Chapter Six

Chapter Six

Iginalaw ko ang katawan pero naramdaman kong naninigas 'yon. What the heck? Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili kong nasa--- wait. What the hell is this place?

Hinila ko ang kamay ko at nagtaka ako nang may narinig akong tumunog.

Nakakadena ang kamay at paa ko.

"Help! Help me!"

I want to get rid of the chain that's why I forced myself to stand up but it's useless. Ang nakikita ko lang ay maruming kwarto na may iba't ibang klaseng gamit na hindi ko naman alam kung ano ang tawag.

I even saw a lot of bruises on my legs. Tila natalisod o kagat ng mga insekto ang itsura non.

I don't know what happened. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Sumasakit din ang ulo ko tuwing iniisip ko 'yon. I want to rest my eyes but napadilat ako nang bumukas nang malakas ang pintuan.

I saw a man wearing a black t-shirt and I think that he used a t-shirt too to cover his face.

"Who are you?"

Hindi siya sumagot sa sinabi ko at inilapag niya lang sa harapan ko ang isang pinggan na may kanin at hindi ko alam kung ano ang ulam na 'yon. It's like a fish with some red sauce? I don't know.

Akmang aalis na siya nang magsalita muli ako, "I said who the fuck are you?!"

Saglit siyang lumingon sa akin at nagsalita, "Huwag mo ako pagtaasan ng boses. Hindi ako bingi."

I raised my eyebrow from what he said. Kung ayaw niyang sigawan ko siya, dapat sagutin niya ako sa tanong na gusto ko malaman ang sagot! Lumapit siya sa akin at bahagya akong napaatras nang isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

"M-Move."

Hindi ko man nakikita ang buong mukha niya pero alam kong nakangisi siya ngayon dahil sa paniningkit ng kaniyang mata. What the hell is his problem?!

"Why am I here? Are you one of those crazy guys who's after my parents money?"

"Hindi."

Saglit akong napaisip dahil sa sinabi niya. Hindi pwede 'yon. Ang magtatangka lamang na gawin ito ay ang mga taong walang ibang iniisip kung hindi paano makakuha ng malaking pera sa madaling paraan. Why can't they just find a job? Why do they need to kidnap some random people?

"Idiot. Do you think that I would believe you?"

"Hindi."

Nainis ako dahil sa sinabi niya kaya pwersa kong hinila ang kadena sa kamay ko pero mas lalo lang akong nasaktan dahil sa malakas na epekto non. I looked at my hand. Bakat ang pagkakahila ko ng kadena.

"Huwag kang magaslaw. Kumain ka na, mag-uusap tayo mamaya."

"Let's talk now."

Tinitigan niya ako na para bang isa akong alien na nagsasalita. I know that this attitude of mine is wrong. Delikado ang buhay ko rito yet I still manage to talk back. Ayoko namang pahirapan niya ako ng wala akong ginagawa para maipagtanggol ang sarili ko!

"Bakit ba ang kulit mo?"

"If my Dad noticed that I'm not--"

"Dalawang araw kang tulog. Hanggang ngayon wala pa sa balitang hinahanap ka."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Dalawang araw? That's insane! Nagpumiglas ako nang nagpumiglas pero wala iyong dulot na maganda sa sitwasyon ko ngayon. Mas nanghina ako dahil sa ginawa ko. Stupid, Savitri!

What have you done?!

Hindi ako makaisip ng paraan kung paano ako makakatakas dito. Based from the chains, tila ba napakatibay non dahil napaka-kapal ng mga kadena. Siguro kahit lalaking sobrang tikas ang katawan ay hindi rin kaya umalis dito.

"Why am I here? Anong kailangan mo sa akin?"

I heard him sigh. Tinanggal niya ang t-shirt na nakaharang sa mukha niya kaya napakunot ang noo ko. What is he doing? I know kidnappers prefer to cover their face rather than exposing it.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mukha niya.

Nakita ko na siya!

Hindi ko lang maalala kung saan.

"Yeah. Ako yung nakabangga mo sa book store."

