Chapter Sixteen

Chapter Sixteen

"Gosh Savitri, why did you said that?!"

Para akong tangang kausap ang sarili ko sa salamin. Naiinis ako. Did I just really confessed my feelings about him?

Wait.

He told me that he likes me too.

Totoo kaya 'yon?

"My gosh! What have you done to me, Anglo?"

Pabagsak akong humiga sa kama ko at tinitigan ang kisame. Napahawak ako sa aking labi nang maalala ko ang ginawa niya sa akin kanina. Anglo kissed me and worst is I didn't protest!

Pero ang lambot nang labi niya.

Iniling ko ang aking ulo at nagpagulong-gulong sa kama. Kung makaasta ako ay parang teenager ako na kakaamin lang sa kaniyang crush. Bakit ako ginaganito ni Anglo? He just told me that he likes me and kissed me without him giving me a hint!

Hint?

Kailangan bang magbigay ng hint kapag hahalikan mo ang isang tao?

"Ahhhhhhh! This is so frustrating!"

Hinagis ko ang unan ko sa pintuan at nabaling ang tingin ko sa maleta ko. Aalis na ako bukas. Pero bakit ganoon? Parang ayoko. I wanna stay here. Dahil ba sa paghalik sa akin ni Anglo kaya gusto kong manatili rito?

But how about my mom? My dad? Mike? My friends?

I shook my head. Kailangan kong umalis bukas dahil yung matagal ko ng hinihintay ay magiging akin na kapag umuwi ako. Ang Savi. My mom told me that I should try publishing company bago niya ipahawak sa akin ang kumpanyang matagal kong minimithi nang magtapos ako ng college.

At the same time, ayokong iwan ang pamilyang 'to. Ang pamilyang tumulong sa akin na iwan pansamantala ang buhay na nakasanayan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at dali-daling tinext si Mike.

To: Mike

Pick me up tomorrow night. I'll send you my location.

Pinatay ko agad ang cellphone ko nang makitang na-send ko na iyon kay Mike. Kinuha ko ang unan kong hinagis sa pintuan at ibinalik 'yon sa aking kama. I sighed. I need to talk to Anglo. Nang sabihin niya kase iyon sa akin kanina ay basta ko nalang siyang tinulak palabas nitong kwarto.

Pinihit ko ang doorknob ng kwarto ko at naabutan kong madilim na sa sala nila. Mukhang tulog na ata sila. Tinignan ko ang orasan at nakitang pasado alas diyes na ng gabi. Akmang papasok na sana akong muli sa kwarto ko nang may narinig akong nagsalita.

"Gising ka pa ah."

I looked at Anglo and I saw that he's standing few inches away from me while holding a glass. Nagkakape ata.

"Yeah," sandali akong lumingon sa paa ko bago lumingon muli sa kaniya, "We need to talk."

"Tungkol?"

Taka ko siyang tinitigan dahil sa sinabi niya. Seriously? Wala lang ba sa kaniya ang sinabi niya sa akin kanina? Kung umasta siya ay parang hindi siya umamin sa akin!

Lol, I confessed too.

"About earlier. We need to talk about that."

Tumango lang siya sa akin at lumabas na ng bahay nila habang hawak-hawak pa rin ang baso niya. Sinundan ko nalang siya hanggang sa nakarating kami sa likod ng bahay nila. Umupo siya sa isang bangko at tumingin sa akin, "Upo ka rito." Itinuro niya pa ang katabi niyang pwesto.

Nakayuko akong sinunod ang sinabi niya at umupo na rin.

"Kung nagtataka ka sa sinabi ko tungkol sa'yo, totoo 'yon. Walang halong biro 'yon, Savitri. Gusto kita."

Mabilis ko siyang tinignan sa sinabi niya, "Are you sure?"

Sumimsim muna siya sa basong hawak niya at tumango sa akin, "Oo naman-"

"Hindi kita gusto."

