako malapit sa pwesto ng teammates ni Anglo. Nalaman ko ring kaibigan niya pala ang lalaking sumalo sa akin kanina nong natapilok ako. I forgot about the thing na sinabi niya sa amin nong nasa bahay nila kami. He told us that the jersey he's wearing is from Henry; Even his shoes.

I think he's nice naman kaso feel ko malandi.

Napapalibutan ako ng ilang mga lalaki kaya hindi ko mapigilang mahiya. Tinititigan din nila ako na para bang bago lang ako sa paningin nila at dumayo lang para manood dito though that's true na dayo lang ako rito pero hindi naman nila ako kailangang titigan na para bang hinuhusgahan nila ang pagkatao ko.

Pare-parehas silang lahat. Ganyan din tumitig sa akin si Anglo.

Speaking of Anglo, he's a great player. Three point shooter din ang loko kaya tinitilian ng mga babae. I'll admit that Anglo is handsome, more handsome than Zach actually. Kaya siguro ganito na lamang siya tilian ng mga babae rito.

"Ang galing talaga niya, 'no? Buti at naisipan niyang maglaro."

"Sinabi mo pa, Louise. Pero kay Henry ka na, 'di ba?!"

Kahit walang sinabing pangalan 'yung Louise na 'yon ay tingin ko si Anglo ang pinag-uusapan nilang dalawa. Nilingon ko sila ng bahagya pero nakita nila akong nakatingin sa kanila kaya tinaasan ako ng kilay nang isa.

Mabilis kong inilayo ang mata ko sa kanila dahil ayoko ng away. Lol, I'm not immune with that. Si Mike nga lang lagi ang inaaway ko pero ngayon hindi na dahil hindi ko na siya nakakasama.

I miss my cousin.

Lumingon ako sa court nang pumito ang referee. Anglo faced me and he motioned me the 'T' sign. Ah, time-out.  Tumatakbo siyang lumapit sa akin habang pinupunasan ang kaniyang pawis.

"Hala! Tumatakbo siya rito, be!"

"Henry, halika rito!"

Mabilis na nakarating sa harap ko si Anglo kaya ibinigay ko sa kaniya ang tumbler niya. Nawala ang tilian ng mga babae kaya nilibot ko ang paningin ko. Halos lahat sila ay nakatingin sa amin habang gulat ang ekspresiyon sa kanilang mukha.

Bakit ganito? Sikat ba rito si Anglo?

"Salamat, malapit na matapos kaya makakauwi na tayo."

"Uh sure, galingan mo."

Ngumiti lang sa akin si Anglo at bumalik na sa court. Umingay na ulit sa bandang likuran ko at pinag-usapan kaming dalawa.

Hindi ako sanay sa atensiyon na ibinibigay nila sa amin.

Pinagsawalang bahala ko nalang 'yon at nagpatuloy sa panonood. Nakikita ko ring napapatingin sa gawi ko yung Henry kaya 'di ko mapigilang kumunot ang noo ko. Does he have a girlfriend here? Iyong nasa likod kong babae siguro ang girlfriend niya.

"Whooo! Galing mo, Jelo!"

"Ang galing mo, Anglo!"

Tumayo na rin ako sa pagkakaupo ko nang pumito ang referee hudyat na tapos na ang laban. Panalo sila Anglo. Tinitigan ko muna siyang nakikipag-usap sa ilan niyang mga teammates that's why I decided to sit again.

Naramdaman ko nalang na may kumalabit sa akin kaya lumingon ako kung sino 'yon. I saw the girl who's shouting a while ago.

"Yes?"

Nagdadalawang isip pa siya kung itutuloy niya ang sasabihin niya base sa kaniyang reaksiyon. Humarap pa ako lalo sa kaniya habang nakangiti for her to know that I won't bite unless she says so.

"A-Ano kayo ni Anglo?"

She pointed Anglo who's currently walking towards me right now. I faced her while still smiling, "He's my boyfriend. Why?"

"Ah. Ganoon ba? Pinapatanong kasi ng kaibigan ko. By the way, I'm Louise and thank you." Tinalikuran niya na ako at hinabol niya ang kaibigan niyang naglalakad na ngayon palabas ng court. Anglo poked me with his tumbler. Kinunutan ko siya ng noo dahil doon.

"What's your problem?"

"May kaibigan ka na agad?" He said while pointing that girl Louise. I just shrugged my shoulders then he held my hand while we're walking. Binabati niya ang ilang nakakasalubong niya habang ako ay nginingitian lang ang mga 'yon.

I don't know them that's why I don't know how to react. Should I smile at them always or should I just ignore them?

"So, magkano 'yung prize?"

Nilingon niya ako saglit bago uminom sa tumbler niya, "Two thousand. Bakit? May gusto ka bang bilhin-"

"Two thousand?! Iyon lang?"

He stared at me as if I asked something wrong. Maliit lang 'yon. Bakit naman ganoon lang ang premyo? Or ganoon lang talaga kapag... liga?

"Anong 'lang', Savitri? Ayos na nga 'yon. One fifty kada player."

Hindi nalang ako umimik dahil sa sinabi niya. I feel so guilty. Dati, lagi kong inuubos ang bigay sa akin nila Mom and Dad na pera tuwing buwan. When I'm with Mike naman hindi niya ako pinapagastos pero iba kase yung akin. I'm wasting fifty thousand in just one day.