"So, you're A-Anglo?"

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi dahil sa tinanong ko. I knew it! Siya nga yung lalaking nakabangga ko and nasa akin pa rin hanggang ngayon yung handkerchief niya. Hindi sa tinatago ko yon to keep it for myself, balak ko pa sanang isauli 'yon kaso ngayong nalaman kong siya ang may-ari ay 'wag na lang.

"Anglo. An ji lo."

Napaisip ako dahil sa sinabi niya. I thought it was Ang-lo. Tinitigan ko siyang mabuti. His hair is somehow long but hindi naman gaano. Makapal din ang kilay niya na bumagay naman sa mga mata niyang singkit. I don't want to praise him but he's more handsome than Zach.

Speaking of Zach...

Hindi niya kaya ako hinahanap?

"Kumain ka na. Mag-uusap tayo 'pag balik ko."

Akmang lalabas na siya ng pintuan nang magsalita ako, "Kinadena mo ako, paano ako kakain?"

Saglit siyang natigilan sa sinabi ko at humarap sa akin, "Ah, oo nga pala. Sige, pakakainin na lang kita."

Naglakad siyang muli palapit sa akin at kinuha ang pinggan na may ulam na hindi ko nga alam kung ano ang tawag. Isusubo niya na sana iyon sa akin nang binaling ko sa iba ang mukha ko, "What's that?"

"Sardinas. Kumain ka na, masarap naman 'to."

I slightly open my mouth to welcome the food. Dahan-dahan ko 'yong nginuya at medyo may kaasiman 'yon na parang matamis. Ewan, I can't determine. I'm not familiar with this food kaya hindi ko masabing masarap but it's fine. Lamang tiyan din.

Nanlaki ang mata ko nang may naalala ako.

"Si Bruno!" I exclaimed.

Kinunutan niya naman ako ng noo dahil sa pagsigaw ko. Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata, "My dog! You kidnapped me so I don't know my dog whereabouts!"

"Sorry."

Tumayo siya sa pagkakaupo niya at tumingin sa bintana, "Sinasabi ko sayo, 'wag ka ng sumigaw dahil walang makakarinig sa'yo. Wala akong balak na masama sa'yo or sa pamilya mo. Kita mo naman mahirap lang kami, " He paused for a second then he continue, "Yung tatay ko, nagtatrabaho sa kompanya niyo dati. Alam ko hindi mo siya kilala dahil marami kayong kompanya 'di ba?" Tumingin siya sa akin kaya bahagya akong tumango.

Based from his words and the way he treats me, walang mali. Para bang nakikipag-usap lang ako sa kaibigan ko. Kung wala siyang masamang balak sakin, why did he kidnap me? Kung pera lang naman ang pag-uusapan ay alam kong kayang-kaya akong kunin nila Mom. Ang pinagtataka ko lang ay 'yung sinabi niya kanina. Why they're not finding me? It's not that I'm saying it is safe here pero parang ganon na nga.

"Pinagkakatiwalaan ng mga magulang mo ang Papa ko. Nakapag-highschool ako dahil sa pamilya mo and I'm thankful because of that. Nagbago lahat 'yon dahil sa isang pangyayari. Napagbintangan si Papa na kumuha ng maraming materyales sa kompanya niyo. Alam mo kung ano 'yung nakakainis?"

Hindi ako nagsalita. I think he's mad. Fuming mad. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Alam kong galit siya pero the way he talk, it's very calm. Okay na sana siya kaso maraming kulang. He has the face, pwede siya maging modelo.

"Hindi binigyan ng chance ng magulang mo na makapagsalita si Papa. Binugbog siya ng mga tauhan niyo kaya hanggang ngayon hindi siya makalakad. Tumigil ako sa pag-aaral dahil kailangan kong magtrabaho para mabuhay kami. Nasayo na ang lahat Savitri, isa lang naman ang gusto kong gawin mo."