Halata sa mukha niya ang gulat nang sabihin ko 'yon. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Nanlalambot ako sa tuwing tinititigan niya ang mga mata ko. Ibang-iba na ngayon dahil inamin niyang gusto niya ako.

"Pero sabi mo kanina-"

I cut him off again, "That's not true. Nasabi ko lang 'yon dahil naiinis ako sa'yo. Na-pressure ako sa kakatanong mo sa akin na kung bakit galit ako when in fact ay hindi naman. Hindi kita gusto, Anglo. I'm sorry but the feeling's not mutual."

Hindi ko alam kung anong itsura niya sa sinabi ko ngayon. As much as possible, I don't wanna see his face. Panigurado ay paulit-ulit kong sasabihin na gusto ko siya kapag nakita ko ang mukha niyang nasasaktan dahil sa mga sinasabi ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at naglakad na muli papasok sa bahay nila. Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. I saw him looking at his feet, "Another thing, ayoko nang ginawa mo sa aking paghalik kanina but let's just forget about that one. Aalis na ako bukas, Anglo, mawawala rin 'yan."

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.

Mabilis kong sinarado ang pintuan at hinawakan ang dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Namalayan ko nalang na may pumatak na likido sa kamay ko nang maramdaman ko itong nabasa. I gently touched my face and I realized that I'm crying.

I like Anglo. I don't know when but one thing is for sure, I like him. Ayokong gawing komplikado pa ang sitwasyon namin kaya hindi ko sinabing gusto ko siya. I denied because I don't wanna get hurt. Zach cheated on me and he doesn't know that I knew it already.

I need to talk to Zach first but I don't know if Anglo would still like me once I finish my business with Zach. Napaupo ako sa sahig habang sapo-sapo ang dibdib ko.

Mali rin 'to. I'm engage, kahit na sabihin nating may mali si Zach ay hindi magiging tama ang pagkakamali niya kapag ginantihan ko siya. Anglo's feeling towards me is genuine. I don't wanna see him crying just because I still have unfinish business with Zach.

Pinunasan ko ang luha ko sa magkabila kong mata at dumiretso na sa kama ko upang matulog. Nakatingin lang ako sa kisame magdamag at parang hindi ako dinadalawan ng antok.

I'm thinking about Anglo. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Siguro naman ay makakalimutan niya ang nangyari sa amin dahil saglit lang naman kaming nagkasama 'di ba? Or no? Gosh, mababaliw ako kakaisip kay Anglo!

Nagising nalang ako nang maramdaman kong tumatama sa mukha ko ang sinag ng araw. Bumangon ako kaagad at inayos ang higaan ko bago nagtungo sa labas.

I saw Tita Mirriam placing the plates on the table while Lily is holding her spoon and fork both with her hands. I smiled, I'll surely miss Lily once I leave this house.

Dumako ang tingin sa akin ni Lily at nanlaki ang mata niya nang makita ako, "Ate Sasa!"

Tumakbo siya papunta sa akin at nagpakarga kaya natawa ako. Nakayakap sa akin si Lily hanggang marating ko ang lamesa nila, "What's wrong, Lily?"

"Ayan, sinabi ko kase sa kaniya na aalis ka na kaya malungkot 'yang batang 'yan. Magmamadali raw siyang tapusin ang homework niya para makauwi siya agad ng hapon." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Tita Mirriam. I caressed Lily's hair while thinking about what would happen later.

Buti nalang at gabi ako magpapasundo kay Mike.

Bumaba na si Lily sa pagkakakarga ko sa kaniya at tumingin sa akin, "Iiwan mo na kami, ate Sasa?"

"Not totally, I'll visit you soon. Dadalhan kita nang maraming chocolates and toys, gusto mo 'yon?"

"Yes po, yes po! Thank you, ate!"

Lily immediately hugged me when I said that. Niyakap ko rin ito pabalik at umupo na sa upuan upang kumain. I scanned the whole place. Wala si Anglo.

Baka pinapakain naman si Tito Noel?