Naaawa ako kila Anglo.

Dati lahat nakukuha ko sa isang iglap samantalang 'yong ibang tao pinaghihirapan talaga nila. Bilog talaga ang mundo, hindi mo alam kung kailan ka mapupunta sa ibabaw o lagi ka nalang bang nasa ibaba.

"Nagugutom ako. Maghahapunan na rin naman kaya bili nalang tayo ng ulam. Ano bang gusto mo?"

"I don't know what you call it but I want the food that you gave me when you kidnapped me," lumingon pa siya sa taas na tila nag-iisip nang sabihin ko 'yon.

Gusto ko 'yon. Iyong pinatikim niya sa akin nong oras na 'yon. Hindi ko lang alam kung ano ang tawag but I find it interesting to eat— weird pero ang sarap.

"Sardinas ba pinakain ko sa'yo non–"

"Yes! That one!"

Mukhang nagulat pa siya sa reaksiyon ko kaya minabuti ko nalang na manahimik dahil baka isipin niyang nababaliw na ako. I looked excited when I said that. I looked so dumb.

"Sige, dito ka lang. Bili ako saglit."

Lumayo siya sa akin nang kaunti at pumunta sa tindahan malapit sa amin. I'm here now at the waiting shed waiting for jeeps to arrive. Halos lahat ay punuan kaya hindi ko mapigilang mag-alala kung makakauwi ba kami kaagad.

"Hey,"

I looked beside me and I saw Bella. Base sa kaniyang itsura ay halatang galit na galit siya.

Galit siya?

Sa akin ba?

"Hey, why–"

"I heard the gossips. Maliit lang ang bayan na 'to kaya kahit nasa bahay ako ay alam ko ang ginawa mo. Pinangalandakan mo lang ba sa lahat na boyfriend mo si Anglo?"

My forehead creased upon analyzing what she said. Uh, may mali ba sa nagawa ko? That's the right thing to do naman 'di ba if may boyfriend ka?

"Yes? Is there any problem about that?"

"Of course! Halos lahat ng taga-rito ay alam na gusto ko si Anglo pero bakit parang isinigaw mo sa lahat na sa'yo siya?!"

Hindi ko mapigilang mabigla sa sinabi niya. As far as I know ay wala naman silang relasyon ni Anglo that's why I don't know why she's acting like this. Na para bang sa kaniya lang si Anglo when in fact Anglo told me that he only see her as his sister.

What the fuck is her problem with me?

"Uh Bella, we already talked about this, right? Alam mo namang hindi totoong kami ni–"

She slapped me. So hard. Nabaling ang atensiyon ko sa iba. Nilingon ko siya habang hawak-hawak ang pisngi kong sinampal niya.

Baliw ba 'to?

"How could you–"

"Yes! Deserve mo 'yan!"

Nilingon ko ang paligid at maraming mga taong nakatingin sa amin ngayon. I don't want to cause a scene that's why I decided to calm myself. I looked at her while smiling, "Look Bella, I don't know if you're crazy or not but as far as I know; there's nothing going on between the both of you–"

"How dare you?!"

Akmang tatalikod na ako sa kaniya nang maramdaman kong hinila niya ang buhok ko.

"Oh my gosh! What are you doing? Let me go!"

I keep on defending myself while she's slapping me so hard. Nakapatong siya ngayon sa akin at wala ni isang taong nagtangkang awatin kami. Seriously, what's wrong with these people?

"'Wag mo akong ma-english english diyan dahil kaya ko rin 'yan!"

Parang hindi ko maramdaman ang mukha ko nang patuloy niya pa rin akong sinasabunutan. I tried to snatch her hair too but I couldn't. Masyadong malayo ang buhok niya sa akin.

"Bella! Avi! Ano ba?"

Naramdaman ko nalang na may naghiwalay sa aming dalawa at doon ko lang nahawakan ang buhok ko. I feel so tired, hinawakan ko ang mukha ko at naramdaman kong may kalmot iyon. I looked at Bella and she's fuming mad while Henry's holding her.

"Ano bang problema niyong dalawa?!"

"Siya! Malandi 'yang babaeng 'yan!"

Taka kong tinitigan si Bella nang sabihin niya 'yon. Ako pa? Ako pa ang malandi ngayon? Siya nga 'yung nagkakandarapa kay Anglo tapos ako ang sasabihin niya ng malandi? And she even hurt me! Kahit ang magulang ko ay hindi pa ako nasasaktan ng pisikal.

Tanging siya lang na hindi ko pa kilala!

"Are you nuts? Anglo's my boyfriend. Stop dreaming!"

"Tama na. Tumigil na kayong dalawa. Umuwi na tayo."

Mabilis akong hinila ni Anglo palayo at sumakay sa jeep na huminto sa amin. Good thing that we're only the passenger in the jeepney. Walang nakakakita sa magulo kong mukha.

Hinawakan kong muli ang mukha ko at naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa mata ko. I'm not sad. I'm just so disappointed with myself because I let someone touch me. I let someone hurt me physically.

Anglo looked at me halata sa mukha niya ang pag-alala. Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako sa mga mata ko, "Let's talk later. Mali rin ang ginawa mo."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at lumingon sa malayo. Anong mali sa ginawa ko? Mali bang ipagtanggol ko ang sarili ko?

Tears started to flow again on my face. I feel so weak.

It's like... there's no one on my side. Defending me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top