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mapupungay niyang mata. Parang nang-aakit. Umiling ako dahil sa sinabi ko. It can't be. I have Zach and we're engaged. Hindi pwedeng ma-attract ako sa isang lalaki and worst, sa kidnapper ko pa!

"What do you want?"

"Help me find a job. Alam kong sasabihin mong madali pero ang pangalan ko, pangalan naming lahat, hindi hahayaang magtrabaho sa mataas na kompanya dahil sa impluwensiya ng magulang mo--"

"What do you mean? You're ban-"

"Oo parang ganon kaya hindi ako makahanap ng trabahong maayos. Kapag sabit ang pangalan mo, alam kong may tatanggap sa akin. At isa pa pala, gusto kong malinis ang pangalan ng Papa ko."

Saglit akong napaisip dahil sa sinabi niya. Ayun lang pala. That's easy for sure, alam kong kahit anong hiling ko ay pagbibigyan ako ng parents ko but not in the situation like this.

"How can I do that? Nandito ako-"

"Papakawalan din naman kita. Bukas na bukas 'pag sikat ng araw. Magagawa mo ba ang gusto ko?"

"Of course, alam kong gagawin lahat ng magulang ko ang sasabihin ko."

Saglit siyang ngumiti sa akin at inilahad ang kaniyang kamay. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba 'yon or hindi. Afterwards, inilahad ko rin ang kamay ko. He gently squeezed my hands kaya mabilis kong kinuha iyon pabalik.

"Pasensiya na. Anglo nga pala. Anglo Del Rosario."

I smiled from what he said, "Savitri. Savitri Khan."


NAALIMPUNGATAN ako nang may naramdaman akong humahawak sa buhok ko. Dinilat ko ang mata ko at nakita ko ang isang batang babae, I think she's 7 or 8 years old. I don't know but she looks young. I also noticed that I was no longer chained. May kumot din sa gilid ko at unan.

"Who are you?"

Tinaasan ako ng kilay ng batang babae at tumayo, "Lily po. Ikaw?"

"Savitri-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may biglang pumasok sa pintuan. I think she's her mother. Parang kasing age niya lang si Mom and masasabi kong maganda siya. Wait. Sino nga ba sila?

"Sino po kayo?"

"Nako hija, pasensiya ka na sa ginawa ni Anglo. Patawarin mo sana kami. Kahit anong gusto mo gagawin-"

"Ma!"

Napalingon kaming tatlo dahil bumukas muli ang pinto. I saw Anglo wearing a sando and a bottom short. May dala siyang plastic at hindi ko alam kung ano ang laman non, "Ma naman, ba't nandito kayo ni Lily? Ako na bahala rito."

"Ano ka ba anak! Bakit tinuloy mo pa rin ang plano mo? Alam mo namang walang mabuting maidudulot yan satin."

"I'll help you."

Napalingon sila sa akin nang magsalita ako. Lumapit sa akin ang batang babae at bahagyang pinisil ang mukha ko. I don't know what she's doing but I can feel that my face is stretching, "Lily! Lumabas ka nga!"

Ngumuso si Lily, "Sino siya Kuya? Gerlpren mo?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. How come she knew those things? Miski si Anglo at ang mama niya ay nagulat sa sinabi ni Lily. Nagpaalam sa akin ang mama ni Anglo habang buhat-buhat si Lily.

"Pasensiya ka na sa kapatid ko. Kumain ka na muna, aalis na tayo 'pag tapos mo."

Tumango ako dahil sa sinabi niya at kinuha ang plastic na dala niya kanina lang. Iniwan niya akong mag-isa sa kwarto. I looked at the window outside and the sky is still dark. I think it's 4 am already.

Akmang isusubo ko na ang tinapay nang mapansin ko ang cellphone ko sa di kalayuan. Dahan-dahan akong naglakad papunta ron and I sighed when I opened it. I saw a lot of message including Zach and my parents asking my whereabouts.

My forehead creased when I saw an unregistered number. I opened it and got confused when I read the whole text.

From: 0929339****

Don't ever come back here again. Zach and I are already happy. Die bitch.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top