"Tita, nasaan po si A-Anglo?"

I even stutter while saying his name. Damn him!

"Nandoon kila Lito, nagtatrabaho ata. Nakapagpaalam ka na ba sa kaniya?"

I looked at Tita Mirriam and nodded. Mabilis akong kumain ng pagkain para hindi na ako maabutan ni Anglo. As much as possible ay ayoko siyang makita. Baka 'pag sinabi niyang 'wag ako umalis ay hindi talaga ako aalis!

I'll definitely miss him.

Even though he's not that showy, I know that he cares for me.

"Anong oras ka ba susunduin, hija? Baka hindi ka na maabutan ni Anglo dahil doon na raw siya kila Henry maghahapunan."

Naibaba ko ang kutsarang hawak ko sa sinabi ni Tita Mirriam. Nag-angat ako ng tingin at ngumiti rito, "G-Ganoon po ba? I'll just send him a message po."

Tumango lang ito sa akin at nagpaalam na para dalhan si Tito Noel ng pagkain.

Kila Henry siya kakain mamayang gabi? So, it means na nandoon 'yong Bella na 'yon at sabay silang kakain!

Eh, ano naman? Wala na 'yon sa akin. Bakit ba ako nagseselos?

Nang matapos akong kumain ay dumiretso ako sa lababo upang hugasan ang pinagkainan ko, "Doon siya kakain? Edi go! Wala naman akong pake sa kaniya!"

Para akong tanga dahil kinakausap ko ang sarili ko. I looked at Lily and I saw that she's looking at me while her forehead is creased. I just smiled at her and I mouthed sorry.

Nakakainis, dapat kase ay hindi na sa akin sinabi iyon ni Tita Mirriam.

It's exactly 9 in the morning, mag-aayos na ako at hihintayin ko na lamang na umuwi si Lily bago ako umalis. Ayoko ng makita pa si Anglo, naiinis lang ako sa kaniya lalo.

Alam naman niyang ayoko kay Bella pero dikit nang dikit pa rin siya roon!

Stupid Savitri, we're not in a relationship pala.

"Argh, sana lang ay maagang makauwi si Lily."

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-type ng message kay Mike na sunduin na lamang ako ng hapon. Mabilis akong naligo at naghanap ng maisusuot ko.

I picked a purple coordinates since Anglo bought a lot of clothes that's not in my style. He even bought me a dolphin short or whatsoever! Tss, kay Bella niya pa nalaman ang mga tawag na ganoon. Dolphin short, heck, wala namang dolphin na design ang mga short na binili niya sa akin!

I looked at myself in front of the mirror, maiksi nga pala ang buhok ko. Ano nalang kaya ang iisipin ni Mike kapag nakita niyang ganito ang itsura ko? Bagay naman sa akin pero sa tingin ko ay hindi sila sanay na ganito ang buhok ko.

"Aish, 10 palang."

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa natitirang oras ko rito. Wala naman akong kilala rito. That girl Louise, akala ko pa naman ay magiging kaibigan ko siya. Kinausap niya lang pala ako dahil kay Anglo!

Sobrang sikat siya nang nanonood ako ng laban nila sa court. Maraming babae ang tumitili kapag nakaka-shoot siya. Anglo's not rich but he has the looks! Kahit na wala siyang pambili nang mga damit na bagay sa kaniya ay bagay pa rin sa kaniya ang mga damit na mayroon siya.

Nakapangalumbaba akong nakatingin sa bintana ng kwarto ko nang may narinig akong boses sa labas. Mabilis akong tumayo at binuksan ang pintuan ng kwarto ko pero sana ay hindi nalang dahil nakita kong nasa pintuan si Bella at Anglo habang hawak-hawak ni Bella ang braso nito.

Hindi ko masyadong naririnig ang usapan nila pero may narinig akong nakapagpainis pa lalo sa akin, "Hindi naman kayo, 'di ba? Aalis na siya kaya pwede na tayong dalawa—"

"Bella, sinabi ko na sa'yo na—"

Hindi natuloy ni Anglo ang sasabihin niya dahil mabilis siyang hinalikan ni Bella sa labi. Nanlaki ang mata ko kaya mabilis akong pumihit patalikod pero nakalimutan kong naisara ko nga pala ang pinto kaya nauntog ako rito.

"Ouch," hinawakan ko ang noo kong tumama sa pinto at napalingon sa gawi nila Anglo dahil ramdam kong nakatingin sila sa aking dalawa.

Agad kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at ni-lock iyon kaagad. Narinig ko pang tinawag ni Anglo ang pangalan ko pero wala na akong pakialam!

"This is bullshit!"

Pabagsak akong umupo sa kama ko at ginulo ang buhok ko. Tears welled up in my eyes. Bella kissed her, kung hindi pa ako nauntog ay siguradong tumugon na siya roon. I felt that my throat is closing up, tila nahihirapan akong huminga dahil sa nakita ko.

"Savitri, buksan mo 'to!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at mabilis na kinuha ang cellphone ko para i-text si Mike.

To: Mike

Pick me up now. Please.

My hand is trembling when I dropped my cellphone. A great sob escaped me, and I covered my face with shaking hands. Hindi ako umiiyak dahil aalis na ako but I'm crying with the thought that someone kissed him.

Anglo's not even mine that's why I don't have the rights to stop him to do the things that he needs the most.

"Savitri!"

Bumukas nang malakas ang pintuan ng kwarto ko and I saw him. I think he was taken a back from what he saw because he couldn't move. Kung makakakita rin ako ng babaeng umiiyak at sabog-sabog ang itsura ay talagang magugulat ako.

Kalaunan ay bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko, "I'm sorry—"

"Leave me alone! I don't wanna see you anymore!"

Tinulak ko siya nang malakas pero hindi pa ata iyon sapat dahil nanghihina ako ngayon. Nang mapagod ako ay tumigil ako sa pagtulak sa kaniya at namalayan ko nalang na niyakap niya ako. I sobbed in tears when he did that, it feels like I'm on cloud nine.

He hushed me by caressing my back while whispering something to me, "L-Leave me alone..."

"Hindi ko kaya. Let me hold you for a while, Avi."

Naririnig kong tumutunog na ang cellphone ko, panigurado ay si Mike na iyon. Hindi ko iyon pinansin at hinayaan lang si Anglo na yakapin ako.

"Wala akong pake kahit hindi mo ako gusto. Hindi ako hihingi ng tawad sa paghalik ko sa'yo pero tandaan mo na hindi rin kita bibitawan kahit na sinabi mong ayaw mo sa'kin. I'll court you, okay? Kahit malayo ka sa akin, I'll try to go to your place. Ngayon ko nalang ulit 'to naramdaman nang iwan ako ni Louise. I just want a chance, Savitri."

I'm looking at him while he's saying those words. I can feel the sincerity in his voice when he said that, "Hahayaan kitang umalis ngayon pero hindi ibig sabihin non na sumusuko na ako sa'yo. Sagutin mo na ang tawag, ihahatid kita."

He was about to let go of me when I pulled him towards me to kiss him. Halata sa mukha niya ang gulat nang gawin ko iyon pero hindi ko nalang pinansin at pinikit ko ang mga mata ko upang palalimin ang halik.

I breathed in the chilly, salty air while my eyes are closed. I lightly gasped when I felt that he's already responding with my kisses. I think that he already regained his composure. I smiled with the thought. Although it was gentle, like rain, it struck me like lightning.

I put my hands on his shoulder to feel him more. He stopped kissing me and looked directly in my eyes while we're catching our breath, "W-What was that?"

I just smiled from what he said and kisses him again. Hindi ko na pinansin ang paulit-ulit na pag ring nang cellphone ko.

I'm sorry, Mike.

It looks like I'll stay here for a while.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top